1. Bagong Umaga
Miguel Alberto P. Belen
2- St. Francis Xavier
Kahit panahon ng paiba-ibang klima,
Kagandaha’y nakikita tuwing umaga;
Pag mainit, maaga ang pasok sa upisina
Kung uulan, ang puso ko ay sasaya.
Paglapit sa bintana, amihan ay napansin
Mga puno‘y sumasayaw at nanalangin;
Diyos ang nagbigay nito lahat sa ‘tin
Lahat ito’y nagbibigay buhay sa ‘kin.