4. Kantaririt…
- Pagpapakita ng larawan ng mga
hayop
- Pagbibigay ng mga tunog ng
bawat isa.
- Pagkanta ng paborito/napiling
musika gamit ng tunog ng hayop
na napili.
5. Trivia Time
Anong hayop ang
nakikita sa larawan?
Ilarawan ito batay sa
kanyang taas at haba.
Sa anong lugar sa
Pilipinas kadalasan
makikita ang nasabing
hayop.
7. Watch, Look and Listen!
Pagpapanood ng videong,
“Natalo rin si Pilandok”
https://youtube.com/watch?v=1EfTJc_8awl&feature=shar
e
8. Ilarawan si Pilandok bilang isang kaibigan.
Sino ang unang niloko o nilinlang ni Pilandok? Ilarawan.
Ano ang naging reaksiyon ng buwaya nang muli siyang
linlangin o lokohin ni Pilandok?
Ano ang katangiang taglay ng huling hinamon ng karera ni
Pilandok? Naging matagumpay nga ba siya sa ginawa niyang
laban kay Pilandok?
Tama nga ba ang ginawa ni Pilandok sa kaniyang kapwa?
Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo upang manumbalik
ang pananalig ng iyong kapwa sa iyo?
Ipaliwanag ang gintong aral na, “Huwag mong
gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa
9. Panuto: Ibigay ang iyong hinuha sa posibleng kalalabasan ng mga
pangyayaring nakalahad sa ibaba.
Kung magpapatuloy pa rin sa Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa
mga kapwa niya hayop ay…
Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod
nilang pagkikita? Pakakawalan kaya ng buhay si Pilandok ng buwaya…
Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano
kayang mensahe ang nais ipaabot ng mga hayop kay pilandok. Ano kaya ang
naramdaman ni Pilandok sa reaksiyong ipinakita ng kanyang kapwa?
Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay suso at nangako pang magbabago na.
Tama nga ba ang ginawa ni Pilandok na pagtanggap ng kanyang pagkatalo? Ano kaya
ang mangyayari kapag siya nama’y lilinlangin o lolokohin?
Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa
harap ng kanyang mga kapwa hayop, ano kaya ang magyayari kay Pilandok? May
mukha pa kaya siyang ipakita sa kanyang kapwa?
10. Gaano nga ba kahalaga ang
pagbibigay ng hinuha sa isang
pangyayari sa isang sitwasyon?
At paano ito nakatutulong sa
iyo bilang isang mag-aaral?
11. Tandaan!
Ang pagbibigay ng hinuha o hula sa mga
pangyayari sa binasang akda ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng
kasanayang umunawa sa akdang binabasa.
Kapag naunawaan ang nilalaman ng teksto ay
lubos na mauunawaan ang mga detalye kung
kaya’t nakapagbibigay ang mambabasa ng
hinuha tungkol sa kanyang binabasa.
12. Pagtataya:
Panuto: Panoorin, pakinggan at suriin ang kuwentong si
“Pinkaw” at ibigay ang iyong hinuha sa kalalabasan ng mga
pagyayari batay sa akdang napakinggan o nabasa sa
inaakala mong maaaring nangyari sa mga sitwasyon sa
ibaba.
(https://youtube.com/watch?v=krDAe9BojYY&feature=shar
e)
13.
14. Kung nagkataong nasa bahay sana ang kapitbahay na
nagmamalasakit sa pamilya ni Pinkaw nang mangyari ang
pagkakasakit ng mga anak niya …
Kung may kapitbahay sanang tumulong sa mag-iina sa
halip na sabihan lang siyang dalhin sa ospital ang may
sakit na mga anak …
Kung inasikaso agad ng mga doktor at nars sa ospital ang
mga bata nang makarating doon ang mag-ina…
Kung may nagmalasakit agad na dalhin sa pagamutan si
Pinkaw pagkatapos niyang mawala sa katinuan …