nina:
Castillo, Paula Jane
Garcia, Zendle Alaine
Lalong-isip, Pamela Jane
Maravilla, Alice
BEEd – 4201
PORMULASYON NG PALILINAWING MGA
SIMULAIN NG MGA TIYAK NA KAISIPAN
UPANG MAKALIKHA NG MALINAW AT
SISTEMATIKONG PARAAN NG
PAGLALARAWAN O PAGPAPALIWANAG
UKOL DITO.
ISANG SISTEMATIKONG PAG-AARAL AT ANG
MGA PARAAN SA PAG-AARAL NG
PANITIKAN NA NAGLALARAWAN SA
TUNGKULIN NG PANITIKAN KABILANG ANG
LAYUNIN NG MAY-AKDA SA PAGSULAT.
Ayon kay Anthony, ito ay isang set ng
mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan
ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.
“Lubos na nadadama at
nauunawaan ang isang
akda kung nauunawaan ng
mag-aaral ang iba’t ibang
dulog at teorya na
maaaring gamitin sa
pagsusuri ng isang akdang
pampanitikan.”
Ang klasisismo o klasismo
ay isa sa teoryang
pampanitikan na nagmula
sa Gresya. Mas higit na
pinapahalagahan ang
kaisipan kay sa damdamin.
KLASISMO
Ang layunin ng panitikan ay
maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.
KLASISMO
Ipinahahayag ng klasismo na
ang isang akda ay hindi
naluluma o nalalaos, sa
kabilang dako ay nangyayari
o nagaganap parin sa
kasalukuyan.
KLASISMO
Nakasaad rin dito na
nakatuon ang panitikan sa
pinakamataas patungo sa
pinakamabababang uri. Ibig
sabihin, sa itaas matatagpuan
ang kapangyarihan at
kagandahan.
KLASISMO
Ito ay sumibol sa panahon ng
Muling Pagsibol o Renacimiento
(Renaissance). Ito ay nagmula sa
salitang ingles na “human” o tao
sa Filipino.
HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento at
iba pa.
Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988)
“Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at panginoon
ng kanyang kapalaran.”
HUMANISMO
Humanismo:Dignidad, Pagpapahalaga
sa Sarili at Kapwa
Ang teoryang humanismo ay pananaw
na nakasentro sa tao sa halip na sa
Diyos.
HUMANISMO
Sa pilisopiya, ito ay atityud na
nagbibigay diin sa DIGNIDAD at
KAHALAGAHAN ng tao.
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang
RASYUNAL.
HUMANISMO
Karaniwang ginagamit ang humanismo para
ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa
kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15
siglo.
Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang
pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo
sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga
klasikong edisyon.
HUMANISMO
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na
humanistiko, mainam na tingnan ang sumusunod:
 Pagkatao
 Tema ng kwento
 Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
 Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng
tauhan; at
 Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema.
HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin
at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na
higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.
IMAHISMO
Isang pamamalagay na
kinakailangang gumamit ng matipid
at maingat na paggamit ng mga
salita upang makabuo ng
konkretong imahen.
IMAHISMO
Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang
dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo
bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at
Inglatera.
Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at
simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga
prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang mga
makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy
Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
IMAHISMO
Samantala, sa Ingletera naman ay nakilala ang
mga manunulat na sina D.H. Lawrence at
Richard Aldington. Kasabay ng kanilang
paglikha ng mga obra sa ganitong lapit,
nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga
manifesto at sanaysay na kumakatawan sa
kanilang teorya.
IMAHISMO
Halimbawa:
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa
lipunan.
Mga mahirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang na loob mula sa mahirap.
PANAMBITAN
ni Myrna Prad
Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.
Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan SA
MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan at pagkaepektibo
ng kanyang sinulat.
REALISMO
REALISMO
Nagpapahayag ito ng
pagtanggap sa katotohanan
o realidad ng buhay.
Ipinaglalaban ng teoryang
realismo ang katotohanan
kaysa kagandahan
Halimbawa:
AMBO
• Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio.
• Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap
ng maraming mamamayan.
• Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na
walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping
nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay
maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang
pamilya.
Halimbawa:
Bangkang Papel
• Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946.
• Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera.
• Unang nailathala noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang
tunay na kalayaan at unang taon kung saan maaring maglathala ng mga
kwento ang awtor.
• Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan
noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.
• Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa
tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
FEMENISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala
ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
PORMALISMO O
PORMALISTIKO
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang
tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi
binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda,
hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang
mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal,
sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na
katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
SIKOLOHIKAL
Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin
sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito.
Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,
istilo, o paraang artistiko ng teksto.
Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas
sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.
Halimbawa:
SUYUAN SA TUBIGAN
Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa
isang pag-ibig at ang pagpili ng isang tao para sa
ikasasaya ng kanyang puso.
SIKOLOHIKAL
Tinatalakay sa akda ang mga damdaming
namamayani sa mga tauhan gaya ng
pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din
ang mga negatibong damdamin ng pangamba,
takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang
masuri ang emosyon at makilala ang tunay na
katauhan ng indibidwal.
SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor)
sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan
ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
EKSISTENSYALISMO
Sa utak at isip nakasentro
ang teoryang pampanitikang ito
[dahil] utak ang nagpapagana sa
tao. Tao ang pangunahing
nilikha sa mundo; siya lamang
ang may kakayahang mag-isip at
magdesisyon, hindi gaya ng
hayop at ibang nilalang.
ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
ROMANTISISMO
Binibigyang halaga ang
indibidwalismo, rebolusyon,
imahinasyon at likas.
Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan.
MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang
tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
MARKISMO/MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggali
o paglalaban ng dalawang
magkasalungat ng puwersa.
Inuunawa ang akda batay sa
kalagayan ng mga tauhan.
Sumasagisag sa tao na may
sariling kakayahan na umangat sa
buhay.
SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
SOSYOLOHIKAL
Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga
kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga
sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa
tao sa ganoon at ganitong buhay, mga pagkakataong
nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-aapi at
pagkaapi, pagkaduhagi, kaimbihan o dili kaya’y ng
kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o
pangkat ng tao.
MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
MORALISTIKO
Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong
pananaw at binibigyang-diin ang layuning dakilain at
pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.
Ngunit huwag ipagkakamali na sa pag-aaral ng akda
[na ginamitan nito] ay sapat nang itanong kung
anong aral ng akda dapat matutong timbangin ang
lakas at kahinaan ng tao sa harap ng pagsubok.
BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
BAYOGRAPIKAL
Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994):
“Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo,
matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang
makakatulong sa sining ng manunulat – ang mga
pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga
aklat o ang mga akda na kanyang binasa, ang iba
pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang
magsulat.”
BAYOGRAPIKAL
Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang-
pansin ng mga mag-aaral o manananaliksik ang ilang kondisyong
ito:
1. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat
ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat.
2. Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa binasang
akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda.
QUEER
Ang layunin ng panitikan ay
iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga
babae ay may feminismo ang
mga homosexual naman ay
queer.
HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala
ang kultura ng may-akda sa mga
hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian,
paniniwala at tradisyong minana at
ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.
FEMINISMO – MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang
paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at
suliranin ng lipunan.
DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.
NATURALISMO
Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang
malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang
kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang
heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na
ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi
ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga
saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
NATURALISMO
PANGKALAHATANG PANANAW
“Huwag niyong husgahan ang tao sa panlabas
niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan
ng katangian niyang ito” sapagkat “kung ano ang
ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong
matatanggap.”
SIKO-ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng
lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang tugon
upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon
lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng
kanyang kamalayan sa kahirapan.
ARKETIPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang
kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay
sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema
at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga
mambabasa.
ARKETIPAL
Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo
o imahe sa mga kwentong hango sa
mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya
tulad ng kalapati, tanikala, timbangan,
kandila, sulo, at iba pa.
Wakas!
Mga pinagmulan:
Mga aklat:
Badayos, P. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain, at istratehiya).Grandwater Publications and
research Corporation, J.P. Rizal St., Makati City.
Belvez, P. (2000). Ang sining at agham (aklat sa pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino). Rex Printing Company, Inc.,
Quezon City.
Internet:
https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003
https://donamaylimbo.wordpress.com
www.youtube.com
www.coursehero.com
www.prezzy.com
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html?m=1 Maria Loreta Mangubat March 21, 2017
http://www.google.com/amp/s/donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-naturalism/amp/
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html?m=1

Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

  • 1.
    nina: Castillo, Paula Jane Garcia,Zendle Alaine Lalong-isip, Pamela Jane Maravilla, Alice BEEd – 4201
  • 2.
    PORMULASYON NG PALILINAWINGMGA SIMULAIN NG MGA TIYAK NA KAISIPAN UPANG MAKALIKHA NG MALINAW AT SISTEMATIKONG PARAAN NG PAGLALARAWAN O PAGPAPALIWANAG UKOL DITO.
  • 3.
    ISANG SISTEMATIKONG PAG-AARALAT ANG MGA PARAAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN NA NAGLALARAWAN SA TUNGKULIN NG PANITIKAN KABILANG ANG LAYUNIN NG MAY-AKDA SA PAGSULAT.
  • 4.
    Ayon kay Anthony,ito ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.
  • 5.
    “Lubos na nadadamaat nauunawaan ang isang akda kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t ibang dulog at teorya na maaaring gamitin sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.”
  • 6.
    Ang klasisismo oklasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin. KLASISMO
  • 7.
    Ang layunin ngpanitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. KLASISMO
  • 8.
    Ipinahahayag ng klasismona ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. KLASISMO
  • 9.
    Nakasaad rin ditona nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan. KLASISMO
  • 10.
    Ito ay sumibolsa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance). Ito ay nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino. HUMANISMO
  • 11.
    Ang layunin ngpanitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa. Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988) “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.” HUMANISMO
  • 12.
    Humanismo:Dignidad, Pagpapahalaga sa Sariliat Kapwa Ang teoryang humanismo ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos. HUMANISMO
  • 13.
    Sa pilisopiya, itoay atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng tao. Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang RASYUNAL. HUMANISMO
  • 14.
    Karaniwang ginagamit anghumanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo. Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon. HUMANISMO
  • 15.
    Sa pagsusuri ngpanitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan ang sumusunod:  Pagkatao  Tema ng kwento  Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?  Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng tauhan; at  Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema. HUMANISMO
  • 16.
    Ang layunin ngpanitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. IMAHISMO
  • 17.
    Isang pamamalagay na kinakailanganggumamit ng matipid at maingat na paggamit ng mga salita upang makabuo ng konkretong imahen. IMAHISMO
  • 18.
    Ito ay umusbongnoong 1900 at sa unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang mga makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle. IMAHISMO
  • 19.
    Samantala, sa Ingleteranaman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H. Lawrence at Richard Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit, nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga manifesto at sanaysay na kumakatawan sa kanilang teorya. IMAHISMO
  • 20.
    Halimbawa: Bakit kaya ritosa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. Mga mahirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad Maykapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang na loob mula sa mahirap. PANAMBITAN ni Myrna Prad Kung may mga taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan, tinutulak pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdi’y lalong managana. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo? Kaming mga api ngayo’y naririto Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.
  • 21.
    Ang layunin ngpanitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may- akda sa kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. REALISMO
  • 22.
    REALISMO Nagpapahayag ito ng pagtanggapsa katotohanan o realidad ng buhay. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan
  • 23.
    Halimbawa: AMBO • Isang maiklingkuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. • Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. • Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
  • 24.
    Halimbawa: Bangkang Papel • Isinulatni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. • Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. • Unang nailathala noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan at unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor. • Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. • Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
  • 25.
    FEMENISMO Ang layunin ngpanitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
  • 26.
    PORMALISMO O PORMALISTIKO Ang pagtuklasat pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
  • 27.
    SIKOLOHIKAL Tumutukoy sa isanguri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.
  • 28.
    Halimbawa: SUYUAN SA TUBIGAN Angpagpapaligsahan ng dalawang tao para sa isang pag-ibig at ang pagpili ng isang tao para sa ikasasaya ng kanyang puso.
  • 29.
    SIKOLOHIKAL Tinatalakay sa akdaang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal.
  • 30.
    SIKOLOHIKAL Ang layunin ngpanitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
  • 31.
    EKSISTENSYALISMO Ang layunin ngpanitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
  • 32.
    EKSISTENSYALISMO Sa utak atisip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang.
  • 33.
    ROMANTISISMO Ang layunin ngteoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
  • 34.
    ROMANTISISMO Binibigyang halaga ang indibidwalismo,rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
  • 35.
    MARKISMO/MARXISMO Ang layunin ngteoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
  • 36.
    MARKISMO/MARXISMO Pinakikita ang pagtutunggali opaglalaban ng dalawang magkasalungat ng puwersa. Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Sumasagisag sa tao na may sariling kakayahan na umangat sa buhay.
  • 37.
    SOSYOLOHIKAL Ang layunin ngpanitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
  • 38.
    SOSYOLOHIKAL Sa pagsusuri ngmga akda ay natatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay, mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-aapi at pagkaapi, pagkaduhagi, kaimbihan o dili kaya’y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.
  • 39.
    MORALISTIKO Ang layunin ngpanitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
  • 40.
    MORALISTIKO Sa pag-aaral ngakda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan. Ngunit huwag ipagkakamali na sa pag-aaral ng akda [na ginamitan nito] ay sapat nang itanong kung anong aral ng akda dapat matutong timbangin ang lakas at kahinaan ng tao sa harap ng pagsubok.
  • 41.
    BAYOGRAPIKAL Ang layunin ngpanitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
  • 42.
    BAYOGRAPIKAL Ang sabi nganina Ramos at Mendiola (1994): “Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang makakatulong sa sining ng manunulat – ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga aklat o ang mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.”
  • 43.
    BAYOGRAPIKAL Sa paggamit ngdulog bayograpikal, kinakailangang bigyang- pansin ng mga mag-aaral o manananaliksik ang ilang kondisyong ito: 1. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat. 2. Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda.
  • 44.
    QUEER Ang layunin ngpanitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
  • 45.
    HISTORIKAL Ang layunin ngpanitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
  • 46.
    KULTURAL Ang layunin ngpanitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
  • 47.
    FEMINISMO – MARKISMO Anglayunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
  • 48.
    DEKONSTRUKSYON Ang layunin ngpanitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag- udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
  • 49.
    NATURALISMO Ito’y teoryang pampanitikanna naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
  • 50.
    NATURALISMO PANGKALAHATANG PANANAW “Huwag niyonghusgahan ang tao sa panlabas niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan ng katangian niyang ito” sapagkat “kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong matatanggap.”
  • 51.
    SIKO-ANALITIKO Tanging ang ekonomiyalamang ang motibo ng lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
  • 52.
    ARKETIPAL Ang layunin ngpanitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
  • 53.
    ARKETIPAL Kumukuha karaniwan ngmga simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa.
  • 54.
  • 55.
    Mga pinagmulan: Mga aklat: Badayos,P. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain, at istratehiya).Grandwater Publications and research Corporation, J.P. Rizal St., Makati City. Belvez, P. (2000). Ang sining at agham (aklat sa pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino). Rex Printing Company, Inc., Quezon City. Internet: https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003 https://donamaylimbo.wordpress.com www.youtube.com www.coursehero.com www.prezzy.com http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html?m=1 Maria Loreta Mangubat March 21, 2017 http://www.google.com/amp/s/donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-naturalism/amp/ http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html?m=1