Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo – Ang damdamin ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga Junkers, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria. Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso.
2. Imperyalismo – Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan, nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib sa kaniyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Russia. Naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina. Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang bahaging nakuha ng Inglatera at France.
3. Militarismo - Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
4. Pagbuo ng mga Alyansa – Dahil sa mga inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
Ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary.
pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
inuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan.
1. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
SAN ISIDRO NHS
EDMOND R. LOZANO
Ikalawang Digmaang
PANDAIGDIG
2. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
-nagsimula noong
1930-1945 sa Asya at
1939 -1945 sa Europa.
- itinuturing ito na
pinakamalawak,
pinakamahal at
pinakamadugong labanan
sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
3. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
- ang mga bansang
lumahok sa digmaang
ito ay nagbuhos ng
napakaraming
pwersang militar
upang lupigin ang
bawat kalaban.
4. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1. Matalakay ang mga sanhi ng
ikalawang digmaang pandaigdig ;
2. Maisa-isa ang magkaalyansang bansa
na nahahati sa AXIS at ALLIED Powers;
3. Mailalahad ang mga kaganapan sa
naging sanhi ng digmaan
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
5. 1. Pag-alis ng Germany sa
League of Nations
3. Pagsikat ng mga Diktador
4. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
5. Magka-ALYANSAng mga bansa
2. Imperyalismo
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
ANO ANG SANHI NG DIGMAAN?
6. Mga SANHI ng Digmaan
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
1. Pag-alis ng Germany sa
League of Nations
-Naniniwala ang mga
Germany na sila ay hindi
makatarungang sinisi sa
digmaan.
-Sila ay ginamit upang
magbayad ng pera sa
bansang
Great Britain at France.
7. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
2. IMPERYALISMO
-Sa Pamumuno ni
Emperador Hirohito, ang
pinakabatang emperador
sa Japan sa gulang na
pito.
-Noong mga 1930, sinakop
ng Hapon ang ilang
bahagi ng Tsina at iba
pang bansa sa Asya.
8. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
-Nasakop ng Hapon
ang Manchuria noong 1931.
-Nang malaman ito ng
League of Nations,
itiniwalag nila ito sa Grupo.
9. 3. Pagsikat ng mga
Diktador
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
- noong 1933 Ang
Germany ay
napasakamay ng
partidong Nazis.
Angkanilang pinuno
ay si Adolf Hitler.
Adolf Hitler.
10. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
-Nakikipag-ugnayan siya
sa bansang Italy
na nasa ilalim ng
pamumuno ni
Benito Mussolini sa
ilalim ng Batas Militar.
11. 4. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Noong 1935
-Sa pamumuno ni Benito Mussolini,
sinakop ng Italy ang Ethiopia .
-Tuwirang nilabag ng Italya ang
Kasunduan sa League of Nations o
(Covenant of the League)
12. 5. MAGKA-ALYANSANG MGA BANSA
GERMANY
BERLIN AXIS
JAPAN
ITALY
USA
ALLIED POWERS
GREAT
BRITAIN
RUSSIA
ADOLF HITLER
BENITO MUSSOLINI
EMPERADOR
HIROHITO
FRANKLIN ROOSEVELT
JOSEPH STALIN
WINSTON
CHURCHILL
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
14. 1-4 Ang mga SANHI ng pagkakaroon ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
5-7. Anu-anong bansa ang bumubuo sa
alyansang Berlin Axis/Axis Powers?
8-10. Anu-anong bansa naman ang
bumubuo sa ALLIED Powers?
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
15. 1. Pag-alis ng Germany sa
League of Nations
3. Pagsikat ng mga Diktador
4. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
5. Magka-ALYANSAng mga bansa
2. Imperyalismo
1-4 Ang mga SANHI ng pagkakaroon ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
18. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
( Mahahalagang Kaganapan)
1. Maipapakita ang pagiging dominante
ng Germany sa laban ;
2. Maipapaliwanag mula sa Tri Story ang
mga pangyayari sa paglawak ng
digmaan; at
3. Mailalahad ang mga kaganapan sa
pagbuo ng Allied powers at Pagkatalo ng
Axis powers sa digmaan.
19. Mga Kaganapan ng
Digmaan sa Europa
1.Pagiging Dominante ng Germany sa laban
2. Paglawak ng digmaan sa ibat-ibang
panig ng daigdig
3. Pagkabuo ng ALLIED POWERS
4. Ang pagwawagi ng ALLIED powers sa
Digmaan
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
20. Mga Kaganapan ng
Digmaan sa Europa
-Si Adolf Hitler ng Germany ay
Nakipagsundo kay Joseph Stalin ng
Russia para magtulungan at di
magdeklara ng digmaan sa bawat
isa.
-Madaling sinakop ng Germany
ang Poland, sa tulong ng
Unyong Sobyet/Russia.
1.Pagiging Dominante ng Germany sa laban
Joseph Stalin
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
21. Setyembre 1,1939
-nagdeklara ng digmaan ang Great
Britain at France laban sa Germany .
-Ang digmaang nabuo ay tinawag
na ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat
(biglaang paglusob na walang babala)
VS.
2. Paglawak ng digmaan sa ibat-ibang panig
ng daigdig
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
22. Agosto 12, 1940
- binomba ng Germany ang
timog na bahagi ng Great
Britain .
- Pinagsama ni Punong
Ministro Winston Churchill ang
kanyang hukbo para
lumaban.
- humingi sila ng tulong na
armas mula sa USA.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
23. Ang mga Briton ay tinulungan
ng lihim na imbensyon, na
tinatawag na
- RADAR,
Ito ang kanilang ginamit para
malaman kung may hukbong
panghimpapawid papunta sa
kanilang bansa.
-Lalo silang lumakas ng
magpadala ang USA ng mga
Armas
-Kaya hindi nasakop ng
Germany ang Great Britain.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
24. Hunyo, 1941
- Kalaunan isang taon lumipas ang
labanan napasuko din nila ang
Great Britain.
VS. WIN
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
25. Ayon sa mga historiko, ito ang
pinakamalaking pagkakamali ni
Hitler, ang pagtalikod sa naging
kasunduan sa bansang Russia.
a. Gusto niya ng bakanteng lugar
para sa mga German at makontrol
ang kayamanan ng rehiyon.
b. Gusto rin niyang pabagsakin
ang komunismo at talunin ang
karibal na si Joseph Stalin.
VS.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
26. -Umaabot sa 3 milyong
sundalo ang pinasugod ni
Hitler sa Russia. Hindi
nakapaghanda si Stalin sa
pagsugod ng Germany.
- Higit sa 2 milyong sundalo at
sibilyan ang namatay sa
Russia.
VS. WIN
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
27. Hunyo 6, 1944
-Nagkasundo ang USA,
Great Britain at Russia na
magkakapihan sa
digmaan.
3. Pagkabuo ng ALLIED POWERS
Russia
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
28. -Pinagtulungan nila ang
mga sundalong
Germany.
- Ang operasyon na ito
ay tinatawag na
Operasyong Overlord.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
29. Abril 16, 1945
- pumasok ang mga
sundalong Russia sa
lungsod ng Berlin, ito
ang kabiserang lungsod
ng Germany
- may humigit sa
600,000 sundalong
Germany at mga
sibilyan ang namatay
at nasugatan
nasabing labanan.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
30. Mayo 8, 1945
- Ang pagkatalo ng mga
Germany at ang pagsuko
sa puwersang AXIS powers.
4. Ang pagwawagi ng ALLIED powers sa Digmaan
Sept. 2, 1945
- Sumuko ang Japan sa
USA.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
31. PANANAKOP NG MGA
HAPON
EDMOND R. LOZANO
Alamin ang mahahalagang pangyayari sa mga ss:
- Isulat ang sagot sa 1/2 papel.
a. Dec. 8, 1941
b. Dec. 26, 1941
c. March 11, 1942
d. April 9, 1942
e. May 6, 1942
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
32. PANANAKOP NG MGA HAPON
EDMOND R. LOZANO
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
33. Pagsalakay ng
mga Hapon sa
Pearl Harbor
Dec. 8,
1941
Dec. 26,
1941
March 11,
1942
April 9,
1942
Fall of Bataan
Tumakas si Hen.
MacArthur
papuntang Australia
Ideneklara ang
Maynila bilang
Open City
May 6,
1942
Fall of
Corregidor
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
34. • DEC. 8, 1941,
PEARL
HARBOR, HAWAII
•
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
45. 1. Malaking ang bilang ng mga
namatay at nasirang ari-arian.
Tinatayang halos 60 bansa ang
naapektuhan ng digmaan at higit
na mas marami ang namatay
kaysa Unang Digmaang
Pandaigdig.
Mga Bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
46. 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang
pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at
pananalapi ng maraming bansa.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Mga Bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
3. Bumagsak ang pamahalaang
totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni
Mussolini, at Imperyong Hapon ni
Hirohito.
47. 4. Napagtibay ang simulaing command
responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong
militar.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Mga Bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang
bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang
Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India,
Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.
50. Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
Hindi pa natatapos na Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, naisip ni
Pangulong Roosevelt ng United
States na muling magtatag ng isang
samahang pandaigdig na papalit sa
Liga ng mga Bansa.
https://www.britannica.com
/topic/sphere-of-influence
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Franklin Roosevelt
51. Apat na buwan bago sumalakay ang mga
Hapones sa Pearl Harbor, sina
Pangulong Roosevelt at Punong Ministro
Winston Churchill ng Inglatera ay
bumalangkas nang deklarasyon,
ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng
26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon
ng Mga Bansang Nagkakaisa (United
Nations).
Sa isang kumperensiya sa Moscow
noong Oktubre 1943, ang United States,
Great Britain at Soviet Union
ay nagkasundo na pairalin at panatilihin
ang kapayapaan sa sandaling matalo ang
Axis.
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
52. Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
Sinundan ito ng Deklarasyon ng
Apat na Bansa, kasama ang Tsina,
para maitatag ang isang
pangkalahatang samahang
pandaigdig upang mapanatili ang
kapayapaan at kaligtasan sa
mundo. Limampung bansa ang
nagpulong sa California, United
States, upang balangkasin ang
Karta ng mga Bansang Nagkakaisa.
https://www.britannica.com
/topic/sphere-of-influence
#1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
53. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
• Noong ika 24 ng Oktubre, 1945 ay
itinatag ang Mga Bansang Nagkakaisa
o United Nations (UN).
• Muling nagpulong ang mga kinatawan
ng mga bansa sa London noong 1946
at nahalal na unang Sekretaryo-
Heneral, si Trygve Lie ng Sweden.
54. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
• Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay
may anim na pangunahing sangay.
• Ang Pangkalahatang Asemblea
(General Assembly) ang sangay na
tagapagbatas ng samahan.
• Binubuo ito ng mga kinatawan ng
lahat ng mga kasaping bansa, at
dito isinasagawa ang mga
pangkalahatang pagpupulong.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
55. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
• Ang Sangguniang Pangkatiwasayan
(Security Council) ang sangay
tagapagpaganap.
• Binubuo ito ng 11 kagawad na ang
lima ay permanenteng miyembro,
samantalang ang anim ay inihalal sa
taning na panunungkulan na
dalawang taon.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
56. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
• Ang Kalihim (Secretariat) ay ang
pangkat ng mga tauhang
pampangasiwaan ng U. N. na
nagpapatupad sa mga gawaing
pang-araw-araw.
• Ang Pandaigdig na Hukuman ng
Katarungan (International Court of
Justice) ang siyang sangay na
nagpapasya sa mga kasong may
kinalaman sa alitan ng mga bansa.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
57. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
• Ang Sangguniang Pangkabuhayan
at Panlipunan (ECOSOC) ay
binubuo ng 54 na kasaping bansa.
Ito ang sangay na namamahala sa
aspeto ng pangkabuhayan,
panlipunan, pang-edukasyon,
siyentipiko at pangkalusugan ng
daigdig.
Halaw sa: Project EASE
module (ph. 45-47)
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations)
61. #1st Grading#4th Grading#DIGMAAN #KASUNDUANGPANGKAPAYAPAAN#SANHI #EPEKTO
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang
ipinakikita sa
larawan?
2. Paano ka
makatutulong upang
maiwasan ang
ganitong
pangyayari?