• Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
No Downloads

Views

Total Views
22,009
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1

Actions

Shares
Downloads
452
Comments
6
Likes
4

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. PAMAHALAAN At Sistemang Pulitikal sa Asya Pamahalaan- galing sa salitang griyego na “GUBERNACULUMS” na ang ibig sabihin ay “TIMON”. Isang institusyong may isinasagawang proseso upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao sa isang lupain. Isang organisasyong panlipunan upang magkaroon ng makatotohanang batas na magkakaloob ng katarungan, kapayapaan at proteksyon para sa lahat.
  • 2.
    • IBA’T IBANG SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA:
    • MONARKIYA
    • Ang isang monarkiya ay pinamumunuan ng isang lider na nagmula sa lahi ng mga
    • dugong bughaw o hari at reyna.
    • a. Monarkiyang Konstitusyonal- ang kapangyarihan ay nasa isang monarko (hari o reyna) ngunit limitado at hindi lubos.
    • b. Monarkiyang Absolut- ang kapangyarihan ay nasa isang monarko (hari o reyna) na walang limitasyon.
  • 3.
    • 2. REPUBLIKA
    • Sa isang republika, ang tao ang makapangyarihan. Ang mga namumuno sa pamahalaan ay itinuturing lamang na mga kinatawan ng mga taong naghalal sa kanila sa posisyon.
    • • Presidensyal – ang pinuno ng buong estado ay ang pangulo .
    • • Parliyamentaryo – ang pinuno ng buong estado ay ang pinunong ministro .
  • 4.
    • • Unitaryo – saklaw ng pamahalaang pambansa/nasyonal ang pamahalaang
    • lokal.
    • • Federal – may awtonomiya ang pamahalaang lokal mula sa pamahalaang
    • pambansa/nasyonal.
  • 5.
    • 3. KOMUNISMO
    • Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng bansa. Ito ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong “From each according to his abilities, and to each according to his needs.”
    • 4. DIKTATORYAL
    • Sa isang sistemang diktatoryal, iisang tao ang namumuno. Karaniwang gumagamit ito ng dahas at pamimilit.
  • 6.
    • 5. EMIRATO/SULTANATO
    • Pinamumunuan ng Emir o Sultan bilang lider ispiritwal at lider ng bansa.
    • Sultanato- namumuno ay Sultan
    • Emirato- namumuno ay Emir, Prinsesa o Prinsipe
  • 7. Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang talata. Republika, (1) _______________ ang tawag kapag ang Pangulo ang pinuno ng estado at (2) _______________ naman kapag ang namumuno sa gabinete ay ang Punong Ministro. Saklaw ng pamahalaang pambansa ang pamahalaang lokal sa sistemang (3) _______________. Malaya naman sa isa’t isa ang pamahalaang lokal at pang-estado sa sistemang (4)_______________.
  • 8.
    • (5) ________________ ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao na gumagamit ng dahas at pamimilit. Sa sistemang 6) ___________ , walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng bansa. Monarkiyang (7) ________________ ang tawag kapag limitado ang kapangyarihan ng pinuno at monarkiyang (8) ________________ kung labis ang kanyang kapangyarihan. Sa Sultanato, hawak ng (9) __________________ ang kapangyarihan samantalang mga (10) _________________ naman ang namumuno sa pamahalaang Emirate .
  • 9.
    • SAGOT:
    • 1. PRESIDENSIYAL
    • 2. PARLIAMENTARYO
    • 3. UNITARYO
    • 4. FEDERAL
    • 5. DIKTATORYAL
    • 6. KOMUNISMO
    • 7. KONSTITUSYONAL
    • 8. ABSOLUT
    • 9. SULTAN
    • 10. EMIR/PRINSESA/PRINSIPE
  • 10.
    • SISTEMANG PULITIKAL NG INDIA
    • ☻ Agosto 15, 1947- araw kasarinlan ng India
    • ☻ Lord Louis Mounbatten- unang gobernador heneral ng India
    • ☻ Jawaharlal Nehru- unang punong ministro ng bansa na kumiling sa prinsipyong NON-ALIGNMENT o pamamahalang walang anumang ideolohiyang pinapanigan.
    • ☻ Kocheril Raman Narayanan- kauna-unahang untouchable na naging punong ministro ng India
    • National Congress Party- pinakamalaking partido sa India.
    • ☻ 395 Artikulo- bumubuo sa Saligang batas ng india kung saan itinadhana nito ang FEDERAL REPUBLIC na uri ng pamahalaan.
  • 11.
    • Sa ilalim ng Konstitusyon ng India, ang Korte Suprema ang pinakamataas na tribunal sa bansa. Ito ay may kapangyarihan na ideklara na ang isang gawain ay labag sa konstitusyon.
    • Sa ilalim ng republikang pederal , ang sistemang parliyamentaryo ang sinusunod. Ito ay binubuo ng mataas na kapulungan o Rajva Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga miyembro ng lehislatura ng estado at ang mababang kapulungan o Lok Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga tao sa bawat distrito. Ang mga miyembro ng gabinete at minister ng konseho naman ay nagmumula sa Lok Sabha.
    • Ayon sa Konstitusyon ng India, ang lahat ng mamamayan nito ay may karapatang bumoto, marunong mang bumasa o hindi. Ang sentro ng pamahalaang Indian ay nasa New Delhi.
  • 12.
    • SISTEMANG PULITIKAL NG PAKISTAN
    • Ang pagkakabuo ng Pakistan ang kauna-unahang pagkakataon sa makabagong panahon na naitatag ang isang pamayanang pulitikal na naaayon sa iisang uri ng pananalig.
    • Si Muhammad Ali Jinnah (Quaid-e-Azam), lider ng pamayanang Indiang Muslim ang namuno sa pagpupumilit ng pagkakaroon ng nahihiwalay na estado ng mga Indiang Muslim. Itinatag niya ang Al-Indian Muslim League noong 1906 at siya ang naging unang gobernador-heneral ng bansa nang ito ay mapagkalooban ng kasarinlan.
    • Ang pangalang Pakistan ay binuo ni Choudhary Rahmat Ali na kumakatawan sa apat na lalawigan ng Sind, Baluchistan, Punjab, at ng hilaga at kanlurang bahagi nito.
  • 13.
    • Ang Pakistan ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na estadong Kanlurang Pakistan at Silangang Pakistan. Sa pagsisimula ng kanilang kasarinlan, at habang binubuo ang konstitusyon ng bansa, namatay si Ali Jinnah. Dahil sa kawalan ng gabay ng isang dakilang lider, ang bansa ay unti-unting nasalikupan ng mga kontrobersyang konstitusyunal hanggang sa ito ay malubog sa isang malalang suliranin.
  • 14.
    • Ang Pakistan ay naging isang republikang parliyamentaryo noong 1956, hanggang sa ito ay mapasailalim sa isang diktaturyang military sa pamumuno ni Heneral Ayub Khan noong 1969. Sa ilalim ng pamumuno ni Yahya Khan, naitatag ang nagsasariling Silangang Pakistan na ngayon ay Bangladesh. Ito ay naitatag matapos ang isang madugo at mainit na pakikidigma sa Kanlurang Pakistan.
  • 15.
    • Sa kasalukuyan, ang Pakistan ay isa pa ring Federal Parliamentary Republic. Ang pangulo ang puno ng pamahalaan na siya ring pumipili ng kanyang punong ministro mula sa mga kasapi ng senado , National Assembly at Provincial Assembly.
    • Ang lehislatura ng bansa ay tinatawag na Majlis-e-Shoola na binubuo ng senado o mataas na kapulungan.
  • 16.
    • SISTEMANG PULITIKAL NG BANGLADESH
    • Ang nag-iisang wikang Bengali ang naging malakas na armas ng mga Bengal upang matamo ang kanilang kasarinlan.
    • Mula sa Pakistan noong 1971, sa ilalim ng pamumuno ni Shiek Mujibur Rahman , ang bansa ay binubuo ng 64 na distrito na may limang dibisyon. Bilang isang demokrasya, ang bansa ay naging magulo dala ng hindi matatag na pamahalaang lagi nang may mga pagkakagulo, pag-aaklas, at demonstrasyon.
  • 17.
    • Ang bansa ay isang parliyamentaryong demokrasya. Bagamat ang pangulo ang pinuno ng estado, ang punong ministro ang pinuno ng pamahalaan at siyang nangangasiwa ng bansa. Ang pangulo ang humihirang ng punong ministro.
    • Ang pangangasiwa ng pamahalaan ay isinasalin ng papaalis na administrasyon sa isang pamahalaang INTERIM, na kinakailangang mag-organisa ng isang halalan sa loob ng 90 araw.
  • 18.
    • Kilalanin at bigyan ng kahulugan:
    • Lord Louis Mounbatten
    • Jawaharlal Nehru
    • NON-ALIGNMENT
    • Rajva Sabha
    • Lok Sabha
    • Muhammad Ali Jinnah
    • 7. Choudhary Rahmat Ali
    • Yahya Khan
    • National Congress Party
    • Bengali
  • 19.
    • Sistemang Pulitikal sa Bansang Hapon
    • Ang emperador (Dai Nippon Teikoku Tenno) ay panseremonya lamang at nagsisilbing simbolo ng pamahalaan at tanging nag-uugnay ng nakaraan sa nakalipas na Monarkiyang Konstitusyunal ng bansang Hapon. Sa kasalukuyan ito ay Parliyamentaryong Monarkiya.
    • Sa kasalukuyan, 25 na salin na ang emperador ng Hapon sa katauhan ni AKIHITO.
  • 20.
    • Ang Ehekutibo
    • Ang pambansang patakaran ng pamahalaan ay isinasaayos at isinasagawa ng punong ministro at ng kanyang cabinet na inihalal ng Diet .
    • DIET- tawag sa kongreso o batasan ng Hapon
  • 21.
    • Ang Lehislatura
    • Ang Diet ay binubuo ng House of Councilors at ng House of Representatives .
    • Kapulungan ng Konseho- 252 miyembro na inihalal para sa anim na taong panunungkulan.
    • Kapulungan ng Kinatawan- 511 miyembro na kumakatawan sa 124 na distrito na inihalal para sa apat na taong panunungkulan.
  • 22.
    • Ang Hukuman
    • Ang sangay na ito ng pamahalaan ay indipendyente. Ito ay pinamumunuan ng
    • punong mahistrado na inihalal ng gabinete at itinalaga naman ng emperador at iba
    • pang 15 mahistrado na itinatakda naman ng mga miyembro ng gabinete.
  • 23.
    • Ang Hapon ay may 47 PREFECTURE o lalawigan na nasailalim ng pamamahala ng pamahalaang sentral at pinamamahalaan ng gobernor. Sa ilalim ng bawat prefecture ay may mga munisipalya na pinamamahalaan ng alkalde.
  • 24.
    • Sistemang Pulitikal ng South Korea
    • COLD WAR- tumutukoy sa tensyong diplomatiko sa pagitan Estados Unidos at Soviet Union, ang dalawang bansang superpowers matapos ang WWII.
    • - ito ang naging dahilan ng pagkakahati ng Hilagang Korea at Timog Korea sa 38 th parallel.
    • 38 th Parallel – imahinaryong linya na naghati sa Korea (North at South) sa 38 degris.
  • 25.
    • Sa tulong ng Estados Unidos at United Nations Commission itinatag ng mga South Korean ang demokratikong pamahalaan.
    • Taehan Mingkuk (The Republic of Korea)
    • -napili ng South Korea na Opisyal na Pangalan ng bansa.
    • Syngman Rhee- unang nahalal na pangulo ng bansa.
  • 26.
    • Itinalaga ng Saligang Batas ng Republika ang sistemang presidensiyal para sa sangay ng ehekutibo na inihahalal ng mga mamamayan.
    • Ang pangulo ng bansa ay inihahalal ng mga mamamayan upang manungkulan ng limang taon. Siya ang namumuno sa estado at nangangasiwa sa pamahalaan. Siya rin ang may kapangyarihang magtakda at magpaalis ng punong ministro, ministro ng gabinete at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
  • 27.
    • National Assembly- nakatalaga dito ang kapangyarihan ng lehislatura na may iisang sangay.
    • Ang dalawang katlo ng mga kasapi ng National Assembly ay inihahalal ng mga mamamayan samantalang ang natitirang sangkatlo ay nagmumula sa partido ng bansa.
    • May kapangyarihan ding magpaalis sa tungkulin ng isang pangulo ayon sa ipinagkakaloob ditong kapangyarihan sa panahon ng pangangailangan (emergency powers) ng saligang batas.
  • 28.
    • Ang Korte Suprema ang pinakamataas na hukuman ng bansa na pinamumunuan ng punong mahistrado na itinatalaga ng pangulo upang manungkulan ng anim na taon.
  • 29.
    • Ang Pamahalaan ng Tsina
    • Partidong Komunista
    • Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan, sa hukbo, at sa masang bumubuo sa selda ng partido
    • Estado
    • Peoples Liberation Army
    • POLITBURO STANDING COMMITTEE
    • -binubuo ng apat hanggang siyam na kalalakihan na nagpapasya sa mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa buong bansa.
  • 30.
    • NATIONAL PEOPLE’S CONGRESS (NPC)
    • -pinakamataas na sangay ng kapangyarihang estado na naghahalal ng pangulo, pangalawang pangulo, konseho ng estado at Sentrong Komisyon ng Militar sa bansa.
    • KONSEHO NG ESTADO (State Council)
    • -pangunahing awtoridad sa bansa na namamahala sa mga lalawigan.
    • SENTRONG KOMISYON NG MILITAR
    • -tagapangulo ng komisyon ang Punong Komandante ng hukbong sandatahan at nangangasiwa sa PLA.
  • 31.
    • KORTE SUPREMA (Supreme People’s Court)
    • -pinakamataas na korte ng PROC.