Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
5. Mga Layunin:
• Natutukoy at naipapaliwanag ang
magkasinghulugang pahayag sa binasang
tula
• Nasusuri ang napanood na isahan o
sabayang pagbigkas ng tula
• Naipapahayag ang sariling damdamin
kaugnay ng damdaming nangibabaw sa
pinakinggang tula
• Nabibigkas nang maaayos at madamdamin
ang isinulat na tula
6. Kultura: Ang pamana ng
Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan
( Tula mula sa Pilipinas)
Ni Patrocino V. Villafuerte
7. • Kilalang makata,
mananaysay,
manunulat at editor
• Ang kanyang mga
tula ay patuloy na
ginagamit bilang
mga piyesang pang-
isahan at
pansabayang
bigkas tuwing
sumasabit ang
pagdiriwang ng
Buwan ng Wika
8.
9. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit.
1.Ang bawat paghakbang ay isang
pagtalunton.
2.Sa panahon ng pagkamulat at maraming
pagbabago, binhing nakatanim ang
maraming kultura.
3.Ang kulturang itinudla ng nakaraan at
inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng
kinabukasan.
4.Binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa.
5.Kulturang may lambing ng panunuyo at
tangis ng pamamaalam.
10. Karaniwan sa mga tao ang pagpapahayag ng
damdamin o emosyon tulad ng tuwa, lungkot,
galit, awa, takot, at iba pa.
May mga damdaming maipapahayag sa mga
pangungusap na pasalayssay o paturol lamang.
Mga halimbawa:
Natutuwa ako sa pagdating mo sa aking
kaarawan.
Naiinis ako sa ginawa mong kalokohan sa buong
klase.
Maari ding ipahayag ang damdamin sa
pamamagitan ng isang tanong.
Mga halimbawa:
Bakit kaya hindi siya nagsasawang tumulong sa
kapwa?
Paano mo nagawa ang mga bagay na ito?
11. Kapag matindi ang damdamin, pangungusap na
padamdam ang nabubuo at ipinahahayag?
Mga Halimbawa:
Naku, hindi ko maatim na kumopya ng sagot na
pinaghirapan ng iba!
Grabe, ang sakit ng ginawa nilang panlalait sa akin.
Naipahahayag din ang matinding emosyon sa
pamamagitan ng paggamit ng paggamit ng mga
sambitla at iba pang ekspresyon.
Ang sambitla ay isang salita na may isa o dalawang
pantig na nagpapahayag ng buong diwa tulad ng isang
pangungusap. Ang mga ito ay karaniwang sinusundan
ng mga pangungusap na paturol.
Mga Halimbawa:
Aray! Nasugatan ako dahil sa pagmamadali mo.
Wow! Ang bango ng dala mong ulam.
12. PANGKATANG GAWAIN:
Sumulat ng isang tula na nagpapakita ng
iba’t ibang damdamin sa tula gamit ang
iba’t ibang sambitla o ekspresyon at iba’t
ibang uri ng pangungusap. Maaring ito ay
tungkol sa pamana, kultura at pag-ibig sa
bayan. Ang tulang gagawin ay maaring may
ilang taludtod.
13. RUBRIC PARA SA PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TULA
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Pagiging masining ng tula 25%
Kaangkupan ng paksa ng akda 25%
Kaangkupan ng ginamit na mga ekspresyon 25%
At uri ng pangungusap sa pagpapahayag
ng damdamin
Pagiging malinaw, maayos at madamdamin 25%
ng pagbigkas ng tula