2. PAGKAMATIYAGA:
Ang Batang may Tiyaga may Nilaga
Isang araw ay nagkayayaan ang magkakaibigang Hanah, Bella
at Cheska na pumunta sa bayan upang makipanayam. Malayo-layo na
rin ang kanilang nilakad nang makaramdam sila ng pagkagutom. May
isang matandang lalaki na sumulpot sa kanilang harapan at tinanong
kung ano ang kanilang nais.
“Ano ang inyong hinahanap?” tanong ng matanda.
“Nagugutom na po kami at sa tingin po namin ay naliligaw kami.”
ang sagot ni Cheska.
“Opo, sana ay mabigyan ninyo kami ng kahit kaunting pagkain,”
dugtong naman ni Bella.
3. Sa halip na bigyan sila ng pagkain ay binigyan sila ng
matandang lalaki ng isang tabong pako na punong-puno ng kalawang.
At sinabi ng matandang lalaki na linisin nila iyon.
“Ano ang gagawin naming diyan?” ang tanong ni Hanah.
“Pagkain ang kailangan naming at hindi pako na puro kalawang.”
“Di ninyo ba narinig ang nais namin?’’ ang dugtong ni Cheska.
Tumalikod na ang matanda at biglang nawala.
Kinuha ni Bella ang tabo na puno ng pako at sinimulang nilinis.
Ang magkaibigang Cheska at Hanah naman ay patuloy na naglakad
upang humanap ng pagkain.
4. Maya-maya ay unti-unting nagkukulay ginto ang mga pakong
nilinis ni Bella. Laking gulat niya nang magpakita muli ang
matandang lalaki ngunit nag-anyong genie at sinabi sa kanya na
ang mga gintong pakong nilinis niya ay sa kanya na at maaari na
siyang umuwi.
Tuwang-tuwa si Bella sa sinabi ng genie, lubos ang kanyang
pasasalamat dito at dagli na siyang umuwi.
Walang napapala ang batang tamad. Kung hindi nagtiyaga si
Bella ay wala rin siyang mapapala ngunit kahit na nagugutom na
siya ay pinagtiyagaan niya pa rin na linisin ang mga kalawanging
pako at sa bandang huli ay nagkamit siya ng gantimpala. Hindi niya
inaasahan ang gantimpalang ito, ngunit nagbunga ang kanyang
pagtitiyaga.
5. Ang batang matiyaga ay hindi basta sumusuko sa anumang
problema o suliranin na kanyang kinakaharap. Lalo siyang nagsusu-
mikap na matapos anumang ipinapagawa sa kanya kahit walang
kapalit dahil para sa kanya ang pagtitiyaga ay mas mainam kaysa
katamaran. Madalas siyang ipinagmamalaki at tinutularan ng
sinuman.
MGA HAKBANG UPANG MAGING BATANG MATIYAGA
1. Huwag sumuko kahit gaano kahirap ang pagsubok na
kinahaharap.
2. Laging isipin na may napapala sa pagtitiyaga.
3. Tiyaga ang kailangan kung gustong magtagumpay.
4. Kung may tiyaga maaabot ang minimithi sa buhay.