1. ARALING PANLIPUNAN 6
Pangalan: _ Baitang:
Seksiyon: Petsa:
GAWAING PAGKATUTO
Deklarasyon Ng Kasarinlan Ng Pilipinas At Ang Pagkakatatag Ng Unang
Republika
Panimula
Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral Emilio
Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito ay
iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ang pagtugtog ng pambansang awit
ng Pilipinas na pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Ang musika ng pambansang awit ng
Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe at titik naman ni Jose Palma.
Ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway ni Pangulong Emilio Aguinaldo ay sumisimbolo
sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ito’y idinisenyo mismo ni Heneral Aguinaldo na ginawa naman
nila Gng. Marcela Agoncillo, Josefina Herbosa de Natividad at Lorenza Agoncillo. Yari ito sa seda,
may puting tatsulok sa kaliwa na may isang araw sa gitna. May walong sinag ang araw, may bituin
sa bawat sulok ng tatsulok, may pahalang na bughaw sa itaas at pahalang na pula.
Ang deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang sumulat
nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno
ni Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong Amerikano.
Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na ang Pilipinas ay isa
nang ganap na malayang bansa.
Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi kinilala ng Amerika at iba pang
banyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng Pamahalaang Pilipino, at para sa mga Pilipino.
Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino. Ang kapangyarihan nito ay kinilala hindi lamang
sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng
Unang Republika. (AP6PMK-If-9)
2. Pamaraan
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto na nasa loob ng kahon.
Sa pamamagitan ng pinagtibay ng Saligang Batas ng Malolos noong ika- 21 ng Enero,
1899 ay nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at itinatag ang Pamahalaang Republikano.
Kaya naman, noong ika- 23 ng Enero, 1899 pinasinayaan ang pagtatatag ng unang republika ng
Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Ito ay higit na kilala sa pangalang
Republika ng Malolos. Si Emilio Aguinaldo ang nagsilbing pangulo ng republika hanggang sa
madakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong ika 23 ng Marso, 1901. Humalili sa
kanya bilang pangulo ng republika si Heneral Miguel Malvar na nahuli rin noong ika-16 ng
Abril, 1902 na naging hudyat ng pagwawakas ng Republika ng Malolos.
Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral Emilio
Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito ay
iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ang pagtugtog ng pambansang
awit ng Pilipinas na pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Ang musika ng pambansang
awit ng Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe at titik naman ni Jose Palma. Ang watawat ng
Pilipinas ay dinisenyo sa Hongkong nina Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo
at Delfina Herbosa de Natividad.
Ang deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang
sumulat nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa
pamumuno ni Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong
Amerikano. Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na ang
Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.
A. PAGTATAPAT-TAPATIN: Hanapin sa hanay B ang petsang tinutukoy sa
hanayA. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa linya.
A B
1. Petsa kung kailan nahuli ng mga Amerikano si a. Marso 23, 1901
Heneral Miguel Malvar. b. Abril 16, 1902
2. Petsa kung kailan nagwakas ang Pamahalaang c. Enero 23, 1899
Rebolusyonaryo.
3. Petsa kung kailan ipinahayag ni Emilio Aguinaldo. d. Hunyo 12,
1898 ang kasarinlan ng Pilipinas. e. Enero 21,
1899
3. 4. Petsa kung kailan nadakip si Emilio Aguinaldo f. Mayo 24,
1898 sa Palanan, Isabela.
5. Petsa kung kailan itinatag ang unang Republika ng Pilipinas.
B. Ayusin ang mga sumusunod na letra sa ilalim ng patlang upang makabuo ng salitang
may kinalaman sa mga kaganapan tungo sa pagkamit at deklarasyon ng ating
kasarinlan.Isulat ang iyong nabuo sa patlang.
1. Si Emilio Aguinaldo ang nagsilbing pangulo ng republika hanggang sa
siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela
( P I K D A A M )
2. Sa pamamagitan ng pinagtibay ng Saligang Batas ng Malolos ay
ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at itinatag ang
( W A N G A S K A ) Pamahalaang Republikano.
3. Ang makasaysayang pagpapahayag ng ng Pilipinas
( L A N R I K A S A N )
ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nangyari sa Kawit, Cavite.
4. Ang watawat ng Pilipinas ay sa Hongkong nina
( Y O N I D I N E S )
Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad.
5. Ang deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang
nito sa wikang Espanyol.
( L A T U S M U )
4. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan:
Seksiyon:
Lebel:
Petsa:
UNANG ARAW
Panimula
GAWAING PAGKATUTO
Ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa pagpapanatili ng kaayusan at
kalinisan sa inyong barangay? Sa iyong edad, may mga pakakataong nagbibigay o hinihingi
ang iyong pasya sa mga bagay bagay. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng iyong
abilidad na pumili ng mga bagay na walang paiba-iba, walang pag-aalinlangan at walang
pagpapaliban. Nangangailangan din ito ng masusing pag-iisip at pagsasaalang- alang sa
lahat ng mga alternatibong solusyon at ang magiging resulta ng anumang pagpapasiyang
gagawin.
Dahil dito, ang pagpapasiya ay napakahalaga sapagkat ang dapat maging bunga nito
ay ang kabutihang panlahat, hindi lamang para sa mga iilan at piling mga tao.
Ang pagiging mahinahon ay makatutulong upang dumating ka sa pasiya para sa
kabutihang panlahat.
Kasanayang Pampagkatuto at koda:
Pagsang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito.
EsP6PKP-Ia-i-37
Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang sa iyong
kaalaman sa pagpapasiya para sa ikabubuti ng nakararami.
5. Pamaraan
Gawain 1
Basahin ang sumusunod na sitawasyon. Piliin sa loob ng kahon ang iyong magiging
pasiya sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Isa ka mga pinuno ng inyong klase na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa
inyong silid-aralan. Iminungkahi ng inyong pangulo na ikaw ang maging monitor
sa pagganap ng tungkulin ng bawat pangkat.
2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan ng ginamitan ng halo-halong
pintura, iminungkahi ng inyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang
pintura dahil hindi na ito mapakikinabangan.
3. Napansin ng inyong pangkat na kaya bumagal ang pag-akyat ng mga mag-aaral sa
silid-aralan ay dahil hindi sila sumusunod sa nakapaskil na “Keep right.”
Nagmungkahi ang iyong mga kaibigan sa inyong guro na ang pangkat ninyo ang
mamamahala ditto tuwing umaga.
4. May Fun Run ang Red Cross sa susunod na Linggo. Iminungkahi ng iyong mga
kaibigan na sa halip na manood kayo ng sine, sumama na lang kayo sa Fun Run at
ibayad sa registration ang gagastusin sa panonood ninyo ng sine.
5. Sinabihan ang inyong pamilya ng punong barangay na kailangan nang alisin ang
lumang kotseng hindi umaandar at nakaparada sa tapat ng inyong bahay.
Nakaaabala daw ito sa mga nagdadaang sasakyan dahil maliit ang inyong kalsada.
Bigay iyon sa tatay mo ng kapatid niya na nag-abroad. Gusto sanang ipaayos ng
tatay mo para may sasakyan na kayo, pero wala naman siyang sapat na perang
pampaayos nito. Tinanong kayo kung ipagbibili na lang ito sa motor shop para
magkapera kayo.
Pamantayan Iskor
Napakahusay ang pagpapaliwanag at naisaalang-alang ang kapakanan ng
nakararami.
3
May kahusayan ang pagpapaliwanag ngunit hindi naisaalang-alang ang
kapakanan ng nakararami.
2
Malabo/Hindi buo ang pagpapaliwanag sa naging sagot 1
a. Pag-isipan ko muna kung kakayanin ko.
b. Basta pasiya ninyo, payag kaagad ako.
c. Hindi ako papayag, dahil …