Gawain 1:
Panuto: Tunghayanang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba
1. Ano-ano ang kakayahang taglay ng tao at ng hayop na may
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa? Pangatuwiranan.
5.
Gawain 1:
Panuto: Tunghayanang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba
2. Paano ginamit ng tao at ng hayop ang kanilang mga
kakayahan base salarawang ipinakita?
6.
Gawain 1:
Panuto: Tunghayanang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba
3. Ano-ano ang iyong mga nalaman at naunawan mula sa
gawain?
8.
Panuto: Pag-aralan angsitwasyon. Ipagpalagay na ikaw ang tauhan sa situwasyon.
Gawain 1A
Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na magkaroon kayo ng
group study sa bahay ng iyong kamag-aral mamayang gabi
bilang paghahanda sa pagsusulit bukas. Ngunit pagdating
mo sa bahay ng iyong kaklase ay nagulat ka dahil sila ay
nagsusugal at umiinom ng alak sa halip na magaral.
1. Ano ang iyong gagawin sa situwasyong kinakaharap mo?
2. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili at sa iyong kamag-aral
sa pasiya at kilos na gagawin mo?
3. Ano ang iyong dahilan at batayan sa desisyong gagawin mo?
9.
Suriin
Ang tao aybinubuo ng ispirituwal at materyal na
kalikasan ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de
Aquino. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang
kakayahan ng tao.
(E. Esteban, 1990, ph.48)
10.
Ang Mataas naGamit at
Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob
11.
Pagkatapos pag-aralan angmodyul na ito, inaasahang maisasagawa
ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
2. Nakikilala ang kaniyang mga kahinaan sa pagpapasiya at
nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang
mga ito;
3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang
sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal; at
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at
magmahal.
Sa loob ngdalawang minuto,
ang mga mag-aaral ay kukuha ng
chalk upang isulat ang mga salita
o ideya na kanilang maiuugnay
sa ISIP at KILOS-LOOB.
13
14.
Ang isip aymay kakayahang alamin at unawain ang
kaniyang sarili kaya’t nagtatanong sa sarili kung sino ako,
nag-iisip at nagninilay; ginagawa kong obheto ng aking pag-
iisip ang aking sarili.
Ang kilos-loob naman ay ang makatuwirang pagkagusto
na nag-uudyok na gawin ang mabuti at iwasan ang
masama. Nag-uudyok na piliin kung ano ang mabuti o
masama ayon sa paghuhusga ng isip mula sa mga nakalap na
impormasyon dito.
15.
1. Pangkaalamang Pakultad(knowing faculty)
. Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip
kundi dahil din sa kaniyang pandama – ang paningin,
pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa,
nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad.
16.
a. Kamalayan. Pagkakaroonng malay sa
pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa.
b. Memorya. Kakayahang kilalanin at alalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
c. Imahinasyon. Kakayahang lumikha ng larawan
sa kaniyang isip at palawakin ito.
d. Instinct. Kakayahang maramdaman ang isang
karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa
katwiran.
Pagkakatulad at Pagkakaibang hayop at tao ayon kay
Edward Brenan
Ang mga kakayahan na nagkakapareho sa hayop at tao ay
ang pandama na siyang pumupukaw sa kaalaman, ang
pagkagusto na siyang pakiramdam at emosyon, at ang
pagkilos na siyang paggalaw. Bagama’t parehong taglay ng
tao at hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba ang paraan
kung paano ginagamit ang tatlong kakayahan.
19.
Hayop.
Una, may kamalayansa kaniyang kapaligiran dahil sa may
matalas siyang pakultad o kakayahan na kilalanin ang bagay na
nakikita, tunog o kaya’y amoy ng kaniyang paligid lalo na
kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay.
Pangalawa, mayroong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at
masama para sa kaniyang kabutihan at kapakanan
Panghuli, may kakayahang gumawa ng paraan upang makuha
ang kaniyang ninanais. Ginagamit ng walang kahulugan sa
kaniya kundi upang kumilos para pangalagaan at protektahan ang
kanyang sarili.
20.
Tao.
Una, bukod sapandama, may isip hindi lamang upang makaalam kundi
upang makaunawa at maghusga. Ang makaunawa ay ang kakayahang
makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan
ito ng kahulugan.
Pangalawa, kakayahang maghusga ay ang kakayang mangatwiran.
Panghuli, malayang kilos-loob, bukod sa damdamin at emosyon upang
magnais o umayaw. Nangangahulugan itong dahil may isip at kilos-loob
ang tao, magagawa niyang pigilin ang pandama at emosyon at
mailagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
21.
Isip
Ayon sa paliwanagni De Torre (1980), ang kaalaman o
impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at
inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na
kahulugan.
Ang KATOTOHANAN ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan
ng mga katoto”. May kasama ako na nakikita o may katoto ako na
nakikita sa katotohanan. Ito ay mayroon o ang nandiyan na kailangang
lumabas sa pagkakakubli at lumitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng
taong naghahanap nito.
22.
Ayon kay Dy,ang isip ay may kakayahang magnilay o
magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang
nauunawaan na kung saan may kakayahan siyang
pag-isipan ang kaniyang sarili. Isa pa sa nagagawa ng
tao dahil sa kaniyang isip ay ang kakayahang kumuha ng
buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral
(mag-abstraksiyon). Ang gamit at tunguhin ng isip ang
pag-unawa sa katotohanan.
23.
Kilos-Loob
Ito ay isangmakatuwirang pagkagusto (rational appetency) ayon kay
Santo Tomas na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay
sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Mahalaga ito sa
moral na pagpili, sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng
nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at pagpapasiya
sapagkat may kakabit itong moral na tungkulin. Dahil sa kamalayan at
kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay na umiiral,
nabibigyang-kahulugan ng isip ang isang sitwasyon.
24.
Ang gamit attunguhin ng kilos-loob ay ang pagkilos
tungo sa pagmamahal at paglilingkod. Ayon kay Max
Scheler, Ang pagmamahal ay maipapakita sa
pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang
pinagmulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng
tao sa kaniyang sarili. Tinawag tayo ng Diyos na
tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang
pagmamahal sa kanila.