SlideShare a Scribd company logo
1 of 40
Ang Pambansang Punong Rehiyon o
tinatawag na National Capital Region
(NCR) ay binubuo ng (16) labing anim na
lungsod at (1) isang munisipalidad. Ito ay
ang mga Lungsod ng Maynila, Quezon,
Pasay, Caloocan, Mandaluyong, Makati,
Marikina, Pasig, Parañaque, Las Piñas,
Valenzuela, Malabon, Taguig, Muntinlupa,
San Juan, Navotas at ang Munisipalidad o
Bayan ng Pateros.
LUNGSOD NG MAYNILA
Ang Lungsod Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas. Ang Maynila ay
nag-ugat sa mga salitang "may" at "nilad" na tumutukoy sa
halamang nabubuhay sa baybayin. Ito ay may lawak na 24.98 sq.
km. Ito ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Look Maynila sa
Luzon. Ito ang sentro ng gawain ng halos 10 milyong katao. Ito ay
nakahimlay sa bunganga ng Ilog Pasig na nasa silangang baybayin
ng Look Maynila na nasa gawing kanluran ng Luzon. Ito ay mataong
lugar na may bilang na 1,652,171 milyong katao. Ito ay
pumapangalawa sa Lungsod Quezon na may pinakamadaming
bilang ng populasyon. Ito ay puno ng mga atraksyon tulad ng
Luneta Park, Manila Bay at iba pa. Dito rin matatagpuan ang
Unibersidad ng Santo Tomas na siyang pinakamatandang
unibersidad sa Pilipinas na itinayo noong 1611 ng mga prayleng
Espanol. Dito matatagpuan ang St. Augustine Church , Palacio del
Gobernador, Fort Santiago at “Manila Cathedral.”
LUNGSOD QUEZON
Ang Lungsod Quezon ay dating naging kabisera ng
bansa at ngayon ay may pinakamalaking populasyon
na may bilang na 2,761,720 milyong katao. Ito ay may
kabuuang lawak na 171.71 sq. km. Nasa timog-kanluran
ng Lungsod Quezon ang Lungsod Maynila, ang Lungsod
Kalookan sa kanluran, ang Lungsod Valenzuela sa
hilagang-kanluran, ang Lungsod San Juan at Lungsod
Mandaluyong sa timog, ang Lungsod Marikina at
Lungsod Pasig sa timog-silangan, ang Lungsod San Jose
del Monte, Bulakan sa hilaga, ang Rodriguez at San
Mateo,Rizal sa silangang bahagi. Ipinangalan ang
lungsod na ito sa dating Pangulong Manuel L. Quezon.
LUNGSOD CALOOCAN
Ang Lungsod Caloocan ay isang lungsod sa Kalakhang
Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 55.80 sq. km. Ito ay
may populasyong 1,489,040 milyong katao. Matatagpuan ito
sa hilagang bahagi ng Lungsod Maynila. Nahahati ang
Kalookan sa dalawang panig. Una, ang katimugang
Caloocan, na napapaligiran ng Lungsod Malabon, Lungsod
Navotas, at Lungsod Quezon. At ikalawa, ang hilagang
Caloocan, na malapit sa teritoryo ng Lungsod Valenzuela,
hilagang bahagi ng Lungsod Quezon, at katimugang
bahagi ng Lungsod San Jose del Monte, Bulakan. Ang
Caloocan ay dating tinatawag na Aromahan o Espina
noong panahon ng mga Espanyol. Ang Caloocan ay
nagmula sa salitang lo-ok dahil ito ay malapit sa Manila Bay.
LUNGSOD NG PASAY
Ang Lungsod Pasay ay isa sa apat na kauna-unahan naging
lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Ito ay may
kabuuang lawak na 13.97 sq. kms. at may populasyong 392,869
libong katao. Matatagpuan ito sa hangganan ng Lungsod
Maynila sa hilaga, Lungsod Makati sa hilagang-silangan, Lungsod
Taguig silangan, at Lungsod Parañaque sa timog. Maraming
naniniwala na ang Pasay ay nagmula sa isang prinsesang
nagngangalang Dayang-Dayang Pasay, ang prinsesa na
nagmula sa kahariang ng Namayan. Minana niya ang lupain ng
Pasay kasama ang Baclaran. Mula noong ika 12 hanggang ika-
labing apat na siglo, ang mga mangangalakal mula sa iba’t
ibang lugar ay nagamit ang Kaharian ng Namayan bilang sentro
ng kalakaran.
LUNGSOD NG PASIG
Ang Lungsod ng Pasig ay nasa Silangang bahagi ng Kalakhang
Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 48.46 sq. km. at
populasyong 669,773 libong katao. Ito ay napapaligiran ng
mga lungsod ng Quezon at Manduyong sa Kanluran, Lungsod
ng Marikina sa Hilaga at mga Lungsod ng Makati at Taguig at
maging Munisipalidad ng Pateros sa Timog.
Sa mga sinaunang tala ng mga prayleng Agustino, ang "Pasig"
ay unang binaybay na "Pasi" noong 1584; naging "Pasic,"
noong 1587; pinalitan ng "Pasi" noong 1593; at naghunos na
"Passi" o "Passic" bago naging "Pasig" noong 1596.
LUNGSOD NG MAKATI
Ang Lungsod ng Makati ay matatagpuan sa kalagitnaan
ng Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na
21.57 sq. km. at populasyong umaabot sa 529,039 libong
katao. Ito ay napaliligiran ng Lungsod ng Mandaluyong sa
Hilaga, Munisipalidad ng Pateros sa Silangan, Maynila sa
Hilagang Silangan at Lungsod ng Pasay sa may gawing
Timog.
Kung pagbabatayan ang yaman at halaga ng isang
lungsod alinsunod sa taglay nitong kalakalan at
pananalapi, ang Lungsod ng Makati ay isa sa mga
importanteng lungsod sa Kalakhang Maynila. Sa Makati
matatagpuan ang mga tanggapan ng naglalakihang
kompanya sa Pilipinas.
LUNGSOD NG MANDALUYONG
Ang Lungsod ng Mandaluyong ay kilala ngayon bilang
Tiger City of the Philippines, Metro Manila's Heart, at
Shopping Mall Capital of the Philippines.
Matatagpuan ito sa hanggahan ng Lungsod ng
Maynila sa kanlurang bahagi, Lungsod ng San Juan sa
hilaga, Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Pasig sa
silangan, at Lungsod ng Makati sa katimugang bahagi.
Ito ay may kabuuang lawak na 9.29 sq. km. at
populasyong umaabot ng 328.699 libong katao
LUNGSOD NG VALENZUELA
Ang Lungsod ng Valenzuela ay isa sa mga lungsod na
bumubuo ng Kalakhang Maynila. Ang lungsod na ito ay
ipinangalan kay Dr. Pio Valenzuela na isang Katipunero.
Ito ay may kabuuang lawak na 47.02 sq. km. at populasyong
umaabot sa 575,356 libong katao. Ito ay matatagpuan sa
hangganan ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Kalookan
sa silangan, Lungsod ng Malabon sa katimugan, at ang
lalawigan ng Bulakan sa Hilaga.
LUNGSOD NG PARAÑAQUE
Isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila ang Lungsod ng
Parañaque. Ito ay nasa hanggahan ng Lungsod ng Pasay sa hilaga, Lungsod
ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa sa timog-silangan, ng
Lungsod ng Las Piñas sa timog-kanluran, at Look ng Maynila sa kanluran. Naging
ganap na lungsod ang Parañaque noong 15 Pebrero 1998. Ito ay may
kabuuang lawak na 46.57 sq. km. at populasyong umaabot sa 459,941 libong
katao.
Maraming bersiyon ang pinagmulan ng salitang "Parañaque." Una, hango
umano iyon sa salitang "palanyag" na nangangahulugang "mahal ko." Ikalawa,
hango umano ito sa kuwento hinggil sa Kastilang sumakay ng karwahe, at
pinara ang sasakyan sa pagsasabing "Para aqui, para aqui" ngunit hindi
naunawaan ng kutsero ang winiwika ng pasahero kaya pinalo pa lalo ng nito
ang kabayo saka pinahagibis ang karwahe. Ang iba pang posibleng ugat ng
"Parañaque", ayon kay Dulce Festin-Baybay, ay "patanyag" na mula sa "tanyag"
o "sikat"; at "para na aque" na pinaghalong Tagalog at Espanyol na
nangangahulugang "Huminto ka, lalaki!"
LUNGSOD NG LAS PINAS
Ang Lungsod ng Las Piñas ay isang lungsod sa Kalakhang
Maynila. Nasa hilagang bahagi ng Lungsod ng Las Piñas
ang Lungsod ng Parañaque, nasa silangang bahagi
naman ang Lungsod ng Muntinlupa. Sa katimugang
bahagi makikita ang lalawigan ng Cavite. Ito ay may
kabuuang lawak na 32.69 sq. km. at populasyong
umaabot ng 552,573 libong katao.
Makikita rito ang tanyag na Bamboo Organ ng
Simbahan ng St. Joseph na ginawa noong 1824 ni Padre
Diego Cera mula sa kahoy, metal at kawayan.
LUNGSOD NG MALABON
Ang Lungsod ng Malabon ay matatagpuan sa hilagang bahagi
ng Maynila. Kabilang ang Malabon sa lungsod sa Kalakhang
Maynila na may maraming populasyon, na umaabot ng
353,337 libong katao ang naninirahan rito. Ito ay may kabuuang
lawak na 15.71 sq. km. Ito ay napaliligiran ng Lungsod ng
Valenzuela sa Hilaga, Lalawigan ng Bulacan sa hilagang
silangan, Lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod ng
Caloocan sa silangang bahagi.
Kabilang ang Malabon sa CAMANAVA. Ang mga kasaping
lungsod ng CAMANAVA ay Lungsod ng Caloocan, Lungsod ng
Malabon, Lungsod ng Navotas at Lungsod ng Valenzuela.
LUNGSOD NG NAVOTAS
Ang Lungsod ng Navotas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Sinasakop
nito ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng
Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng
Lungsod ng Malabon, at timog ng Obando, Bulacan. Ito ay may lawak na 8.94
sq. km. at populasyong umaabot ng 249,131 libong katao. Isang mahalagang
komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda
ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito.
Kabilang ang Lungsod ng Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng
Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Inaakalang laging binabaha ang lugar na
ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat. Kilala ang Navotas sa
kanyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng
Pilipinas". Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa
pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong mundo. Tinatag ang Navotas
noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging lungsod
noong Hunyo 24, 2007 sa bisa ng isang plebisito.
LUNGSOD NG TAGUIG
Ang Lungsod ng Taguig ay isa sa bagong lungsod na bumubuo
sa Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 45.21 sq.
km. at populasyong umaabot ng 644,473 libong katao. Bago
naging lungsod ang Taguig, ang mga naninirahan dito ay
kalimitang mangingisda dahil malapit ito sa Lawa ng Bay
(Laguna de Bay).
Ang Taguig ay matatagpuan sa hangganan ng Lungsod ng
Muntinlupa sa timog, Lungsod ng Parañaque sa timog-kanluran,
Lungsod ng Pasay sa kanluran, Lungsod ng Pasig sa hilaga, at
sa hilagang-silangan naman Lalawigan ng Rizal, at ang Lawa
ng Laguna sa silangan.
LUNGSOD NG SAN JUAN
Ang Lungsod ng San Juan ay isang maliit na lungsod na
bumubuo sa Kalakhang Maynila. Nasa hilaga at silangan
ng San Juan ang Lungsod ng Quezon, ang Lungsod ng
Mandaluyong sa timog, at ang Lungsod ng Maynila sa
kanlurang bahagi. Ito ay may kabuuang lawak na 5.95 sq.
km. at populasyong umaabot ng 121,430 libong katao.
Sa San Juan matatagpuan ang “Pinaglabanan Shrine”,
ang lugar na unang nagkaroon ng labanan ang mga
Katipunero at ang mga Kastila noong panahon ng
himagsikan.
MUNISIPALIDAD O BAYAN NG PATEROS
Ang Munisipalidad o Bayan ng Pateros ay isang maliit sa
bayang bumubuo sa Kalakhang Maynila. Nasa hilaga ng
Pateros ang Lungsod ng Pasig, ang Lungsod ng Makati sa
silangan, at ang Lungsod ng Taguig sa katimugang bahagi.
Ito ay may kabuuang lawak na 2.25 sq. km. at populasyong
umaabot ng 64,147 libong katao.
Kilala ang Pateros sa pag-aalaga ng itik at paggawa ng
itlog na balut, bukod sa paggawa ng sari-saring tsinelas at
sapin sa paa.
Lugar Katangian
Lungsod ng Marikina Lambak
Lungsod ng Maynila
Lungsod ng Pasig
Lungsod ng
Paranaque
Lungsod Quezon
Lungsod ng Navotas
Pagsasanay #1
Panuto: Sumulat ng katangiang pisikal ng mga siyudad. Ilagay sa tamang hanay.
Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama kung
wasto ang sinasaad at Mali kung hindi.
________1. Pinakamalawak ang kalupaan ng lungsod
Quezon.
________2. Ilog Pasig ang pinakamahabang ilog sa NCR.
________3. Ang Look ng Maynila ay matatagpuan sa
Maynila.
________4. Ang Marikina ay isang bundok.
________5. Malapit sa tabing-dagat ang Lungsod ng
Navotas kaya pangingisda ang pangunahing hanapbuhay
rito.
Pagsasanay #3
Lungsod o
bayan
Mga simbolong
makikita sa mapa
Ipinapahiwatig na
katangiang pisikal
Lungsod ng
Makati
Lungsod ng
Malabon
Lungsod ng
Quezon
Lungsod ng
Navotas
Lungsod ng
Paranaque
Pagsasanay #4
Panuto: Buuin ang tamang pangungusap upang ilarawan ang ibat-ibang lungsod sa rehiyon.
1. Sa lungsod ng ____________ makikita ang natatanging anyong lupa
na lambak.
2. Ang Pambansang Punong Rehiyon o NCR ang sentro ng
Kalakalan,panahanan at komersyo dahil ito ay isang malawak na
____________.
3. Maraming turista ang dumadayo sa Lungsod ng ____________dahil sa
magandang pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw mula rito.
4. Sa mga Lunsod ng Malabon,Navotas at Valenzuela dumadaloy ang
ilog ________________.
5. Sa Lungsod ng _____________ matatagpuan ang dagat sa rehiyon na
siyang pinagkukunan ng mga isda at iba pang lamang dagat.
Kapaatagan Marikina Maynila Navotas Tullahan
Pagsasanay #5
Panuto: Isulat kung tama o mali ang mga pangungusap.
________1. Pinakamalawak ang kalupaan ng lungsod
Navotas.
________2. Ilog Pasig ang pinakamahabang ilog sa NCR.
________3. Ang Look ng Maynila ay matatagpuan sa
Maynila.
________4. Ang Marikina ay isang bundok.
________5. Malapit sa tabing-dagat ang Lungsod ng
Makati kaya pangingisda ang pangunahing hanapbuhay
rito.

More Related Content

More from MaximoLace1

DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455reg
DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455regDepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455reg
DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455regMaximoLace1
 
GST-Filipino-Grade-3.pptx
GST-Filipino-Grade-3.pptxGST-Filipino-Grade-3.pptx
GST-Filipino-Grade-3.pptxMaximoLace1
 
Filipino-3-Q1-Week-7.pptx
Filipino-3-Q1-Week-7.pptxFilipino-3-Q1-Week-7.pptx
Filipino-3-Q1-Week-7.pptxMaximoLace1
 
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptx
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptxCERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptx
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptxMaximoLace1
 
1st Q PTA MEETING.pptx
1st Q PTA MEETING.pptx1st Q PTA MEETING.pptx
1st Q PTA MEETING.pptxMaximoLace1
 
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptx
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptxfor sharing-1st Q PTA MEETING.pptx
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptxMaximoLace1
 
COT1-FIL-2023.pptx
COT1-FIL-2023.pptxCOT1-FIL-2023.pptx
COT1-FIL-2023.pptxMaximoLace1
 

More from MaximoLace1 (8)

DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455reg
DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455regDepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455reg
DepEd-MATATAG PPT.pptxdsfhjsdfsjfbksfbbfrere455reg
 
GST-Filipino-Grade-3.pptx
GST-Filipino-Grade-3.pptxGST-Filipino-Grade-3.pptx
GST-Filipino-Grade-3.pptx
 
Filipino-3-Q1-Week-7.pptx
Filipino-3-Q1-Week-7.pptxFilipino-3-Q1-Week-7.pptx
Filipino-3-Q1-Week-7.pptx
 
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptx
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptxCERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptx
CERTIFICATE 2023 Q1 Deped Themed Design.pptx
 
1st Q PTA MEETING.pptx
1st Q PTA MEETING.pptx1st Q PTA MEETING.pptx
1st Q PTA MEETING.pptx
 
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptx
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptxfor sharing-1st Q PTA MEETING.pptx
for sharing-1st Q PTA MEETING.pptx
 
TRIVIA.pptx
TRIVIA.pptxTRIVIA.pptx
TRIVIA.pptx
 
COT1-FIL-2023.pptx
COT1-FIL-2023.pptxCOT1-FIL-2023.pptx
COT1-FIL-2023.pptx
 

Recently uploaded

TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 

Recently uploaded (20)

TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 

AP Quarter 1 week4 PPT.pptx

  • 1.
  • 2.
  • 3. Ang Pambansang Punong Rehiyon o tinatawag na National Capital Region (NCR) ay binubuo ng (16) labing anim na lungsod at (1) isang munisipalidad. Ito ay ang mga Lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay, Caloocan, Mandaluyong, Makati, Marikina, Pasig, Parañaque, Las Piñas, Valenzuela, Malabon, Taguig, Muntinlupa, San Juan, Navotas at ang Munisipalidad o Bayan ng Pateros.
  • 4. LUNGSOD NG MAYNILA Ang Lungsod Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas. Ang Maynila ay nag-ugat sa mga salitang "may" at "nilad" na tumutukoy sa halamang nabubuhay sa baybayin. Ito ay may lawak na 24.98 sq. km. Ito ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Look Maynila sa Luzon. Ito ang sentro ng gawain ng halos 10 milyong katao. Ito ay nakahimlay sa bunganga ng Ilog Pasig na nasa silangang baybayin ng Look Maynila na nasa gawing kanluran ng Luzon. Ito ay mataong lugar na may bilang na 1,652,171 milyong katao. Ito ay pumapangalawa sa Lungsod Quezon na may pinakamadaming bilang ng populasyon. Ito ay puno ng mga atraksyon tulad ng Luneta Park, Manila Bay at iba pa. Dito rin matatagpuan ang Unibersidad ng Santo Tomas na siyang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na itinayo noong 1611 ng mga prayleng Espanol. Dito matatagpuan ang St. Augustine Church , Palacio del Gobernador, Fort Santiago at “Manila Cathedral.”
  • 5.
  • 6. LUNGSOD QUEZON Ang Lungsod Quezon ay dating naging kabisera ng bansa at ngayon ay may pinakamalaking populasyon na may bilang na 2,761,720 milyong katao. Ito ay may kabuuang lawak na 171.71 sq. km. Nasa timog-kanluran ng Lungsod Quezon ang Lungsod Maynila, ang Lungsod Kalookan sa kanluran, ang Lungsod Valenzuela sa hilagang-kanluran, ang Lungsod San Juan at Lungsod Mandaluyong sa timog, ang Lungsod Marikina at Lungsod Pasig sa timog-silangan, ang Lungsod San Jose del Monte, Bulakan sa hilaga, ang Rodriguez at San Mateo,Rizal sa silangang bahagi. Ipinangalan ang lungsod na ito sa dating Pangulong Manuel L. Quezon.
  • 7.
  • 8. LUNGSOD CALOOCAN Ang Lungsod Caloocan ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 55.80 sq. km. Ito ay may populasyong 1,489,040 milyong katao. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Lungsod Maynila. Nahahati ang Kalookan sa dalawang panig. Una, ang katimugang Caloocan, na napapaligiran ng Lungsod Malabon, Lungsod Navotas, at Lungsod Quezon. At ikalawa, ang hilagang Caloocan, na malapit sa teritoryo ng Lungsod Valenzuela, hilagang bahagi ng Lungsod Quezon, at katimugang bahagi ng Lungsod San Jose del Monte, Bulakan. Ang Caloocan ay dating tinatawag na Aromahan o Espina noong panahon ng mga Espanyol. Ang Caloocan ay nagmula sa salitang lo-ok dahil ito ay malapit sa Manila Bay.
  • 9.
  • 10.
  • 11. LUNGSOD NG PASAY Ang Lungsod Pasay ay isa sa apat na kauna-unahan naging lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 13.97 sq. kms. at may populasyong 392,869 libong katao. Matatagpuan ito sa hangganan ng Lungsod Maynila sa hilaga, Lungsod Makati sa hilagang-silangan, Lungsod Taguig silangan, at Lungsod Parañaque sa timog. Maraming naniniwala na ang Pasay ay nagmula sa isang prinsesang nagngangalang Dayang-Dayang Pasay, ang prinsesa na nagmula sa kahariang ng Namayan. Minana niya ang lupain ng Pasay kasama ang Baclaran. Mula noong ika 12 hanggang ika- labing apat na siglo, ang mga mangangalakal mula sa iba’t ibang lugar ay nagamit ang Kaharian ng Namayan bilang sentro ng kalakaran.
  • 12.
  • 13. LUNGSOD NG PASIG Ang Lungsod ng Pasig ay nasa Silangang bahagi ng Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 48.46 sq. km. at populasyong 669,773 libong katao. Ito ay napapaligiran ng mga lungsod ng Quezon at Manduyong sa Kanluran, Lungsod ng Marikina sa Hilaga at mga Lungsod ng Makati at Taguig at maging Munisipalidad ng Pateros sa Timog. Sa mga sinaunang tala ng mga prayleng Agustino, ang "Pasig" ay unang binaybay na "Pasi" noong 1584; naging "Pasic," noong 1587; pinalitan ng "Pasi" noong 1593; at naghunos na "Passi" o "Passic" bago naging "Pasig" noong 1596.
  • 14.
  • 15. LUNGSOD NG MAKATI Ang Lungsod ng Makati ay matatagpuan sa kalagitnaan ng Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 21.57 sq. km. at populasyong umaabot sa 529,039 libong katao. Ito ay napaliligiran ng Lungsod ng Mandaluyong sa Hilaga, Munisipalidad ng Pateros sa Silangan, Maynila sa Hilagang Silangan at Lungsod ng Pasay sa may gawing Timog. Kung pagbabatayan ang yaman at halaga ng isang lungsod alinsunod sa taglay nitong kalakalan at pananalapi, ang Lungsod ng Makati ay isa sa mga importanteng lungsod sa Kalakhang Maynila. Sa Makati matatagpuan ang mga tanggapan ng naglalakihang kompanya sa Pilipinas.
  • 16.
  • 17. LUNGSOD NG MANDALUYONG Ang Lungsod ng Mandaluyong ay kilala ngayon bilang Tiger City of the Philippines, Metro Manila's Heart, at Shopping Mall Capital of the Philippines. Matatagpuan ito sa hanggahan ng Lungsod ng Maynila sa kanlurang bahagi, Lungsod ng San Juan sa hilaga, Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Pasig sa silangan, at Lungsod ng Makati sa katimugang bahagi. Ito ay may kabuuang lawak na 9.29 sq. km. at populasyong umaabot ng 328.699 libong katao
  • 18.
  • 19. LUNGSOD NG VALENZUELA Ang Lungsod ng Valenzuela ay isa sa mga lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Ang lungsod na ito ay ipinangalan kay Dr. Pio Valenzuela na isang Katipunero. Ito ay may kabuuang lawak na 47.02 sq. km. at populasyong umaabot sa 575,356 libong katao. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Kalookan sa silangan, Lungsod ng Malabon sa katimugan, at ang lalawigan ng Bulakan sa Hilaga.
  • 20.
  • 21. LUNGSOD NG PARAÑAQUE Isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila ang Lungsod ng Parañaque. Ito ay nasa hanggahan ng Lungsod ng Pasay sa hilaga, Lungsod ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa sa timog-silangan, ng Lungsod ng Las Piñas sa timog-kanluran, at Look ng Maynila sa kanluran. Naging ganap na lungsod ang Parañaque noong 15 Pebrero 1998. Ito ay may kabuuang lawak na 46.57 sq. km. at populasyong umaabot sa 459,941 libong katao. Maraming bersiyon ang pinagmulan ng salitang "Parañaque." Una, hango umano iyon sa salitang "palanyag" na nangangahulugang "mahal ko." Ikalawa, hango umano ito sa kuwento hinggil sa Kastilang sumakay ng karwahe, at pinara ang sasakyan sa pagsasabing "Para aqui, para aqui" ngunit hindi naunawaan ng kutsero ang winiwika ng pasahero kaya pinalo pa lalo ng nito ang kabayo saka pinahagibis ang karwahe. Ang iba pang posibleng ugat ng "Parañaque", ayon kay Dulce Festin-Baybay, ay "patanyag" na mula sa "tanyag" o "sikat"; at "para na aque" na pinaghalong Tagalog at Espanyol na nangangahulugang "Huminto ka, lalaki!"
  • 22.
  • 23. LUNGSOD NG LAS PINAS Ang Lungsod ng Las Piñas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Nasa hilagang bahagi ng Lungsod ng Las Piñas ang Lungsod ng Parañaque, nasa silangang bahagi naman ang Lungsod ng Muntinlupa. Sa katimugang bahagi makikita ang lalawigan ng Cavite. Ito ay may kabuuang lawak na 32.69 sq. km. at populasyong umaabot ng 552,573 libong katao. Makikita rito ang tanyag na Bamboo Organ ng Simbahan ng St. Joseph na ginawa noong 1824 ni Padre Diego Cera mula sa kahoy, metal at kawayan.
  • 24.
  • 25. LUNGSOD NG MALABON Ang Lungsod ng Malabon ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Maynila. Kabilang ang Malabon sa lungsod sa Kalakhang Maynila na may maraming populasyon, na umaabot ng 353,337 libong katao ang naninirahan rito. Ito ay may kabuuang lawak na 15.71 sq. km. Ito ay napaliligiran ng Lungsod ng Valenzuela sa Hilaga, Lalawigan ng Bulacan sa hilagang silangan, Lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod ng Caloocan sa silangang bahagi. Kabilang ang Malabon sa CAMANAVA. Ang mga kasaping lungsod ng CAMANAVA ay Lungsod ng Caloocan, Lungsod ng Malabon, Lungsod ng Navotas at Lungsod ng Valenzuela.
  • 26.
  • 27. LUNGSOD NG NAVOTAS Ang Lungsod ng Navotas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Sinasakop nito ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog ng Obando, Bulacan. Ito ay may lawak na 8.94 sq. km. at populasyong umaabot ng 249,131 libong katao. Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Kabilang ang Lungsod ng Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat. Kilala ang Navotas sa kanyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong mundo. Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging lungsod noong Hunyo 24, 2007 sa bisa ng isang plebisito.
  • 28.
  • 29. LUNGSOD NG TAGUIG Ang Lungsod ng Taguig ay isa sa bagong lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang lawak na 45.21 sq. km. at populasyong umaabot ng 644,473 libong katao. Bago naging lungsod ang Taguig, ang mga naninirahan dito ay kalimitang mangingisda dahil malapit ito sa Lawa ng Bay (Laguna de Bay). Ang Taguig ay matatagpuan sa hangganan ng Lungsod ng Muntinlupa sa timog, Lungsod ng Parañaque sa timog-kanluran, Lungsod ng Pasay sa kanluran, Lungsod ng Pasig sa hilaga, at sa hilagang-silangan naman Lalawigan ng Rizal, at ang Lawa ng Laguna sa silangan.
  • 30.
  • 31. LUNGSOD NG SAN JUAN Ang Lungsod ng San Juan ay isang maliit na lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Nasa hilaga at silangan ng San Juan ang Lungsod ng Quezon, ang Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at ang Lungsod ng Maynila sa kanlurang bahagi. Ito ay may kabuuang lawak na 5.95 sq. km. at populasyong umaabot ng 121,430 libong katao. Sa San Juan matatagpuan ang “Pinaglabanan Shrine”, ang lugar na unang nagkaroon ng labanan ang mga Katipunero at ang mga Kastila noong panahon ng himagsikan.
  • 32.
  • 33. MUNISIPALIDAD O BAYAN NG PATEROS Ang Munisipalidad o Bayan ng Pateros ay isang maliit sa bayang bumubuo sa Kalakhang Maynila. Nasa hilaga ng Pateros ang Lungsod ng Pasig, ang Lungsod ng Makati sa silangan, at ang Lungsod ng Taguig sa katimugang bahagi. Ito ay may kabuuang lawak na 2.25 sq. km. at populasyong umaabot ng 64,147 libong katao. Kilala ang Pateros sa pag-aalaga ng itik at paggawa ng itlog na balut, bukod sa paggawa ng sari-saring tsinelas at sapin sa paa.
  • 34.
  • 35.
  • 36. Lugar Katangian Lungsod ng Marikina Lambak Lungsod ng Maynila Lungsod ng Pasig Lungsod ng Paranaque Lungsod Quezon Lungsod ng Navotas Pagsasanay #1 Panuto: Sumulat ng katangiang pisikal ng mga siyudad. Ilagay sa tamang hanay.
  • 37. Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang sinasaad at Mali kung hindi. ________1. Pinakamalawak ang kalupaan ng lungsod Quezon. ________2. Ilog Pasig ang pinakamahabang ilog sa NCR. ________3. Ang Look ng Maynila ay matatagpuan sa Maynila. ________4. Ang Marikina ay isang bundok. ________5. Malapit sa tabing-dagat ang Lungsod ng Navotas kaya pangingisda ang pangunahing hanapbuhay rito.
  • 38. Pagsasanay #3 Lungsod o bayan Mga simbolong makikita sa mapa Ipinapahiwatig na katangiang pisikal Lungsod ng Makati Lungsod ng Malabon Lungsod ng Quezon Lungsod ng Navotas Lungsod ng Paranaque
  • 39. Pagsasanay #4 Panuto: Buuin ang tamang pangungusap upang ilarawan ang ibat-ibang lungsod sa rehiyon. 1. Sa lungsod ng ____________ makikita ang natatanging anyong lupa na lambak. 2. Ang Pambansang Punong Rehiyon o NCR ang sentro ng Kalakalan,panahanan at komersyo dahil ito ay isang malawak na ____________. 3. Maraming turista ang dumadayo sa Lungsod ng ____________dahil sa magandang pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw mula rito. 4. Sa mga Lunsod ng Malabon,Navotas at Valenzuela dumadaloy ang ilog ________________. 5. Sa Lungsod ng _____________ matatagpuan ang dagat sa rehiyon na siyang pinagkukunan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Kapaatagan Marikina Maynila Navotas Tullahan
  • 40. Pagsasanay #5 Panuto: Isulat kung tama o mali ang mga pangungusap. ________1. Pinakamalawak ang kalupaan ng lungsod Navotas. ________2. Ilog Pasig ang pinakamahabang ilog sa NCR. ________3. Ang Look ng Maynila ay matatagpuan sa Maynila. ________4. Ang Marikina ay isang bundok. ________5. Malapit sa tabing-dagat ang Lungsod ng Makati kaya pangingisda ang pangunahing hanapbuhay rito.