Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
PAGSULAT NGjjjJajjaajjajajjaja ISKRIP.pptx
1.
2. ALAMIN NATIN
PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO
Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na
ginagamit
sa broadcasting. Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang
dapat bigkasin o sabihin. Ginagamit ito sa produksiyon ng
programa. Ito ay naglalaman ng mga mensahe ng programang
dapat ipabatid sa mga nakikinig. Napakahalaga nito sapagkat ito
ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, direktor, tagaayos ng
musika (musical scorer), editor, at mga technician.
3. Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na
gagamitin sa midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa
iskrip. Bilang iskrip, ito ay gagamit muna ng print medium.
Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at
gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang
transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa
pamamagitan ng radyo. Maririnig lámang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano ang
nakasulat sa iskrip.
4. Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama,
halimbawa,
dapat palaging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa
pamamagitan
ng kanilang mga pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyang-
kabatiran
ang mga nakikinig kung sino ang mga tauhang nagsasalita. Sa
programang
panradyo, kailangang sabihin ng mga tauhan ang lahat ng
nangyayari sa
eksena dahil hindi naman ito nakikita ng nakikinig.
5. PORMAT NG ISKRIP
1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang
emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektongpantunog
kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang
nagsasalita ang isang tauhan?
5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat
linya sa iskrip kapag minakinilya o kinompyuter.
6. PORMAT NG SKRIP
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita ng
linya upang maging madali pagwawasto kapag nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking titik. Gagamitin lamang
ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang
mga ito sa loob ng parentesis o panaklong at isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang
nagsasalita at anong uri ng tinig ang mmaririnig.
Halimbawa: Boses 1, 2; Lalaki, Babae 1, 2; Talent 1, 2 ah
Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamit ng iskrip kung isusulat ang pangalan ng
taong magsasalita.
Halimbawa: Leona, Zosimo.
Gayundin, kailangang maging tiyak ang pangalan o katawagang gagamitin, tulad ng Announcer. 9. Isulat sa
malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parentesis.
7. PORMAT NG ISKRIP
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat
ang pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos
isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang
paglalagay ng numero sa bawat bilang. Narito ang
halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga
nabanggit na tuntunin.