4. EFESO 6:10–11
10 Sa katapustapusa'y magpakalakas
kayo sa Panginoon, at sa
kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
11 Mangagbihis kayo ng buong
kagayakan ng Dios, upang kayo'y
magsitibay laban sa mga lalang ng
diablo.
7. EFESO 6:12
12 Sapagka't ang ating pakikibaka ay
hindi laban sa laman at dugo, kundi
laban sa mga pamunuan, laban sa
mga kapangyarihan, laban sa mga
namamahala ng kadilimang ito sa
sanglibutan, laban sa mga ukol sa
espiritu ng kasamaan sa mga dakong
kaitaasan.
9. MATEO 13:39
13 At ang kaaway na naghasik ng mga
ito ay ang diablo: at ang pagaani ay
ang katapusan ng sanglibutan; at ang
mga mangaani ay ang mga anghel.
11. EZEKIEL 28: 13-18
13 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng
Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong
kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang
diamante, ang berilo, ang onix, at ang
jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang
karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng
iyong pandereta at iyong mga plauta ay
napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay
lalangin ay nangahanda.
12. EZEKIEL 28: 13-18
14 Ikaw ang pinahirang kerubin na
tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw
ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng
Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna
ng mga batong mahalaga.
15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad
mula sa araw na ikaw ay lalangin,
hanggang sa ang kalikuan ay
nasumpungan sa iyo.
13. EZEKIEL 28: 13-18
16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay
kanilang pinuno ang gitna mo ng
pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't
inihagis kitang parang dumi mula sa
bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh
tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng
mga batong mahalaga.
14. EZEKIEL 28: 13-18
17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa
iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang
iyong karunungan dahil sa iyong
kaningningan: aking inihagis ka sa lupa;
aking inilagay ka sa harap ng mga hari,
upang kanilang masdan ka.
15. EZEKIEL 28: 13-18
18 Sa pamamagitan ng karamihan ng
iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong
pangangalakal, iyong nilapastangan ang
iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas
ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at
pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa
paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.
17. ISAIAS 14:11-15
11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa
Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola:
ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at
tinatakpan ka ng mga uod.
12 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh
tala sa umaga, anak ng umaga! paanong
ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang
nagpahina sa mga bansa!
18. ISAIAS 14:11-15
13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y
sasampa sa langit, aking itataas ang aking
luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at
ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa
mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
19. ISAIAS 14:11-15
14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga
kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging
gaya ng Kataastaasan.
15 Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa
mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
21. 2 CORINTO 4:4
4 Na binulag ng dios ng sanglibutang ito
ang mga pagiisip ng mga hindi
nagsisisampalataya, upang sa kanila'y
huwag sumilang ang kaliwanagan ng
evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na
siyang larawan ng Dios.
23. 2 CORINTO 10:3-5
3 Sapagka't bagaman kami ay
nagsisilakad sa laman, ay hindi kami
nangakikipagbakang ayon sa laman.
24. 2 CORINTO 10:3-5
4 (Sapagka't ang mga sandata ng
aming pakikilaban ay hindi ukol sa
laman, kundi sa harapan ng Dios ay
may kapangyarihang gumiba ng mga
kuta);
25. 2 CORINTO 10:3-5
5 Na siyang gumigiba ng mga maling
haka, at ng bawa't bagay na matayog
na nagmamataas laban sa karunungan
ng Dios, at bumibihag sa lahat ng
pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
29. COLOSAS 2:15
15 Pagkasamsam sa mga pamunuan at
sa mga kapangyarihan sila'y mga
inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na
nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay
na ito.
30. EFESO 1:19-23
19 At kung ano ang dakilang kalakhan
ng kaniyang kapangyarihan sa ating
nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng
kapangyarihan ng kaniyang lakas,
31. EFESO 1:19-23
20 Na kaniyang ginawa kay Cristo,
nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa
mga patay, at pinaupo sa kaniyang
kanan sa sangkalangitan,
32. EFESO 1:19-23
21 Sa kaibaibabawan ng lahat na
pamunuan, at kapamahalaan, at
kapangyarihan, at pagkasakop, at sa
bawa't pangalan na ipinangungusap,
hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi
naman sa darating:
33. EFESO 1:19-23
22 At ang lahat ng mga bagay ay
pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang
mga paa, at siyang pinagkaloobang
maging pangulo ng lahat ng mga
bagay sa iglesia,
34. EFESO 1:19-23
23 Na siyang katawan niya, na
kapuspusan niyaong pumupuspos ng
lahat sa lahat.
38. AWIT 86:11
11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh
Panginoon; lalakad ako sa iyong
katotohanan: ilakip mo ang aking puso
sa pagkatakot sa iyong pangalan.
41. AWIT 5:8
11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh
Panginoon; lalakad ako sa iyong
katotohanan: ilakip mo ang aking puso
sa pagkatakot sa iyong pangalan.
43. EFESO 6:15
15 At ang inyong mga paa ay may
panyapak na paghahanda ng
evangelio ng kapayapaan;
44. ISAIAS 52:7
15 Anong pagkaganda sa mga bundok
ng mga paa niyaong nagdadala ng
mga mabuting balita, na naghahayag
ng kapayapaan, na nangagdadala ng
mga mabuting balita sa ikabubuti, na
nagtatanyag ng kaligtasan, na
nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay
naghahari!
46. EFESO 6:16
16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang
kalasag ng pananampalataya, na
siyang ipapatay ninyo sa lahat ng
nangagniningas na suligi ng masama.
47. 2 TIMOTEO 1:7
7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios
ng espiritu ng katakutan; kundi ng
kapangyarihan at ng pagibig at ng
kahusayan.
49. EFESO 6:17
17 At magsikuha rin naman kayo ng
turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng
Espiritu, na siyang salita ng Dios:
50. FILIPOS 4:8
8 Katapustapusan, mga kapatid,
anomang bagay na katotohanan,
anomang bagay na kagalanggalang,
anomang bagay na matuwid, anomang
bagay na malinis, anomang bagay na
kaibigibig, anomang bagay na mabuting
ulat;
51. FILIPOS 4:8
kung may anomang kagalingan, at kung
may anomang kapurihan, ay isipin
ninyo ang mga bagay na ito.
53. HEBREO 4:12
12 Sapagka't ang salita ng Dios ay
buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin
mang tabak na may dalawang talim, at
bumabaon hanggang sa paghihiwalay
ng kaluluwa at espiritu, ng mga
kasukasuan at ng utak, at madaling
kumilala ng mga pagiisip at mga haka
ng puso.
55. EFESO 6:18
18 Na magsipanalangin kayo sa
Espiritu ng lahat ng panalangin at
daing sa buong panahon, at
mangagpuyat sa buong katiyagaan at
daing na patungkol sa lahat ng mga
banal,
56. 1 CORINTO 2:10
10 these things God has revealed to us
through the Spirit. For the Spirit
searches everything, even the depths
of God.
58. EFESO 6:19
19 At sa akin, upang ako'y
pagkalooban ng pananalita sa
pagbubuka ng aking bibig, upang
ipakilalang may katapangan ang
hiwaga ng evangelio,
59. EFESO 6:23-24
23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid,
at pagibig na may pananampalataya,
mula sa Dios Ama at sa Panginoong
Jesucristo.
60. EFESO 6:23-24
24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng
mga nagsisiibig sa ating Panginoong
Jesucristo ng pagibig na walang
pagkasira. Siya nawa.