Ito ang tinapay ng buhay,
Kanin mo't makibahagi
Ito ang tinapay ng buhay,
Kanin mo't makiisa
Iyan ang katawang nabayubay,
upang ikaw ay mabuhay
Iyan ang katawang naghirap,
Upang iyong kamtan
Ang buhay na walang
hanggan
Ito ang saro ng bagong tipan,
Inumin mo't makibahagi
Ito ang saro ng bagong tipan,
Inumin mo't makiisa
Iyan ang dugong
dumanak, upang ikaw ay
luminis
Iyan ang dugo ni Kristo,
Na para sa iyo
Doon sa kalbaryo ay tumigis
Ito ang tinapay ng buhay,
Ito ang saro ng bagong tipan
Ito ang tinapay ng buhay,
Ito ang saro ng bagong tipan
Iyan ang katawang nabayubay,
Iyan ang dugong itinigis
Ito ang aking patunay,
Ako'y kasama Niyang namatay
Ito ang aking ipahahayag,
Na magbabalik si Hesus na buhay

Huling Hapunan