Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
Schools Division of Nueva Vizcaya
Radio-based Instruction
EDUKASYON sa
PAGPAPAKATAO 7
_____
QUARTER 3 MODULE 6
WEEK 6
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
a. Nauunawaan ang konsepto ng pangarap at
kaugnayan nito sa pagkakaroon ng
makabuluhan at maligayang buhay.
b. Naiisa- isa at nasusuri ang mga personal
na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng kursong akademiko o
teknikal- bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay.
Pangkalahatang
Pamantayan:
 Magsulat ng mahalagang
detalye
 I-pause o ulitin ang video
kung kinakailangan
PAGPAPAUNLAD NG
MGA PERSONAL NA
SALIK PARA SA
MINIMITHING
PANGARAP
PANGARAP
minimithi
ninanais sa buhay
nakabatay sa maayos
na pagpapaplano
ambisyon
GAWAIN 2:
Suri-larawan
Panaginip
Pantasya
Pangarap
PANGARAP PANAGINIP PANTASYA
PANGARAP
PANAGINIP PANTASYA
GAWAIN 3:Suri-Basa
MANGARAP KA!
Sabi nga ni Wency Cornejo sa
kaniyang sikat na awit,
“Mangarap ka, simulan mo sa
pangarap ang iyong
minimithi, at ito’y iyong
damhin; At itanim mo sa
iyong puso at ito ay lalaki;
ikaw rin ang aani.”
Ano ang pangarap ayon sa binasa
mong teksto?
Ano ang pagkakaiba ng pangarap sa
panaginip at pantasiya?
Ayon kay Helen Keller, “Mas malala pa
sa pagiging isang bulag ang may
paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan.”
Kailan ang tamang panahon para sa
pagpaplano sa katuparan ng iyong
mga pangarap?
Talino (Intellect)
Kasanayan (Skills)
Hilig (Interest)
Pagpapahalaga
(Values)
Mithiin (Goals)
Katayuang Pinansyal
(Economic Status)
GAWAIN 4:
Mga Personal na
Salik na Kailangang
Paunlarin Kaugnay
ng Pagpaplano ng
Kursong Akademiko
at Negosyo
TALINO
(Intellect)
Visual/ Spatial
Verbal/ Linguistic
Matematika/ Logical
Bodily Kinesthetic
Musical/ Rhythmic
Interpersonal
People Skills
Data Skills
Things Skills
Idea Skills
KASANAYAN
(Skills)
HILIG
(Interest)
Realistic
Investigative
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Tama at mali
Respeto sa iba
Buhay, bagay,
tao at hayop
PAGPAPAHALAGA
(Values)
MITHIIN
(Goals)
Pangarap
Gustong makamit sa
hinaharap
Isinasaalang-alang
sa pagpaplano ng
kursong akademiko
at hanapbuhay
KATAYUANG
PINANSIYAL
(Economic Status)
GAWAIN 4: Pamprosesong Tanong
1. Itala ang mga personal o pansariling mga salik na nararapat na paunlarin kaugnay
ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
2. Alin sa mga nabanggit na multiple intelligences ang iyong tinataglay? Paano makatutulong
ang talinong ito sa pagpaplano ng iyong kursong akademiko o
hanapbuhay sa hinaharap?
3. Maliban sa iyong talino at talentong tinataglay, ano-ano ang iyong mga kasanayan? Paano
mo magagamit ang mga kasanayang ito sa pagpaplano ng iyong kursong akademiko at
hanapbuhay sa hinaharap?
4. Ano-ano ang iyong mga hilig o interes? Ano ang kaugnayan ng mga ito sa iyong
pagpaplano ng iyong kursong akademiko o hanapbuhay sa hinaharap?
5. Paano mo ilalarawan ang katayuang pinansiyal ng iyong pamilya? Sa iyong palagay,
sapat ba ang katayuang ito upang makamit mo ang iyong mga pangarap? Pangatuwiranan.
PANGARAP
Gabay at
pamantayan
Pagpupunyagi
Pagtitiyaga at
kagustuhan
Handang kumilos
Higit na pagnanasa
Paniniwala
R E Y M A RO S E P. L AG U N I L L A
G u r o
Q u a r t e r 3 – M o d u l e 6 – We e k 6
PAGPAPAUNLAD NG MGA PERSONAL NA
SALIK PARA SA MINIMITHING PANGARAP

ESP 7 - QUARTER 3 - MODULE 6 - WEEK 6 2.pptx

Editor's Notes

  • #2 Magandang araw giliw na mag-aaral! Narito tayo upang talakayin ang isa na namang paksa para sa ikatlong markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Ako ang iyong guro, Reyma Rose P. Lagunilla na magsisilbing gabay mo para sa ating pag-aaral.
  • #3 Bago matapos ang araling ito, inaasahang magawa mo ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto. a. Nauunawaan ang konsepto ng pangarap at kaugnayan nito sa pagkakaroon ng makabuluhan at maligayang buhay. b. Naiisa- isa at nasusuri ang mga personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
  • #4 Sa kabuuan ng ating aralin, ito ang mga pangkalahatang pamantayan na dapat mong tandaan. Una, maghanda ng panulat at papel upang ikaw ay makapagsulat ng mga mahahalagang detalye na dapat mong tandaan. Pangalawa, maaring i-pause o ulitin ang video kung kinakailangan.
  • #5 Ang ating aralin para sa module na ito ay tungkol sa pagpapaunlad ng mga personal na salik para sa minimithing pangarap. Handa ka na ba? Umpisahan na natin.
  • #6 Ano nga ba ang pangarap? Ito ay ang iyong mga minimithi o ninanais sa iyong buhay. May mga pagkakataon na makararanas tayo ng mga hadlang sa pagkakamit nito; subalit kung patuloy kang magpupunyagi, naghihintay sa iyo ang maligaya at makabuluhang buhay. Ang pagsasakatuparan ng iyong pangarap ay nakabatay rin sa maayos na pagpaplano. Ngayon pa lang ay dapat mayroon ka nang ambisyon na pinapangarap marating. Ang ambisyong ito ang siya mong magiging batayan upang magpunyagi at magsumikap na maisakatuparan ito. Kinakailangan mo lang na paunlarin ang iyong pansariling kakayahan, hilig o talento, gawi at maging ang iyong pag-uugali. Naintindihan ba nag kahulugan ng Pangarap? Kung gayon, dumako naman tayo sa isang gawain upang subukin ang pagkakaintindi niyo sa kahulugan ng pangarap.
  • #7 Buksan ang inyong module sa pahina 5, Gawain 2 na pinamagatang Suri-Larawan. Panuto: Pag-aralan at suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang panaginip, pantasiya at pangarap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kung handa ka na, narito ang unang larawan. Ano sa tingin mo ang ipinapakita nito? Kung ang sagot mo ay pangarap, tama ka. Sa pangalawang larawan, ito ba ay panaginip, pangarap, o pantasya? Kung ang sagot mo ay panaginip, Mahusay. Ito nga ay panaginip. Tignan naman natin ang pangatlong larawan. Ano ang ipinapakita nito? Kung ang sagot mo ay pantasya, tama ka. Maari mo ng gawin ang natitira pang mga bilang.
  • #8 Pagkatapos gawin ang Gawain 2: Suri-Basa. Atin namang basahin ang sanaysay sa pahina 6 na may pamagat na Mangarap Ka! Babasahin ko para sa inyo ang unang bahagi, Maraming nagsasabi na libre lang ang mangarap. Kaya kung mangangarap ka, itodo mo na. Sabi nga ni Wency Cornejo sa kaniyang sikat na awit, “Mangarap ka, simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y iyong damhin; At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki; ikaw rin ang aani.” Ipagpatuloy mo ng basahin ang sanaysay. Maaari munang i-pause ang video na ito at balikan pagkatapos mong magbasa. Pagkatapos basahin ang sanaysay, sagutan ang mga pamprosesong tanong sa pahina 7. Narito ang mga tanong. Una, ano ang pangarap ayon sa binasa mong teksto? Pangalawa, ano ang pagkakaiba ng pangarap sa panaginip at pantasiya? Pangatlo, Bigyan ng maikling paliwanag ang sumusunod na kasabihan ayon kay Helen Keller, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” At panghuli, Kailan ang tamang panahon para sa pagpaplano sa katuparan ng iyong mga pangarap? Basahing maigi sanaysay na Mangarap Ka upang masagot ang mga tanong na ito.
  • #9 Ituloy natin ang ating pag-aaral. Ngayon naman, ating pagtuunan ng pansin ang Mga Personal na Salik na Kailangang Paunlarin Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo. Pagkatapos ng ating talakayan, ay may mga sasagutan kayong pamprosesong tanong kung kaya making at magsulat ng mga mahahalagang detalye. Handa na ka na ba? Narito ang Mga Personal na Salik na Kailangang Paunlarin Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo. Ito ay ang: Talino (Intellect) Kasanayan (Skills) Hilig (Interest) Pagpapahalaga (Values) Mithiin (Goals) Katayuang Pinansyal (Economic Status) Isa-isahin natin.
  • #10 Una sa ating listahan ay ang Talino o Intellect. Visual/Spatial- mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya • Verbal/Linguistic- ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan, ang mga taong may taglay ng talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. • Matematika/Logical- taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin o problem solving. • Bodily Kinesthetic- mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o inter-aksiyon sa kapaligiran • Musical/Rhythmic- ang mga taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng paguulit, ritmo, o musika. • Interpersonal- ito ang talino sa inter-aksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat
  • #11 Narito naman ang mga Kasanayan o Skills. Kasanayan sa pkikiharap sa mga tao (People Skills) Nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakakaunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions. Kasanayan sa mga Ideya (Idea Skills) Lumulutas ng mga mhihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
  • #12 Dito naman sa Hilig o Interest kabilang ang mga sumusunod: • Realistic – mahilig sa tools at outdoor activities • Investigative- mahilig lumutas ng mga suliranin • Artistic- mahilig sa sining, makabago • Social- mahilig magtrabaho kasama ang ibang tao • Enterprising- mahilig magpaliwanag at manghikayat • Conventional- mahilig sa datos, numero at mga detalye
  • #13 Sa Pagpapahalaga o values, Ito ay tumutukoy sa pamantayan sa paghusga ng tama at mali. Ito rin ay pagkilos na nagbibigay respeto sa iba o pagpapahalaga sa buhay, bagay, tao at hayop. Ito ay maaaring ispirituwal na pagpapahalaga, banal na pagpapahalaga, pandamdam na pagpapahalaga, at pambuhay na pagpapahalaga.
  • #14 Ang mithiin o goals ay Tumutukoy sa mga bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit sa hinaharap. Kabilang dito ang iyong pangarap. Maaaring ito ay karera, personal na katayuan sa buhay at ikaliligaya ng iyong pamilya.
  • #15 Isa rin sa mahalagang salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng kursong akademiko at hanapbuhay ay ang katayuang pinansiyal ng iyong pamilya. Ito ang magtatalaga ng iyong kakayahan na makuha at maisakatuparan ang iyong mga mithiin. Ang iyong mga gustuhin o naisin ay hindi makakamit nang libre, ito ay nararapat na paghandaan at pagplanuhan. Mahalagang maisakatuparan mo ang masusing pagpaplano ng iyong kinabukasan. Ang mga nabanggit na salik ay iyong magiging gabay sa pagkilala at pagsusuri ng iyong sarili patungkol sa pagpaplano ng kukunin mong kurso sa kolehiyo at maging ang trabaho o negosyong nababagay sa iyo. Naintindihan ba ang aralin? Kung ganon, magtungo na tayo sa mga pamprosesong tanong,
  • #16  Sagutin ang sumusunod na tanong patungkol sa binasang teksto.
  • #17 Sana ay naging malinaw ang ating aralin ngayong araw. Tandaan: Mahalagang ang bawat tao ay mayroong pangarap. Ito ang nagsisilbing gabay at pamantayan upang tayo ay magsumikap sa buhay. Anomang hirap na nararanasan sa kasalukuyan ay hindi hadlang o balakid upang makamit natin ang ating mga pangarap. Kaugnay ng ating mga pangarap ay ang ating pagpupunyagi na maisakatuparan ang mga ito. Hindi madali ang daan patungo sa pagkamit ng ating mga minimithi, maraming mga sagabal at kahinaan na mararanasan subalit ang lahat ng ating pagtitiyaga at kagustuhan na makamit ang ating mga pangarap ang magdadala sa atin sa maligayang pamumuhay. Upang tuluyan nating makamit ang ating mga pangarap, nararapat na tayo ay handang kumilos, nakararamdam ng higit na pagnanasa at pangangailangang makuha ang mga pangarap, may paniniwala na magiging totoo ang mga ito at higit sa lahat, may paniniwala sa Diyos.
  • #18 Binabati kita sa matagumpay na pagsagot sa ating aralin. Hangang sa muli nating pag-aaral. Muli, ako ang inyong guro Reyma Rose P. Lagunilla. Mag-ingat palagi. Magandang araw!