Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ngmga mag-aaral ang kasanayang
komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag- unawa at
pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon
Propaganda hanggang Panahon ng Himagsikan at tekstong
impormasyonal (persweysib) para sa pagpapahalaga sa sariling
kalinangan, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan
(multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at
target na babasa o awdiyens.
3.
Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuong rebyu ng sanaysay at
animasyon na isinasaalang-alang ang mga
elemento ng biswal at multimodal na may
paglalapat ng kasanayang komunikatibo at
etikal na kasanayan at pananagutan.
4.
Mga Kasanayan saPagkatuto
Nakabubuo ng isang rebyu ng sanaysay sa pamamagitan ng
tekstong multimodal (gaya ng video o animasyon)
1. Nasusuri ang nilalaman ng sanaysay batay sa paksa, kaisipan, layon,
wika at estilo
2. Nakapipili ng isang sanaysay ukol sa Panahon ng Himagsikan
3. Nakapagtatala ng mga punto at ebidensya ukol sa sinusuring sanaysay
na may paglalapat ng mga ilustrasyon na gagamitin sa video o nimasyon
4. Nakabubuo ng borador para sa rebyu ng sanaysay gamit ang mga
elementong biswal
IAYOS PA!
Isaayos ngmga mag-aaral ang mga parirala upang mabuo ang isang
pangungusap kaugnay ng tinalakay na aralin sa editoryal.
A-na naglalaman ng opinyon o pananaw ng patnugutan o editor
B-at sa huli ay mapaisip sila tungo sa kinakailangang pagbabago.
C-ang isang editoryal ay artikulong pampahayagan
14.
IAYOS PA!
D-upang magbigaykamalayan sa mga mambabasa
E-hinggil sa isang napapanahong isyu o balita na isinulat
F-na makatutulong sa kanilang magsuri
Ang isang editoryalay artikulong
pampahayagan na naglalaman ng opinyon o
pananaw ng patnugutan o editor hinggil sa isang
napapanahong isyu o balita na isinulat upang
magbigay kamalayan sa mga mambabasa na
makatutulong sa kanilang magsuri at sa huli ay
mapaisip sila tungo sa kinakailangang
pagbabago.
18.
ANONG MASASABI MO?
Maningningo Maliwanag?
Lagyan ng tsek ang kahon batay sa
pagkakaunawa ng mga mag-aaral. Ipaliwanag
nila ang kanilang sagot. Pagkatapos ay sagutin
ang tanong sa ibaba.
TALAS-SALITAAN
1. Ibinahagi niGreg ang kanyang palagay ukol sa
suliranin ni Andres. Sinabi niya ito upang
magbigay ng pagwari sa naganap sa kanyang
kaibigan.
24.
TALAS-SALITAAN
2. Matapos angtugtuging likha ni Palma,
naganyak ang mga nakarinig. Tunay na
nagbigay sigla ito sa kanilang mga kalooban.
25.
TALAS-SALITAAN
3. Labis naang kapagalang aramdaman ng
bayan dahil sa tinitiis na pang-aapi. Hindi
lamang ito basta pagod, dinadamdam na rin
ito ng lahing kayumanggi.
26.
TALAS-SALITAAN
4. Ang diraw magmahal sa kanyang wika ay
sukab. Isang taksil sa bayang
pinagkakautangan ng lakas at tangkilik.
27.
TALAS-SALITAAN
5. Ang buwanay may balatkayo na anyo ng
liwanag. Masasabing pagkukunwari apagkat
hiram lamang ang ningning sa araw.
28.
TALAS-SALITAAN
6. Ang kaliluhanng mga dayuhan ang
nagsindi ng mitsa ng pagkamakabayan.
Silang may kabagsikan at walang awa ang
humukay ng kanilang libingan.
29.
Sagot sa TALAS-SALITAAN:
1.palagay
2. nagbigay sigla
3. pagod
4. taksil
5. pagkukunwari
6. may kabagsikan at walang
awa
(2) Ang liwanagay kinakailangan
ng mata, upang mapagwari ang
buong katunayan ng mga bagay-
bagay.
35.
(3) Ang bubogkung tinatamaan
ng nag-aapoy na sikat ng araw
ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.
36.
(4) Ang ningningay maraya.
(5) Ating hanapin ang liwanag,
tayo’y huwag mabigham sa
ningning. Sa katunayan ng
masamang naugalian.
37.
Nagdaraan ang isangkarwaheng maningning na hinihila
ng kabayong matulin? Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y
marahil naman isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng
kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.
38.
(6) Nagdaraan angisang maralita na nagkakanghirap sa
pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya
ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa
pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan
na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
39.
(7) Ay! Saating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang
pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
(8) Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao
at ang mga nayan ay
namumuhay sa hinagpis at dalita
40.
(9) Ito nanga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na
ang mga hari at mga Pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa
ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang
nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang
ikanais at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.
41.
10) Tayo’y mapagsampalatayasa ningning; huwag
nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating
mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.
42.
(11) Ay! Kungang ating dinudulugan at hinahinain ng
puspos na galang ay ang maliwanag at magandang asal
at matapat na loob, ang kahit sino ay walang
magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at
ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay
sa maliwanag na banal na landas na katwiran.
43.
(12) Ang kaliluhanat ang katampalasan ay humahanap
ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napapatanaw sa paningin.
44.
13) Ang lumipasna pinapanginoon ng
Tagalog ay labis na nagpapatunay ng
katotohanan nito.
(14) Mapalad ang araw ng liwanag!
45.
(15) Ay! AngAnak ng Bayan, ang kapatid ko,
ay matututo kaya na kumuhang halimbawa
at lakas sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?
46.
Gawain 1.2: HAVEYO WALEY!
Isulat sa patlang ang HAVEY kung
ang pangungusap ay binanggit sa
teksto at WALEY naman kung hindi.
47.
_______ 1. Angningning at
liwanag ay nakasisira sa mata.
_______ 2. Kailangan ng mata
ang liwanag upang makita ang
kabuuan ng mga bagay-bagay.
48.
_______ 3. Madayaang ningning.
_______4.May pagkakataong
hinuhusgahan natin agad ang
ating kapwa batay sa kanilang
anyo.
49.
_______ 5. Hindinaging ugali ng
tao ang mas maniwala sa
ningning kaysa liwanag.
50.
_______ 6. Angpaniniwala sa
ningning ay nagdudulot ng
tunay na kasiyahan at
tagumpay.
51.
_______ 7. Maymga pinunong
nais manatili sa puwesto
sukdulang umabuso sa
kapangyarihan.
SURING-SANAYSAY
Suriin ng mgamag-aaral ang sanaysay batay
sa pagsagot sa mga tanong sa talahanayan
sa ibaba. Iulat ito sa harap ng klase.
57.
TANONG SAGOT BLG.NG
TALATA
1.Ano ang paksa? Ang paksa ay tungkol sa
ningning at liwanag.
1
2. Magbigay ng mga
punto, impormasyon o
kaisipan mula sa
sanaysay.
3. Ano ang layon ng
sanaysay?
Gawain 3.1: HanapSanaysay
Magsaliksik ng sanaysay na nasulat mula sa panahon
ng himagsikan. Maaaring buksan ang mga links mula
sa internet o kaya naman ay magsaliksik ng mga
sanaysay mula sa aklat pampanitikan. *Punan ng mga
kinakailangang impormasyon ang talahanayan kaugnay
ng sanaysay na napili.
63.
Ilan sa mgamungkahing pamagat ng sanaysay na
nasulat sa Panahon ng Himagsikan ay ang mga
sumusunod:
1. Ang Dapat na Mabatid ng mga Tagalog (Andres
Bonifacio)
2. Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan
(Andres Bonifacio)
64.
3. Pahayag (EmilioJacinto)
4. Sa May Nasang Makisanib saKatipunang Ito
(Emilio Jacinto)
5. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan
(Emilio Jacinto)
6. Programa Contstitutional Dele Republica Filipinas
(Apolinario Mabini)
7. El Verdadero Dacalogo (Apolinario Mabini)
Pabaong Pagkatuto
POTW (Pulotof the Week)
Matapos ang mga pagtalakay sa linggong ito, ang
mga mag-aaral ay magbibigay ng kaalamang
tumatak sa kanila. Ituloy ang pangungusap.
“Ang aking #Pulot of the Week ay ______________.
Ito ang pinakatumatak sa akin sa mga araling
pinag-aralan sa linggong ito.
Wasto o Di-Wasto– Tukuyin kung ang
mga pangungusap ay wasto o di-wasto.
Sakaling di-wasto, bilugan ang
nagpamaling salita sa pangungusap.
72.
_____1. Tinatawag naborador ang isang
balangkas o plano ng isang bubuuing
sulatin gaya ng sanaysay.
_____2. Ang layon ang pamamaraang
ginagamit ng manunulat sa pagtalakay
ng mga kaisipan sa akda.
73.
_____3. Paksa angkabuoang tinatalakay
ng manunulat sa kanyang akda.
_____4. Mahalagang matukoy ng isang
magsusuri ng sanaysay ang mga
“punto” na tinatalakay sa mga bahagi
ng sanaysay
74.
_____5. Mauuri sabiswal na
pagpapahayag ang isang dayagram na
nagpapakita ng ideya sa teksto.
75.
_____6. Mensahe angtawag sa wikang
tinatanggap nang mas nakararaming
nakapag-aral.
76.
_____7. Huwag kalilimutangitala ang
mga naging reperensiya o sanggunian
na ginamit sa pagsusuri ng sanaysay.
77.
_____8. Ang linya,kolum at pie ay mga
halimbawa ng grap na isa ring uri ng
biswal na teksto.
78.
_____9. Huwag isinasaalang-alangsa
pagbuo ng isang tekstong multimodal
kaangkupan ng pipiliing ilustrasyon na
ilalapat sa video o animasyon.
79.
____10. Dapat namalinaw na maipakita
ang ideya sa tulong ng mga pipiliing
elementong biswal.
80.
Sagot sa Pagsusulit:
1.Wasto
2. Di-wasto (sa halip na layon,
dapat ay estilo)
3. Wasto
4. Wasto
5. Wasto
6. Di-Wasto (Pormal sa halip na
mensahe)
7. Wasto