2. Awit - uri ng tulang pasalaysay na
binubuo ng tig-aapat na taludtod
ang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing
pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc,
at iba pa).
3. KARANIWANG PAKSA NG AWIT
pakikipagsapalaran ng bayani
alamat
relihiyosong tula
4. AYON SA PAG-AARAL NG BATIKANG
MANANALIKSIK NA SI DAMIANA L. EUGENIO
ang "awit" ay walang ikinaiba sa
“korido“
maliban lamang sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod.
5. PAGKAKAHAWIG NG AWIT AT KORIDO
Tatlong elemento ng AWIT at
KORIDO:
Ang pag-iibigan
ang relihiyoso at pangangaral
ang kahima-himala at kagila-gilalas
6. Inilalahad ng awit:
ang pag-ibig ng magsintahan o
magkabiyak,
ang pag-ibig ng anak sa magulang,
at ang pag-ibig sa lupang
sinilangan.
7. Pinakapopular sa lahat ang Florante at
Laura ni Francisco (Balagtas) Baltazar na
itinuring ni Jose Rizal na pinakamahusay na
awit noon, at nagtataglay ng mga diwaing
masasalamin umano sa lipunan.
8. MGA HALIMBAWA NG AWIT
Florante at Laura ni Francisco
Balagtas
Buhay ni Segismundo ni Eulogio
Juan de Tandiona
Doce Pares na Kaharian ng Francia
ni Jose dela Cruz
Salita at Buhay ni Mariang
Alimango