1.
Diocese of Daet
PARISH OF ST. RAPHAEL THE ARCHANGEL
Basud, Camarines Norte
st.raphaelthe_archangelparish@yahoo.com
Pag-uulit ng Sumpaan ng Mag-asawa
BILANG PASASALAMAT sa Makapangyarihang Diyos sa lahat ng biyayang ipinagkaloob sa
amin sa loob ng ______ taong lumipas, ay muli naming itinatalaga ang sarili sa pagbubunyi
sa dakilang karangalan ng kasal kristiyano.
Kaya sa harap ng ating Panginoon sa Santisimo Sakramento at ng mga Alagad ng Diyos,
Inuulit namin ang aming pangako noong kami ay ikasal.
Tinatanggap namin at sinasampalatayanan ang Salita ni Kristo:
“Ang sino mang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao”
Ipinapangako namin na magtutulungan kami sa kasaganaan at pagtitiis,
lalong-lalo na sa aming katandaan.
Ipinapangako namin na tutularan ang dakilang ulirang mag-anak sa Nazareth
sa tapat na pagsasagawa ng aming mga tungkuling Kristiyano.
Kaya hinihiling namin ang iyong Mahal na Bendisyon upang ang Diyos ng Kapayapaan ay
siyang magpabanal sa amin at lumingap sa aming kaluluwa at katawan hanggang sa aming
pagpanaw. Nawa’y kupkupin ng banal na Mag-anak na sina Jesus, Maria at Jose ang
aming tahanan at lahat naming mga kasambahay ngayon at magpakailan man.
AMEN.
Nilagdaan namin ito ngayong ika-27 ng Disyembre 2015, sa pagdiriwang ng Kapistahan
ng Banal na Mag-Anak sa Parokya ni San Rafael Arkanghel, Basud, Camarines Norte.
____________________________ ____________________________
ESPOSO ESPOSA