3. P
Propesyonal na pagsulat ay isang uri ng
pagsusulat na gumagamit ng istilo at termino
na naaayon sa isang propesyon o larangan.
4. R
Rinerekord ang tinatalakay gamit ang katitikan
ng pulong, humiling o magbigay ng
impormasyon, mag-ugnay ng isang kasunduan,
magdala o magpatuloy sa pag-uusap, at/o
upang talakayin ang mga naunang negosasyon.
6. P
Propesyonal na pagsusulat rin ay kailangan ng
masusing pananaliksik at mahusay na pagpili
ng salitang gagamitin ang kailangan dito
sapagkat ito ay pagsulat na nakatuon o
eksklusib sa isang tiyak na propesyon.
7. e
Ekspositoring pamamaraan ang palaging
ginagawa dito at nagbibigay ng impormasyon
na may kinalaman sa trabaho o pagtatrabaho
8. s
Salita na nakasaad sa isang propesyonal na
pagsulat ay dapat angkop, tiyak, maikli, at
malinaw para madaling maunawaan ang nais
nitong sabihin.
9. y
‘Yan din ay maaari maghatid ng ibat ibang
impormasyon na maaaring maging basehan ng
karagadang kaalaman, debate o pagtawag sa
pansin para sa isang aksyon.
10. o
Organisado ang pagkasulat nito sa pamamagitan
ng pagkakasunod-sunod ng impormasyon, nang
sa gayon ang mambabasa ay makaintindi ng
mabilis at maayos.
11. n
Narito ang mga halibawa ng propesyonal na
pagsulat: Katitikan ng pulong, panukalang
proyekto, curriculum vitae, medical na ulat,
posisyon papel, at marami pang iba.
12. a
Ang katitikan ng pulong at panukalang
proyekto ay mga pangkaraniwang
halibawa at ginagamit sa propesyonal
na pagsulat.
13. l
Layunin ng isang propesyonal na pagsulat ay
pagbibigay ng impormasyon, pakikiusap, pag-
uulat ng mga nakuhang datos, paglalahad ng
panukalang proyekto, o pagtatala ng mga
tinalakay sa katitikan ng pulong.