1. O kay sarap damhin, banayad na hangin
Mumunting alon ay nakikisayaw rin;
Sa umagang ito, wala ngang panimdim
Nagpapagaan ‘to ng aking damdamin.
Di man kita mahawakan, ramdam pa rin,
Tulad ng D’yos na gumagabay sa akin;
Pagmamahal Niya’y aking tatanggapin
Habang kapiling ko, magiliw na hangin.
Larawan mula sa: passengertales.com