SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina
-      isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang
manunulat na si Liwayway A. Arceo. Ito’y kaayon ng daang Juan Luna,
karugtong ng maikling lansangang Fajardo.

            Katulad ng nasaksihan ni Arceo maraming taon na ang nakalipas,
ang estero ng Canal de la Reina ay mabughaw-bughaw, malinaw, malinis, at
walang amoy ang tubig. Ganoon din ang pagsasalarawan sa Canal de la Reina
sa nobela kung saan bago sumapit ang panahon ng Martial Law noong 1972
ay naratnan nang maburak, mabaho at pinamumugaran ng samu’t saring
pagkatao ng mga iskwater, na mistulang pinamumunuan ng usurerang si
Nyora Tentay.

            Sa tagpuan mababatid ang tunay na kalagayan ng lipunan at ang
pag-uugali sa isyung napapanahon kung susuriin sa aspetong sosyo-
ekonomikal at sosyo-politikal. Ang lugar ng Canal de la Reina ay simbolo ng
kahirapan. Ito rin ang panahon ng aktibismo ng mga mag-aaral sa kolehiyo at
unibersidad dahil sa pasama ng pasamang gobyerno kung saan ang mahihirap
ay lalong humihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Dito nagkaroon
ng relasyon ang mga tauhan       sa pagtatalo ukol sa loteng nasa Canal de la
Reina ni Caridad, pangunahing tauhan, na inaangkin naman ng usurerang si
Nyora Tentay.

            Ngunit ibinalanse pa rin ng sining ni Arceo na gawing sagisag ng
pagbangon ang Canal de la Reina kaugnay ng pagdalaw ng isang malakas na
bagyo, si Gloring, at binaha ang buong Gitnang Luzon, kasama ang
Kamaynilaan noong Hunyo 27 - 31, 1972. Ganoon din ang nagyaring pagbaha
sa nobela. Ipinababatid sa nobela na ang lahat ng suliranin ng mga tao ay
napawi at nabigyan ng panibagong simula nang dahil sa baha na luminis hindi
lamang sa lugar, kundi pati na rin sa pagkatao ng mga kinasasakupan ng
Canal de la Reina.

       Ginamitan ni Liwayway Arceo ng simbolismo at iba’t ibang teoryang
  pampanitikan ang nais niyang ipabatid sa mambabasa. Sa bawat Teorya ay
  nakapaloob ang kanyang mensahe.

        Mapapansin sa nobela ang paggamit ng Teoryang Feminismo sa
  pagkatao nina Caridad, Nyora Tentay, Gracia at Leni na kapwa hindi
  nagpadaig sa bawat hamon ng buhay. Pinatutunayan na ang kanilang
  kasarian bilang babae ay hindi naging hadlang upang makamit nila ang
  tagumpay anumang hirap ang kabakahin nila sa buhay.
Lumitaw din ang Teoryang Markismo sa pagtutunggalian ni Nyora
Tentay at ng mga taong kanyang inapi bago pa man tuluyang tangayin ng
baha ang Canal de la Reina. Kapansin-pansin ang paglalabanan ng malakas
at mahina, mayaman at mahirap upang imulat ang mga mata ng tao sa
pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan, kagaya ng sa kaso
ni Caridad, ni Gracia at ni Ingga kay Nyora Tentay. Ang kagandahan dito ay
hindi gumanti ng masama sa masama ang mga naapi; bagkus ang kanilang
katapatan at kabutihan ang naging dahilan ng pagsuko ni Nyora Tentay.

     Kaugnay nito ang Teoryang Humanismo, na nagbigay-pansin             sa
magagandang saloobin ng pamilya de los Angeles, ni Gracia at ni Gery.

      Isa pa sa mga teorya ay ang eksistensyalismo na pinatunayan ng
pagbukod ni Victor mula sa pagiging sunud-sunuran kay Nyora Tentay, na
pinangunahan na noon pa man ni Gracia. Kahanga-hanga ang ginawang
pagpapasya na harapin ang anumang maaaring kahantungan. Naipakita
nila ang lakas ng paninindigan na maging malaya sa pagbuo ng desisyon at
kung paano ito haharapin.

      Nahahayag din ang Romantisismo na nagbibigay-halaga sa kalikasan,
nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito nang
mangyari ang malaking pagbaha, na naging sanhi ng pagbabagong buhay
ng mga tao lalo na sa Canal de la Reina. Ang tubig na isinisimbolo ni Arceo
na panglinis ay tunay ngang mabisa sa anumang aspeto ng buhay. Ang
tubig, lumilinis ng dumi sa ating kapaligiran at katawan, higit sa lahat ang
papel ng tubig na Aral ay lumilinis sa ating puso at kaluluwa kung tayo ay
sasampalataya sa Dios na Maylikha.

       Kahit na isang piksyon lang ang nobela, hindi maikakaila ang
paggamit ni Arceo ng Teoryang Naturalismo, pinasidhing katangian ng
teoryang Realismo. “Itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga
walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga
kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na
parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa
teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at
lalaki, mabait at masama.” Nasasalamin sa Canal de la Reina ang ganitong
pangyayari, na hanggang sa kasalukuyan ay pasama pa ng pasamang
kalagayan dahil sa katiwalian.

    Ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Imahismo ang nakatutulong sa
mga mambabasa na mabilis na maunawa ang nilalaman at mensahe ng
nobela sa pamamagitan ng malinaw at tiyak na paglalarawan na tumatatak
    sa isipan.

           Masasabing si Liwayway A. Arceo ay isang manunulat na Moralistiko
    dahil ginagamit niya ang akda na instrumentong paghahanguan ng mga
    aral na maaaring gumabay sa mga mambabasa. Ang kanyang pamamaraan
    ay sosyolohikal sapagkat ang akdang Canal de la Reina ay produkto ng mga
    pangyayari sa lugar at panahon na kanyang pinagmulan. Nagmistulan
    siyang boses ng kanyang panahon. At maitutulad din ang kanyang akda
    bilang bayograpkial dahil ang mga isinulat niya ay naimpluwensyahan ng
    kanyang mga karanasan.



              “Pag umuulan, lahat ay sumisibol sa kagdahan.”

          Kahit gaano pa kasalimuot ang isang bagay ay marapat nating
    ipagpasalamat iyon sa May Lalang. Dahil hindi Niya tayo bibigyan ng
    suliraning hindi natin kayang lampasan. Ang ulan o bagyo man ay
    gumagawa lang ng kanyang tungkulin upang tayo ay linisin at lalo pang
    pagtibayin. Iyan ang salamin ng ating mga suliranin. Gayun pa man, ang
    lahat ay mahahayag sa kawakasan. Ang mabuti ang siyang mananaig at
    ang masama ang siyang malulupig. Napakapalad ng ating kapalaran kung
    may Dios tayong kinikilala. Daigin natin ng mabuti ang masama, sukdulan
    mang pumatak ang ating mga luha. Ang pangako naman ay nakaabang at
    Kanyang igaganti ang bawat patak ng luha na naipon Niya sa kanyang
    botelya.



VI. Bisa sa


A. Damdamin


Ako ay nakadama ng pagkainis at pagkaawa kay Nyora Tentay. Noong binabasa ko ang simula ng

nobela ay naiinis ako sa Sinyora masyado siyang sakim at gahaman, ngunit noong nawala sa kanya

ang kanyang kayamanan at halos mawala siya sa sarili ay nakadama ako ng awa sa kanya. Natuwa

ako nang payuhan ni Caridad si Ingga na ibalik ang mga papeles at alahas sa matanda dahil ipinakita

ni Caridad na siya ay hindi sakim at mapagsamatala. Naging masaya ako sa pagwawakas ng nobela

dahil ipinakita na pilit nilang ibinabalik ang dating ganda ng at anyo ng Canal de la Reina.


B. Isip
Naunawaan ko ang nais iparating ng may-akda habang binabasa ang buong nobela. Namulat ako sa

mga katiwalian sa ating pamahalaan at sa pagiging mapgsamantala ng ilan sa may mga kapanyarihan

sa ating lipunan. Natutunan ko din na dapat ay alam natin ang ating mga karapatan upang hindi tayo

maging mangmang at maiwasan ang pagsasamantala at paglabag sa karapatan ng ating kapwa.


C. Kaasalan


Natutunan ko sa nobela na ang lahat ng bagay na iyong ginawa ay may kaakibat na epekto sa ating

buhay. Tulad ng nangyari kay Nyora Tentay, lahat ng kamalian niya ay pinagbayaran niya sa

pagkawala ng kanyang mga kayamanan. Ipinakita rin na kahit anong kasamaan ang nananaig sa

kasalukuyan ay gagawa ng paraan ang Diyos upang mapigilan ito. Natutunan ko rin na kahit ang tao

ay hindi mayaman o walang kapangyarihan sa lipunan, ay magagawa pa rin niyang kunin ang respeto

ng kanyang kapwa kung siya ay isang mabuting tao at marunong rumespeto ng kaniyang kapwa.


VII. Reaksyon


Masasabi ko na maganda at mahusay ang pagkakalikah ni Liwayway Arceo sa nobelang Canal de la

Reina dahil tinatalakay nito ang mga isyu at suliranin sa ating lipunan at pamahalaan. Ipinapakita sa

nobela ang karaniwang eksenang nagaganap sa buhay ng mgha taong kung tawagin ay isang kahig,

isang tuka. Inilalarawan ang may-akda sa pamamagitan ng nobela kung paano nakikibagay ang tao

base sa kaniyang estado sa buhay at sa lugar na kaniyang kinalakihan.Tinalakay din sa nobela ang

suliranin tungkol sa mga opisyal sa ating pamahalaan. Dahil sa kanilang pagiging bayaran at tiwali ay

nagagawa ng mga mayayaman at maykapangyarihan na gawin ang kanilang nais kahit na marami ang

kanilang masasagasaan.


Sa kabuuan ay ipinahahatid ng nobela sa mga mambabasa na ang kahirapan ang ugat ng mga malimg

gawain sa ating lipunan. Kahirapan ang dahilan kung bakit may mga taong nang-aalipin at

nanghahamak ng kapwa. Kahirapan din ang dahilan kung bakit mgy mga taong handang magpaalipin

kapalit ay ang kaunting kaginhawaan sa buhay. Ngunit sa pagwawakas ng nobela ay ipinapakita na

kahit na gaano kahirap ang isang tao basta’t likas ang kaniyang kabutihan ay ibinibigay pa rin sa

kanya ng kanyang kapwa ang respetong nararapat sa kanya. Isa pang ipinahahatid ng nobela ay

walang kasamaang nagwawagi, dahil kahit anong pagtatakip ang gawin sa isang kasalanan ay lalabas

pa rin ang katotohanan, at ang mga taong gumawa ng masama sa kanilang kapwa ay may parusang

makakamit hindi lang sa ating batas ngunit pati na rin sa ating Diyos. Gagawa Siya ng paraan upang

mabigyan ng leksyon ang taong gumawa ng hindi mabuti at magsamantala sa kahinaan ng kanyang

kapwa.
Sa aking opinyon ay nararapat lamang na irekomenda ang nobelang ito sa iba pang mambabasa, dahil

sa pagiging makatotohanan nito sa paglalahad ng mga suliranin sa ating lipunan. Upang sa gayon ay

magimg mulat tayo sa mga suliraning ito at upang makagawa tayo ng solusyon sa mga nasabing

problema kahit na sa sarili nating paraan lamang.



                                                                                           Category

More Related Content

Viewers also liked

Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
banyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceobanyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceoBay Max
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iiiAnnabelle Beley
 
Activity#04
Activity#04Activity#04
Activity#04mike2196
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAica Catene
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwentoShaw Cruz
 
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoAng Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoYmara Margarita Yap
 
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at LauraIstilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at LauraDenise Adrienne Espiritu
 

Viewers also liked (20)

Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
banyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceobanyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceo
 
Natreviwerfil
NatreviwerfilNatreviwerfil
Natreviwerfil
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Dalawang magkaibigan
Dalawang magkaibiganDalawang magkaibigan
Dalawang magkaibigan
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
 
Activity#04
Activity#04Activity#04
Activity#04
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Reproductive
ReproductiveReproductive
Reproductive
 
Ang mangingisda
Ang mangingisdaAng mangingisda
Ang mangingisda
 
Reproductive system
Reproductive systemReproductive system
Reproductive system
 
Alamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fishAlamat ng janitor fish
Alamat ng janitor fish
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Mabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulatMabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulat
 
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoAng Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
 
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at LauraIstilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura
 
Idyoma/Sawikain
Idyoma/SawikainIdyoma/Sawikain
Idyoma/Sawikain
 

51007631 umikot-ang-kalamnan-ng-nobela-sa-bayan-ng-canal-de-la-reina

  • 1. Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina - isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. Ito’y kaayon ng daang Juan Luna, karugtong ng maikling lansangang Fajardo. Katulad ng nasaksihan ni Arceo maraming taon na ang nakalipas, ang estero ng Canal de la Reina ay mabughaw-bughaw, malinaw, malinis, at walang amoy ang tubig. Ganoon din ang pagsasalarawan sa Canal de la Reina sa nobela kung saan bago sumapit ang panahon ng Martial Law noong 1972 ay naratnan nang maburak, mabaho at pinamumugaran ng samu’t saring pagkatao ng mga iskwater, na mistulang pinamumunuan ng usurerang si Nyora Tentay. Sa tagpuan mababatid ang tunay na kalagayan ng lipunan at ang pag-uugali sa isyung napapanahon kung susuriin sa aspetong sosyo- ekonomikal at sosyo-politikal. Ang lugar ng Canal de la Reina ay simbolo ng kahirapan. Ito rin ang panahon ng aktibismo ng mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad dahil sa pasama ng pasamang gobyerno kung saan ang mahihirap ay lalong humihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Dito nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa pagtatalo ukol sa loteng nasa Canal de la Reina ni Caridad, pangunahing tauhan, na inaangkin naman ng usurerang si Nyora Tentay. Ngunit ibinalanse pa rin ng sining ni Arceo na gawing sagisag ng pagbangon ang Canal de la Reina kaugnay ng pagdalaw ng isang malakas na bagyo, si Gloring, at binaha ang buong Gitnang Luzon, kasama ang Kamaynilaan noong Hunyo 27 - 31, 1972. Ganoon din ang nagyaring pagbaha sa nobela. Ipinababatid sa nobela na ang lahat ng suliranin ng mga tao ay napawi at nabigyan ng panibagong simula nang dahil sa baha na luminis hindi lamang sa lugar, kundi pati na rin sa pagkatao ng mga kinasasakupan ng Canal de la Reina. Ginamitan ni Liwayway Arceo ng simbolismo at iba’t ibang teoryang pampanitikan ang nais niyang ipabatid sa mambabasa. Sa bawat Teorya ay nakapaloob ang kanyang mensahe. Mapapansin sa nobela ang paggamit ng Teoryang Feminismo sa pagkatao nina Caridad, Nyora Tentay, Gracia at Leni na kapwa hindi nagpadaig sa bawat hamon ng buhay. Pinatutunayan na ang kanilang kasarian bilang babae ay hindi naging hadlang upang makamit nila ang tagumpay anumang hirap ang kabakahin nila sa buhay.
  • 2. Lumitaw din ang Teoryang Markismo sa pagtutunggalian ni Nyora Tentay at ng mga taong kanyang inapi bago pa man tuluyang tangayin ng baha ang Canal de la Reina. Kapansin-pansin ang paglalabanan ng malakas at mahina, mayaman at mahirap upang imulat ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan, kagaya ng sa kaso ni Caridad, ni Gracia at ni Ingga kay Nyora Tentay. Ang kagandahan dito ay hindi gumanti ng masama sa masama ang mga naapi; bagkus ang kanilang katapatan at kabutihan ang naging dahilan ng pagsuko ni Nyora Tentay. Kaugnay nito ang Teoryang Humanismo, na nagbigay-pansin sa magagandang saloobin ng pamilya de los Angeles, ni Gracia at ni Gery. Isa pa sa mga teorya ay ang eksistensyalismo na pinatunayan ng pagbukod ni Victor mula sa pagiging sunud-sunuran kay Nyora Tentay, na pinangunahan na noon pa man ni Gracia. Kahanga-hanga ang ginawang pagpapasya na harapin ang anumang maaaring kahantungan. Naipakita nila ang lakas ng paninindigan na maging malaya sa pagbuo ng desisyon at kung paano ito haharapin. Nahahayag din ang Romantisismo na nagbibigay-halaga sa kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito nang mangyari ang malaking pagbaha, na naging sanhi ng pagbabagong buhay ng mga tao lalo na sa Canal de la Reina. Ang tubig na isinisimbolo ni Arceo na panglinis ay tunay ngang mabisa sa anumang aspeto ng buhay. Ang tubig, lumilinis ng dumi sa ating kapaligiran at katawan, higit sa lahat ang papel ng tubig na Aral ay lumilinis sa ating puso at kaluluwa kung tayo ay sasampalataya sa Dios na Maylikha. Kahit na isang piksyon lang ang nobela, hindi maikakaila ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Naturalismo, pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. “Itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.” Nasasalamin sa Canal de la Reina ang ganitong pangyayari, na hanggang sa kasalukuyan ay pasama pa ng pasamang kalagayan dahil sa katiwalian. Ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Imahismo ang nakatutulong sa mga mambabasa na mabilis na maunawa ang nilalaman at mensahe ng
  • 3. nobela sa pamamagitan ng malinaw at tiyak na paglalarawan na tumatatak sa isipan. Masasabing si Liwayway A. Arceo ay isang manunulat na Moralistiko dahil ginagamit niya ang akda na instrumentong paghahanguan ng mga aral na maaaring gumabay sa mga mambabasa. Ang kanyang pamamaraan ay sosyolohikal sapagkat ang akdang Canal de la Reina ay produkto ng mga pangyayari sa lugar at panahon na kanyang pinagmulan. Nagmistulan siyang boses ng kanyang panahon. At maitutulad din ang kanyang akda bilang bayograpkial dahil ang mga isinulat niya ay naimpluwensyahan ng kanyang mga karanasan. “Pag umuulan, lahat ay sumisibol sa kagdahan.” Kahit gaano pa kasalimuot ang isang bagay ay marapat nating ipagpasalamat iyon sa May Lalang. Dahil hindi Niya tayo bibigyan ng suliraning hindi natin kayang lampasan. Ang ulan o bagyo man ay gumagawa lang ng kanyang tungkulin upang tayo ay linisin at lalo pang pagtibayin. Iyan ang salamin ng ating mga suliranin. Gayun pa man, ang lahat ay mahahayag sa kawakasan. Ang mabuti ang siyang mananaig at ang masama ang siyang malulupig. Napakapalad ng ating kapalaran kung may Dios tayong kinikilala. Daigin natin ng mabuti ang masama, sukdulan mang pumatak ang ating mga luha. Ang pangako naman ay nakaabang at Kanyang igaganti ang bawat patak ng luha na naipon Niya sa kanyang botelya. VI. Bisa sa A. Damdamin Ako ay nakadama ng pagkainis at pagkaawa kay Nyora Tentay. Noong binabasa ko ang simula ng nobela ay naiinis ako sa Sinyora masyado siyang sakim at gahaman, ngunit noong nawala sa kanya ang kanyang kayamanan at halos mawala siya sa sarili ay nakadama ako ng awa sa kanya. Natuwa ako nang payuhan ni Caridad si Ingga na ibalik ang mga papeles at alahas sa matanda dahil ipinakita ni Caridad na siya ay hindi sakim at mapagsamatala. Naging masaya ako sa pagwawakas ng nobela dahil ipinakita na pilit nilang ibinabalik ang dating ganda ng at anyo ng Canal de la Reina. B. Isip
  • 4. Naunawaan ko ang nais iparating ng may-akda habang binabasa ang buong nobela. Namulat ako sa mga katiwalian sa ating pamahalaan at sa pagiging mapgsamantala ng ilan sa may mga kapanyarihan sa ating lipunan. Natutunan ko din na dapat ay alam natin ang ating mga karapatan upang hindi tayo maging mangmang at maiwasan ang pagsasamantala at paglabag sa karapatan ng ating kapwa. C. Kaasalan Natutunan ko sa nobela na ang lahat ng bagay na iyong ginawa ay may kaakibat na epekto sa ating buhay. Tulad ng nangyari kay Nyora Tentay, lahat ng kamalian niya ay pinagbayaran niya sa pagkawala ng kanyang mga kayamanan. Ipinakita rin na kahit anong kasamaan ang nananaig sa kasalukuyan ay gagawa ng paraan ang Diyos upang mapigilan ito. Natutunan ko rin na kahit ang tao ay hindi mayaman o walang kapangyarihan sa lipunan, ay magagawa pa rin niyang kunin ang respeto ng kanyang kapwa kung siya ay isang mabuting tao at marunong rumespeto ng kaniyang kapwa. VII. Reaksyon Masasabi ko na maganda at mahusay ang pagkakalikah ni Liwayway Arceo sa nobelang Canal de la Reina dahil tinatalakay nito ang mga isyu at suliranin sa ating lipunan at pamahalaan. Ipinapakita sa nobela ang karaniwang eksenang nagaganap sa buhay ng mgha taong kung tawagin ay isang kahig, isang tuka. Inilalarawan ang may-akda sa pamamagitan ng nobela kung paano nakikibagay ang tao base sa kaniyang estado sa buhay at sa lugar na kaniyang kinalakihan.Tinalakay din sa nobela ang suliranin tungkol sa mga opisyal sa ating pamahalaan. Dahil sa kanilang pagiging bayaran at tiwali ay nagagawa ng mga mayayaman at maykapangyarihan na gawin ang kanilang nais kahit na marami ang kanilang masasagasaan. Sa kabuuan ay ipinahahatid ng nobela sa mga mambabasa na ang kahirapan ang ugat ng mga malimg gawain sa ating lipunan. Kahirapan ang dahilan kung bakit may mga taong nang-aalipin at nanghahamak ng kapwa. Kahirapan din ang dahilan kung bakit mgy mga taong handang magpaalipin kapalit ay ang kaunting kaginhawaan sa buhay. Ngunit sa pagwawakas ng nobela ay ipinapakita na kahit na gaano kahirap ang isang tao basta’t likas ang kaniyang kabutihan ay ibinibigay pa rin sa kanya ng kanyang kapwa ang respetong nararapat sa kanya. Isa pang ipinahahatid ng nobela ay walang kasamaang nagwawagi, dahil kahit anong pagtatakip ang gawin sa isang kasalanan ay lalabas pa rin ang katotohanan, at ang mga taong gumawa ng masama sa kanilang kapwa ay may parusang makakamit hindi lang sa ating batas ngunit pati na rin sa ating Diyos. Gagawa Siya ng paraan upang mabigyan ng leksyon ang taong gumawa ng hindi mabuti at magsamantala sa kahinaan ng kanyang kapwa.
  • 5. Sa aking opinyon ay nararapat lamang na irekomenda ang nobelang ito sa iba pang mambabasa, dahil sa pagiging makatotohanan nito sa paglalahad ng mga suliranin sa ating lipunan. Upang sa gayon ay magimg mulat tayo sa mga suliraning ito at upang makagawa tayo ng solusyon sa mga nasabing problema kahit na sa sarili nating paraan lamang. Category