Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
MAT FILIPINO PABULA.docx
1.
2. Katapatan Ni Bantay
Sa maliit na sakahan, nakatira si Bantay, isang aso kasama ang
kanyang matalik na kaibigan na si Bugoy isang kalabaw.
Nagkakilala ang dalawa sa sakahan, bilang isang kalabaw si
Bugoy ay masipag at matiyaga sa kanyang ginagawa habang si
Bantay naman ay palaging kasama at tumtulong kay Bugoy.
Habang nag araro si Bugoy, narinig niya ang sigaw at iyak nang
isang aso.
“Arf! Arf! Tulong! Tulong!” iyak ni Bantay. Agad siyang
pinuntahan ni Bugoy, Nakita niya si Bantay sa isang maliit na
hukay.
“Bantay! Narinig ko ang iyong iyak ano ba ang nangyari?”
“Tulong po Bugoy! Habang naglalaro ako ay nahulog po ako
dito” sabi ni Bantay.
Ibinaba ni Bugoy ang kanyang ulo para makahawak si Bantay at
maka alis sa hukay.
“Maraming salamat Bugoy! Mula ngayon isa kana sa aking
matalik na kaibigan” tahol ni Bantay, nakangiti lang si Bugoy at
sabay-sabay silang umalis.
Simula nung naligtas si Bantay, lagi na siya sa tabi ni Bugoy at
hindi ito umaalis. Kapag nahihirapan si Bugoy ay agad na agad
tutulong si Bantay.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasunog ang sakahan, agad-
agad nang nilipat ng magsasaka ang mga gamit at mga hayop sa
ligtas na lugar. Pero nakalimutan niya si Bugoy.
3. “TULONG! TULONG!” sigaw ni Bugoy, desperado na si
Bugoy dahil hindi siya maka alis dahil siya ay naka tali pa. unti-
unting nawalan ng pag-asa si Bugoy.
Ngunit hindi nagpapahuli si Bantay, nakarating siya agad at
ginawa ang lahat para matulungan si Bugoy.
“Bantay umalis kana! Wala kanang magagawa, bakit hindi ka
sumama sa magsasaka?” sabi ni Bugoy sa nag-aalala na tono.
“Hindi kita iiwan Bugoy! Tutulungan kita dahil hindi mo ako
iniwan sa panahong nahihirapan ako!” sagot ni Bantay
Nasunog ang pinag talian ni Bugoy at ngingatngat ito ni Bantay
hanggang sa maputol at dinala niya si Bugoy sa malayo at ligtas
na lugar.
“Maraming salamat talaga Bantay! Kung wala ka dun, hindi ko
na alam kung ano pa ang aking gagawin” paiyak na sabi ni
Bugoy.
“Walang anuman Bugoy, di kita iiwan kahit kailan, kahit saan”
sagot naman ni Bantay.
Ligtas nan aka alis si Bantay at si Bugoy sa nasusunog na
sakahan. Laking tuwa naman ng kanilag amo nang makita ang
dalawang paparating sa kanilang kinaroroonan.
Mensahe: Ang pagiging matapat, ay maituturing na isang
kayamanan.