2. Mahalagang matutuhan ng bawat
tao ang paghingi ng paumanhin.
Humihingi tayo ng paumanhin kapag
may nagawa tayong mali sa ating
kapuwa.
3. • Humihingi tayo ng paumanhin bilang
pagkilala sa ating pagkakamali at
pagsisisi sa ating nagawa.
4. Ang paghingi ng paumahin ay bahagi
ng pakikipagkapuwa at gumagamit ng
magagalang na pananalita.
5. Narito ang ilan sa mga pahayag na ginagamit
sa paghingi ng paumanhin.
• “Pasensiya na.”
• “Paumanhin sa aking nagawa.
Hindi ko na uulitin.”
• “Patawad po.”
6. • Kung ikaw ang nasa mga sumusunod
na sitwasyon ano ang iyong
sasabihin?
7. Pinagalitan ka ng iyong ina dahil
nakalimutan mong maglinis dahil inuna
mo ang paglalaro.
8. Nasagi mo ang paa ng iyong kaklase
dahil dito siya ay natumba.
9. Natapon ang dala mong tubig sa
pahayagan na binabasa ng iyong ama.