1. KAIBIGAN
Kay saying balikan kung anong nasimulan
San ba nag-umpisa itong ating samahan
Sa bawat halakhakan at munting tawanan
Kapag may problema ika’y matutulungan
Kung ikaw ay may hanap sila’y maaasahan
Kahit bote ng alak tanging kasagutan
Wala mang asaynment di ka pababayaan
Parating andyan tunay na kaibigan
Apat na taon ating pagsasamahan
Wag sanang itapon itong nasimulan
Mga alaalang nagdulot ng kasiyahan
Bawat isa’y huwag sanang malimutan…