1. “Ang ATM Machine”
BANKO ang pinagkakatiwalaang imbakan at lagayan ng pera ng mga taong
gusting protektahan ang kanilang yaman. Nagkalat sa iba’t ibang mga establisimento at
mall ang mga Automated Teller Machines (ATM) na ginagmit upang makapag-withdraw
ng pera anumang oras naisin ng nagmamay-ari ng bank account.
Gamit ang makabagong plastic card na kung tawagin ay ATM card, medaling
nakakapag-transaksiyon ang nagmamay-ari nito upang makapag-withdraw ng pera.
Dati, pinag-iingat ang publiko sa modus ng sindikato na dumidiskarte upang
alamin ang password ng ATM ng kanilang biktimang pagnanakawan .
Iba na ngayon ang estilo ng mga kalokoy! Mismong ang ATM machine na ang
target nila upang makakuha ng mga impormasyon mula sa card ng taong
nagwiwithdraw.
Ang pobreng biktima, hindi namamalayang maaari na siyang pagnakawan sa
sandaling ipasok ang kanyang card sa ATM machine.
Modus ng sindikato sa likod ng pagnanakaw ng mga detalye ng mga card an
maglagay ng skimming device sa mismong ATM machine.
Sa oras na ipasok ng my-ari ang kanyang ATM card, agad na makokopya ang
lahat ng detalye dito na posibleng gamitin upang maduplika at gamitin sa iba pang mga
transaksyon na hindi nalalaman ng biktima.
Ayon sa mga otoidad, laganap na ang ganitong uri ng modus sa buong mundo at
ngayon nga ay nasakop na rin maging ang ating bansa.
Dahil dito, naalarma ang ilang local na banko sa bansa kayat nagsasagawa na
rin sila ng kani-kanilang paraan upang madetermina ang ATM machines na may
skimming devices.
Payo ng Bitag sa lahat na maging listo sa ATM machines na maaaring may
nakakabit na card readers o skimming device.
Bago ipasok ang iyong card tignan munang mabuti at inspeksyunin ito upang
maiwasan maging isa sa mga biktima ng ganitong modus sa ATM machine.