2. 1Pedro 2:2
“Gaya ng mga sanggol na bagong
panganak ay nasain ninyo ang gatas
na walang daya na ukol sa espiritu,
upang sa pamamagitan nito'y
magsilago kayo sa ikaliligtas;”
3. Hebreo 5:12-14
12 Sapagka't nang kayo'y
nangararapat nang maging mga guro
dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y
nangangailangan na kayo'y turuan
ninoman ng mga unang simulain ng
aral ng Dios; at naging tulad sa mga
nangangailangan ng gatas, at hindi ng
pagkaing matigas.
4.
5. 13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng
gatas ay walang karanasan sa salita ng
katuwiran; sapagka't siya'y isang
sanggol.
14 Nguni't ang pagkaing matigas ay
sa mga may gulang, sa makatuwid ay
doon sa mga sa pamamagitan ng
pamimihasa ay nangasanay ang
kanilang mga pakiramdam, upang
makilala ang mabuti at ang masama.
6. Taga efeso 4:12-16
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa
gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng
katawan ni Cristo:
13 Hanggang sa abutin nating lahat
ang pagkakaisa ng pananampalataya,
at ang pagkakilala sa Anak ng
Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng
tao, hanggang sa sukat ng
pangangatawan ng kapuspusan ni
Cristo:
7. 14 Upang tayo'y huwag nang maging
mga bata pa, na napapahapay dito't doon
at dinadala sa magkabikabila ng lahat na
hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga
daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa
mga lalang ng kamalian;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan
na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat
ng mga bagay sa kaniya, na siyang
pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
8. 16 Na dahil sa kaniya'y ang buong
katawan na nakalapat na mabuti at
nagkakalakip sa pamamagitan ng
tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa
paggawang nauukol sa bawa't iba't
ibang sangkap, ay nagpapalaki sa
katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili
sa pagibig.
9. Gawa 17:11
“Ngayon lalong naging mararangal ang
mga ito kay sa mga taga Tesalonica,
sapagka't tinanggap nila ang salita ng
buong pagsisikap, at sinisiyasat sa
araw-araw ang mga kasulatan, kung
tunay nga ang mga bagay na ito.”
10. Roma 10:17
“Kaya nga ang paniniwala'y
nanggagaling sa pakikinig, at ang
pakikinig ay sa pamamagitan ng salita
ni Cristo.”