9. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Tula:
Mahal ko si Ama ,
Mahal ko si Ina
Gayundin si Ate ,
At saka si Kuya
Sa aming pamilya ,
Kami’y maligaya
Dahil sama-sama,
Sa tuwi-tuwina.
10. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Sa ating tula, ilan ang
kasapi ng pamilya?
Sino-sino ang mga ito?
Paano sila gumagawa?
11. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Maikling Kwento
Galing sa paaralan si Lena at
Toni. Pagdating sa bahay
naabutan ng magkapatid na
abala ang nanay sa mga
gawaing bahay. Agad
tinulungan ng magkapatid ang
ina para ito ay makapag-
pahinga.
12. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Maya-maya, dumating ang
tatay. Nagmano ang
magkapatid at sinalubong ang
ama. Agad iniabot ni Toni ang
tsinelas ng ama. Pinaupo
naman ito ni Lena at
ipinagtimpla ng kape. Tuwang-
tuwa ang nanay at tatay sa
kanilang mga anak.
13. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Mga Katanungan:
-Sinu-sino ang mga bata sa
kwento?
-Saan galing ang magkapatid?
-Paano nila ipinakita ang
malasakit sa mga magulang
nila?
-Kaya ninyo ba silang gayahin?
14. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Malayang Talakayan
Masarap tumira sa isang tahanan na
nagmamalasakit sa isa’t isa ang mga
kasapi nito.Paano ba natin maipapakita
ang pagmamalasakit natin sa mga
miyembro ng ating pamilya?
(hayaang magbigay ng pahayag ang
mga bata)
15. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Lutasin :
Naglalaba ang nanay.Pawis
na pawis na ito at hindi
makatayo dahil sa dami ng
damit na nilalabhan.Paano
mo maipapakita ang
malasakit mo sa kanya?
16. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Pangkatang Gawain: Role- Playing
PANGKAT 1- Dumating ang tatay na basang-
basa mula sa trabaho.Umuulan sa labas at
wala siyang dalang payong .Ano gagawin mo?
PANGKAT 2- Nakita mo na abala si nanay sa
pamamalantsa ng inyong mga damit.Siya ay
init na init na .Ano ang iyong gagawin?
PANGKAT 3- Nahihilo si nanay at hindi
makabangon. Madumi ang inyong sala. Ano
ang iyong gagawin?
17. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Paglalahat:
Paano Ninyo maipapakita ang
inyong pagmamalasakit sa
inyong nanay at tatay?
TANDAAN :
Tumulong, magmalasakit sa
ating magulang kung sila’y ating
tunay na minamahal.
18. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa tatay/nanay. X kung hindi.
__1. Sundin ang anumang utos ng magulang.
__2. Dumabog kung hindi naibili ng laruan.
__3. Mag-aral na mabuti para matuwa ang
magulang.
__4. Tulungan sa mga gawaing bahay.
__5. Labanan ang magulang kung napapagalitan.
19. Ingrid Aquinde Castillo Galeng
Kasunduan:
Sumulat ng 3 paraan kung
paano mo maipapakita na
mahal at may malasakit ka
sa iyong tatay at nanay.