1. PAMUMUHAY
NANG WALANG
RABIES
Paano MAIIWASANG magka
RABIES ang ALAGANG
hayop? -
1. Pabakunahan laban sa
rabies ang alagang aso o
pusa simula 3 buwan ang
edad. Ulitin ito kada taon.
2. Bigyan ng masustansyang
pagkain at malinis na inumin
araw-araw.
3. Siguraduhing malinis at
kumportable ang tirahan ng
alaga.
4. Huwag hayaang gumala sa
labas ng bahay ang inyong
alaga.Lagyang ito ng tali
kapag ilalabas.
2. Ano ang mga
SENYALES ng
rabies sa tao?
Pananakit ng ulo
Pagkabalisa.
Takot sa tubig.
Takot sa hangin.
Takot sa liwanag Pagiging
magagalitin.
Pagiging matamlay o
agresibo.
Matinding paglalaway.
ANO ANG RABIES?
Ito ay sakit na puwedeng
makuha ng mga mammals
gaya ng aso, pusa, paniki,
unggoy, at tao.
• Ito ay isang sakit na
nakamamatay.
•Ito ay sanhing rabies virus.
• Naaapektuhan nito ang utak
at walang lunas.
• Naisasalin ito sa iba sa
pamamagitan ng laway galing
sa may rabies na hayop o tao
PAANO NAKUKUHA ang
rabies?
1. Papasok ang virus sa
katawan sa pamamagitan ng
laway ng hayop na may rabies.
Bahagyang magpaparami ang
virus sa lugar ng kagat at
aakyat sa utak.
2. Magpaparami ang virus sa
utak at kakalat sa ibang bahagi
ng katawan gaya ng salivary
glands.
3. Mapapansin ang sintomas
ng rabies sa tao sa loob ng 1-3
buwan.
Ano ang mga SENYALES ng
rabies sa aso?
Nangangagat ng kung anu-ano.
Takot sa liwanag, hangin at
tubig.
Ano ang mga DAPAT GAWIN
kapag NAKAGAT ng hayop?
Huwag kumunsulta sa
albularyo o magpatandok.
Hugasan agad ang sugat ng
sabon at dumadaloy na tubig
sa loob ng 15 minuto.
Ano ang mga DAPAT GAWIN sa
NAKAKAGAT na hayop?
1. Huwag patayin ang hayop!
2.Sumangguni sa Municipal
Agriculture Office o City
Veterinary Office upang hulihin
ito.
3. Itali o ikulong ang hayop.
4. Obserbahan sa loob ng 14 a
araw. 5. Tingnan kung
magbabago ang ugali nito o kung
mukha itong may sakit.
Kapag namatay ang hayop sa
loob ng 14 na araw,
sumangguni sa beterinaryo
upang masuri ang utak nito .
Pahiran ng tintura de yudo
(tincture of iodine) o anumang
gamot na pangsugat.
Kumunsulta agad sa doktor o
sa pinakamalapit a Animal Bite
Treatment Center (ABTC).