Paksa: Nailalarawan ang
mga elemento (tauhan,
tagpuan, banghay) at
bahagi at ng kuwento
(panimula kasukdulan
katapusan/kakalasan)
SURIIN
Ano ang pamagat ng kuwentong nasa ibaba?
Isulat ang nawawalang letra.
SUBUKIN
Base sa naunang gawain, isulat ang mga
pangunahing tauhan ng kuwentong iyon
1.
2.
3.
4.
5.
TUKLASIN
Mayroong elemento ang maikling
kwento. Ang ilan sa mga ito ay ang
tauhan, tagpuan, at banghay.
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga
panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung
saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. Mayroong
limang(5) bahagi ang banghay:
Panimula – Kung saan at paano
nagsimula ang kwento.
Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang
panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan sa kwento.
Kasukdulan – Dito na nangyayari ang
problema sa kwento.
Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte
kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.
Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano
nagwakas o natapos ang kwento.
Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
_____________ 1. Tauhan ang elemento ng kwento
na nagsasabi kung saan nangyari ang kwento.
_____________ 2. Kasukdulan ang elemento ng
kwento na nagsasabi kung sino ang
pangunahing tauhan sa kwento.
____________ 3. Tagpuan ang tumutukoy kung
saan naganap ang kwento.
____________ 4. Banghay ang tawag sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento.
____________ 5. May limang bahagi ang banghay.
ISAGAWA
Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Si Langgam at si Tipaklong.
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw.
Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na
siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain.
Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya
ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni
Tipaklong.
ISAGAWA
“Magandang umaga, kaibigang
Langgam”, bati ni Tipaklong.
Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi
maghanap at mag-ipon ng pagkain?
“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain
habang maganda ang
panahon”, sagot ni Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang
Langgam”, wika ni Tipaklong. Habang
maganda ang panahon tayo ay magsaya.
Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta.”
“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot
ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon, ako ay
maghahanap ng pagkain. Ito'y aking
iipunin para ako ay may makain
pagsumama ang panahon.”
ISAGAWA
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang
tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi
ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong
kumidlat, kumukulog at lumalakas
ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan
ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating
ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating
sigla ng masayahing si Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.
“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam.
“Tuloy ka. Halika at maupo.”
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si
Tipaklong. Saka mabilis na naghanda
siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong
kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.
“Salamat, kaibigang Langgam”, wika
ni Tipaklong.
“Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habang maganda ang
panahon at nang may makain
pagdating ng taggutom.”
ISAGAWA
Mula noon, nagbago si
Tipaklong. Pagdating ng tag-
init at habang maganda ang
panahon ay kasama na
siya ng kanyang kaibigang si
Langgam. Natuto siyang
gumawa at natuto siyang mag-
impok.
ISAGAWA
Mga Tanong:
1. Sino ang mga Tauhan sa kwento?
2. Ano ang tagpuan ng kwento?
3. Anong klaseng pag-uugali mayroon
si Langgam?
4. Anong ugali naman ang mayroon si
Tipaklong?
5. Ano ang aral na napulot mo sa
kwento?
LINANGIN
Ilagay sa tamang kahon ng banghay ang mga
sumusunod na scenario mula sa binasang kwento.
(Nasa kabilang pahina ang pagpipilian)
Panimula
Saglit na
Kasiglahan Kasukdula
n
Kakalasan Wakas
LINANGIN
•Mula noon, nagbago si Tipaklong.
Pagdating ng tag-init at habang maganda ang
panahon ay kasama na siya ng kanyang
kaibigang si Langgam.
•Maganda ang panahon. Mainit ang
sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na
si Langgam.
•At dumating ang panahong kumidlat,
kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay
ang pagbuhos ng malakas na ulan.
•Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kawawang Tipaklong.
LINANGIN
•Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si
Tipaklong. Saka mabilis na naghanda
siya ng pagkain.
•Ilan pang sandali at magkasalong
kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.
•“Tumulad ka sa akin, kaibigang
Langgam”, wika ni Tipaklong. Habang
maganda ang panahon tayo ay magsaya.
Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”
KARAGDAGANG GAWAIN
Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang
mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina
ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang.
Mahal na mahal ni Aling Rosa ang
kanyang bugtong na
anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng
ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na
niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya
makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.
Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit
napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay
dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na
lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya
kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't
napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay.
Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang
ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay
ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng
ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di
makita at agad tinatanong ang kanyang ina.
Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak
kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y
magkaroon ka ng maraming mata upang
makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na
tanong nang tanong sa akin.
KARAGDAGANG GAWAIN
Dahil alam niyang galit na ang
kanyang ina ay di na umimik si
Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa
bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit
walang sumasagot. Napilitan siyang
bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay
magaling-galing na si Aling Rosa.
Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung
nakita nila ang kanyang anak.
Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling
Rosa si Pinang.
KARAGDAGANG GAWAIN
Isang araw, may nakitang halaman si
Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi
niya alam kung anong uri ang
halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga.
Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y
hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng
mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli
niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para
makita ang kanyang hinahanap.
Tahimik na nanangis si Aling Rosa at
laking pagsisisi dahil tumalab ang
kanyang sinabi sa anak. Inalagaan
niyang mabuti ang halaman at tinawag
itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig
ng mga tao ang pinang ay naging
pinya.
KARAGDAGANG GAWAIN
Mga Tanong:
1. Sino ang mga Tauhan sa kwento?
2. Ano ang tagpuan ng kwento?
3. Anong klaseng pag-uugali mayroon si
Pina?
4. Ano ang nangyari kay Pina?
5. Ano ang aral na napulot mo sa
kwento?
ISAISIP
Ilagay sa tamang kahon ng banghay ang mga
sumusunod na scenario mula sa binasang
kwento.
Panimula
Saglit na
Kasiglahan Kasukdulan Kakalasan Wakas
ISAISIP
•Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina
ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang
hanapin ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay.
•Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli
niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon
ito ng maraming mata para makita ang
kanyang hinahanap.
•Noong unang panahon may nakatirang mag-
ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si
Aling Rosa at ang anak ay si Pinang.
ISAISIP
•Gusto ng ina na matuto si Pinang ng
mga gawaing bahay, ngunit laging
ikinakatwiran ni Pinang na alam na
niyang gawin ang mga itinuturo ng
ina. Kaya't pinabayaan na lang niya
ang kanyang anak.
•Isang araw, may nakitang halaman si
Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi
niya alam kung anong uri ang
halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga.
Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y
hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng
mata.
TAYAHIN
Gumawa ng kwento. Isulat ang banghay sa
talahanayan sa ibaba.
Panimula
Saglit na
Kasiglahan Kasukdulan Kakalasan Wakas
Susi sa Pagwawasto
Suriin
1. Si Langgam at Si Tipaklong
2. Alamat ng Pinya
3. Si Pagong at Si Matsing
4. Digong Dilaw
5. Ang Kuneho at Ang Pagong
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. Langgam
2. Pinang
3. Pagong
4. Digo
5. Pagong
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
1. Mali
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
1. Langgam at Tipaklong
2. bukid
3. masipag
4. tamad
5. maging masipag at matalino
(maaaring magbigay ng ibang
sagot ang mga mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Linangin
Wakas: Mula noon, nagbago si
Tipaklong. Pagdating ng tag-init at
habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang
si Langgam.
Panimula: Maganda ang panahon.
Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa
lamang ay gising na si Langgam.
Susi sa Pagwawasto
Kasukdulan: At dumating ang panahong
kumidlat, kumukulog at lumalakas
ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kawawang Tipaklong.
Kakalasan: Binigyan ni Langgam ng tuyong
damit si Tipaklong. Saka mabilis na
naghanda siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong
kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.
Susi sa Pagwawasto
Saglit na Kasiglahan:
“Tumulad ka sa akin,
kaibigang Langgam”, wika
ni Tipaklong. Habang
maganda ang panahon tayo
ay magsaya. Halika! Tayo ay
lumukso, tayo ay kumanta.”
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain
1. Pinang
2. sa kanilang bahay
3. siya ay tamad
4. siya ay naging pinya
5. sumunod sa mga utos ng
magulang (maaaring magbigay
ng ibang sagot)
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
Kakalasan: Dahil alam niyang galit na ang
kanyang ina ay di na umimik si Pinang.
Umalis siya upang hanapin ang sandok na
hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa
bahay.
Wakas: Biglang naalaala ni Aling Rosa ang
huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para
makita ang kanyang hinahanap.
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
Panimula: Noong unang panahon may
nakatirang mag-ina sa isang malayong
pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak
ay si Pinang.
Panandaliang Kasiglahan: Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na
alam na niyang
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
Kasukdulan: sang araw, may nakitang
halaman si Aling Rosa sa kanyang
bakuran. Hindi niya alam kung anong uri
ang halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga.
Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y
hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng
mata.
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
(gagawa ng kwento ang
mga bata)

Elemento ng Kwento PPT.pptxjugugugugyvyftyvy

  • 1.
    Paksa: Nailalarawan ang mgaelemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi at ng kuwento (panimula kasukdulan katapusan/kakalasan)
  • 2.
    SURIIN Ano ang pamagatng kuwentong nasa ibaba? Isulat ang nawawalang letra.
  • 3.
    SUBUKIN Base sa naunanggawain, isulat ang mga pangunahing tauhan ng kuwentong iyon 1. 2. 3. 4. 5.
  • 4.
    TUKLASIN Mayroong elemento angmaikling kwento. Ang ilan sa mga ito ay ang tauhan, tagpuan, at banghay. 1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento. 2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento. 3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:
  • 5.
    Panimula – Kungsaan at paano nagsimula ang kwento. Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento. Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento. Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
  • 6.
    Isulat ang Tamao Mali sa patlang. _____________ 1. Tauhan ang elemento ng kwento na nagsasabi kung saan nangyari ang kwento. _____________ 2. Kasukdulan ang elemento ng kwento na nagsasabi kung sino ang pangunahing tauhan sa kwento. ____________ 3. Tagpuan ang tumutukoy kung saan naganap ang kwento. ____________ 4. Banghay ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. ____________ 5. May limang bahagi ang banghay.
  • 7.
    ISAGAWA Basahin ang kwentoat sagutin ang mga tanong tungkol dito. Si Langgam at si Tipaklong. Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
  • 8.
    ISAGAWA “Magandang umaga, kaibigang Langgam”,bati ni Tipaklong. Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain? “Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.
  • 9.
    Tumulad ka saakin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.” “Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.”
  • 10.
    ISAGAWA Lumipas pa angmaraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
  • 11.
    Tok! Tok! Tok!Bumukas ang pinto. “Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.” Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan. “Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”
  • 12.
    ISAGAWA Mula noon, nagbagosi Tipaklong. Pagdating ng tag- init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag- impok.
  • 13.
    ISAGAWA Mga Tanong: 1. Sinoang mga Tauhan sa kwento? 2. Ano ang tagpuan ng kwento? 3. Anong klaseng pag-uugali mayroon si Langgam? 4. Anong ugali naman ang mayroon si Tipaklong? 5. Ano ang aral na napulot mo sa kwento?
  • 14.
    LINANGIN Ilagay sa tamangkahon ng banghay ang mga sumusunod na scenario mula sa binasang kwento. (Nasa kabilang pahina ang pagpipilian) Panimula Saglit na Kasiglahan Kasukdula n Kakalasan Wakas
  • 15.
    LINANGIN •Mula noon, nagbagosi Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. •Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. •At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. •Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong.
  • 16.
    LINANGIN •Binigyan ni Langgamng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain. •Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan. •“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”
  • 17.
    KARAGDAGANG GAWAIN Basahin angkwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Alamat ng Pinya Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na
  • 18.
    anak. Kaya lumakisi Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
  • 19.
    Nagtagal ang sakitni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
  • 20.
    KARAGDAGANG GAWAIN Dahil alamniyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
  • 21.
    Pagkaraan ng ilangaraw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
  • 22.
    KARAGDAGANG GAWAIN Isang araw,may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
  • 23.
    Biglang naalaala niAling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
  • 24.
    KARAGDAGANG GAWAIN Mga Tanong: 1.Sino ang mga Tauhan sa kwento? 2. Ano ang tagpuan ng kwento? 3. Anong klaseng pag-uugali mayroon si Pina? 4. Ano ang nangyari kay Pina? 5. Ano ang aral na napulot mo sa kwento?
  • 25.
    ISAISIP Ilagay sa tamangkahon ng banghay ang mga sumusunod na scenario mula sa binasang kwento. Panimula Saglit na Kasiglahan Kasukdulan Kakalasan Wakas
  • 26.
    ISAISIP •Dahil alam niyanggalit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. •Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. •Noong unang panahon may nakatirang mag- ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang.
  • 27.
    ISAISIP •Gusto ng inana matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
  • 28.
    •Isang araw, maynakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
  • 29.
    TAYAHIN Gumawa ng kwento.Isulat ang banghay sa talahanayan sa ibaba. Panimula Saglit na Kasiglahan Kasukdulan Kakalasan Wakas
  • 30.
    Susi sa Pagwawasto Suriin 1.Si Langgam at Si Tipaklong 2. Alamat ng Pinya 3. Si Pagong at Si Matsing 4. Digong Dilaw 5. Ang Kuneho at Ang Pagong
  • 31.
    Susi sa Pagwawasto Subukin 1.Langgam 2. Pinang 3. Pagong 4. Digo 5. Pagong
  • 32.
    Susi sa Pagwawasto Pagyamanin 1.Mali 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama
  • 33.
    Susi sa Pagwawasto Isagawa 1.Langgam at Tipaklong 2. bukid 3. masipag 4. tamad 5. maging masipag at matalino (maaaring magbigay ng ibang sagot ang mga mag-aaral)
  • 34.
    Susi sa Pagwawasto Linangin Wakas:Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Panimula: Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
  • 35.
    Susi sa Pagwawasto Kasukdulan:At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Kakalasan: Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
  • 36.
    Susi sa Pagwawasto Saglitna Kasiglahan: “Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”
  • 37.
    Susi sa Pagwawasto KaragdagangGawain 1. Pinang 2. sa kanilang bahay 3. siya ay tamad 4. siya ay naging pinya 5. sumunod sa mga utos ng magulang (maaaring magbigay ng ibang sagot)
  • 38.
    Susi sa Pagwawasto Isaisip Kakalasan:Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Wakas: Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap.
  • 39.
    Susi sa Pagwawasto Isaisip Panimula:Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Panandaliang Kasiglahan: Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang
  • 40.
    Susi sa Pagwawasto Isaisip Kasukdulan:sang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
  • 41.
    Susi sa Pagwawasto Tayahin (gagawang kwento ang mga bata)