SlideShare a Scribd company logo
Zeus
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na
hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng
kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw,
pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng
sinaunang mga Griyego.[1][2] Ginagamit niyang sandata ang kidlat na
may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus
ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng
kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang
makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin
mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at
pangingibabawsa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang
kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit.[3] Kilala
siya samitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter).
Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia.[4]
Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang
Griyego, napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari
ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa bawat pagkakataon
magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok
niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus na itinago ni
Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea
sa isang kasuotan.[3]
Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid.
Nagkaroon sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan,
nakapagtalaga sila kung sinu-suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.[3]Naitalaga ni Zeus
sa kanyang kapatid na lalaking si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa
niyang kapatid na lalaking si Hades (o Pluto sa Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o
daigdig ng mga patay.[2][4]
Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga
tao mula sa kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang
tronong may palamuting mga batong hiyas. Mayroon ding nakapatong na isang koronang yari sa
dahon ng mga laurel sa ibabaw ng kanyang ulo. Natatanging mensahero niya ang agila. Tinagurian
din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad.[3]
Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga
Kapalaran. Walang magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang
buhay ng isang tao, gayundin kung nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang
digmaan.[3]
Kabilang sa mga anak ni Zeus si Apollo (o Apollon), ang diyos ng araw, at si Artemis (o Diana), ang
diyosa ng buwan.
Hera
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Hera.
Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang
Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at
tinaguriang diyosa ngkasal o pakikipag-isang-dibdib.[1][2] Madalas na ikagalit
at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni
Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga
supling dahil kay Zeus.[1][2] Inalalayan niya ang mga Griyego sa kanilang
pakikipagdigma laban sa mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod
ng Misenea, Isparta, at Argos. Tinatawag
siyang Juno o Hunosa mitolohiyang Romano.[1] Sa mitolohiyang Etruskano,
siya si Uni.
Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag"[3][2]
Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka.[2]
Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot
siya ng ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.[
Aphrodite
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Aproditi o Afroditi (Griyego: Αφροδίτη; Latin: Aphrodite) ay
ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiya ng mga Griyego. Kilala siya
samitolohiyang Romano bilang si Venus, ang diyosa ng pag-ibig at
kagandahan.[1] Anak na babae si Aproditi ni Zeus at ni Dione, isangdiwata.[1]
Ayon sa isang bersiyon ng salaysay ukol sa kanya, ipinanganak si Aproditi
mula sa aphros o bula ng dagat.[1][2]
Lalaking anak niya kay Ares si Eros (Kupido). Siya rin ang ina ng bayaning
Troyanong si Aeneas, mula sa pakikipag-ugnayan niya kayAnchises. Tinunton
nina Julius Caesar at Augustus ang kanilang pinagmulang linyahe o ninuno
mula kay Benus, sa pamamagitan ng pinagmulan ni Aeneas.[1][2]
Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba
nila sa Aproditi. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sapaghalakhak.
Mayroon siyang isang hindi magandang katangian: nagiging pagtuya at
kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang
lumipol o manira.
Apollo
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika
sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki
ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano.
Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis. Apollo rin ang tawag sa
kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din
siyang Phoibos o Phoebus na nangangahulugang maliwanag,
nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at
kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng
araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.[1][2] Kilala siya ng
mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.[1]
Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil sa
katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat walang kadilimang
nagmumula kay Apollo. Wala ring mabangis na pag-uugali o pag-init
ng ulo at galit. Wala ring takot.[2]
Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo ng musika mula sa isang
ginintuang kudyapi o lira. Ngunit isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-ari at
naghahawak ng sandatang pilak na pana.[1][2]
Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod
ni Apollo, nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya sa Delphi ng mga ukol sa sining,
pagbibigay lunas, at panggagamot o pagpapagaling
Ares
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Ares (paglilinaw).
Si Ares.
Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay
ang diyos ng digmaan at anak ni Zeus (hari ng mga diyos)
at Hera.[1][2]Kinikilala siya ng sinaunang mga
Romano bilang Marte o Mars. Mas mataas at mas malawak ang
pagtingin ng mga Romano sa kanilang Marte kaysa sa Griyegong
Ares.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Laran.[3]
Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang
ama ng magkapatid na kambal na mga lalaking
sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.
Athena
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Athina (paglilinaw).
Si Athena, habang nakatuntong sa kanang kamayniya si Nike.
Para sa punong lungsod ng Gresya, tingnan ang Atenas.
Si Athina, (sulat Griyego: Αθηνά; Latin: Athena o Pallas
Athena[1]), ang Griyegong diyosa ng karunungan, estratehiya,
at digmaan, na katumbas
ni Minerva sa mitolohiyang Romano.[2][1] Sa kanya ipinangalan
ang lungsod-estado ng Athina, ang kanyang lungsod na
pangkasalukuyang punong lungsod ng buong Gresya.
Pinakadakila sa mga templong itinayo para sa kanya
ang Parthenon.
Demeter
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Demeter.
Si Demeter ay ang pangatlong kapatid na babae ni Zeus, ayon
sa mitolohiyang Griyego. Siya ang diyosa ng mga butil o buto ng
halaman o pananim, kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura. Batay sa
mitolohiya ng mga Griyego, siya ang nagturo sa mga tao kung paano
magtanim at magsaka. Kilala siya sa mitolohiyang
Romano bilang Ceres o Seres, na pinagmulan ng salitang Ingles
ng angkak, ang cereal.[1]
Bilang diyosa ng pag-ani, kalimitan siyang inilalarawan bilang isang
babaeng may bigkis ng ginintuang mga mais. Sinasamba siya ng lahat
ng mga uri ng taong nagtatanim at umaani. Siya ang ina
ni Persephone.[2]
Batay sa mitolohikong salaysay, tinangay ni Hades si Persephone
nang makita itong nangunguha ng mga bulaklak. Sinunggaban ni
Hades si Persephone at saka isinakay sa kanyang karong pangdigma.
Isang dahilan ng pagtangay ni Hades kay Persophone ang pagkakaroon nito ng kabigha-bighaning
kagandahan. Pangalawang dahilan ang upang gawin itong reyna niya. At pangatlo, upang magbigay
si Perspehone ng liwanag sa madilim na kaharian ni Hades na nasa Mundong Ilalim.[2]
Dahil sa pagtuklas na nawawala si Persephone, namighati si Demeter. Nagdala ang kanyang
kalungkutan ng tag-lamig na may pag-ulan ng yelo o niyebe sa mundo. Dahil sa tag-lamig,
nagkaroon ng panahon ng pagkakait sa tao at iba pang mga nilalang ng mga bungang nagmumula
sa pag-ani.
Hades
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Hades atang kanyang asong may tatlong ulo, si Cerberus.
Si Hades habang nasa Mundong Ilalim.
Si Hades ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang
Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim. Kapantay siya ng
mgadiyos ng Olimpo o labindalawang Olimpiyano.[1][2] Isa siya sa mga
anak ni Kronos. Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na
nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya magpakailanman
nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2] Tinagurian din siyang diyos ng
kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na
nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1]
Nag-aari siya ng isang masalamangkang kalubkob o helmet, na nakapagdurulot ng pagka hindi
nakikita o pagkawala kapag isinusuot ito.
Poseidon
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Poseidon,na mayhawak na piruya.
Sa mitolohiyang Griyego, si Poseidon ang isa sa tatlong
naging anak na lalaki nina Kronos at Rhea. Siya ang
panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang
kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng
mga lindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak
ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang
malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang
hawakan. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang
si Neptuno[1][2], at bilang si Nethuns sa mitolohiyang
Etruskano. SaNethuns hinango ang pangalan
niyang Neptuno.[3]
Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuang karong pandigma na nakapagpapahinahon at
nakapagpapatag ng pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan.
Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang
dumalaw sa Bundok ng Olimpus. Batay sa mitolohikong salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang
nagbigay ng kabayo sa tao.
Dionysos
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Dionysus (paglilinaw).
Sa mitolohiyang Griyego, si Dioniso, Dionysos, o Dionysus ang
itinuturing na diyos ng alak at diyos ng mga baging. Anak na lalaki
siya ni Zeus kay Semele, isang babaeng tao. Si Dionisio ang huling
diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Kilala siya
samitolohiyang Romano bilang si Baco o Bacchus.
Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa
pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa
niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing. Dahil sa kanyang
mga inumin, nabibigyan niya ng tapang ang tao, gayundin ng
kakayahang makagawa ng nakatatakot na mga bagay. Iniaalay ang
ilan sa mga sinaunang drama para sa kanya, dahil nakapagbibigay din
siya sa tao ng malikhaing inspirasyon.

More Related Content

What's hot

Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
SCPS
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Luwen Borigas
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiya
menchu lacsamana
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Alvin Billones
 
Kabihasnan ng Persia
Kabihasnan ng PersiaKabihasnan ng Persia
Kabihasnan ng Persia
Naomi Faith Ebuen
 
Thor at loki
Thor at lokiThor at loki
Thor at loki
Jenita Guinoo
 
Florante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknongFlorante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknong
VBien SarEs
 
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunanAp10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Mylene Pilongo
 
Filipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- MitolohiyaFilipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- Mitolohiya
NemielynOlivas1
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
RegineBatle
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Juan Miguel Palero
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
Longen Llido
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
Reymar Pestaño
 
GRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYONGRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYON
Lavinia Lyle Bautista
 
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
Christine Joyce Javier
 
Mitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga romeMitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga rome
Michelle Aguinaldo
 
Mitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang PilipinoMitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang Pilipino
Sam Aclan
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
Cj Punsalang
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunan
cruzleah
 

What's hot (20)

Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiya
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 
Kabihasnan ng Persia
Kabihasnan ng PersiaKabihasnan ng Persia
Kabihasnan ng Persia
 
Thor at loki
Thor at lokiThor at loki
Thor at loki
 
Florante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknongFlorante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknong
 
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunanAp10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
 
Filipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- MitolohiyaFilipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- Mitolohiya
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
GRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYONGRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYON
 
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
Mga Diyos at Diyosa ng Imperyong Griyego at Roman (The Gods and Goddesses of ...
 
Mitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga romeMitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga rome
 
Mitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang PilipinoMitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang Pilipino
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunan
 

Similar to Mga Diyos at diyosa ng Greece

Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1Edlyn Asi
 
Kabihasnang greek 4 pamana sa kasaysayan
Kabihasnang greek 4   pamana sa kasaysayanKabihasnang greek 4   pamana sa kasaysayan
Kabihasnang greek 4 pamana sa kasaysayan
kelvin kent giron
 
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01Christine Federipe
 
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptxOLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
OdysseusAeneasBaluyu1
 
g10-week-1-1st.q..pptx
g10-week-1-1st.q..pptxg10-week-1-1st.q..pptx
g10-week-1-1st.q..pptx
ravenearlcelino
 
MITOLOHIYANG GRIYEGO
MITOLOHIYANG GRIYEGOMITOLOHIYANG GRIYEGO
MITOLOHIYANG GRIYEGOSCPS
 
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptxMitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
ZendrexIlagan2
 
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran atAng ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
titserRex
 
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nitoMitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
JeffrielBuan4
 
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdfMga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
mariesandrareyes
 
Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek
Andrea Yamson
 
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Trisha Salanatin
 
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2Edlyn Asi
 
mito10.pptx
mito10.pptxmito10.pptx
mito10.pptx
Myra Lee Reyes
 
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docxYra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
matthewbajarias
 
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docxYra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
matthewbajarias
 
Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya
RosetteMarcos
 

Similar to Mga Diyos at diyosa ng Greece (19)

Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01student output1.1
 
Kabihasnang greek 4 pamana sa kasaysayan
Kabihasnang greek 4   pamana sa kasaysayanKabihasnang greek 4   pamana sa kasaysayan
Kabihasnang greek 4 pamana sa kasaysayan
 
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01
Mitolohiyanggriyego 111013063031-phpapp01
 
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptxOLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
OLYMPIAN-GODS-ALBUM_MIGUEL-ODYSEUS-BALUYUT.pptx
 
Abbyu
AbbyuAbbyu
Abbyu
 
g10-week-1-1st.q..pptx
g10-week-1-1st.q..pptxg10-week-1-1st.q..pptx
g10-week-1-1st.q..pptx
 
MITOLOHIYANG GRIYEGO
MITOLOHIYANG GRIYEGOMITOLOHIYANG GRIYEGO
MITOLOHIYANG GRIYEGO
 
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptxMitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
Mitolohiya Filipino Pagkilala sa mga Diyos.pptx
 
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran atAng ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
Ang ugnayan ng paniniwalang panrelihiyon, kapaligiran at
 
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nitoMitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
Mitolohiya ng Greece at mga diyod st diyosa nito
 
TROJAN WAR
TROJAN WARTROJAN WAR
TROJAN WAR
 
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdfMga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
Mga Diyos at Diyosa ppt Baitang 10 (Final).pdf
 
Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek
 
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)
 
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2
Mitolohiyangromano 111013064524-phpapp01studentsoutput2
 
mito10.pptx
mito10.pptxmito10.pptx
mito10.pptx
 
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docxYra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego (1).docx
 
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docxYra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
Yra1TstTYG63YnesHFJg_Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego.docx
 
Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya
 

Mga Diyos at diyosa ng Greece

  • 1. Zeus Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego.[1][2] Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at pangingibabawsa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit.[3] Kilala siya samitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia.[4] Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego, napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa bawat pagkakataon magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan.[3] Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid. Nagkaroon sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan, nakapagtalaga sila kung sinu-suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.[3]Naitalaga ni Zeus sa kanyang kapatid na lalaking si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa niyang kapatid na lalaking si Hades (o Pluto sa Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.[2][4] Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga tao mula sa kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting mga batong hiyas. Mayroon ding nakapatong na isang koronang yari sa dahon ng mga laurel sa ibabaw ng kanyang ulo. Natatanging mensahero niya ang agila. Tinagurian din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad.[3] Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga Kapalaran. Walang magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang buhay ng isang tao, gayundin kung nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang digmaan.[3] Kabilang sa mga anak ni Zeus si Apollo (o Apollon), ang diyos ng araw, at si Artemis (o Diana), ang diyosa ng buwan.
  • 2. Hera Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Hera. Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ngkasal o pakikipag-isang-dibdib.[1][2] Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus.[1][2] Inalalayan niya ang mga Griyego sa kanilang pakikipagdigma laban sa mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod ng Misenea, Isparta, at Argos. Tinatawag siyang Juno o Hunosa mitolohiyang Romano.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Uni. Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag"[3][2] Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka.[2] Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.[ Aphrodite Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Aproditi o Afroditi (Griyego: Αφροδίτη; Latin: Aphrodite) ay ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiya ng mga Griyego. Kilala siya samitolohiyang Romano bilang si Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan.[1] Anak na babae si Aproditi ni Zeus at ni Dione, isangdiwata.[1] Ayon sa isang bersiyon ng salaysay ukol sa kanya, ipinanganak si Aproditi mula sa aphros o bula ng dagat.[1][2] Lalaking anak niya kay Ares si Eros (Kupido). Siya rin ang ina ng bayaning Troyanong si Aeneas, mula sa pakikipag-ugnayan niya kayAnchises. Tinunton nina Julius Caesar at Augustus ang kanilang pinagmulang linyahe o ninuno mula kay Benus, sa pamamagitan ng pinagmulan ni Aeneas.[1][2] Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba nila sa Aproditi. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sapaghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian: nagiging pagtuya at kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang lumipol o manira.
  • 3. Apollo Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis. Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.[1][2] Kilala siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.[1] Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil sa katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat walang kadilimang nagmumula kay Apollo. Wala ring mabangis na pag-uugali o pag-init ng ulo at galit. Wala ring takot.[2] Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo ng musika mula sa isang ginintuang kudyapi o lira. Ngunit isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-ari at naghahawak ng sandatang pilak na pana.[1][2] Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod ni Apollo, nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya sa Delphi ng mga ukol sa sining, pagbibigay lunas, at panggagamot o pagpapagaling Ares Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Para sa ibang gamit, tingnan ang Ares (paglilinaw). Si Ares. Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay ang diyos ng digmaan at anak ni Zeus (hari ng mga diyos) at Hera.[1][2]Kinikilala siya ng sinaunang mga Romano bilang Marte o Mars. Mas mataas at mas malawak ang pagtingin ng mga Romano sa kanilang Marte kaysa sa Griyegong Ares.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Laran.[3] Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang ama ng magkapatid na kambal na mga lalaking sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.
  • 4. Athena Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Para sa ibang gamit, tingnan ang Athina (paglilinaw). Si Athena, habang nakatuntong sa kanang kamayniya si Nike. Para sa punong lungsod ng Gresya, tingnan ang Atenas. Si Athina, (sulat Griyego: Αθηνά; Latin: Athena o Pallas Athena[1]), ang Griyegong diyosa ng karunungan, estratehiya, at digmaan, na katumbas ni Minerva sa mitolohiyang Romano.[2][1] Sa kanya ipinangalan ang lungsod-estado ng Athina, ang kanyang lungsod na pangkasalukuyang punong lungsod ng buong Gresya. Pinakadakila sa mga templong itinayo para sa kanya ang Parthenon. Demeter Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Demeter. Si Demeter ay ang pangatlong kapatid na babae ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang diyosa ng mga butil o buto ng halaman o pananim, kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura. Batay sa mitolohiya ng mga Griyego, siya ang nagturo sa mga tao kung paano magtanim at magsaka. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Ceres o Seres, na pinagmulan ng salitang Ingles ng angkak, ang cereal.[1] Bilang diyosa ng pag-ani, kalimitan siyang inilalarawan bilang isang babaeng may bigkis ng ginintuang mga mais. Sinasamba siya ng lahat ng mga uri ng taong nagtatanim at umaani. Siya ang ina ni Persephone.[2] Batay sa mitolohikong salaysay, tinangay ni Hades si Persephone nang makita itong nangunguha ng mga bulaklak. Sinunggaban ni Hades si Persephone at saka isinakay sa kanyang karong pangdigma. Isang dahilan ng pagtangay ni Hades kay Persophone ang pagkakaroon nito ng kabigha-bighaning kagandahan. Pangalawang dahilan ang upang gawin itong reyna niya. At pangatlo, upang magbigay si Perspehone ng liwanag sa madilim na kaharian ni Hades na nasa Mundong Ilalim.[2] Dahil sa pagtuklas na nawawala si Persephone, namighati si Demeter. Nagdala ang kanyang kalungkutan ng tag-lamig na may pag-ulan ng yelo o niyebe sa mundo. Dahil sa tag-lamig, nagkaroon ng panahon ng pagkakait sa tao at iba pang mga nilalang ng mga bungang nagmumula sa pag-ani.
  • 5. Hades Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Hades atang kanyang asong may tatlong ulo, si Cerberus. Si Hades habang nasa Mundong Ilalim. Si Hades ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim. Kapantay siya ng mgadiyos ng Olimpo o labindalawang Olimpiyano.[1][2] Isa siya sa mga anak ni Kronos. Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya magpakailanman nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2] Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1] Nag-aari siya ng isang masalamangkang kalubkob o helmet, na nakapagdurulot ng pagka hindi nakikita o pagkawala kapag isinusuot ito. Poseidon Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Si Poseidon,na mayhawak na piruya. Sa mitolohiyang Griyego, si Poseidon ang isa sa tatlong naging anak na lalaki nina Kronos at Rhea. Siya ang panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno[1][2], at bilang si Nethuns sa mitolohiyang Etruskano. SaNethuns hinango ang pangalan niyang Neptuno.[3] Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuang karong pandigma na nakapagpapahinahon at nakapagpapatag ng pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan. Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang dumalaw sa Bundok ng Olimpus. Batay sa mitolohikong salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang nagbigay ng kabayo sa tao.
  • 6. Dionysos Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Para sa ibang gamit, tingnan ang Dionysus (paglilinaw). Sa mitolohiyang Griyego, si Dioniso, Dionysos, o Dionysus ang itinuturing na diyos ng alak at diyos ng mga baging. Anak na lalaki siya ni Zeus kay Semele, isang babaeng tao. Si Dionisio ang huling diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Kilala siya samitolohiyang Romano bilang si Baco o Bacchus. Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing. Dahil sa kanyang mga inumin, nabibigyan niya ng tapang ang tao, gayundin ng kakayahang makagawa ng nakatatakot na mga bagay. Iniaalay ang ilan sa mga sinaunang drama para sa kanya, dahil nakapagbibigay din siya sa tao ng malikhaing inspirasyon.