3. Ang nasyonalismo o diwang makabayan ay tumutukoy sa
kamalayan ng tao na maiugnay ang kanyang sarili sa isang pangkat
o bansa na may nagkakaisang mithiing mapabuti ang kalagayan
nito at nagpapakita ng matinding pagmamahal sa bayan.
Ang pagiging liberal ay pagiging bukas ang isipan at paniniwala sa
kalayaan ng taong ipahayag at paunlarin ang sarili.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang kaisipang liberal
ay ang kaisipang humihikayat sa pagkakaroon ng pagbabago sa
pamahalaan upang magkaroon ng pantay na karapatan, proteksyon
at kalayaan para sa bawat indibidwal.