2. Matapat at marangal
- Nagsasabi ng totoo sa tuwina sa sinumang tao.
- Gumagawa siya ng mabuti kahit walang nakatingin o
nakasubaybay.
- Hindi siya nasasangkot sa anumang masamang
gawain gaya ng pagnanakaw.
3. Matapang
-Matatag ang loob sa pagharap sa anumang
panganib.
-Wala siyang takot na magpasiya o kumilos para
matupad ang kaniyang mga mithiin sa
makabubuti sa lahat.
4. Matulungin
- Gumagawa ng mga bagay para sa ibang tao nang
walang hinihintay na kapalit.
- May malasakit sa kapwa.
- Nagbibigay siya ng panahon at tulong sa sinumang
nangangailangan.
5. Matuwid at responsable
- Sumusunod sa mga batas at patakaran at
ipinatutupad ito nang maayos.
- Siya ay may paninindigan at hindi nagpapadala sa
sabi-sabi o udyok ng ibang tao.
- Wala siyang kinikilingan at pantay ang pagtingin sa
lahat.
6. Mapagkumbaba
- May tiwala sa sariling kakayahan ngunit hindi
mayabang o makasarili.
- Inu-una niya ang kapakanan ng ibang tao na mas
karapat-dapat.
- Ibinabahagi niya sa mga kasamahan ang tagumpay
na nakamit at marunong magpahalaga sa kanilang
mga ginawa.
7. Dapat din ang isang
pinuno ay magalang,
masipag, mapagmahal sa
bayan , at maka-Diyos.
8. - Ito ang karaniwang proseso ng pagpili ng pinuno.
• Kandidato – ito ang tawag sa taong maaring iboto alinsunod sa
itinakdang patakaran.
• Botante – ang tawag sa taong may karapatan at tungkulin na bumuto
ng mga pinuno.
• Ang dalawang paraan ng pagboto ay ang pagtataas ng kamay at
pagsulat sa loob ng balota ng pininiling kandidato.
• Ang kandidatong nakakuha nga pinakamaraming boto ay siyang panalo.
Halalan o Eleksyon
Mga Paraan ng Pagpili ng Pinuno
9. - Ito ang paghirang sa isang tao upang mangasiwa sa
opisina, komisyon, ahensya, kawanihan, o kagawaran ng
pinunong binigyan nga ganitong tungkulin.
- Ito ay karaniwang batay sa ipinamalas niyang galing at
kakayahan na kailangan sa posisyon.
Mga Paraan ng Pagpili ng Pinuno
Pagtatalaga
10. May mga pinuno naman na
kailangang pumasa sa pagsusulit
na nakatakda para sa posisyon
katulad ng mga punong guro.
11. Kailangang maging matalino sa pagpili o
pagboto ng pinuno. Ang dapat piliin o
iboto ay ang taong may kakayahan sa
pamumuno at may taglay na mabubuting
katangian. Kapag mabuti ang pinuno,
nakatitiyak na tayo, maayos, at makatwiran
ang kanyang pamumuno sa komunidad.