Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Introduction to Chemical Bonding - TAGLISH Version
1. INTRODUCTION TO CHEMICAL BONDING
I-review muna natin ang dating lesson. Remember na yung figure sa ibaba, about ‘yun sa kung
paano natin i-symbolize ang isang element.
Ang tawag natin sa symbol na ito ay Nuclear Symbol. Pwede natin gamitin ito ngayon sa lesson
natin sa chemical bonding. Kung papansin ninyo, sa example natin, ang Lithium ay may 3 protons.
Ngayon, sa isang electrically neutral atom ang number of protons = number of electrons. Kung
ganun, sa Lithium na may 3 protons, meron din itong 3 electrons. Ibig sabihin, ang total number
number of electrons ng Lithium ay 3. Ganito rin ang way of thinking natin para sa iba pang elements.
Ngayon, introduce naman natin ang concept of valence electrons. Formally, ang definition o
meaning ng valence electrons ay:
Valence electron is an outer shell electron that is associated with an atom, and that can
participate in the formation of a chemical bond, either by sharing or transferring.
Ang valence electrons ay
ang mga electrons na
nakikipagparticipate sa isang
chemical bond. In short,
kailangan natin malaman ang
valence electrons kasi ito ang
first step para maintindihan ang
chemical bonding. Ngayon,
paano naman natin malalaman
kung ilan ang mga valence
electrons sa bawat elements?
Tignan ang isang Electron-Dot
Periodic table.
Anong observation
natin? Kung ang mga red dots ang nagrerepresent ng mga valence electrons, makikita natin na ang
Lithium (Li) ay mayroong isa, ang Beryllium (Be) ay tatlo, etc. Ibig sabihin, the group numbers (Roman
Numeral na nakasulat sa pinakataas) ay ang number of valence electrons. Kaya, as an example
Lithium: Li 3 electrons (Atomic Number) 1 valence electron (Group Number)
Aluminum: Al 13 electrons (Atomic Number) 3 valence electrons (Group Number)
Kung iisahin natin, ang tawag ngayon sa mga symbols na ito na may symbol ng element at
valence electrons (dots) ay Lewis Dot Symbols. Mapapansin ninyo na ang pinakamadaming dots sa
periodic table ay 8. Ibig sabihin, kailangan ng mga elements/atoms na magkaroon ng 8 valence
electrons to achieve stability. Ito ay tinatawag nating Octet Rule. Kung kaya, ang mga elements
nakakapagform ng chemical bonding dahil sa pagtransfer or pagshare ng mga electrons para ma-
achieve ang stability (8 valence electrons). Remember, na ang mga Non-metals lamang ang kailangan
sumunod sa octet rule, ang mga metals naman nakabase sa group numbers nila. Mas magiging clear
ito sa mga susunod na examples.
2. IONIC BONDING
Gagamitin natin ngayon itong mga Lewis Dot Symbols para
malaman natin ang chemical bonding. As an example, ang mga
lewis dot symbols ng Na (sodium) at Cl (chlorine) ay makikita niyo
sa baba. Gaya ng sinabi natin, ang non-metal kailangan
magfollow ng Octet Rule, kaya kailangan niya ng 8 valence
electrons. Kung mayroon na ang Cl (chlorine, non metal) ng 7
valence electrons, 1 nalang kailangan niya para magkaroon ng 8
valence electrons. Sa Na (sodium, metal) naman, dahil under ito
ng Group Number 1, ay mayroong 1 valence electrons, may
magandang ipamigay (transfer) nalang niya ang nag iisang
valence electron para ma-achieve ang stability. Ito ang
nirerepresent ng arrow – transfer of electrons.
Ionic Bonding: metal + non-metal = ionic compound
Transfer of electrons = formation of ionic bond
Ionic bonding is the complete transfer of valence electron(s) between atoms. It is a type of
chemical bond that generates two oppositely charged ions.
In ionic bonds, the metal loses electrons to become a positively charged cation, whereas the
nonmetal accepts those electrons to become a negatively charged anion.
COVALENT BONDING
Kagaya nang example natin sa Ionic Bonding, pareho lang ang logic at principles na gagamitin
natin para sa covalent bonding. Ipapakita na lang natin ang kaibahan nila. As an example, gagamitin
natin ang dalawang atoms ng Cl (chlorine, non metal) na may 7 valence electrons. Ngayon, para ma-
achieve nila ang stability, pareho nilang kailangan ang 1 valence electron para magkaroon ng 8 valence
electrons. Kaya ang gagawin nila, magshe-share sila ng 1 valence electrons, kagaya ng nakikita niyo
sa picture sa baba.
Covalent Bonding: non-metal + non-metal = covalent compound
Sharing of electrons = formation of ionic bond
A covalent bond is a chemical bond that involves the sharing of electron pairs between atoms.
Covalent bonding generally happens between nonmetals