"Labis kayong malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay mapapalitan ng kagalakan." Ito ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na dapat nating panghawakan sa lahat ng pagkakataon. Minsan sa buhay ng tao, ang isa sa pinakamasakit na mararanasan ay ang mawalan ng mahal sa buhay. Kung sakali mayroong mamamatay, talagang mag-iiyakan ang mga naiiwan at labis ang pangungulila. Matagal bago hihilom ang sugat ng pagmamahal bagamat mapapawi din naman pagdating ng panahon. Pinapagaan ni Hesus ang damdamin ng mga Disipulosa sa huli niyang sinabi sa ebanghelyo, “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Word Method On Ascension
1. May 24, 2020
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit
The WORD Method System of Reflecting the Gospel
Listening to the Manager(Jesus)
God’s Voice
Pagbabasa ng Ebanghelyo:
Mateo 28: 16-20
W – Tandaan ninyo, ako’y lagging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.
O – Inuutusan ako ng panginoon na huwag mag-alala dahil hindi niya ako iniwan.
R – "Labis kayong malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay mapapalitan ng
kagalakan." Ito ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na dapat nating
panghawakan sa lahat ng pagkakataon. Minsan sa buhay ng tao, ang isa sa pinakamasakit
na mararanasan ay ang mawalan ng mahal sa buhay. Kung sakali mayroong mamamatay,
talagang mag-iiyakan ang mga naiiwan at labis ang pangungulila. Matagal bago hihilom
ang sugat ng pagmamahal bagamat mapapawi din naman pagdating ng panahon.
Noong napagpasyahan kong pumasok dito. At nang matapos magpaalam sa aking mga
magulang. Nang pababa na ako sa aming hagdanan bigla at sadyang bumuhos ang mga
luha ng aking mga kapatid at magulang. Nangyari ang matinding yakapan sabay sabi't
'mamimis ka namin. Mag-ingat ka lagi. Pagkaalis ko, hindi na po ako lumilingon pa sa
kanila para hindi lalung bumibigat ang kanilang damdamin.
Samakatuwid, aking napagninilay-nilayan na ang dahilan kung bakit binitiwan ni Hesus
ang maraming salitang pang-aliw o nakakaliw na salita, e, upang hindi sila masyadong
mabibigatan sa panahong aalis na siya. Alam kasi niya kung gaano kabigat sa puso ang
mawawalan ng kasama, kaibigan, kapatid, kakilala, kapamilya, kapuso at iba pa. Kaya isa
sa mga pang-aliw na salita ni Hesus na nalapagpagaan ng sa kalooban ng kanyang mga
disipulo ay ang pangako niyang mababasa natin sa Ebanghelyo ni San Juan 14:1-3
“Huwag kayong mababagabag, sa bahay ng aking Ama ay may maraming silid…
2. pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan. Kapag naipaghanda ko
na kayo ng inyong matitirhan, ako’y babalik at issasama ko kayo upang kayo’y
makapiling ko kung saan ako naroroon…” marami pang mga saliatng binitawan si Hesus
na talagang makapagpahinahon ng damdamin. Isa pa nga rito ay ang sinabi niyang
“ikabubuti sa inyo ang aking pag-alis, sapagkat hindi paparito ang Patnubay kung hindi
ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo.” At ngayon sa Ebanghelyong ito,
matapos mag-atas si Hesus sa kanyang mga disipulo pinapagaan niya ang kanilang
damdamin sa huli niyang sinabi sa ebanghelyo, “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama
ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. Ibig sabihin, si Hesus ay patuloy pa ring
kumikilos at gumagalaw sa buhay natin hanggang ngayon sa pamamagitan ng banal na
Espiritu. Hindi niya tayo iniwan nais niyang tayo’y laging nasa piling niya. Tuwing
magkakasala tayo, hinding-hindi pa rin siya nagbago ni hindi rin niya tayo hiniwalayan.
Ngunit tayo ang humiwalay at lumalayo sa kanya. Sa kasagsagan ng kagipitan at
kadiliman ng buhay natin hindi lang niya tayo sinasamahan kundi kinarga-karga niya
tayo upang hindi lalung mapariwara, lilihis ng landas mula sa kanya. Ganoon din,
nagiging mas malapit tayo sa kanya. Mahal na mahal ayo ng ating Panginoon, sanay ang
laging hangad natin ay dakilain siya at luluwalhatiin sa pamamagitan ng mabubuting
gawain at adhikain. Amen.
D – Sa araw na ito, ilalaan ko ang isang oras sa pagbabasa ng Bibliya at paggninilay-nilayan
sa loob ng anim napung segundo.
Pagninilay-nilay ni:
Sem. JunecarT. Vallespin, PACEM