Ang mito, alamat, kuwentong-bayan, at maikling kuwento ay mga anyo ng panitikan na naglalahad ng tradisyon at kultura ng isang lugar, na karaniwang nagkukuwento ng kalikasan at paniniwala. Ito ay lumaganap bago dumating ang mga mananakop at nagbibigay ng mahahalagang aral sa buhay. Tulad ng ibang akdang tuluyan, ang mga ito ay may pagkakasunod-sunod na mga pangyayari at mga elementong nagpapayaman sa kwento.