2. Isulat ang tamang sagot:
1. Sa anong paraan ka
makaiiwas sa pagkakaroon
ng kuto sa ulo?
2. Ilang beses dapat
magsipilyo ng ngipin sa
loob ng isang araw?
3. GANITO MAGHUGAS
Tono: Mulberry Bush
Ganito maghugas ng mukha
Maghugas ng mukha
Maghugas ng mukha.
Ganito maghugas ng mukha Tuwing umaga.
(Palitan ang parte ng katawan)
- maghugas ng paa
- magsuklay ng buhok
- magsipilyo ng ngipin - magpalit ng damit
4. PAGLILINIS NG SARILI
May kasabihan tayo na”Ang
Kalusugan ay Kayamanan.”
Mapapanatili nating malusog
ang ating katawan kung tayo ay
naliligo, nagsusuklay ng buhok,
nagsisipilyo ng ngipin, at gagawin
ang iba pang gawaing
pangkalusugan araw-araw.
5. Sino sa inyo ang kaya nang
alagaan ang sarili tulad ng paglilinis at
pag-aayos ng sarili tuwing pumapasok
sa paaralan o di kaya kung may
pupuntahan o may lakad ang pamilya?
a. Paano mo ito ginagawa?
b. Kailan mo ito ginagawa?
c. Gaano mo ito kadalas ginagawa?
6. PALILIGO
Dapat ugaliing maligo araw-
araw para mapanatili tayong
malinis. Gumamit ng sabon sa buong
katawan. Gumamit ng shampoo na
akma sa klase ng buhok mo. Bago
matulog sa gabi ugaliin ding
maglinis ng katawan upang maging
presko ang pakiramdam.
7. Mga Dapat Gawin sa Paliligo
1.Basain ang iyong katawan. Simulan
sa tiyan, pagkatapos sa hita, alak-
alakan, kili-kili, at sa ibang bahagi ng
katawan. Huling basain ang buhok. .
2.Maglagay ng sapat na shampoo sa
iyong palad. Ikuskos ito sa buhok upang
bumula. Gamitin ang dulong mga daliri
sa pagmamasahe.
8. 3.Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basing
bimpo sa paghihilod ng katawan. Linisin ang
tainga at ang likod nito, ang leeg, batok, kili-kili,
siko, tuhod, ang mgapagitan ng daliri sa kamay
at paa.
4.Banlawan nang mabuti ang buhok at buong
katawan.
5.Punasan nang mabuti an gbuhok at katawan
upang matuyo ang mga ito.
6.Pulbusan ang buong katawan upang
makaramdam ng ginhawa.
9.
10. PAGSISIPILYO NG NGIPIN
Ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos
kumain ay makatutulong ng malaki upang
maiwasang masira o mabulok ang mga ito. Ang
bulok na ngipin ay nagiging sanhi ng mabahong
amoy sa bibig. Gumamit ng toothpaste na may
fluoride na angkop para sa mga bata.
Ugaliing magsipilyo ng ngipin sa umaga,
tanghali at gabi pagkatapos kumain. Ang dila at
ngalangala ay dapat ding sipilyuhin.
11. Tamang Pagsisipilyo ng Ngipin
1.Kumuha ng isang basong tubig. Hugasan ang
sepilyo at lagyan ng "toothpaste".
2. Isepilyo ito sa ngipin hanggang sa bumula ang
"toothpaste". Sepilyuhin nang pataas at pababa
ang mga ngipin sa harap. Sepilyuhin ding mabuti
ang pagitan ng mga ngipin at ang mga sulok ng
gilagid.
3.Sepilyuhin ang mga ngipin sa itaas nang
pababang haplos at ang mga ngipin sa ibaba nang
paitaas na haplos.
12. 4.Magmumog. Ipagpatuloy ang pagsesepilyo ng
mgangipin.
5.Magmumog muli hanggang sa maalis nang mabuti
ang "toothpaste" sa bibig.
6.Linisin at hugasan ang sepilyo bago ito itago.
Ilagay sa sariling lalagyan ang sepilyo nang hindi
ito marumihan at hindi madapuan ng langaw at
ipis.
7.Ang"toothpaste" ay dapat tipirin. Maglagay
lamang sa sepilyo ng katamtam ang dami upang
hindi ito masayang.
13.
14. Pag-aalaga ng Buhok, Kamay, Kuko at Paa.
1.Suklayin at ayusin sa paraang nababagay sa
iyo. Ito'y kailangan laging maayos upang
maging malusog, makintab at magandang
tingnan.
2.Syampuhin ito nang dalawa o tatlong ulit sa
loob ng isang linggo. Sa ganitong paraan, hindi
mawawala ang natural na langis na
nagpapakintab sa buhok.
3.Suklayin ang buhok bago matulog, mapanatili
itong malinis at makintab.
15. Pag-aalaga ng Kamay, Kuko at Paa
1.Kailangang gupitin minsan sa isang lingo
ang mga kuko at sundin ang hugis ng daliri.
2.Putulin ng diretso ang mga kuko sa paa
upang hindi tumubo nang pailalim ang mga
ito at maging "ingrown toenails".
3.Linisin ang mga paa. Kung may di-kanais-
nais na amoy at ito'y pawisan, ibabad sa
maligamgam na tubig na may kaunting asin
sa loob ng 15 minuto.
16. WASTONG PANGANGALAGA NG
KUKO
Mahalagang panatilihing
malinis ang mga kuko sa paa
at kamay. Iwasang isubo
ang mga daliri sa bibig lalo
na kung marumi ang kuko.
17.
18. Gawain 1
Panuto: Gawin ang mga ss:
1. Kumuha ng partner
2. Lahat ng nasa gawing kanan
ay magkunwaring nanay at
ang nasa gawing kaliwa ay
magkunwaring anak.
19. 3. Lahat ng anak ay ipakikita sa
nanay kung paano linisin at
ayusin ang katawan bago
pumasok sa paaralan.
4. Lahat ng nanay ay pagmasdan
ang anak kung paano maglinis
at mag-ayos ng sarili.
20. 5. Isusulat ni nanay sa
kuwaderno kung paano
isasagawa ang gawain,
6. Pagkatapos magpalitan ng
role ang kapartner.