2. Ang balita ay ang komunikasyon
ng mga kasalukuyang pangyayari sa
labas at loob ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay ng
impormasyon sa mamamayan.
3. Ito rin ay isang pangyayaring
hindi pangkaraniwan at maaaring
tungkol sa mga pangyayaring
naganap o nagaganap na bago sa
pandinig ng madla.
4. Maaari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, ng
pagsasahimpapawid, ng internet, o
galing sa bibig at ikalat sa ikatlong
tauhan o sa maraming mambabasa,
nakikinig, o nanonood.
5. Kahalagahan ng Balita
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan
2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa
paligid.
4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at
kalagayan.
5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran
batay sa mga tiyak na kaalaman.
6. Halimbawa ng Balita
• Umabot na 172 ang kumpirmadong
namatay dahil sa nagdaang Bagyong
Agaton. Ayon sa tala ng NDRRMC,
nailibing na kahapon ang ilan sa mga
namatay habang marami pa ang
hinahanap.