MGA
KARUNUNGANG
BAYAN
Ang karunungang-bayan ay
isang koleksiyon ng mga
tradisyonal na kaalaman,
karanasan, at aral na oral na
ipinamamahagi sa mga
henerasyon ng isang kultura.
Kahalagahan ng Karunungang-Bayan:
1. Pagsasalin ng Kaalaman: Ang karunungang-
bayan ay naglalaman ng mga praktikal na payo at
aral mula sa mga nakatatanda tungkol sa pag-
aasal, kultura, at iba’t ibang aspeto ng buhay.
2. Pagpapahalaga sa Kultura: Ipinapakita ng
karunungang-bayan ang mga pangunahing
halaga, paniniwala, at kultura ng isang lipunan.
Ito’y nagpapakita ng pagmamahal sa sariling
kultura at nagpapalaganap ng tradisyon at
kaugalian sa mga kabataan.
Kahalagahan ng Karunungang-Bayan:
3. Pag-unawa sa Kasaysayan: Ang mga kwento at
aral sa karunungang-bayan ay may koneksyon sa
kasaysayan ng isang bansa o komunidad. Ito’y
nagpapabatid ng mga pangyayari at karanasan ng
mga naunang henerasyon, nagpapalawak sa
kamalayan tungkol sa kasaysayan, at nagpapalalim
sa pag-unawa sa mga pinagdaanan ng mga ninuno.
4. Pagsasaayos ng Buhay: Ang mga payo at aral
mula sa karunungang-bayan ay maaaring makatulong
sa mga tao sa pag-aayos ng kanilang buhay.
Uri ng Karunungang-Bayan:
1. Salawikain- ay isang maikli ngunit makabuluhang
pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
Karaniwang binubuo ito ng ilang salita o pangungusap
na may malalim na kahulugan.
Halimbawa ng Salawikain:
a. Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay
mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay
malalim.
b. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
c. Nang makakita ka ng damit na payong, ang pobreng
anahaw iyong itinapon.
Uri ng Karunungang-Bayan:
2. Kasabihan- ay isang uri ng pahayag na
nagbibigay ng payo, aral, o katotohanan tungkol
sa buhay at karanasan ng mga tao. Ang mga
kasabihan ay madalas na ginagamit upang
magpahiwatig ng isang malalim na kahulugan sa
likod ng mga simpleng salita.
Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa
dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga.
Payak ang kahulugan ng kasabihan kaya madaling
maunawaan ang mensaheng hatid nito.
Halimbawa ng Kasabihan
a. Ang buhay ay parang gulong; minsang nasa
ibabaw, minsang nasa ilalim.
b. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang
kaibigan.
c. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng
poot.
d. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
e. Ang taong may karunungan, di basta-basta
Uri ng Karunungang-Bayan:
3. Sawikain o Idioms sa Ingles- ay mga salita o grupo
ng mga salita na may matalinhagang kahulugan at
hindi direktang naglalarawan ng isang bagay,
sitwasyon, o kaganapan.
Halimbawa ng Sawikain
a. Kapilas ng buhay.
b. Ilaw ng tahanan.
c. Busilak ang puso.
d. Matalas ang ulo.
e. Ibaon sa hukay.
Asawa
Ina
Malinis na kalooban
Matalino
Kalimutan
Uri ng Karunungang-Bayan:
4. Bugtong- ay isang uri ng palaisipan na karaniwang
nasa anyong tula. Karaniwang ang mga bugtong ay
tumutukoy sa mga aspeto ng kultura, pang-araw-
araw na buhay, at kalikasan ng mga Pilipino.
5. Palaisipan- ito ay isang suliranin o uri ng bugtong
na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang
palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng
mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo
ang solusyon.
Halimbawa ng Palaisipan
1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa
unahan ng globo.
Sagot: Letter G
2. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga
pangalan nila ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at
___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
Sagot: Mario
3. Si Reina ay anak ng doctor. Pero hindi nya ama ang
doctor. Kaano-ano nya ang doctor?
Sagot: Ina
Get ¼ sheet of paper.
¼ ma’am?
Yes, ¼
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung
☺
sumasang-ayon at malungkot na mukha kung
☺
hindi sumasang ayon tungkol sa KARUNUNGANG
BAYAN.
1. Tinatawag na sinaunang panitikan ang
karunungang bayan.
2. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan
ang mga halimbawa ng karunungang-bayan.
3. Ang karunungang bayan ay nagpapahayag ng
mga kaisipan at paniniwala na nakabatay sa mga
karanasan ng mga tao na may iisang kultura.
4. Upang mailahad ang kaisipan ang
karunungang bayan ay gumagamit ng mga
matatalinghagang salita.
5. Nagsisilbing payo ang mga karunungang bayan
dahil hango ito sa karanasan ng mga matatanda.
6. Tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala
ang kadalasang laman ng karunungan-bayan.
7. Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay
maaaring pasalita o pasulat.
8. Ang karunungang bayan ay bahagi ng panitikan
ng bayan nagsisilbing daan upang maipahayag
ang kaisipan ng partikular o lugar.
9. Pumapatungkol ang karunungang bayan sa
mga bagay na matatagpuan sa paligid o
karanasan sa isang pangkat o lugar.
10. Kung minsan, ang paksa ng mga salawikain,
sawikain, bugtong o kaisipan ay mula sa
karanasan o paghahanap buhay.
PANGKATANG GAWAIN:
PANUTO: Basahin at ipaliwanag ang mga halimbawang
KARUNUNGANG BAYAN at sagutan ang mga tanong para
sa pag-unawa.
Pangkat 1- SALAWIKAIN (Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan)
Pangkat 2- SAWIKAIN (May gintong kutsara sa bibig)
Pangkat 3- KASABIHAN (Ang gumawa ng kabutihan ay
hindi takot sa kamatayan)
Pangkat 4- BUGTONG (Buto’t balat, lumilipad)
Pangkat 5- PALAISIPAN (Binili ko ng kulay itim, ginamit ko
ng kulay pula at itinapon kong kulay puti. Ano ito?)
Mga Katanungan:
1.Kanino madalas marinig o mapakinggan
ang mga napakinggan/nabasang
karunungang-bayan?
2.Sa iyong palagay, bakit mahalagang
ipagpatuloy ang pag-aaral, pakikinig o
pagbabasa sa mga karunungang bayan?
3.Paano nakatutulong sa ating pang-araw-
araw na buhay ang mga pangaral na ito?

Filipino 7- Mga Karunungang Bayan.PowerpointPresentation

  • 1.
  • 2.
    Ang karunungang-bayan ay isangkoleksiyon ng mga tradisyonal na kaalaman, karanasan, at aral na oral na ipinamamahagi sa mga henerasyon ng isang kultura.
  • 3.
    Kahalagahan ng Karunungang-Bayan: 1.Pagsasalin ng Kaalaman: Ang karunungang- bayan ay naglalaman ng mga praktikal na payo at aral mula sa mga nakatatanda tungkol sa pag- aasal, kultura, at iba’t ibang aspeto ng buhay. 2. Pagpapahalaga sa Kultura: Ipinapakita ng karunungang-bayan ang mga pangunahing halaga, paniniwala, at kultura ng isang lipunan. Ito’y nagpapakita ng pagmamahal sa sariling kultura at nagpapalaganap ng tradisyon at kaugalian sa mga kabataan.
  • 4.
    Kahalagahan ng Karunungang-Bayan: 3.Pag-unawa sa Kasaysayan: Ang mga kwento at aral sa karunungang-bayan ay may koneksyon sa kasaysayan ng isang bansa o komunidad. Ito’y nagpapabatid ng mga pangyayari at karanasan ng mga naunang henerasyon, nagpapalawak sa kamalayan tungkol sa kasaysayan, at nagpapalalim sa pag-unawa sa mga pinagdaanan ng mga ninuno. 4. Pagsasaayos ng Buhay: Ang mga payo at aral mula sa karunungang-bayan ay maaaring makatulong sa mga tao sa pag-aayos ng kanilang buhay.
  • 5.
    Uri ng Karunungang-Bayan: 1.Salawikain- ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian. Karaniwang binubuo ito ng ilang salita o pangungusap na may malalim na kahulugan. Halimbawa ng Salawikain: a. Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim. b. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin. c. Nang makakita ka ng damit na payong, ang pobreng anahaw iyong itinapon.
  • 6.
    Uri ng Karunungang-Bayan: 2.Kasabihan- ay isang uri ng pahayag na nagbibigay ng payo, aral, o katotohanan tungkol sa buhay at karanasan ng mga tao. Ang mga kasabihan ay madalas na ginagamit upang magpahiwatig ng isang malalim na kahulugan sa likod ng mga simpleng salita. Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan ng kasabihan kaya madaling maunawaan ang mensaheng hatid nito.
  • 7.
    Halimbawa ng Kasabihan a.Ang buhay ay parang gulong; minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. b. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan. c. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot. d. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman. e. Ang taong may karunungan, di basta-basta
  • 8.
    Uri ng Karunungang-Bayan: 3.Sawikain o Idioms sa Ingles- ay mga salita o grupo ng mga salita na may matalinhagang kahulugan at hindi direktang naglalarawan ng isang bagay, sitwasyon, o kaganapan. Halimbawa ng Sawikain a. Kapilas ng buhay. b. Ilaw ng tahanan. c. Busilak ang puso. d. Matalas ang ulo. e. Ibaon sa hukay. Asawa Ina Malinis na kalooban Matalino Kalimutan
  • 9.
    Uri ng Karunungang-Bayan: 4.Bugtong- ay isang uri ng palaisipan na karaniwang nasa anyong tula. Karaniwang ang mga bugtong ay tumutukoy sa mga aspeto ng kultura, pang-araw- araw na buhay, at kalikasan ng mga Pilipino. 5. Palaisipan- ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
  • 10.
    Halimbawa ng Palaisipan 1.Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo. Sagot: Letter G 2. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Sagot: Mario 3. Si Reina ay anak ng doctor. Pero hindi nya ama ang doctor. Kaano-ano nya ang doctor? Sagot: Ina
  • 11.
    Get ¼ sheetof paper. ¼ ma’am? Yes, ¼
  • 12.
    Panuto: Iguhit angmasayang mukha kung ☺ sumasang-ayon at malungkot na mukha kung ☺ hindi sumasang ayon tungkol sa KARUNUNGANG BAYAN. 1. Tinatawag na sinaunang panitikan ang karunungang bayan. 2. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ang mga halimbawa ng karunungang-bayan. 3. Ang karunungang bayan ay nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala na nakabatay sa mga karanasan ng mga tao na may iisang kultura.
  • 13.
    4. Upang mailahadang kaisipan ang karunungang bayan ay gumagamit ng mga matatalinghagang salita. 5. Nagsisilbing payo ang mga karunungang bayan dahil hango ito sa karanasan ng mga matatanda. 6. Tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala ang kadalasang laman ng karunungan-bayan. 7. Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay maaaring pasalita o pasulat.
  • 14.
    8. Ang karunungangbayan ay bahagi ng panitikan ng bayan nagsisilbing daan upang maipahayag ang kaisipan ng partikular o lugar. 9. Pumapatungkol ang karunungang bayan sa mga bagay na matatagpuan sa paligid o karanasan sa isang pangkat o lugar. 10. Kung minsan, ang paksa ng mga salawikain, sawikain, bugtong o kaisipan ay mula sa karanasan o paghahanap buhay.
  • 15.
    PANGKATANG GAWAIN: PANUTO: Basahinat ipaliwanag ang mga halimbawang KARUNUNGANG BAYAN at sagutan ang mga tanong para sa pag-unawa. Pangkat 1- SALAWIKAIN (Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan) Pangkat 2- SAWIKAIN (May gintong kutsara sa bibig) Pangkat 3- KASABIHAN (Ang gumawa ng kabutihan ay hindi takot sa kamatayan) Pangkat 4- BUGTONG (Buto’t balat, lumilipad) Pangkat 5- PALAISIPAN (Binili ko ng kulay itim, ginamit ko ng kulay pula at itinapon kong kulay puti. Ano ito?)
  • 16.
    Mga Katanungan: 1.Kanino madalasmarinig o mapakinggan ang mga napakinggan/nabasang karunungang-bayan? 2.Sa iyong palagay, bakit mahalagang ipagpatuloy ang pag-aaral, pakikinig o pagbabasa sa mga karunungang bayan? 3.Paano nakatutulong sa ating pang-araw- araw na buhay ang mga pangaral na ito?