SlideShare a Scribd company logo
1 of 30
Aralin 3
Sistemang Pang-Ekonomiya
Inihanda ni: MABELLE GANUELAS
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Panimula
• Isang katotohanan na dapat nating
tanggapin na walang hanggan ang
kagustuhan at pangangailangan ng tao sa
harap ng kakapusan ng pinagkukunang
yaman.
• Kailangang isaalang-alang natin ang
paggamit ng lahat ng pinagkukunang-yaman
upang makamit ng tao ang pinakamataas na
antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula
rito.
Tamang Paggamit ng Pinagkukunang
Yaman
• Ang walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao ang itinuturing na
pinakaugat ng suliranin sa kakapusan. Kaya
nararapat na maging matalino sa
pagpapasya.
• Bagaman hindi matutugunan ng limitadong
pinagkukunang-yaman ang lahat ng
pangangailangan at kagustuhan ng tao,
dapat pa ring tiyakin mahusay at nasa
tamang pamamaraan ang paggamit nito.
Kalakal Presyo
∙ Pagkain sa tanghali
∙ Bagong T-shirt
∙ Pampagupit o pampaayos ng buhok
∙ Notebook (isang piraso)
Magkano ang nakahanda mong
gastusin para sa mga
sumusunod na
pangangailangan? Lagyan ng
presyo ang talaan sa ibaba.
Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga? Bakit?
Ano ang
ALOKASYON?
• Ito ang pagtatakda ng
dami ng pinagkukunang
yaman para
matugunan ang
mga
pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Ang mekanismo ng
pamamahagi ng
pinagkukunang-yaman,
produkto, at serbisyo.
• Ito ang pamamaraan ng
pagtugon ng tao ukol sa
suliranin ng kakapusan
ng mga pinagkukunang
yaman.
Pinagkunan:
https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s
Budget
• Ang halagang inilalaan upang tugunan
ang isang pangangailangan o
kagustuhan.
Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay,
panoorin mo muna ang video sa
Youtube tungkol sa Alokasyon gamit
ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s
APAT NA KATANUNGANG PANG-
EKONOMIYA
• Kailangang isaalang-alang ang paggamit at
paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman
upang makamit ng tao ang pinakamataas na
antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula
rito.
• Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa
katotohanang may kakapusan ang mga
pinagkukunang-yaman.
APAT NA KATANUNGANG PANG-
EKONOMIYA
• Ang mapanagutang paggamit (responsible use)
ang titiyak na may magagamit pang
pinagkukunang-yaman ang susunod na
henerasyon.
• Upang matiyak na maayos (efficient) ang
alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman,
kailangang tumugon ang bawat lipunan sa Apat
na Katanungang Pang-ekonomiya.
Ano-anong mga kalakal at
serbisyo ang dapat likhain?
Paano lilikhain ang mga
kalakal at serbiyong ito?
Para kanino ang mga lilikhaing
kalakal at serbisyo?
Gaano karami ang gagawing
produkto at serbisyo?
APAT NA KATANUNGANG PANG-
EKONOMIYA
1. Ano-anong mga kalakal at serbisyo
ang dapat likhain?
• Kabilang dito ang pagpili ng mga bagay na
dapat likhain at kung ano-ano ang maaring
gawing alternatibo para dito.
• Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong
kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto
ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan.
• Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo
ang gagawin ay nakasalalay sa
pangangailangan ng tao.
2. Paano lilikhain ang mga kalakal
at serbisyong ito?
• Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng
produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong
input ang gagamitin.
• Marami ring mga paraan na maaaring gamitin
kung papaano isasakatuparan ang produksiyon.
Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal
na paraan ng paggawa upang mabuo ang
output.
• Kabilang dito kung sino-sino ang lilikha ng mga
kalakal at serbisyo at ang mga paraan,
teknolohiya at presyo ng mga bagay na
kailangan sa paglikha nito.
3. Para kanino ang mga lilikhaing
kalakal at serbisyo?
• Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang
sa mga malilikhang kalakal atserbisyo at kung
paano maisasagawa ang maayos na
distribusyon nito.
• Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o
serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa
pagpapatuloy ng produksiyon.
• Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay
kung sino ang nangangailangan at may
kakayahang makamit ito.
4. Gaano karami ang gagawing
produkto at serbisyo?
• Kailangang malaman ang laki ng
pangangailangan ng ekonomiya upang
makapagdesisyon kung gaano karami ang
gagawing produkto at serbisyo.
• Ang potensiyal na makabuo ng produkto at
serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.
Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa
Apat na Katanungang Pang-ekonomiya,
panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=pw93ILA-1i4
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-
frame.html
Ano ang SISTEMANG
PANG-EKONOMIYA?
• Ito ang institusyonal na kaayusan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon,
pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
• Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya
na makaagapay ang lipunan sa mga
suliranin ng kakapusan at kung paano
episyenteng magagamit ang mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.
Ano ang SISTEMANG
PANG- EKONOMIYA?
• Ito ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t
ibang yunit upang makatugon sa suliraning
pangkabuhayan ng isang lipunan.
• Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na
paglikha ng mga kalakal at serbisyo at
maiwasan ang kakulangan ng mga ito.
• Ang pagkakaiba ng sistemang pang-
ekonomiya ay nakabatay sa kung sino-sino
ang gumagawa ng pagpapasya at sa
pamamaraan ng pagpapasyang ginagawa.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Traditional Economy
• Ito ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at
paniniwala ng lipunan.
• Umiikot lamang sa
pangunahing
pangangailangan ng tao tulad
ng damit, pagkain at tirahan.
• Ang suliranin kung paano
lilikha ng produkto ay simple
lamang na tinutugunan dahil
ang paraan ng produksiyon
ay batay sa sinaunang
pamamaraan na itinuro ng
matatanda sa pangkat.
Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/85005511696047921
/
Market Economy
• Ang produksyon ng mga kalakal
at serbisyo ay nagaganap sa
malayang pamilihan.
• Hindi nakikialam ang
pamahalaan sa pagpapatakbo
sa ekonomiya.
• Ang bawat kalahok (mamimili at
nagtitinda) ay kumikilos
alinsunod sa kanyang
pansariling interest kung ito ay
naayon sa batas.
• Pinapayagan ang pribadong
pagmamay-ari.
• Hango sa prinsipyo ng
Kapitalismo (Capitalism) ni
Adam Smith. Pinagkunan:
https://www.adamsmithworks.org/life_times/adam-
smith-scientist-and-evolutionist-modelling-other-
regarding-behavior-without-social-preferences
Command Economy
• Ang ekonomiya ay nasa kontrol at
regulasyon ng pamahalaan.
• Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan na gamitin ng husto
ang lupa, paggawa at kapital upang
makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya.
• Nagtataguyod sa sama-samang
pagmamay-ari o pamamahala sa
paggawa at pamamahagi ng mga
kagamitan.
• Ang lipunan ay kilala sa
pagkakaroon ng pantay-pantay na
pagkakataon sa lahat ng indibidwal
na may patas na pamamaraan ng
pasahod.
• Hango sa prinsipyo ng Sosyalismo
(Socialism) ni Karl Marx.
Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Karl_Marx_001.jpg
Mixed Economy
• Pinaghalong sistema ng Market
at Command economy.
• Hinahayaan ang malayang
pagkilos ng pamilihan subalit
maaring manghimasok ang
pamahalaan sa presyo at
kaligtasan ng mamimili.
• May aktibong pakikialam ang
pamahalaan sa ekonomiya sa
pamamagitan ng patakarang
piskal (fiscal policy) at patakaran
ng pananalapi (monetary
policy).
• Hango sa prinsipyo ng
Macroeconomics ni John
Maynard Keynes.
Pinagkunan:
https://geniusrevive.com/en/john-maynard-keynes-
the-father-of-modern-macroeconomics/
Pagbubuod:
Sistemang
pang-ekonomiya
Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya
Traditional
Economy
Lipunan Nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala
Market Economy Pamilihan
(Nagtitinda at
Mamimili)
Alinsunod sa kanyang pansariling
interest
Command
Economy
Pamahalaan Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan upang makamit ang
mga layuning pang-ekonomiya
Mixed Economy Pamilihan at
Pamahalaan
Hinahayaan ang pamilihan subalit
maaring manghimasok ang
pamahalaan
Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa
Apat na Sistemang Pang-ekonomiya,
panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=anmBQZQwV
7 M&t=85s
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga Sistemang Pang-
ekonomiya, panuorin ang mga video sa Youtube gamit ang mga
sumusunod na link:
• Traditional Economy – https://www.youtube.com/watch?v=IQwU7NKf02g
• Market Economy – https://www.youtube.com/watch?v=DKVEOefidjQ
• Command Economy – https://www.youtube.com/watch?v=lIHfNDNRQKs
• Mixed Economy - https://www.youtube.com/watch?v=9EseSEgLsvU
Isaisip
:
• Ang alokasyon ay mekanismo ng
pamamahagi ng pinagkukunang-yaman,
produkto at serbisyo.
• Ang sistemang pang-ekonomiya ay
isang paraan upang maayos na
maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito ay
paraan upang ang lipunan ay
makaagapay sa suliraning dulot ng
kakapusan.
Isaisip
:
• Mahalaga ang alokasyon at sistemang
pang-ekonomiya upang makamit ng
tao ang pinakamataas na antas ng
kasiyahan at kapakinabangan mula sa
mga pinagkukunang-yaman. Nararapat
itong bigyan-pansin dahil sa
kakapusan.
• Para sa iyo, ano ang angkop na
sistemang pang-ekonomiya sa
Pilipinas? Bakit?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY
AND ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid
ID number ng magulang o guardian.
References
:• Balitao B.R. et. al. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan
– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 3: Sistemang Pang-ekonomiya, (Unpublished) DepEd
Division of Bacoor City
References
:
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020)
retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed.
p df
• Eko and Miya characters used with permission from the
National Economic Development Authority (NEDA) retrieved
March 20, 2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-
miya- series
• ERNESTO TABIOS (2020), Apat na Pangunahing
Katanungang Pang-Ekonomiya, retrieved June 18, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=pw93ILA-1i4
• Ser Ian’s Class (2019), MELC-Based Week 1 Ekonomiks:
kahulugan at mga katanungan nito (Araling Panlipunan 9),
retrieved June 18, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s

More Related Content

Similar to ARALIN-WEEK-3.pptx

Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAngelicaTolentino19
 
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxQuennie11
 
Aralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfAralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfKayedenCubacob
 
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxQ1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxAnaMarieTobias
 
Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON JJ027
 
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganKakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganCienne Hale
 
G9_1stQ_Session3.pptx
G9_1stQ_Session3.pptxG9_1stQ_Session3.pptx
G9_1stQ_Session3.pptxAljonMendoza3
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaBooNeil
 
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfaralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfCzarinaKrystalRivadu
 
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiyaAralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiyaJB Jung
 
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
Yunit 1  aralin 4 alokasyonYunit 1  aralin 4 alokasyon
Yunit 1 aralin 4 alokasyonThelma Singson
 
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxIba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxQUENNIESUMAYO1
 

Similar to ARALIN-WEEK-3.pptx (20)

Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
 
AP 9.pptx
AP 9.pptxAP 9.pptx
AP 9.pptx
 
Aralin 4 alokasyon
Aralin 4 alokasyonAralin 4 alokasyon
Aralin 4 alokasyon
 
Aralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfAralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdf
 
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxQ1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
 
Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON Lesson: ALOKASYON
Lesson: ALOKASYON
 
Kabanata 4- Alokasyon
Kabanata 4- AlokasyonKabanata 4- Alokasyon
Kabanata 4- Alokasyon
 
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganKakapusan at Kakulangan
Kakapusan at Kakulangan
 
Aralin 1.pptx
Aralin 1.pptxAralin 1.pptx
Aralin 1.pptx
 
G9_1stQ_Session3.pptx
G9_1stQ_Session3.pptxG9_1stQ_Session3.pptx
G9_1stQ_Session3.pptx
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
Aralin 3.pptx
Aralin 3.pptxAralin 3.pptx
Aralin 3.pptx
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
 
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfaralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
 
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiyaAralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
 
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
Yunit 1  aralin 4 alokasyonYunit 1  aralin 4 alokasyon
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
 
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxIba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
 

ARALIN-WEEK-3.pptx

  • 1. Aralin 3 Sistemang Pang-Ekonomiya Inihanda ni: MABELLE GANUELAS www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
  • 2. Panimula • Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng pinagkukunang yaman. • Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit ng lahat ng pinagkukunang-yaman upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
  • 3. Tamang Paggamit ng Pinagkukunang Yaman • Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliranin sa kakapusan. Kaya nararapat na maging matalino sa pagpapasya. • Bagaman hindi matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao, dapat pa ring tiyakin mahusay at nasa tamang pamamaraan ang paggamit nito.
  • 4. Kalakal Presyo ∙ Pagkain sa tanghali ∙ Bagong T-shirt ∙ Pampagupit o pampaayos ng buhok ∙ Notebook (isang piraso) Magkano ang nakahanda mong gastusin para sa mga sumusunod na pangangailangan? Lagyan ng presyo ang talaan sa ibaba. Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga? Bakit?
  • 5. Ano ang ALOKASYON? • Ito ang pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. • Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo. • Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman. Pinagkunan: https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s
  • 6. Budget • Ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o kagustuhan.
  • 7. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay, panoorin mo muna ang video sa Youtube tungkol sa Alokasyon gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s
  • 8. APAT NA KATANUNGANG PANG- EKONOMIYA • Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. • Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman.
  • 9. APAT NA KATANUNGANG PANG- EKONOMIYA • Ang mapanagutang paggamit (responsible use) ang titiyak na may magagamit pang pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon. • Upang matiyak na maayos (efficient) ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, kailangang tumugon ang bawat lipunan sa Apat na Katanungang Pang-ekonomiya.
  • 10. Ano-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain? Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito? Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo? Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? APAT NA KATANUNGANG PANG- EKONOMIYA
  • 11. 1. Ano-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain? • Kabilang dito ang pagpili ng mga bagay na dapat likhain at kung ano-ano ang maaring gawing alternatibo para dito. • Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. • Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao.
  • 12. 2. Paano lilikhain ang mga kalakal at serbisyong ito? • Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. • Marami ring mga paraan na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang produksiyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. • Kabilang dito kung sino-sino ang lilikha ng mga kalakal at serbisyo at ang mga paraan, teknolohiya at presyo ng mga bagay na kailangan sa paglikha nito.
  • 13. 3. Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo? • Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang sa mga malilikhang kalakal atserbisyo at kung paano maisasagawa ang maayos na distribusyon nito. • Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksiyon. • Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito.
  • 14. 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? • Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. • Ang potensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.
  • 15. Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa Apat na Katanungang Pang-ekonomiya, panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=pw93ILA-1i4 Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/illustration/youtube- frame.html
  • 16. Ano ang SISTEMANG PANG-EKONOMIYA? • Ito ang institusyonal na kaayusan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. • Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
  • 17. Ano ang SISTEMANG PANG- EKONOMIYA? • Ito ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan. • Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito. • Ang pagkakaiba ng sistemang pang- ekonomiya ay nakabatay sa kung sino-sino ang gumagawa ng pagpapasya at sa pamamaraan ng pagpapasyang ginagawa.
  • 18. Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
  • 19. Traditional Economy • Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng lipunan. • Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan. • Ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Pinagkunan: https://www.pinterest.ph/pin/85005511696047921 /
  • 20. Market Economy • Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan. • Hindi nakikialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo sa ekonomiya. • Ang bawat kalahok (mamimili at nagtitinda) ay kumikilos alinsunod sa kanyang pansariling interest kung ito ay naayon sa batas. • Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari. • Hango sa prinsipyo ng Kapitalismo (Capitalism) ni Adam Smith. Pinagkunan: https://www.adamsmithworks.org/life_times/adam- smith-scientist-and-evolutionist-modelling-other- regarding-behavior-without-social-preferences
  • 21. Command Economy • Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan. • Ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan na gamitin ng husto ang lupa, paggawa at kapital upang makamit ang mga layuning pang- ekonomiya. • Nagtataguyod sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan. • Ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas na pamamaraan ng pasahod. • Hango sa prinsipyo ng Sosyalismo (Socialism) ni Karl Marx. Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/File:Karl_Marx_001.jpg
  • 22. Mixed Economy • Pinaghalong sistema ng Market at Command economy. • Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mamimili. • May aktibong pakikialam ang pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng patakarang piskal (fiscal policy) at patakaran ng pananalapi (monetary policy). • Hango sa prinsipyo ng Macroeconomics ni John Maynard Keynes. Pinagkunan: https://geniusrevive.com/en/john-maynard-keynes- the-father-of-modern-macroeconomics/
  • 23. Pagbubuod: Sistemang pang-ekonomiya Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya Traditional Economy Lipunan Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala Market Economy Pamilihan (Nagtitinda at Mamimili) Alinsunod sa kanyang pansariling interest Command Economy Pamahalaan Ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya Mixed Economy Pamilihan at Pamahalaan Hinahayaan ang pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan
  • 24. Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa Apat na Sistemang Pang-ekonomiya, panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=anmBQZQwV 7 M&t=85s Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
  • 25. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga Sistemang Pang- ekonomiya, panuorin ang mga video sa Youtube gamit ang mga sumusunod na link: • Traditional Economy – https://www.youtube.com/watch?v=IQwU7NKf02g • Market Economy – https://www.youtube.com/watch?v=DKVEOefidjQ • Command Economy – https://www.youtube.com/watch?v=lIHfNDNRQKs • Mixed Economy - https://www.youtube.com/watch?v=9EseSEgLsvU
  • 26. Isaisip : • Ang alokasyon ay mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo. • Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito ay paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
  • 27. Isaisip : • Mahalaga ang alokasyon at sistemang pang-ekonomiya upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula sa mga pinagkukunang-yaman. Nararapat itong bigyan-pansin dahil sa kakapusan.
  • 28. • Para sa iyo, ano ang angkop na sistemang pang-ekonomiya sa Pilipinas? Bakit? PAGPAPAHALAGA TAKDA: Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number ng magulang o guardian.
  • 29. References :• Balitao B.R. et. al. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of Education • Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag- unlad, Vibal Publishing House • Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Vibal Publishing House • Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House • Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 3: Sistemang Pang-ekonomiya, (Unpublished) DepEd Division of Bacoor City
  • 30. References : • Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020) retrieved March 20, 2020 from https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp- content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed. p df • Eko and Miya characters used with permission from the National Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20, 2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and- miya- series • ERNESTO TABIOS (2020), Apat na Pangunahing Katanungang Pang-Ekonomiya, retrieved June 18, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=pw93ILA-1i4 • Ser Ian’s Class (2019), MELC-Based Week 1 Ekonomiks: kahulugan at mga katanungan nito (Araling Panlipunan 9), retrieved June 18, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48&t=137s