Ang piyudalismo ay isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong gitnang panahon na nag-uugnay sa mga panginoon at kanilang basalyo. Ang lipunan ay nahati sa tatlong pangkat: noble, klerigo, at mga pesante, habang ang hari ang siyang nagmamay-ari ng mga lupain. Ang paghina ng piyudalismo ay dulot ng krusada at pag-usbong ng kalakalan, na nagpahina sa kapangyarihan ng mga panginoong piyudal.