6. SAGLIT NA
KASIGLAHAN
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok
na darating sa buhay ng mga tauhan.
7. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng
pangunahing tauhan at sumasalungat sa
kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao
laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao
laban sa Tao/lipunan.
8. KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas
ng suliranin.
9. WAKAS
Tinatawag ng trahedya ang wakas kapag ang
tunggalian ay humantong sa pag kabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may
malungkot na sangkap subalit nagtatapos
naman nang kasiya-siya para sa maubuting
tauhan.
10. BAKIT KULANG ANG LIWANAG NG BUWAN
Noong unang panahon, ang araw at buwan ay matalik na magkaibigan.
Magkasama sila sa lahat ng lakaran. Sila naman ay minamahal ng mga
tao sapagkat ang mga mata nila ay nagbibigay ng liwanag ng mundo.
Ngunit naging palalo ang buwan. Sabi niya sa araw: "Higit akong mahal
ng mga tao. Kung magtatanim sila, ako ang kanilang basehan. Lagi rin
nila akong tinatanaw na may paghanga. Ngunit ikaw, ni hindi ka
matitigan ng kanilang mga mata." Lihim na nagdamdam at nainis ang
araw sa ugali ng buwan. Kaya isang araw ay umalis ang araw at hindi
niya isinama ang buwan. Nagtungo sa dalampasigan at nanguha ng
maraming kabibe. Sinunog niya ang mga ito at ginawang apog. Isinilid
niya sa isang sako ang apog. Kinahapunan noon, naanyayahan ang
dalawa sa isang kasayahan sa Nundaul. Magkasama silang dumalo.
Naglasing nang husto ang buwan samantalang uminom na dili ang araw
11. BAKIT KULANG ANG LIWANAG NG BUWAN Natapos
ang handaan at nag-uuwian na ang mga tao. Niyaya na ng araw ang
buwan ngunit sa kalasingan nito'y ni hindi makayang tumayo. Sinabi ng
buwan sa araw na mauna na ito at susunod na lamang siya pagbuti ng
kanyang pakiramdam. Isinagawa ng araw ang kanyang paghihiganti sa
buwan. Itinali niya ang sako ng apog sa isang punongkahoy na daraanan
ng buwan sa pag-uwi. Kilala ng araw ang pagiging mausisa ng buwan.
Nagising ang buwan na maganda na ang pakiramdam. Kinuha ang
kanyang sibat at umuwi na. Sa daan nakita niya ang nakabiting sako ng
apog. Pumunta siya sa ilalim nito at tinangkang kalagin ang tali ng sako
sa pamamagitan ng sibat. Nang hindi niya ito makalag, sinundot niya ng
sibat ang sako, kaya sumabog sa mukha niya ang apog. "Tulungan ninyo
ako." daing ng buwan na tutop ang mukha. Dinaluhan siya ng kanyang
12. BAKIT KULANG ANG LIWANAG NG BUWAN
Pinunasan nila ang mukha ng buwan
ngunit ang isa nitong mata ay labis na napinsala at tuluyang nabulag
Ito ang dahilan kung bakit kulang ang liwanag ng buwan kung ihahambin
sa liwanag
ng araw. lisa na lamang kasi ang mata niyang nagbibigay ng liwanag.