Exodo 19
1 Ang mga Israelita'y
nakarating sa ilang ng
Sinai noong unang araw
ng ikatlong buwan buhat
nang umalis sila sa
Egipto.
2 Mula sa Refidim, nagpatuloy sila
sa ilang ng Sinai at nagkampo sa
tapat ng bundok.
3 Si Moises naman ay umakyat sa
bundok upang makipag-usap sa
Diyos.
Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Ito ang
sabihin mo sa angkan ni Jacob, sa
mga Israelita.
4 ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga
Egipcio. Nakita rin ninyo kung
paanong dinala ko kayo rito tulad ng
isang agilang nagdala sa kanyang
mga inakay.
5 Kung susundin ninyo ako at
magiging tapat sa ating kasunduan,
kayo ang magiging bayang
hinirang. Ang buong daigdig ay akin
ngunit kayo'y aking itatangi.
6 Kayo'y gagawin kong isang
kaharian ng mga pari at isang
bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo
sa mga Israelita.”
7 Kaya tinipon ni Moises ang mga
pinuno ng Israel at sinabi ang lahat
ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
8 Sila nama'y sabay-sabay na
sumagot, “Susundin namin ang lahat
ng iniutos ni Yahweh.” Si Moises ay
nagbalik kay Yahweh at sinabi ang
tugon ng mga tao.
9 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
“Magsasalita ako sa iyo mula sa
makapal na ulap upang marinig ng
mga tao at nang sila'y maniwala sa
iyo habang panahon.” At sinabi ni
Moises kay Yahweh ang pasya ng
mga tao.
10 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
“Sabihin mo sa mga tao na ihanda
nila ang kanilang sarili mula sa
araw na ito hanggang bukas.
Kailangang labhan nila ang
kanilang mga damit
11 at humanda sa makalawa,
sapagkat akong si Yahweh ay
bababâ sa Bundok ng Sinai para
makita ng mga tao.
12 Lagyan mo ng hangganan ang
paligid ng bundok, at sabihin mo sa
kanilang huwag aakyat sa bundok ni
hahawakan ang anumang nasa loob
ng hangganan. Sinumang gumawa
nito ay papatayin
13 sa pamamagitan ng bato o sibat,
maging tao man o hayop. At sinumang
patayin sa ganitong dahilan ay huwag
ding hahawakan. Kapag narinig na
ninyo ang mahabang tunog ng
trumpeta, saka pa lamang kayo
makaaakyat sa bundok.”
14 Mula sa bundok, bumabâ si Moises
at pinahanda ang mga tao upang
sumamba; at nilinis nila ang kanilang
mga damit.
15 Sinabi sa kanila ni Moises,
“Humanda kayo sa ikatlong araw; at
huwag muna kayong magsisiping.”
16 Kinaumagahan ng ikatlong araw
ay kumulog at kumidlat. Ang
bundok ay nabalot ng makapal na
ulap at narinig ang isang malakas
na tunog ng trumpeta. Nanginig sa
takot ang lahat ng tao sa buong
kampo.
17 Pinangunahan ni Moises ang mga
tao papunta sa paanan ng bundok
upang humarap sa Diyos.
18 Ang Bundok ng Sinai ay nababalot
ng usok sapagkat bumabâ si Yahweh sa
anyo ng apoy. Tumaas ang usok tulad
ng usok ng isang pugon, at nayanig ang
bundok.
19 Palakas nang palakas ang tunog
ng tambuli. Nagsalita si Moises at
sumagot sa kanya ang Diyos sa
pamamagitan ng kulog.
20 Bumabâ si Yahweh sa tuktok ng
Bundok ng Sinai at pinaakyat niya
roon si Moises.
21 Sinabi niya, “Bumabâ ka at
sabihin mo sa mga tao na huwag
lalampas ng hangganan upang
makita ako sapagkat marami ang
mamamatay.
22 Pati ang mga paring lalapit sa akin
ay kailangang maglinis ng kanilang
sarili; kung hindi'y paparusahan ko
sila.”
23 Sinabi ni Moises kay Yahweh,
“Hindi po aakyat dito ang mga tao
sapagkat pinalagyan na ninyo ng
hangganan ang paligid ng bundok at
itinuturing naming banal ang
nakapaloob doon.”
24 Sinabi ni Yahweh, “Bumabâ ka at
isama mo rito si Aaron. Ang mga pari
at ang mga tao ay huwag mong
palalampasin sa hangganan.
Sinumang lumampas ay
paparusahan ko.”
25 Bumabâ nga si Moises at sinabi
ito sa mga tao.
Hebreo 12:18-24
18 Hindi kayo lumapit sa isang bundok
na nakikita, gaya ng mga Israelita sa
bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na
nagliliyab, nababalutan ng dilim at
may malakas na hangin. 19 Nakarinig
sila roon ng tunog ng trumpeta at ng
isang tinig. Nang ang tinig na iyon ay
marinig ng mga tao, nakiusap silang
huwag na itong magsalita sa kanila,
20 sapagkat hindi nila kayang
tanggapin ang utos na ito, “Ang
sinumang tumapak sa bundok, kahit
hayop, ay babatuhin hanggang sa
mamatay.” 21 Talagang
nakakakilabot ang kanilang natanaw,
kaya't pati si Moises ay nagsabing,
“Nanginginig ako sa takot!”
22 Sa halip, ang nilapitan ninyo ay
ang Bundok ng Zion at ang lungsod
ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa
langit, na kinaroroonan ng di
mabilang na anghel.
23 Ang dinaluhan ninyo ay masayang
pagtitipon[a] ng mga panganay na
anak, na ang mga pangalan ay
nakatala sa langit. Ang nilapitan
ninyo ay ang Diyos na hukom ng
lahat, at ang mga espiritu ng mga
taong ginawang ganap.
24 Nilapitan ninyo si Jesus, ang
tagapamagitan ng bagong tipan, at
ang dugong iwinisik na may
pangako ng mas mabubuting bagay
kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
Hebreo 12:28-29
28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng
isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa
paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, 29
sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.

Exodo 19 - Presentation powerpoint pres.pptx

  • 1.
  • 2.
    1 Ang mgaIsraelita'y nakarating sa ilang ng Sinai noong unang araw ng ikatlong buwan buhat nang umalis sila sa Egipto.
  • 3.
    2 Mula saRefidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok.
  • 4.
    3 Si Moisesnaman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos.
  • 5.
    Sinabi sa kanyani Yahweh, “Ito ang sabihin mo sa angkan ni Jacob, sa mga Israelita.
  • 6.
    4 ‘Nakita ninyoang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay.
  • 7.
    5 Kung susundinninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi.
  • 8.
    6 Kayo'y gagawinkong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”
  • 9.
    7 Kaya tiniponni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
  • 10.
    8 Sila nama'ysabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.” Si Moises ay nagbalik kay Yahweh at sinabi ang tugon ng mga tao.
  • 11.
    9 Sinabi niYahweh kay Moises, “Magsasalita ako sa iyo mula sa makapal na ulap upang marinig ng mga tao at nang sila'y maniwala sa iyo habang panahon.” At sinabi ni Moises kay Yahweh ang pasya ng mga tao.
  • 12.
    10 Sinabi niYahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga tao na ihanda nila ang kanilang sarili mula sa araw na ito hanggang bukas. Kailangang labhan nila ang kanilang mga damit
  • 13.
    11 at humandasa makalawa, sapagkat akong si Yahweh ay bababâ sa Bundok ng Sinai para makita ng mga tao.
  • 14.
    12 Lagyan mong hangganan ang paligid ng bundok, at sabihin mo sa kanilang huwag aakyat sa bundok ni hahawakan ang anumang nasa loob ng hangganan. Sinumang gumawa nito ay papatayin
  • 15.
    13 sa pamamagitanng bato o sibat, maging tao man o hayop. At sinumang patayin sa ganitong dahilan ay huwag ding hahawakan. Kapag narinig na ninyo ang mahabang tunog ng trumpeta, saka pa lamang kayo makaaakyat sa bundok.”
  • 16.
    14 Mula sabundok, bumabâ si Moises at pinahanda ang mga tao upang sumamba; at nilinis nila ang kanilang mga damit.
  • 17.
    15 Sinabi sakanila ni Moises, “Humanda kayo sa ikatlong araw; at huwag muna kayong magsisiping.”
  • 18.
    16 Kinaumagahan ngikatlong araw ay kumulog at kumidlat. Ang bundok ay nabalot ng makapal na ulap at narinig ang isang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa buong kampo.
  • 19.
    17 Pinangunahan niMoises ang mga tao papunta sa paanan ng bundok upang humarap sa Diyos.
  • 20.
    18 Ang Bundokng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumabâ si Yahweh sa anyo ng apoy. Tumaas ang usok tulad ng usok ng isang pugon, at nayanig ang bundok.
  • 21.
    19 Palakas nangpalakas ang tunog ng tambuli. Nagsalita si Moises at sumagot sa kanya ang Diyos sa pamamagitan ng kulog.
  • 22.
    20 Bumabâ siYahweh sa tuktok ng Bundok ng Sinai at pinaakyat niya roon si Moises.
  • 23.
    21 Sinabi niya,“Bumabâ ka at sabihin mo sa mga tao na huwag lalampas ng hangganan upang makita ako sapagkat marami ang mamamatay.
  • 24.
    22 Pati angmga paring lalapit sa akin ay kailangang maglinis ng kanilang sarili; kung hindi'y paparusahan ko sila.”
  • 25.
    23 Sinabi niMoises kay Yahweh, “Hindi po aakyat dito ang mga tao sapagkat pinalagyan na ninyo ng hangganan ang paligid ng bundok at itinuturing naming banal ang nakapaloob doon.”
  • 26.
    24 Sinabi niYahweh, “Bumabâ ka at isama mo rito si Aaron. Ang mga pari at ang mga tao ay huwag mong palalampasin sa hangganan. Sinumang lumampas ay paparusahan ko.”
  • 27.
    25 Bumabâ ngasi Moises at sinabi ito sa mga tao.
  • 28.
  • 29.
    18 Hindi kayolumapit sa isang bundok na nakikita, gaya ng mga Israelita sa bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na nagliliyab, nababalutan ng dilim at may malakas na hangin. 19 Nakarinig sila roon ng tunog ng trumpeta at ng isang tinig. Nang ang tinig na iyon ay marinig ng mga tao, nakiusap silang huwag na itong magsalita sa kanila,
  • 30.
    20 sapagkat hindinila kayang tanggapin ang utos na ito, “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.” 21 Talagang nakakakilabot ang kanilang natanaw, kaya't pati si Moises ay nagsabing, “Nanginginig ako sa takot!”
  • 31.
    22 Sa halip,ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel.
  • 32.
    23 Ang dinaluhanninyo ay masayang pagtitipon[a] ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap.
  • 33.
    24 Nilapitan ninyosi Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
  • 34.
    Hebreo 12:28-29 28 Kayamagpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.