TANDAAN:
✓ Ang iba’t-ibangmga kaugalian, tradisyon,
paniniwala at pagdiriwang sa ating rehiyon ay
nakatutulong upang higit nating maintindihan at
maunawaan ang ating kultura.
✓ Ito ay mahalagang malaman natin upang
maipasa natin ang ating kultura sa mga susunod na
henerasyon.
11.
TANDAAN:
May mga salikheograpikal katulad ng
lokasyon at klima ay nakaiimpluwensiya
sa pagbuo at paghubog ng uri ng
pamumuhay ng mga
lungsod/bayan.
12.
Gumuhit ng isangkaugalian,
tradisyon, paniniwala o
pagdiriwang na mayroon sa
inyong lugar.
13.
Interbyuhin ang iyongmagulang
tungkol sa kaugalian, tradisyon,
paniniwala o pagdiriwang na
kanilang kinalakihan sa ating
rehiyon.
Bago pa dumatingang kastila, ang
mga tagalog ay may maituturing na
mayang kultura. Sinasabing ang
karamihan sa kultura ng mga
Tagalog ay umiikot sa katubigan
kagaya ng mga ilog at sapa.
18.
Nakikita ito samismong
salitang “tagalog” na
pinagdugtong na salitang
“taga” “ilog” na ang ibig
sabihin ay nagmula sa ilog.
19.
Maraming kultura angTagalog.
Bawat lalawigan ay nakilala dahil sa
mga natatanging kultura. Ito ay
nagbigay daan upang mabigyan
ng sapat na pagkakakilanlan ang
bawat lalawigan sa rehiyon.
20.
Ang lalawigan ngCavite ay isang lugar na
mayaman sa kasaysayan dahil dito
nagmula ang kauna-unahang pangulo ng
Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Ang Cavite
ay mayaman sa tradisyon at paniniwala.
Nakilala ang lugar na ito dahil sa debosyon
ng mga katoliko sa mga santo at santa.
21.
Ang lalawigan ngCavite ay isang lugar na
mayaman sa kasaysayan dahil dito
nagmula ang kauna-unahang pangulo ng
Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Ang Cavite
ay mayaman sa tradisyon at paniniwala.
Nakilala ang lugar na ito dahil sa debosyon
ng mga katoliko sa mga santo at santa.
22.
Isa sa mgamahalagang pagdiriwang
ng mga kabitenyo ay ang kapistahan
ng Nuestra Señorade la Soledad de
Porta Vaga o mas kilala sa tawag na
La Virgen De La Soledad de Porta
Vaga.
23.
Ang mahal nabirhen ay ang
tinuturing na Reyna ng buong
Lalawigan ng Cavite. Pinagdiriwang
ito tuwing ikalawa at ikatlong
linggong Nobyembre. Kilala ang
imahena palaging nakaluhod at sa
pagkakaroon ng espesyal na suot
na kulay itim at puti.
24.
Ang Imahen niSan Agustin na pinagdarayo ng
maraming deboto tuwing buwan ng Agosto sa
Tanza ay may mahimalang Kasaysayan.
25.
Ang lalawigan nglaguna ang pinagmulan ng
ating pambasang bayani na si Jose Rizal. Bukod
sa pagiging isa sa pinakamakasaysayang pook
ng lalawiganng Laguna. Ito ay tinatawag din na
lugar na may mga makulay at malikhaing
pagdiriwang. Isa na dito ang tinatawa na:
26.
1. Liliw GatTayaw Tsinelas
Mula sa malii tna bayan ng Liliw, Laguna ay umusbong ang
mga makukulay na tsinelas na malikhaing tinabas at
pinaganda. Dahil lumago at naging mas kaaya ayaang
mga tsinelas dito. Ang munting bayan ay tinawag na
Footwear Capital ng Laguna. Tuwing huling linggo ng Abril,
ay ginaganap ang makulay na pagdiwang mga tsinelas o
mas kilala sa tawag na Liliw Gat Tayaw Tsinelas.
28.
2. Bangkero Festival
Angmga Lagunahin ay may isang
maipagmamalaking kakayahan. Ito ay an
kakaibang uri ng pamamangka sa ilog. Ang
mamangka sa batuhan, sa ibabaw ng bakal at
ang pagsuong laban sa agos ng ilog papuntang
PagsanjanFalls sa Pagsanjan, Laguna. Ang tawag
sa kanil ay bangkero.
30.
Sagutin ang mgasumusunod:
1. Bakit tinawag na lugar na may mga
makulay at malikhaing pagdiriwang ang
Laguna?
2. Kilala ang Cavite dahil sa
_______________
31.
Sa anong paraanmo
maaring ipagmalaki ang
kultura ana mayroon tayo
sa ating rehiyon?
32.
TANDAAN:
May mga salikheograpikal katulad ng
lokasyon at klima ay nakaiimpluwensiya
sa pagbuo at paghubog ng uri ng
pamumuhay ng mga
lungsod/bayan.
33.
Sumulat ng tatlongparaan
kung paano mo
mapapahalagahan ang
mga pagkakakilanlang
kultural ng ating rehiyon.
34.
Gumupit o gumuhitng 2
pang halimbawa ng festival
na mayroon sa Cavite at
Laguna. Idikit ito sa iyong
kuwaderno.
Ating alamin ngayongaraw
ang ilan sa kultura na
mayroon sa Batangas, Rizal at
Quezon.
38.
Sa mga lalawigansarehiyon ng CALABARZON,
ang lalawigan ng Batangas ang may natatangi
at Kakaibang kultura. Tagalog ang wikang mga
Batangueño, ngunit ang paraan ng pagsasalita
nila ay may mariing punto.
39.
Kilala sila pagdaragdagng salitang“eh” at “ga”
sa pakikipagusap. Halimbawa ang salitang
“Ano ba yun?” ay magiging “Ano ga un?” at
“Ay oo nga!” ay magiging“Ay, ala oo eh!”
naman.
40.
May pamamaraanang mga
Batangueñona tinatawag na “
Matanda sa Dugo”. Ito ay ang
paggalang sa lahat ng nakakatanda sa
edad kahit may pagkakataon na
magtiyo na mas bata ang tiyuhin.
41.
Tradisyon sa kanilaang dapat ang
nakababata ang tumawag ng
Tiyo o kuya. Tulad ng ibang lalawigan sa
rehiyon, meron ding maipagmamalaki
ang mga Batangas pagdating sa
produkto at pagdiriwang. Ito ay ang;
42.
1. Kapeng Barako
Angkapeng barako ay uring kape na tumutubo
lamang sa Batangas at ilang lugar sa Cavite.
Tinawag itong Barako dahil sa tapang ng lasa
nito na gusting gusto ng karamihang
Batangueño.
43.
Ayon sa kanila,mas masarap ihain ito kung
papakuluan sa tubig, lalagyan lamang ng
kaunting asukal at papanatilihin ang itim na
kulay nito.
44.
2. LechonFestival
Ang LechonFestival o pagdiriwang ng litson
sa Balayan, Batangas ay isa sa mga
pinagmamalaking kultura ng Batangas. Ito
ay ginaganap tuwing ika-24 ng Hunyo bilang
pag-alala sa kanilang patron na si San Juan
Baustista.
45.
Pinaparada ang mgalitson sa buong bayan
na nakabihis ng magaganda at mga
kakaibang suot. Kultura narin ng mga
tagarito na habang pumarada ang mga
litson ay nagsasabuyan ng tubig at alak ang
mga tao dahil para sa kanila ito ay pagkilala
nila sa kanilang patron.
47.
Isang tanyag nanadiskubre sa Lalawigan
ay ang Petroglipikong Angono na
matatagpuan sa Angono, Rizal.
48.
Ito ay nadeklarangPambansang Kayamanan sa Kultura
noong 1973 at Pandaigdigang Pamanang Sining ng
UNESCO na matatagpuan sa yungib sa gitnang
Angono at Binangonan. Nakasulat sa mga bato
(petroglipiko) ang masaganang kulturang
pakikipagkalakaran ng mga sinaunang Tagalog sa
ibang pangkat ng tao.
49.
Higantes Festival
Ang HigantesFestival na kilala rin sa
tawag na Pista ni San Clemente ay
ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng
Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang
pinakamalaking pagdiriwang para kay
San Clemente, patron ng mangingisda.
50.
Sumakah Festival
Ang SumakahFestival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing
ika-1 ng Mayo na nagbibigay halaga sa pangunahing produkto ng
Antipolo, suman, manga, kasoy at ang dating pamamaraan ng
paglalakbay sa mataas na bahagi ng Antipolo, ang hamaka.
51.
Pagdating sa kasaysayanat kultura, hindi
magpapahuli ang lalawigan ng Quezon sa
buong rehiyon. Tulad ng ibang lalawigan,
ang Quezon ay isa ring makasaysayan
dahil sa pangalan nitong nagbuhat sa
kauna-unahang pangulong komonwelt na
si Pang. Manuel Luis Quezon.
52.
Niyog-Niyogan Festival
Ang Niyog-niyoganfestival ay
pagdiriwang na isinasabay sa Araw ng
Quezon, tuwingika-19 ng Agosto.
Pinaghahandaanito ng tatlumpu’t siyam
(39) na bayan at dalawang lungsod (2)
sa buong lalawigan.
54.
Pahiyas Festival
Ang pahiyasay isang uri ng palamuti sa pista ni
San Isidro Labrador tuwingika-15 ng Mayo sa
bayan ng Lucban, Quezon. Si San Isidro Labrador
ay patron ng mga Magsasaka kaya pasalamat sa
isang masaganang ani ang mga dekorasyo ng
prutas, gulay, at pakô sa harapa ng dingding.
56.
Punan ang talahanayanng mga iyong
natutunan tungkol sa Kultura ng mga
sumusunod:
Batangas Rizal Quezon
57.
Sa anong paraanmo
maaring ipagmalaki ang
kultura ana mayroon tayo
sa ating rehiyon?
58.
Sa anong paraanmo
maaring ipagmalaki ang
kultura ana mayroon tayo
sa ating rehiyon?
59.
Tukuyin kung saanglalawigan
nabibilang ang pagkakakilanlang
kultural sa bawat bilang.
1. Sumakah Festival
2. Pahiyas Festival
3. Niyog-Niyogan Festival
4. Lechon Festival
5. Higantes Festival
60.
Gumupit o gumuhitng 2 pang
halimbawa ng festival na
mayroon sa Batangas, Rizal, at
Quezon. Idikit ito sa iyong
kuwaderno.
Sa aralin naito,
matutuklasan mo ang mga
wika at diyalekto ng ating
lalawigan at rehiyon.
64.
Tagalog ang pangunahingwika ng mga
naninirahan sa gitna at katimugang bahagi ng
Luzon. Tagalog ang wika sa mga lalawigan sa
CALABARZON, na kinabibilangan ng Cavite,
Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Sa National
Capital Region or NCR, Filipino ang wikang
pangkalakalan na ang pinagbatayan ay tagalog.
Tinatayang 24% ng kabuoang bilang ng mga Filipino
ang nagsasalita ng wikang tagalog.
65.
Bawat isa saatin ay gumagamit
ng mga katawagan sa pakikipag-
usap. Ito ay pagpapakita ng
paggalang sa ating kapwa. Ang
mga katawagan na ito ay nauuri
sa tatlo.
66.
1. Magagalang nasalitang
ginagamit sa pakikipag-usap sa
mga matatanda.
Halimbawa: Kuya at ate sa
nakakatandang kapatid
67.
2. Ayon sapaghingi ng
paumanhin at pasasalamat.
Halimbawa: Pasensiya na po,
patawad po, paumanhin po,
salamat po.
68.
3. Ayon sapaghingi ng
pahintulot.
Halimbawa: maari po ba,
puwede po ba, at iba pa.
69.
Ang mga katawagangito ay
magagamit sa pakikitungo at
pakikisama sa ating kapwa,
ipinapakita nito ang pagpapahalaga
sa ating kinagisnang pag-uugali noon
pa man.
70.
Tukuyin kung angmga salitang nasa loob ng kahon ay katawagan
sa paggalang at pagbati sa nakakatanda, katawagan sa pahingi
ng paumanhin pasasalamat, o katawagan sa paghingi ng
pahintulot.
71.
Kulayan ng berdeang kahon kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pagkakakilanlang
kultural ng ating rehiyon at pula naman kung hindi.
72.
Habang papunta kasa kantina, nakita
mo ang isa sa iyong mga kaklase
nakikipag usap sa tindera sa kantina.
Napansin mo na hindi siya gumagamit
ng “po” at “opo” sa pakikipagusap sa
tindera. Ano ang maari mong gawin?