SlideShare a Scribd company logo
Tanaw na AMBUHkas! :
Pagkakapit-bisig Tungo sa Dahan-dahang Pag-unlad ng
Pamayanan
Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
Departamento ng Pagpapaunlad ng Pamayanan
Tanaw na AMBUHkas!:
Pagkakapit-bisig Tungo sa Dahan-dahang Pag-unlad ng
Pamayanan
Bahan, Rosemarie Christ A.
Laguesma, Caithline Bo A.
Maderal, Lusha Francesca D.
ABSTRAK
Sa pakikipagtuwangan ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapa-unlad ng
Pamayanan sa Pamahalaang Bayan ng Bustos, ang mga mag-aaral ay nadestino sa
Bulacan Heights, Bustos Bulacan bilang bahagi ng Field Instruction Program (FIP) ng
Departamento ng Pagpapa-unlad ng Pamayanan. Sa pangkahalatan, nilalayon ng
programa na maiugnay ang teorya at praktika sa gawain ng pagpapa-unlad ng
pamayanan. Layunin naman ng programa sa Bustos na tumukoy ng mga istratehiya sa
pagpapa-unlad ng pamayanan sa konteksto ng pampamayanang pamamahala.
Layunin ng papel na ito na maipakita ang ginawang pagsusuri sa proseso ng
pag-unlad na pinagdaanan ng Asosasyon ng mga Mamamayan sa Bulacan Heights
(AMBUH), ang katuwang na samahan sa Bulacan Heights. Naglalaman ito ng pagsusuri
sa kasalukuyang estado ng AMBUH kabilang ang istruktura at praktika ng samahan
batay sa kanilang Constitution at By laws at ng mga gawaing isinagawa ng FIP sa buong
proseso ng gawaing fieldwork sa Bulacan Heights. Nilalayon din ng papel na ito na
magbigay aral at inspirasyon sa gawaing pagpapa-unlad ng pamayanan partikular sa
pag-oorganisa at pagpapalakas ng samahan.
Talaan ng mga Nilalaman
I. Introduksyon.................................................................................................................1
A. FIP Program.........................................................................................................1
a. Ang FIP Program ...........................................................................................1
b. Mga Layunin ng FIP.......................................................................................1
c. Pamahalaang Bayan ng Bustos .....................................................................2
d. Mga Layunin ng Katuwang na Ahensya .........................................................3
B. Konteksto.............................................................................................................3
a. Bustos............................................................................................................3
b. Bulacan Heights (BH) ....................................................................................4
c. Asosasyong ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH)..........................5
II. Timeline ng mga Nakaraang Integration Papers..........................................................6
III. Mga Gawain sa Pag-oorganisa ..................................................................................8
Unang Yugto ng Gawaing Fieldwork.........................................................................8
Ikalawang Yugto ng Gawaing Fieldwork ................................................................. 10
IV. Istratehiya sa Pag-oorganisa.................................................................................... 12
V. Balangkas na Konsepto ............................................................................................ 17
VI. Pagsusuri................................................................................................................. 20
VII. Mga Aral na Natutunan ........................................................................................... 21
VIII. Rekomendasyon.................................................................................................... 28
IX. Repleksyon.............................................................................................................. 30
X. Annex/es................................................................................................................... 37
Annex A - Interview Guide AMBUH Pamunuan ...................................................... 38
Annex B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016...................................................... 38
Annex C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016 ..................................................... 40
Annex D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016................................................... 43
Annex E - Documentation 1st FGD AMBUH ........................................................... 46
Annex F - HOA Letter ............................................................................................. 55
Annex G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016................................... 57
Annex H - FGD Microlending.................................................................................. 61
Annex I - Blockleaders Masterlist............................................................................ 65
Annex J - Minutes of the Meeting 16 March 2016................................................... 67
Annex K - Survey Form (Pagiging Aktibo)............................................................... 72
Annex L - Survey Form (Block Meeting) ................................................................. 75
Annex M - Block Leaders FGD Session Guide ....................................................... 77
Annex N - Block Leaders FGD Documentation....................................................... 79
Annex O - Officers Interview 14 Feb 2016 .............................................................. 89
Annex P - Invitation for Commitment Building......................................................... 91
Annex Q - FGD Guide Closeness Building Activity ................................................. 92
Annex R - AMBUH LNCA PLAN ............................................................................. 95
Annex S - Closeness Building Activity Documentation.......................................... 102
Annex T - CD 125 Final Paper.............................................................................. 108
Annex U - CD 161 Final Paper ............................................................................. 127
Annex V - LNCA Documentation........................................................................... 157
Annex W - Mga Kanta........................................................................................... 167
XI. Sanggunian............................................................................................................ 171
1
I. INTRODUKSYON
A. FIP Program
a. Ang FIP Program
Ang Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapapunlad ng Pamayanan
ay may Field Instruction Program o FIP na ginaganap sa ikaapat na taon ng
programang pang-akademiko ng Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan.
Ang FIP ay naglalayong maunawaan at magamit ang mga natutunang teorya at
praktika mula sa silid-aralan sa pamamagitan ng paglubog sa mga katuwang na
komunidad. Dito ay mas nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng mga
mag-aaral sa pag-oorganisa at pagpapaunlad ng pamayanan, at mas nakikita
nila ang tunay na kalagayan, pangangailangan at hinaing ng mga naisasantabi,
naaapi at mahihirap, na dapat nilang mabatid upang mapag-isipan at makamit
ang tunay na pagbabago sa lipunan. Ito ay magagawa at mararanasan ng mga
mag-aaral sa dalawang semestre ng pakikipamuhay sa mga nasabing
komunidad.
Habang nahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ganitong larangan
at nakakatulong din sa pang-araw-araw na kinakaharap ng bawat mamamayan,
natututunan din ng mga mamamayan na palawakin pa ang kanilang kakayahan
na harapin at lutasin ang mga problemang kanilang nararanasan sa
pang-araw-araw na kinakaharap nila at ng kanilang komunidad. Ito ay ang
layunin ng FIP na ipabatid sa mga mamamayan ang kakayahan nilang tulungan
ang kanilang mga sarili at ang isa‟t isa sa pagpapaunlad ng komunidad na
kanilang kinabibilangan.
b. Mga Layunin ng FIP
Nilalayon ng FIP na:
 Mapaglingkuran ang bansa bilang isang propesyonal ng pagpapaunlad
ng pamayanan;
 Maisagawa at maiugnay ang teorya at praktika sa gawain ng
pagpapaunlad ng pamayanan;
2
 Makipamuhay sa mga tao ng pamayanan at maging parte ng kanilang
mga buhay;
 Makipagugnayan sa mga katuwang sa pag-oorganisa tulad ng mga
LGU, NGO at PO.
(Garcia, et. al, 2015)
Nilalayon ng FIP Team para sa Bustos na:
 Makilala ang mga mga istratehiya ng pagpapaunlad ng pamayanan sa
konteksto ng pamumuno at pamamahala;
 Maipagpatuloy ang mga nasimulang gawain ng mga naunang grupo ng
FIP kasama ang mga tao (Garcia, et. al, 2015) ;
 Masuri ang kasalukuyang estado ng Asosasyon ng mga Mamamayan
sa Bulacan Heights (AMBUH);
 Makita ang ideyal at aktwal na relasyon ng block leaders at pamunuan
na batay sa istraktura at praktika ng samahan; at
 Matasa ng Vision Mission at Goals (VMG) kung naisasaisip,
naisasapuso at naisasagawa ng AMBUH sa personal at pangsamahan
na lebel.
c. Pamahalaang Bayan ng Bustos
Ang Pamahalaang Bayan ng Bustos ay naging katuwang ng kolehiyo
simula pa noong taong 2010 sa pamamahala ni Mayor Arnel Mendoza. Sa
pagtutulungang ito nabuo ang kasunduan na kung saan nakasaad na
makikilahok at makikipagtuwangan ang kolehiyo sa mga gawain ng lokal na
pamahalaan na patungkol sa mapanlahok na pamumuno sa iba‟t ibang
sektor sa bayan ng Bustos. (Garcia, et. al, 2015)
Sa kasalukuyang semestre, inaasahang matulungan ng mga
mag-aaral ang AMBUH sa kanilang mga gawain, lalung-lalo na sa
pagpaplano at paghahanda para sa pagpapatupad ng kanilang proyektong
microlending, at sa pagtulong sa mga pinakailangang gawin upang
maisapormalisa ang samahan bilang isang ganap na Homeowner‟s
Association (HOA) sa Bulacan Heights (BH).
3
d. Mga Layunin ng Katuwang na Ahensya
Nilalayon ng Pamahalaang Bayan ng Bustos na matulungan ng mga
mag-aaral ang AMBUH sa:
 Pagpapadaloy ng pag gawa ng polisiya at mekanismo sa pagpapatupad
ng microlending project;
 Pagpapadaloy ng pagsasapormalisa ng samahan bilang isang ganap
na HOA at/o samahan sa BH; at
 Pagbabalik sigla sa mga block leaders
B. Konteksto
a. Bustos
By Mike Gonzalez (TheCoffee) - English Wikipedia, CC BY-SA 3.0,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=476818
Isang semi-urban na lokalidad na matatagpuan sa ikatlong distrito ng
Bulacan. Napapalibutan ito ng mga bayan ng Baliwag, San Rafael, Plaridel,
Angat at Pandi. Tinatayang 6,999 ektarya ang lawak ng Bustos subalit ito ang
tinuturing na pinakamaliit sa lahat ng bayan.
Mayroon itong 14 na barangay. Walo (8) dito ang agrikultural: ang
Cambaog, Talampas, Malamig, Catacte, Malawak, Liciada, Buwisan at
Camachilihan at anim naman ang maituturing na komersyal: ang Poblacion,
Tanawan, San Pedro, Bonga Menor, Bonga Mayor at Tibagan.
4
Matatagpuan dito ang Angat River na pinagkukunan ng irigasyon ng
Bustos at pinagkukunan din ng kuryente ng Maynila gamit ang Bustos Rubber
Dam. Dating parte ito ng Baliwag pero dahil kailangan pang tawirin ang ilog ng
Angat para marating ang bayan, humiwalay ang Bustos dahil sa trahedyang
naganap kung saan may isang nanay at sanggol na nasawi dahil sa lumubog
na bangka.
b. Bulacan Heights (BH)
Isa itong in-town relocation project mula sa proyektong pabahay ng
National Housing Authority (NHA) na matatagpuan sa Barangay Catacte na
may 10 kilometrong layo sa bayan ng Bustos, Bulacan. Ito ay may sukat na
68,789m2 na kung saan ay may 2,000 na pamilya ang nakatira. Ang
pabahay ay may 1,324 na yunit na inookupahan ng 6,600 katao. Ang mga
residente dito ay nagmula sa mga lugar ng Bulacan na tinuturing na danger
zones o delikado dahil sa ito ay may katabing ilog o patubig na pwedeng
magsanhi ng sakuna.
Oktubre ng taong 2013 nang matapos at ipinamahagi ang mga yunit
sa BH. Ang 800 na yunit ay para sa mga Bustosenyo at ang iba pang natira
ay para naman sa mga nanggaling sa ibang parte ng Bulacan tulad ng mga
bayan ng Plaridel, Norzagaray at Baliuag. Ang BH ay nahahati sa 53 na
bloke kung saan may isa hanggang tatlong block leaders na nakatalaga.
Ang mga block leaders, na kabilang sa AMBUH, ay pinili ng mga tao sa
5
kani-kanilang mga bloke upang maging daluyan ng impormasyon
papuntang pamunuan na siyang nagpapadaloy papunta sa Pamahalaang
Bayan ng Bustos. may sariling kuryente at tubig, may covered court,
paaralan at health center.
c. Asosasyong ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH)
Isang samahang naglalayong pamahalaan ang kabuoan ng Bulacan
Heights upang maisaayos at maitatag ang isang organisado at progresibong
pamayanan na maaaring maging modelo sa iba pang proyektong pabahay.
Nabuo ito noong Setyembre 2014. Ito ay binubuo ng 14 na pamunuan at 93
na block leaders kung saan may nakatalagang 14 na pamunuan: Pangulo,
Ikalawang Pangulo, Kalihim, Ingat-yaman, dalawang Tagasuri, apat na
Tagapamayapa at apat na Tagapagbalita. May 8 na komite sa AMBUH:
Kalusugan, Edukasyon at Kabataan, Kalinisan ng Kapaligiran,
Imprastraktura, Kapayapaan at Kaayusan, Kabuhayan, Pinansya at Kalihim.
Kada komite ay may isang myembro mula sa pamunuan, anim na block
leaders, at mga volunteer. Sa kasalukuyan, ay tatlong komite na lamang ang
aktibo. Ito ay ang imprastraktura, kapayapaan at kaayusan, at kalinisan ng
kapaligiran.
Ang AMBUH ay nagsagawa na ng iilang mga aktibidad kabilang na
ang buwanang paglinis, pagmomobilisa ng tanod at ronda, pagpapagawa ng
humps na naisagawa sa pamamagitan ng mga aktibidad ng organisasyon
na ang layunin ay makakuha ng pondo, at pagkakaroon ng feeding
program. Sa kasalukuyan, 9 na lamang ang aktibong lumalahok at
gumagampan sa kanilang mga tungkulin, mula sa 14 na opisyales. Mula sa
93 na block leaders, 40 - 50 na lamang ang pumupunta sa mga pulong.
(Bahan, Laguesma, Maderal, 2016)
6
II. TIMELINE NG MGA NAKARAANG INTEGRATION PAPERS
Sa bahaging ito, ipinapakita ang mga pagsasanay (pormal at impormal) na
nagpataas ng kapasidad ng AMBUH simula nang ito ay mabuo. Layunin ng timeline na
maipakita ang mga nakaraang pagsasanay na naging kabahagi ang AMBUH upang
makalikha ng ideya sa kung ano ang kasalukuyang estado ng AMBUH batay sa antas ng
kaalaman, kakayahan at kaugalian na nakamit nito.
Semestre at
Akademikong
Taon
Mga Naganap na Pagsasanay na Ipinadaloy ng mga Nakaraang FIP Teams
2nd
Semester
2013-2014
(Barrun, et. al,
2014)
Nabuo ang block leader system
Bumuo ng Community Mobilization Team kung saan nanguna sa pagpapakilos
ng mga block leader.
Pagpapadaloy at pagdodokumento ng mga pulong
Sama-samang pagsusuri ng kalagayan ng Bulacan Heights
Skills Assessment (Pagtutukoy ng potensyal na kabuhayan)
Pagbuo ng mga patakarang pangkapayapaan at pangkaayusan
Pagpapakilala ng konsepto ng Participatory Project Development and
Management (PPDM).
1st
Semester
2014-2015
(Evangelista, et.
al, 2014)
Mayroong 80-100 block leaders, 2-3 kada yunit
Sa ikatlong block leaders' meeting (Sept. 2014) nabuo ang AMBUH
Bumisita sa Jubilee Homes, Plaridel Bulacan kung saan nagbigay inspirasyon
sa AMBUH na kaya rin nilang pamahalaan ang Bulacan Heights upang ito ay
maging isang maayos, maganda at mapayapang pamayanan
2nd
Semester
2014-2015
(Garcia, et. al,
Pagsasainstitusyon: Pagbuo ng By laws and constitution, pagbuo ng komite, at
tungkulin, pagsulat at pagbuo ng alituntunin at resolusyon. Awareness-raising
tungkol sa community governance at ang layunin na maging 15th barangay ng
Bustos ang AMBUH.
Pamumuno: teambuilding session na may sangkap ng Structured Learning Exercises
(SLEs)—pagkakaisa at pagtutulungan; pamumuno- katangian ng lider, karanasan
sa pagiging lider, pagpapakahulugan sa lider.
Community Engaged Scholarship (CES); interseksyon ng mga karanasan ng
7
2015) pamayanan at mga teoryang natutunan ng mga mag-aaral.
Leadership Training gamit ang SLEs na pinanguahan ng Masteral students.
Facilitation at Public Speaking
Community-based Resource Management (CBRM): Nagtasa ng mga rekisitos at
mga pangangailangan. Nakapokus sila sa pangangalaga ng mga pasilidad na
ipinagkaloob sa kanila tulad ng tiangge na nakakuha sila ng 200 pesos kada
linggo na napupunta sa general fund ng asosasyon.
PINANSYA: nagkaroon ng technical writing sessions tulad pagsulat ng request letter,
solicitation, invitation, capacity-building patungkol sa purchase order, purchase
request, cash voucher, at pagsulat ng financial report, etc.
PPDM: Ipinakilala ang PPDM, nagkaroon ng workshop sa paggawa ng project
proposal. Sa komite ng Kalihim, tinipon ang lahat ng kalihim sa lahat ng komite at
sininop nila ang mga nagawang project proposals.
KABUHAYAN: capacity-building tungkol sa market and feasibility study, business
models at nagpadaloy ng mga maaaring lapitan na institusyon tulad ng PCEDO at
NFA.
MID YEAR
2014-2015
(Formento, et.
al, 2015)
Nagpokus sa pagpapalakas ng AMBUH partikular sa paggawa ng project proposal
para sa BUB (bottom-up budgeting)--nagtukoy ng kabuhayan at pinadaloy ang
kapakinabangan at epekto ng naiisip na kabuhayan. Ang mga naisip na
kabuhayan ay una: pasilidad na uupahan pero imposible dahil hindi pa naipapasa
sa lokal na pamahalaan ang BH, 2) center na wet and dry market pero naiisip na
mahirap ito at baka maging mitsa ng hidwaan ng asosasyon. Sa huli, isang
mini-mart ang naisip na gawan ng project proposal. Sa project proposal,
natutunan nilang gumawa mula sa pagbibigay ng panimulang impormasyon ukol
sa proyekto, paggawa ng layunin ng proyekto, pag-kakalkula ng perang gugugulin
sa proyekto, hanggang sa pagpa-plano kung paano pamamahalaan ang
proyekto.
1st
Semester
2015-2016
(Ambe, et. al,
2015)
Pagsasanay sa pangangasiwa ng tunggalian sa loob ng samahan.
8
III. MGA GAWAIN SA PAG-OORGANISA
Ang Field Instruction Program at Lokal na Pamahalaan ng Bustos ay matagal nang
magkatuwang sa gawain ng pag-oorganisa. Itinuturing ang komunidad sa Bustos bilang
isang lugar na maaaring matuto ang mga mag-aaral mula sa mga tao sa komunidad na
binibigyan suporta ang mga programa ng lokal na pamahalaan. Dahil sa nabuong
magandang relasyon sa dalawang panig ay hindi na nahirapan ang mga mag-aaral sa
kanilang pagpasok sa komunidad.
Unang Yugto ng Gawaing Fieldwork
Bago pa man maipadala ang mga mag-aaral sa komunidad ay nagkaroon muna ng
pulong sa munisipyo kasama ang presidente ng AMBUH at kinatawan ng lokal na
pamahalaan kung saan nagkaroon ng pag-uusap sa mga plano para sa organisasyon.
Ayon sa Presidente ay nais niyang mapanumbalik ang sigla at partisipasyon ng bawa't
miyembro ng samahan. Bukod dito ay ninanais nilang maging handa ang mga
benepisyaryo ng isang Sustainable Livelihood Program (SLP) kung saan napiling
programa ang microlending. Kaya naman napagdesisyunan at napagplanuhan na
gawing pokus ang pagpapalakas ng kapasidad ng bawa't miyembro. Kasabay na rin ang
pagpaparehistro nito sa HLURB upang maging isang ganap na HOA na maaaring
makatulong sa kanila bilang isang organisasyon.
Noong pumasok na ang mga mag-aaral ay naging mainit naman ang pagtanggap
sa mga ito. Itinuring silang mga anak ng kanilang mga tinutuluyan ngunit naging malaking
hamon para sa mga gawain ang pagtulong sa kanilang mga tinutuluyan dahil inaasahan
na tutulong sa pagtitinda ang mga ito na kung minsan ay halos buong araw na ang
naigugugol dito kaya naman hirap makapagtrabaho. Ito rin ang unang beses na na
tumanggap ang mga tao sa komunidad bilang maging host families kaya nakikita rin na
hindi pa siguro sila sanay sa ganitong kalakaran. Kung kaya't nalilimitahan kung minsan
ang oras kung kailan puwedeng magtrabaho ang mga mag-aaral. Hindi rin maiwasan
kung minsan ang madalas na pagkukumpara sa mga mag-aaral sa iba pang FIP teams
na nagdaan sa kanilang komunidad.
9
Napagsang-ayunan ng agency supervisor, field adviser at mga mag-aaral na
dalawang organisasyon ang hawakan kung saan ipagpapatuloy pa rin ang pag-oorganisa
sa AM Youth na nasimulan noong taong 2014. Sinubukan ito ngunit hindi na itinuloy dahil
magkaiba ang konteksto ng AMBUH at AM Youth dagdag pa ang kadahilanan na
palaging abala at minsan lang maging libre ang mga miyembro para sa pulong at
pagtitipon.
Ang unang gawaing inilunsad ng mga mag-aaral ay ang pagtukoy ng mga
problemang o suliranin na kinakaharap ngayon ng komunidad at samahan. Isinagawa ito
sa pamamagitan ng isang Focused Group Discussion (FGD) kung saan gumawa din ng
maaaring solusyon sa mga natukoy na problema. Isa pang gawain ay ang aktibidad o
pulong kung saan inalam ng mga mag-aaral ang kaalaman ng mga benepisyaryo
patungkol sa microlending at kasama na rin ang pagpaplano kung paano ito
papamahalaan at ano ang mekanismo nito.
Unang FGD (Ranking ng mga Isyu)
Sa usapin ng microlending, personal na hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral
upang ipagpatuloy ito dahil mula sa obserbasyon at paunang mga interbyu ay hindi pa
handa ang samahan sa ganitong proyekto. Kasalukuyang may hindi pagkakaunawaan sa
loob ng samahan at hindi aktibo ang karamihan ng miyembro kaya nangangamba ang
mga mag-aaral kung ito bang programa na ito ay magtatagal. Ang pagiging matagumpay
ng micro-lending bilang proyekto ay nakasandig sa magandang relasyon na solido, aktibo
at kolektibong ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Ang organisadong samahan
ay nakabatay sa dami at kalidad ng lumalahok at kung nagagampanan ang mga
tungkulin.
Kaya nasabi ng mga mag-aaral na mayroong umiiral na gap sa pamunuan at mga
block leaders ay dahil naging negatibo ang reaksyon ng ilan sa pamunuan dahil sa
ginawang aktibidad ng mga mag-aaral kung saan ipinulong ang mga block leaders
pagkatapos pulungin ang Pamunuan patungkol sa micro-lending. Ito ay sinadya ng mga
mag-aaral upang hindi maimpluwensyahan ang pagdedesisyon at maging bukas ang
mga block leaders sa kanilang mga mungkahi, saloobin at suhestyon.
10
Napansin rin ng mga mag-aaral na halos kalahati ng mga block leaders ay hindi na
aktibo sa mga pulong at kanilang tungkulin. Sa halos 80-100 na bilang ng block leaders
ay halos 40 na lamang ang aktibo dito.
Ang samahan ay may istruktura pero wala gaanong partipasyon ang mga miyembro
nito dahil ayon sa ibang mga miyembro ay sawa na sila sa kaka-aral at sa kakadalo ng
mga pulong ngunit wala naman nangyayaring solusyon sa mga suliranin tulad ng isyu sa
usapin ng droga, prostitusyon at kabuhayan. Nakikita rin ito kapag nagpapatawag ng
pulong ay kahit personal nang imbitihain ay hindi pa rin dumadalo ang mga ito at kung
nasa pulong naman ay parang palaging nagmamadaling tapusin ang pulong upang
makauwi.
Ikalawang Yugto ng Gawaing Fieldwork
Sa pagbalik ng mga mag-aaral sa komunidad para sa ikalawang yugto ay
napagdesisyunan ng mga ito na hindi na muna tumuloy sa kanilang mga host families
upang magbigay daan sa mga gawain.
Ibinahagi sa mga opisyales ang ginawang workplan para sa paghahanda sa
darating na pondo para sa micro-lending ngunit ito ay tinanggihan nila dahil sila ay abala
dahil panahon ng eleksyon at natapos na raw ang pagpasa ng mga kinakailangan na
dokumento sa DSWD upang mailabas ang pera. Naging malaking hamon ito sapagkat
ang lahat ng plano ay kailangan baguhin. Dahil sa walang maayos na koordinasyon sa
LGU at DSWD, nagresulta ito na minadali ng mga miyembro ang paggawa ng mga
kinakailangan kung saan hindi nila ito napag-isipan at napagplanuhang mabuti. Nagbigay
lamang ng 3 araw ang DSWD upang ipasa ang mga kinakailangan. Halos naging
malamig na rin ang trato ng ilan sa pamunuan sa mga mag-aaral dahil rin siguro sa hindi
natugunan ang kanilang pangangailangan na dokumento dahil bumalik ang mga
mag-aaral sa Maynila para sa kanilang midsem sharing at naging masama rin ang
impresyon na block leaders lamang ang unang pinulong pagdating sa usapin ng
micro-lending.
Ayon sa kanila ay sila na ang bahala pagdating sa micro-lending sapagkat
tinutulungan naman sila ng konsehal at mula rin sa konsehal ang ideyang ito kahit na sila
11
mismo ay nangangamba sa programang ito dahil mayroong malaking halaga ang
nakasalalay.
Sa pagpaparehistro naman sa HLURB ay mayroon nang bumisita na mula sa NHA
at naka-usap ang Presidente. Ayon sa kanya ay titignan raw kung nakarehistro na ang
kanilang samahan o kung hindi pa ay hinihintay na lamang ang kailangang dokumento
mula sa munisipyo na nagpapatunay na sila ang kinikilalang samahan sa loob ng
Bulacan Heights.
Kaya naman napagsang-ayunan na tasahin na lang ang estado ng samahan at mga
miyembro sa pamamgitan ng Learning Needs and Capacities Assessment (LNCA) kung
saan nagpanayam ng 48 na miyembro kasama ang pamunuan. Umabot ng halos 3 linggo
ang tinagal ng gawain sapagkat madalas ay hindi libre ang mga miyembro dahil sa
kanilang mga trabaho at ito ay kasagsagan pa ng eleksyon. Dahil na rin sa magandang
suporta ng lokal na pamahalaan sa mga miyembro ay hindi nila maiwasang suklian ito sa
pamamagitan ng pangangampanya para sa kandidato at pagtulong sa gawain na may
kinalaman sa eleksyon. Tuwing gabi lamang nakakapagpanayam ang mga mag-aaral
dahil mas libre ang mga miyembro at sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan.
12
IV. ISTRATEHIYA SA PAG-OORGANISA
Gumamit ng iba't ibang istratehiya ang mga mag-aaral sa pag-oorganisa sa
AMBUH upang lubos na maging epektibo at maging makabuluhan ang mga gawain.
Nilalayon nito na mapalakas ang kapasidad ng mga miyembro, matukoy ang
kasalukuyang estado, malaman ang mga problemang kinakaharap ng samahan at
komunidad at magplano kasama ang mga tao.
Pakikipamuhay
Malaki ang naiambag ng pakikipamuhay sa parehong mag-aaral at sa mga tao sa
komunidad. Bukod sa pagtira sa kanilang mga tirahan ay inaasahan rin ang mga
mag-aaral na tutulong sa kanilang mga gawain at pakikihalubilo sa interes ng mga tao.
Mula sa pakikipamuhay ay maaari nang magkaroon ng palagayan ng loob kung saan
magiging bukas at malaya ang bawat isa magbahagi ng kanilang mga saloobin, isyu at
pinagdadaanan na maaaring maging malaki ang ambag sa mga gawain sa usapin ng
pagpapaunlad ng pamayanan. Sa pamamaraang ito ay magiging mas malalim ang
pagkakakilala sa mga tao sa komunidad, maaaring sa pakikipagkwentuhan kung saan
mas mararamdaman ng parehong panig na sila ay hindi naiiba sa isa't isa at parehong
magtutulungan sa mga gawain.
Mula sa pakikipagkuwentuhan sa mga taga komunidad ay maraming napulot na
mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral na makatutulong sa kanilang pagsusuri
at pag-oorganisa ng kalagayan ng mga tao at samahan at gayun din ng komunidad.
Nakitang epektibong pamamaraan naman ito upang lubos na makapagbahagi ang bawa't
isa sa impormal na pamamaraan.
Sa pakikipamuhay ay naging pamilya na rin ang turing ng mga taga komunidad sa
mga mag-aaral. Bilang isang organisador ay marapat lang na iparamdam sa mga tao na
sila ay kaisa at handang tumulong nang buong puso na walang hinihinging kapalit. Sapat
na ang kanilang partisipasyon at suporta upang mas mapabuti ang kalagayan ng
komunidad.
13
Pagsuri ng Kalagayan
Bilang organisador ay dapat lamang na maging maingat sa pagsuri ng kalagayan
ng mga tao. Bago gumawa ng aksyon ay dapat muna itong pag-isipan mabuti at
pagnilayan. Ang mga orginasador ay hindi habang buhay na mamamalagi sa komunidad
kaya naman importante na masimulan nang maayos at tama ang pag-oorganisa dahil
ang mga tao ay maiiwan sa komunidad nang matagal na panahon.
Inaasahan na mula sa pagsusuri ay mas makabubuo ng maayos na gabay para
sa mga pangangailangan ng komunidad upang ito ay mas maging epektibo at
kapaki-pakibabang. Ang mga organisador ay tagagabay lamang at tagapagpadaloy sa
mga tao upang lumabas ang kanilang mga potensyal at mapataas ang kanilang
kapasidad upang mamuno dahil higit na sila ang nakakaalam ng kanilang mga problema
sa komunidad at sila rin ang makapagbibigay ng solusyon para dito. Sa prosesong ito ay
magkakaroon rin ng pag-angkin ang mga tao sa kanilang pinapahalagahan na
komunidad at samahan at maaring magkaroon ng pang personal, pang samahan o pang
komunidad na pag-unlad.
Sa loob ng halos tatlong buwan na pakikipamuhay ay hindi dapat mawala sa
katangian ng isang organisador ang magsuri at makisama sa mga tao.
Panayam
Dahil sa hindi maiiwasang pagkaabala ng mga tao ay ginamit na pamamaraan ang
pakikipag-panayam sa mga miyembro. Dito ay mas nakakakuha ng malalim na
impormasyon mula sa kanila.
Sa pakikipanayam ay mas nakapagbahagi ang mga pamunuan ng kanilang mga
saloobin mula roon ay natukoy na mayroong umiiral na gap sa loob ng samahan. Mas
naging malapit din ang mga mag-aaral sa pamunuan dahil sa one on one na
pag-iinterbyu sa mga miyembro dahil binibisita ang mga ito sa kanilang mga tahanan.
14
Sa pamamagitan ng panayam ay inalam ng mga mag-aaral kung ano ba ang
pakahulugan ng pamunuan sa pamumuno at ano ang mga katangian nito. Inalam rin
kung nagagampanan nga ba ang mga naka-atas na tungkulin o gampanin ng bawa't isa.
FGD
Pagtukoy ng isyu
Ang unang gawain ay ang pagtukoy ng mga isyu na pang komunidad at pang
samahan. Mula sa FGD ang kinakaharap na problema ng samahan ngayon ay ang
maraming bilang ng hindi aktibong miyembro at ang hindi na pagtutuloy ng mga pulong
na nakasaad sa kanilang CBL. Mayroon ding hindi pagkakaunawaan sa loob ng
samahan kung saan nagresulta ng kanilang pagkawatak-watak. Kung sa pang
komunidad naman ay ang pangunahing lumabas ay ang pagkalulong sa droga ng mga
kabataan at pagkasangkot sa prostitusyon.
Mas pinili ng samahan na pagtuunan ng pansin ang mga isyung pang komunidad
upang hindi na raw maging masama ang imahe ng komunidad sa buong Bustos. Kung
kaya't ito rin ang napili nina Ate Rye at Ate Arny, mga graduate students na pagtuunan ng
pansin. Sa kasalukuyan ay nakabuo na sila ng isang samahan ng mga bagong lider na
kababaihan na inaasahang magpapatuloy ng pagbibigay oryentasyon sa mga taga
komunidad kung paano didisiplinahin ang mga anak upang makatulong sa hindi nila
pagrerebelde o paglihis ng landas.
Microlending
Dahil nga sa ito ang pangunahing pangangailangan ng mga miyembro ng
samahan ay nagkaroon ng isang pulong kung saan dinaluhan ng mga benepisyaryo na
mula sa pamunuaan at block leaders.
Dito pinagplanuhan ang mga magiging patakaran nila at mekanismo sa
pagpapatakbo ng programang ito bilang malaking halaga nga ang nakasalalay na salapi
dito. Inalam rin ng mga mag-aaral kung gaano na nga ba kahanda ang samahan sa
proyekto na ito at kung bukal nga ba sa kanilang kalooban ang gagawin nilang programa.
Ang iba ay natatakot o nangangamba dahil baka hindi raw ito mabayaran at maibalik sa
15
DSWD at ang iba naman ay nasasabik dahil magiging malaki raw ang magiging tulong
nito sa kanilang kabuhayan at pangangailangan.
LNCA (Learning Needs Capacities Assessment)
Isinagawa ang gawain na ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa lider upang
makapagbahagi ang bawat indibidwal ng kanilang mga personal na pagtingin sa usapin.
Ang layunin ng gawain na ito ay ang:
Malaman ang konsepto ng aktibong paglahok para sa mga lider
Malaman ang umiiral na relasyon sa mga pamunuan at block leaders
Matukoy kung naisasaisip, naisasapuso at naisasagawa ba ang VMG ng AMBUH
sa pang personal at pangsamahan na lebel
Matukoy ang pagkakaunawa sa tungkulin at gampanin ng Pamunuan at block
leaders
Matukoy ang konsepto ng pagiging lider sa pagtingin ng AMBUH opisyales
Malaman ang relasyon ng AMBUH sa iba pang mga salik na nakakaapekto sa
takbo ng samahan
Pagkatapos makalap ang mga datos ay pinagsuma at inalisa ito ng mga
mag-aaral upang tukuyin ang ideyal at akwal na kaalaman at pagtingin ng AMBUH at
block leaders. Mula sa mga nakalap na impormasyon ay doon gagawa o magdidisenyo
ng isang aktibidad para sa samahan na maaaring makatulong sa pagsasa-ayos at
pagpapaunlad ng kailang samahan.
Ayon sa resulta ng sinagawang LNCA ay ang kahulugan lamang ng partisipasyon
sa mga miyembro ay ang regular na pagdalo sa mga pulong at paglahok lamang sa
aktibidad. Ang mga kadahilanan naman ng kanilang hindi paglahok ay ang trabaho at
gawaing bahay na hindi naman nila puwedeng libanan. Marami rin ang nagsabi na ang
nag-uudyok ng kanilang paglahok ay ang maraming bagay nilang natututunan sa mga
aktibidad.
16
Ang isyu ng komunikasyon ang nakikitang balakid sa samahan. Hindi naman
nagkukulang ang Pangulo sa pag-iimbita sa mga miyembro tuwing may pulong. Ang mga
hindi nakakadalo ay hindi naman nasasabihan patungkol sa mga napag-usapan kaya't
kung minsan ito ang pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan o tsismis. Napansin rin
ng mga mag-aaral na walang personal na relasyon ang mga lider na maaaring nagdulot
ng hindi pagkakaunawaan. Kapag may trabaho at gampanin ay natatapos nila ito at
napag-uusapan. Siguro ay sa mukha lamang sila magkakakilala ngunit hindi sa lebel ng
pagiging kaibigan o kasama kung hindi kapwa lider lamang.
Closeness Building (Team Building)
Ayon kay (Felizco, et al, 2004) ang team building ay maaaring maging susing
interbesyon na maaaring makatugon sa iba't ibang isyu. Maaaring sa pag-aayos ng hindi
pagkakaunawaan, pag-angkop sa mga pagbabago o ang pagtugon sa mahirap o pangit
na relasyon sa isang samahan.
Mayroon ring dalawang uri ng aktibidad patungkol sa team building, ito ay ang
task oriented at relationship oriented. Ang team building ay maaaring dumirekta sa
pagresolba ng mga problema, pagiging epektibo ng mga gawain at ang pagpapayabong
ng mga rekurso ng samahan upang makamit ang mga layunin.
Importante sa pagbuo ng isang aktibidad sa team building ay dapat nakadepende
sa analisis ng sitwasyon ng samahan lung saan komunikasyon at relasyon ang
lumabas. (Felizco, et. al, 2004)
Mula sa naging resulta ng LNCA ay nagdisenyo ang mga mag-aaral na maaaring
tumugon sa kanilang kinakaharap na isyu sa loob ng samahan. Dahil nakita ng mga
mag-aaral na tanging maayos na daloy ng komunikasyon lamang ang kanilang
kailangang ayusin. Naglunsad ang mga ito ng isang gawain o aktibidad na maaaring
magkakilanlan ang mga lider at maaaring makapag bonding nang hindi patungkol sa
trabaho ang usapan.
17
V. BALANGKAS NA KONSEPTO
Ginamit sa balangkas na ito ang Ladder of Participation ni Sherry Arnstein kung saan
masasabing magkaiba ang antas ng partisipasyon ng block leaders at AMBUH. Ang
AMBUH ay nasa Delegated Power at ang block leaders ay nasa Placation. Ayon kay
Arnstein, sa antas ng Placation mayroon ng kaunting antas ng impluwensya ang mga
mamamayan pero nananatili pa rin ang tokenismo. Ang mga residente ng Bulacan
Heights ay pumili ng block leader upang maging kinatawan ng kanilang block sa mga
pagpupulong na isinasagawa ng AMBUH subalit hawak pa rin ng AMBUH ang
kapangyarihan ng pinal na desisyon sa asosasyon. Tuwing buwanang pulong ng block
leaders, sila ay kinokonsulta ng AMBUH patungkol sa mga ilang plano. Bagaman ito ang
istruktura ng pagdedesisyon, hindi nangangahulugan na hindi maayos ang takbo ng
samahan. Gamit ang Forming Storming Norming Performing Adjourning ni Tuckmann na
nagpapakakita ng pag-unlad ng kapasidad ng isang samahan, masasabing nasa
Performing na antas ang AMBUH. Sa antas na ito, sinasabing kaya na ng AMBUH na
tumayo sa sarili nitong paa kahit na walang patnubay. Isa pang indikasyon na sila ay
Performing na ay ang pagkakaroon nila ng pinagkaisang layunin at adhikain. At kahit na
may hindi pagkakakunawaan, ito ay nireresolbahan agad sa pamamagitan ng bukas at
maayos na daloy ng pag-uusap. Dagdag pa ang pagkakaroon nila ng kalinawan ng
tungkulin at tunguhing tatakbuhin ng samahan. Sinasabi sa Performing na antas na hindi
18
na sila kailangang turuan o gabayan kung papaano kikilos. Naabot ang ganitong antas
dahil sa kapasidad na taglay ng AMBUH bilang isang samahan.
Ayon kay (Alan Fowler na nabanggit sa akda nina Felizco, et. al, 2004), nahahati sa
tatlong kakayahan ang kapasidad ng isang samahan. Isa dito ay ang ang Ability to Be
(AB); mga kaugalian at pagpapahalaga na nagpapanatili ng identidad at misyon ng
samahan. Sa AMBUH, patunay riyan ang ilang pagpapahalaga na naisasabuhay ng
samahan. Naipapatampok magpahanggang sa ngayon ang diwa ng pagtutulungan ng
mga residente ng Bulacan Heights partikular ng mga lider. Ang diwa ng bolunterismo ang
nagpapakilos sa mga tao upang makamit nila ang kanilang layunin. Sa AMBUH, ang
pakikipagtuwangan kasama ang iba pang grupo tulad ng 4Ps (Pantawid Pamilyang
Pilipino Program) at Guardians sa isang gawain na isinagawa ay isang halimbawa ng
pakikipagtulungan. Nakikipagkaisa ang bawat lider (AMBUH at block leaders) sa gawain
ng AMBUH nang walang hinihinging kapalit. Mahirap man masiguro ang likas-kayang
partisipasyon, ang bawat isa ay may pagpapahalaga sa kanilang mga tungkulin bilang
isang lider. Kahit na may mga nangyaring hindi pagkakakunawaan, nagkakaisa ang lahat
sa iisang layunin na mapa-unlad ang Bulacan Heights bilang isang matatag, mapayapa,
malinis at progresibong pamayanan. Pagdating sa pagdedesisyon, may pagpapahalaga
ang Pamunuan sa demokratiko at mapanlahok na uri ng pampamayanang pamamahala,
nagbibigay ito ng malayang pagkakataon sa mga block leader at kapwa lider sa
Pamunuan na ihayag ang kanilang mga suhesyon at opinyon sa anumang gawaing
isinasagawa ng asosasyon. Buhay na buhay din ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa
sa pamamagitan ng damayan. Nag-iikot ang mga block leader sa mga kabahayan para
makakalap ng donasyon para sa namatayan.
Isa rin sa indikasyon ng kapasidad ng isang samahan ay ang Ability to Do (AD) kung
saan tinitingnan ang kakayahan ng isang samahan na makamit ang itinakdang adhikain.
Kung titingnan ang mga rekursong mayroon ang AMBUH, ang komite ng imprasktrutura
at komite ng kabuhayan ay may mga proyekto na naglalayon na makakalap ng pondo na
napupunta sa pangkahalatang pondo ng asosasyon. Isa rin indikasyon na nagpapakita
ng kakayahan ng AMBUH ay ang kasapian nito. Ang bawat miyembro ay may malinaw
na pagkakahati ng tungkulin at ang lahat ay handang makilahok sa anumang gawain na
napag-usapan ng samahan. May umiiral na sistema at istruktura na nagpapatakbo sa
asosasyon. Ang Pamunuan o AMBUH ang pangunahing nagdedesisyon kung saan
19
ibinababa o ipinapadaan sa kapulungan ng block leaders. Sapat ang kakayahan ng
bawat opisyal ng Pamunuan upang pamahalaan ang bawat komite. Ang hamon sa
kasalukuyan ay kung papaano muling bubuhayin ang mga komite sa pagtutulungan ng
AMBUH at block leaders. Noon pa man, natunghayan na ang pagsasabuhay ng AMBUH
ng kanilang mga natutunan sa panahon ng pakikipagtuwangan nila sa UP FIP. Nariyan
ang mga proyektong sila mismo ang nagpasinaya na nilahukan ng maraming residente
tulad ng Summerfest at ilang proyketong pinangunahan ng mga komite ng AMBUH.
At ang pinakahuling aspeto na nagpapakita ng kapasidad ng isang samahan ay ang
Ability to Relate (AR) kung saan ipinapakita ang kakayahan ng isang samahan na
lumikha ng mga panglabas na relasyon samantalang napapanatili ang awtonomiya bilang
isang samahan. Sa AMBUH, ang isang patunay nito ay ang pagkakaroon nito ng
multi-stakeholder na pakikipagtuwangan sa ilang mga proyektong ipinatutupad nito.
Pangunahin ang pagkakaroon nito ng maayos at mayabong na relasyon sa Lokal na
Pamahalaang Bayan ng Bustos. Nariyan ang lokal na pamahalaan ng Bustos para
tumulong at umagapay sa gawain ng AMBUH. Isa rin ang pakikipagtuwangan ng AMBUH
sa iba't-ibang institusyon tulad ng kapulisan para sa pagmomobilsa ng tanod sa ilalim ng
komite ng Peace and Order. Pati na rin ang iba pang samahan sa Bulacan Heights tulad
ng grupo ng mga kabataan, ang Association of Motivated Youth (AM Youth), 4Ps,
Guardians, at mother leaders ng Brgy. Catacte.
Tunay ngang nagtataglay ang AMBUH ng mga kakayahang pumapailalim sa tatlong
aspetong ito ng kapasidad ng isang samahan. Masasabing, performing na ang AMBUH
kung saan nangangahulugang handa na ito na mas palawakin pa ang kakayahan nito
tungo sa isang pangmalawakang uri ng mapanlahok na pampamayanang pamamahala.
Batay sa nakikitang kakayahan ng AMBUH, masasabing may sapat na kahandaan ang
AMBUH o Pamunuan upang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa paghahanda
sa Bulacan Heights na maging isang barangay kung sakali mang nanaisin rin ng mga
residente. Ang block leaders bilang pundasyon ng liderato kasama ng AMBUH ang
mangunguna sa pagpapadaloy ng paghahanda para sa pagiging barangay ng Bulacan
Heights. Kung ito man ay makapangyayari, ang inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan,
ng AMBUH, at ng block leaders ay isang halimbawa ng mapanlahok na uri ng
pampamayang pamamahala. Ayon kay (Ferrer, 2006), sa pampamayanang pamamahala,
kinikila ang kakayahan ng mga mamamayan na pamahalaan ang kanilang mga
20
sarili. Gamit ang sarili nilang kakayahan at rekurso, sila ang nagtutukoy, nagsusuri at
tumutugon sa kanilang mga problema. Sila rin ang tumutugon sa kung papaano
pamamahalaan ang sarili nilang yaman o rekurso para sa mas pagpapa-unlad ng
kanilang pamayanan. Ang mga tao ang tumutugon sa sarili nilang problema subalit hindi
nangangahulugang isinasara nila ang kanilang mga sarili sa panlabas na tulong.
Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa. Sa pagtutulungan ng AMBUH,
block leaders at lokal na pamahalaan ng Bustos, mas makapangyayari ang
pampamanayang pamamahala sa tatlong aspeto: ang pampamayanang pamumuno o
Community Leadership (CL), pampamayanang pagsasakapangyarihan o Community
Empowerment (CE) at pampamayanang pagmamay-ari o Community Ownership (CO).
Ang CL ay malayo sa tradisyunal na uri ng pamamahala kung saan ang may katungkulan
ang mas nakakaalam ng pangangailangan ng pamayanan. Sa CL, ipinatatampok ang
mapanlahok na uri ng pamumuno. Dito may kakayahan ang mga mamamayan na
magpasya sa anumang desisyon na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng kanilang
pamayaman. Sa CE mas may kapangyarihan ang mga tao na makakuha ng rekisitos ng
pamahalaan, may boses ang mga residente na maiparating ang kanilang mga hinaing.
Ibinabahagi ng pamahalaan ang kapangyarihan na magdesisyon sa mga mamamayan
para sa sariling ikauunlad ng pamayanan. Samantalang sa CO, mas may pag-angkin
ang mga mamamayan sa sariling pamayanan. Sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing
pampamayan, may pag-angkin din sa prosesong pinagdadaanan. Sa tatlong aspetong ito
ng pampamayanang pamamahala, malaki ang tungkulin ng lokal na pamahalaan sa
pagsuporta at paggabay sa pamayanan upang makamit minimithing pag-unlad. Ang
Bulacan Heights ay nagpapakita sa kasalukuyan ng mga manipestasyon ng
pampamayanang pamamahala (Ambe, et. al, 2015). Isa itong indikasyon sa posibleng
kahandaan ng Bulacan Heights sa pagiging isang barangay. Sa tulong na maayos na
relasyon ng AMBUH, block leaders, at ng lokal na pamahalaan, hindi malabong marating
ang ganitonng antas ng pag-unlad. Ang kailangan lang ay tuloy-tuloy na pag-oorganisa at
pagpapataas ng kapasidad ng mga tao para sa kahandaan ng pagpapadaloy ng proseso
nito.
VI. PAGSUSURI
Kung susuriin ang mga palihan, pagsasanay at mga pinagdaanan ng AMBUH simula
noong taong 2014 ay masasabing nasa performing stage (Tuckman) na ang samahan
kung babalikan ang timeline. Nagkukulang na lamang siguro sila sa implementasyon ng
21
mga ito dahil magpasahanggang ngayon ay nakadepende pa rin ang samahan sa mga
mag-aaral. Kung saan inaasa pa rin sa mga ito ang gawain at mga pangangailangan ng
samahan. Kaya ito ay nasabi na nakadepende ay dahil sa hindi sila nabibigyan ng tsansa
o nahahayaan na kumilos nang sila-sila lang ngunit noong nawala ang mga mag-aaral
(FIP team) ay nagawa nila ang kanilang mga kailangan para sa micro-lending nang
walang tulong ng sino man. Ito ay isang indikasyon na sila ay performing na estado na.
Mas mainam siguro kung sa susunod na mga panahon ay ialis muna ang pokus sa
samahan upang hayaan muna sila ang dumiskarte sa kanilang mga gawain upang mas
mahasa pa ang mga kakayahan at kaalaman ng mga lider. Ayon mismo sa mga lider ay
kung sa usapin lamang ng mga pagsasanay ay marami na silang nadaluhan at kung
minsan ay nagsasawa na nga raw sila sa kakaaral.
Malinaw rin sa pamunuan at block leaders ang kanilang tungkulin at gampanin bilang
lider. Ang natatanging isyu ay ang dahilan ng pagiging di aktibo ng mga miyembro at ito
ay dulot ng kawalan ng regular na komunikasyon kung saan nabubuo ang hindi
pagkakaunawan at ang pagkawala ng personal na relasyon ng Pamunuan at block
leaders bukod sa relasyon bilang magkatrabaho. Malaki ang implikasyon nang dahil sa
walang regular na pulong at komunikasyon sa mga miyembro ay nagreresulta ng hindi
nila pagkakaroon ng mas malalim na pagkakakilanlan. Maaaring ito ang dahilan kung
bakit hindi solido bilang isang samahan ang organisasyon.
Nararapat siguro na palakasin na lang muna ang kapasidad ng mga block leaders
upang sila ay makatulong sa gawain ng pamunuan at maging handa na ito sa susunod
na pag-oorganisa upang maging isang ganap na barangay ang Bulacan Heights.
Maaring tignan na ng LGU ang pagsasaproseso ng pagiging Barangay kung saan
magbebenepisyo ang mga tao sa komunidad.
Masasabi na maunlad na ang samahan base sa kanilang konteksto ng
pagkakahulugan nila sa aktibong paglahok at mga gampanin.
VII. MGA ARAL NA NATUTUNAN
Sa mga lumipas ng linggo ng integrasyon, maraming natutunan ang FIP team mula
sa kanilang naging karanasan sa komunidad. Ang mga sumusunod na konsepto ay
nakapag-ambag sa praktika ng pagpapaunlad ng pamayanan:
22
Attachment and Detachment
Mahalaga ang makiayon, makisama at makiisa sa mga mamamayan kapag
lumulubog sa isang komunidad, lalo na sa mga unang linggo ng pakikipamuhay kung
saan kinikilala pa ng mga mag-aaral ang komunidad at kinikilala naman ng komunidad
ang mga nasabing mag-aaral. Ito ay lalong importante kapag naitakda na makikitira sa
host family, sapagkat nakikita at nakakasama ng mag-aaral ang pamilya araw-araw, at
nararanasan din kung paano sila nabubuhay sa bawat araw. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng ugnayan upang makita ang buhay sa komunidad sa kanilang pananaw,
at maranasan ang kanilang nararanasan sa bawat araw nila sa komunidad.
Sa ganitong paraan, mas naiintindihan at nakakaugnay ng mga mag-aaral ang
mga mamamayan, kaya naisasaloob ng mga mag-aaral ang pang-araw-araw na
kinakaharap ng bawat tao sa komunidad. At sa pagkakaroon ng ugnayan, nakakahanap
din ang mga mag-aaral ng kanilang mga pangalawang magulang, na kanila ring
binibigyan ng pagmamahal na tulad ng kanilang pagmamahal sa tunay nilang pamilya, na
kanilang nakakasama kahit ano pa ang nagaganap sa tatlo hanggang apat na buwan ng
FIP. Ang ganitong karanasang dala ng nasabing ugnayan ay nagsisilbi ring panahon
upang malaman ang ugat at hindi lang ang babaw ng problema ng host family. At sa
pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa mga mamamayan sa mga pagpupulong,
aktibidades at pati na rin sa mga kwentuhan, ang mga nasabing mag-aaral ay hindi na
mga mag-aaral kundi bahagi na rin ng komunidad.
Mahalaga rin sa mga ganitong programa ang mabantayan at masubaybayan ng
mga mag-aaral ang kanilang bawat galaw at gawain, dahil may mga pagkakataong sila
ay masyadong lumulubog sa komunidad na nakakalimutan na nilang tingnan at suriin sa
lente ng CD ang mga nangyayari sa komunidad. Kailangang matutunan ng mga
mag-aaral na bumukod pansamantala sa ugnayan, upang hindi sila lumihis sa kanilang
pakay dahil sa pagiging malapit sa mga mamamayan, at upang makita at mapanatili pa
rin nila kung ano man ang pinagkaiba nila sa mga mamamayan. Sa kabila ng pagiging
malapit sa mga tao sa komunidad, mahalagang matutunan at isaalang-alang ng mga
mag-aaral ang pagiging kritikal at mapanuri, ngunit hindi pa rin nakakalimutan ang
pagiging miyembro ng komunidad na maaaring lapitan ng mga mamamayan. Upang
mangyaring magtiwala nang lubos ang komunidad sa mga mag-aaral, at magampanan
23
nila ang kanilang papel sa komunidad sa pagsisilbing panimula ng pagbabagong
kailangan ng komunidad o organisasyon, kinakailangan alalahanin ang konsepto ng
attachment detachment.
Bolunterismo
Ang paghahandog ng sarili ay ang pinakaugat ng pagpursigi ng isang tao upang
lumahok sa mga gawain. Ito ay ang pagtaglay ng tao ng malinaw na pananaw sa
katuturan ng pagsapi sa isang organisasyon, at pagkakaroon ng paghangad na lumahok
sa pagbuo at pagsasakatuparan ng nasabing pananaw. Masasabi ng FIP team na hindi
ito taglay ng mga block leaders at ilan sa mga kasapi ng pamunuan sapagkat hindi sila
sumasali sa mga pagpupulong at ang nagiging dahilan nila ay may trabaho sila at kung
ano man ang kanilang pinagkakaabalahan. Bagkus kulang sila sa pagkukusang-loob sa
mga ganitong gawain, o sa tinatawag na bolunterismo. Ayon sa LNCA, batid naman ng
mga block leaders ang katuturan ng kanilang pagsapi sa organisasyon, ngunit
nahihirapan silang lumahok dahil sa kanilang obligasyon sa pamilya, partikular sa
produksyon at reproduksyon na gampanin. At dahil wala silang nakukuhang materyal
tulad ng pera o pagkain sa kanilang paglahok sa organisasyon, mas pipiliin pa nilang
ibuhos ang kanilang sarili sa trabaho kung saan sila ay nakakatanggap ng sahod, upang
mamuhay nang normal sa pang-araw-araw. Kung wala ang bolunterismo, wala ang
pagpupursigi o ang paghahandog ng sarili, at kasunod na nito ang kawalan ng
pakikilahok.
Sa konteksto ng AMBUH, maaaring magkaroon muna sila ng mga aktibidad kung
saan magkakaroon ng pagkakataong magkakilanlan silang lahat nang mas mabuti. Nang
sa ganitong lagay, magkakaroon sila ng ibang dahilan para lumahok sa mga aktibidad at
pulong. Gugustuhin na nilang lumahok dahil marami silang kakilala nang lubusan at hindi
na nila maiisip na pagpupulong ng mga katrabaho lamang ang kanilang pupuntahan
kundi pagpupulong ng mga magkakaibigan. Maaaring hindi ito gaano kagandang rason
sa ngayon, pero sa kalaunan kapag nakikita na nila ang resulta ng prosesong
pinagdadaanan nila, babalik at babalik na rin ang kanilang kagustuhan magkusang-loob.
24
Makabagong Organisasyon vs. Organisasyong Matagal na Nabuo
Mahirap mapanatili ang aktibong paglahok ng mga miyembro ng mga matagal na
na organisasyon. Base sa personal na karanasan, ang AMBUH, kung ihahambing sa
mga bagong organisasyon tulad ng mga nakilala at nakatrabaho ng FIP sa unang
semestre, ay matanda na at matagal nang tumatakbo bilang isang organisasyon. Hindi
tulad ng Ang Karapatan ng Kabataan Ating Protektahan (AKKAP) ng Golden Horizon
Relocation Site sa Cavite, ang Core Group ng Saint Martha Relocation Site sa Bocaue,
Bulacan, at sa GMA Kapuso Village HOA (GMAKV HOA) ng Barangay 106 sa Tacloban,
madami-dami ng pinagdaanan ang mga miyembro ng AMBUH na pagpupulong, pati na
mga aktibidades at pagsasanay sa pagpapalakas ng kapasidad. Sa ganitong dami ng
kanilang pinagdaanan, ang kasalukuyang maririnig sa kanila ay, "Ay, 'di ba nagawa na
natin yan? May certificate na kami nyan,” o, “Meeting na naman?” Mas mahirap ring
mapanatili ang kanilang interes at maging ang kanilang paglahok kapag ang mga
gawaing kanilang lalahukan ay gugugol ng mahabang oras.
Sa kaso naman ng mga bagong organisasyon, ang mga miyembro nito ay
nasasabik pa kapag may itinatakdang petsa at oras para sa kanilang mga pagpupulong
at aktibidades, dahil bago ang mga ganitong gawain para sa kanila. At sa kaso ng mga
matagal na na organisasyon, ang mga miyembro nito, lalo na ang mga nasa dalawang
taon ng pagiging miyembro, ay naghahanap at naghihintay ng mga konkretong resulta o
bunga ng kanilang paglahok at pinaghirapan. At sa ganitong sitwasyon ay kanilang
mababatid na panahon, pagsisikap at pagpupursigi ang kakailanganin upang mangyari at
makita ang pagbabago.
Pakikipamuhay at Integrasyon
Sa paglubog sa komunidad, mahalagang kilalanin ang iba‟t ibang kultura na
mayroon sila. Malaki ang kahalagahan ng pag-iintindi sa kabuoan ng konteksto ng
komunidad at ng mga mamamayan nito, lalung-lalo na ng mga pamilya na kadalasang
binibisita ng FIP team. Ito ay napakahalaga lalo na sa mga unang linggo ng integrasyon.
Dito ay inoobserbahan ng komunidad at ng FIP team ang galaw at gawain ng isa't isa, at
sa pagkakataong ito, ang FIP team ang siyang makikiayon sa pamumuhay ng mga
mamamayan. Sa buong FIP, dapat matutunan ng team kung paano makisalamuha at
25
makipag-usap sa mga miyembro ng komunidad, na mararamdaman ng mga nasa
komunidad na sila ay madaling lapitan, at gayunpaman ay nakukuha pa rin ng team ang
respeto nila. Tungkulin din ng FIP team na mapaintindi lagi sa mga miyembro ng
komunidad kung ano ang kanilang ginagawa nang sa gayon ay maiwasan ang kaguluhan
at pagkalito.
Importansya ng Pagpapahinga
Importante ang pagpapahinga sa kahit anong organisasyon, lalung-lalo na kapag
habang nagpapahinga ay nilalaan ang oras na ito upang makapagnilay-nilay sa mga
bagay na napagdaanan na at pagdadaanan pa. Kung titingnan ang proseso sa
pagpapaunlad ng organisasyon, mahalaga ang paglaan ng oras para sa organisasyon
upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro nito na makita at mapayabong ang
kanilang kakayahan nang hindi tinutulungan o iniimpluwensyahan ng mga hindi kasapi sa
kanilang organisasyon. Ang mga aktibidades at pagsasanay na isinagawa para sa
pagpapalakas ng kapasidad ng mga miyembro ng organisasyon -- kapasidad, partikular
ang kanilang kakayahan sa ilang gawain, tulad ng technical writing, planning, facilitation,
public speaking and conflict management -- ay kanilang magagamit at magagawa sa
kanilang mga gawain sa organisasyon kapag sila ay nasa punto na mararanasan na nila
ang mga suliranin na nangangailangan ng mga nasabing kakayahan o suliraning kalakip
ng mga kakayahang ito, at kapag sila ay nagiging subok na sa pagharap sa mga
ganitong suliranin.
Pagbibigay importansya sa oras ng komunidad
Tulad ng sinabi ni Propesor Jun Manalo sa isang klase sa CD 125, iba ang
konsepto ng komunidad sa oras. Para sa komunidad, ang oras ng pagpapaunlad ng
organisasyon ay araw araw sa buong taon, kumpara sa FIP team na tatlo (3) hanggang
apat (4) na buwan lamang ang pinagbabasehan. Kaya minsan, tila lumalabas na
minamadali ng FIP team ang komunidad sa tuwing nagpapatawag ng ilang pagpupulong
sa loob ng isang buwan. Maaaring kinukumpara ito sa tuwing wala ang FIP team sa
komunidad, kapag walang klase, kung saan paminsan-minsan lang ang mga pulong.
26
Kinakailangan ding makiayon sa oras ng komunidad lalo na sa mga panahong
tulad ng eleksyon kung saan may mga volunteer work na ginagawa ang mga miyembro
ng komunidad upang mapagkitaan. Kapag nagsasagawa ng interbyu at pagpupulong,
minsan ay kailangang gabi ginagawa ang mga ito, kung kailan nakauwi na ang lahat at
tapos nang maghapunan. Tumatagal ang proseso ng pagkalap ng impormasyon sa
tuwing nangyayari ito dahil delikadong umikot-ikot pa sa komunidad kapag gabi na.
Kaugalian at Kilos na Dapat Taglay ng Isang Manggagawa ng Pagpapaunlad ng
Pamayanan
Ang manggagawa ng pagpapaunlad ng pamayanan ay may malalim na
pag-unawa sa konteksto. Dapat niya laging isaalang-alang na ang iba‟t ibang komunidad
ay may iba‟t ibang mga karanasan at kultura, at iba't iba ang lebel ng pag-unlad. Hindi
niya dapat makakalimutan ang makisama at makibagay sa kung ano man ang
nangyayari sa komunidad at sa mga miyembro nito. Dapat ay laging bukas ang isipan ng
manggagawa ng pagpapaunlad ng pamayanan, na hindi niya dapat ito sinasara kahit
kailan, upang tuloy-tuloy ang kanyang pagkatuto sa mga bagay-bagay, dahil walang ni
isang komunidad na magkapareho. Lagi rin niyang tatandaan ang pagiging magalang sa
maraming paraan sa bawat araw ng kanyang pakikipamuhay sa komunidad.
Napakahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa isa‟t isa sa loob ng komunidad. At sa mga
panahon nagkakaroon ng di pagkaintindihan, ang manggagawa ng pagpapalunlad ng
pamayanan ang nagkukusang umintindi sa mga bagay-bagay.
Utang na loob
Patuloy na sinusuportahan ng mayor ng bayan ng Bustos ang mga miyembro ng
komunidad sa maraming paraan. Isa na rito ay ang pagbibigay ng scholarship sa mga
piling kabataan ng komunidad, na naging malaking tulong sa kani-kanilang pamilya. At
dahil sa scholarship na hatid ng mayor, napapansin na ang mga nasabing pamilya ay
pursigidong magbigay-serbisyo sa Pamahalaang Bayan ng Bustos sa kahit anong
paraan. Ayon kay Pe-pua at Marcelino, ang konsepto ng utang na loob ay hindi
maihahalintulad sa konsepto ng “debt” bilang burden, dahil sa konteksto ng kaugaliang
Pilipino, maaaring suklian ang isang pabor kahit kailan. “It is a beautiful element of
Filipino interpersonal relationships that binds a person to his or her home community”.
27
Maaaring ito ang isa sa mga pinanghahawakan ng mga nagpupursigi sa layunin ng
organisasyon. Maliban sa kanilang kagustuhan na magkaroon ng pagbabago sa
komunidad, nararamdaman nila na kapalit ng suportang binibigay sa kanila ng
pamahalaang bayan ay ang matulungan at mapanatili ang organisasyon.
Kahalagahan ng Suporta ng mga Katuwang na Organisasyon sa Labas ng
Komunidad
Hindi dapat mag-isang nagsisikap ang isang organisasyon sa pagkamit ng kanilang
layunin. Napakahalaga ang magkaroon ng mga katuwang na institusyon sa labas ng
kinasasakupan ng organisasyon, kabilang ang pamahalaang bayan ng Bustos at ang UP
CSWCD, dahil sila ang nagbibigay ng suporta at gabay tungo sa pagpapaunlad ng
organisasyon -- suporta at gabay sa porma ng tulong-pampinansyal sa kanilang mga
pagpupulong at aktibidades, o pamamatnubay sa proseso ng pagpapaunlad, o sa kahit
anong paraan na kanilang kakailanganin sa kanilang mga gawain. Kakailanganin ng
isang organisasyon ang kahit anong tulong na matatanggap nito, na maging ang katiting
na suporta mula sa ibang tao ay magbibigay-sigla sa mga miyembro nito upang
maglunsad ng malawakang pagbabago sa kanilang komunidad.
28
VIII. REKOMENDASYON
Para sa Pamunuan ng AMBUH:
Batay sa naging karanasan ng FIP team sa komunidad at kasama ang organisasyon,
isa sa mga maimumungkahi para sa pamunuan ng AMBUH ang maglaan ng oras at
programa na kung saan babalikan nila ang lahat ng kanilang naranasan at natutunan sa
nakalipas na dalawang taon, simula nang maitatag ang organisasyon.
Sa kabilang dako, ipagpatuloy sana ng AMBUH ang kanilang mga gawain sa
organisasyon tulad ng micro-lending, at sana ituloy ang mungkahing magkaroon ng
swimming kasama ang block leaders bilang isang aktibidad na naglalayong patatagin pa
ang kanilang relasyon sa isa‟t isa. Maaari din na gawing mas masaya at mas maikli ang
mga pulong kasama ang mga block leaders upang maudyok pa ang mga block leaders
na lumahok sa mga nasabing pulong. Sana rin ay maging mas malapit na ang mga block
leader at pamunuan upang maudyok ang mga block leaders sa oportunidad na mas
mamuno pa sa kani-kanilang mga bloke sa pamamagitan ng mga komiteng
kinabibilangan nila.
Sana ang pamunuan ng AMBUH ay matututo mula sa kanilang mga naging
karanasan, na kakayanin na nilang patunayan ang kanilang sarili sa mga susunod na
semestre pagdating sa pamumuno at pagpapaunlad ng komunidad.
Para sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bustos bilang Katuwang na Ahensya:
Inirerekomenda na ipagpatuloy ang pakikipagtuwangan sa AMBUH at iba pang
samahan sa Bulacan heights na magkaroon ng boses lalung-lalo na sa mga
minumungkahi ng mga taong kabilang dito. Sana rin ay matulungan ng Pamahalaang
Bayan ng Bustos ang BH na maging isang ganap na barangay sa pamamagitan ng
pagsuporta sa mga aktibidades ng AMBUH at ang mga ipaplanong aktibidades ng mga
block leader para na rin sa pulong bayan.
29
Para sa Susunod na FIP Team:
Isang rekomendasyon din ang pag-iba ng magiging pokus ng FIP sa susunod na
semestre, nang hindi lumilihis sa kagustuhan ng komunidad na maging isang barangay.
Samakatuwid, ang maimumungkahing pokus ng programa para sa komunidad ay sa
paglinang ng kakayahan ng mga block leaders na pamunuan ang kanilang
kinasasakupan, sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga pulong-barangay na kung saan
ay magpupulong ang mga block leaders at kanilang gagawan ng sintesis ang mga
mungkahi at pangangailangan ng kani-kanilang bloke. Ang nasabing sintesis, na
titingnan bilang pangangailangan ng komunidad, ay tatrabahuin ng mga block leaders
bilang isang sanggunian o pulong-komunidad, at ang ganitong paraan ng pamumuno ng
komunidad ay magsisilbing hakbang sa pagsasaayos at pagkakaisa ng mga bloke sa
komunidad, at sa pagtatalaga ng komunidad bilang isang ganap na barangay ng Bustos.
Mungkahi rin ng FIP team na mapag-ayon ng mga susunod na FIP teams ang mga
isinagawang proseso at programa bago at pagkatapos ng nasabing pag-iba ng pokus, at
pangasiwaan sa mga semestre pagkatapos ng susunod na semestre ang pagsuri sa
AMBUH (partikular sa kung ano ang nangyari sa organisasyon at sa kung ano ang
kanilang nagawa sa panahon na inililipat ang pokus ng FIP).
30
IX. REPLEKSYON
Bahan, Rosemarie Christ A.
Ito na ang huling repleksyon na ipapasa ko at ngayon ang tanging nararamdaman ko
ay takot at pangamba sa tatahaking landas sa labas ng pamantasan. Alam ko sa aking
sarili na hindi pa ako sigurado sa kung anong pokus sa gawaing pagpapa-unlad ang
gusto kong pasukin. Hindi sapat ang aking natutunan sa loob ng pamantasan upang
sumabak sa pakikibaka ng gawaing pagpapa-unlad. Ito ang pinagmumulan ng aking takot
at pangamba sapagkat ang propesyong pagpapa-unlad ng pamayanan ay hindi madali.
Ang pundasyon nito ay utak at puso. Utak sa pagsusuri at puso sa paglilingkod para sa
bayan. Kung wala ang isa, hindi mabubuhay ang isa.
Iba't iba ang konteksto ng pag-unlad subalit ang lahat ay nag-ugat sa kahirapan.
Maging ang daang tatahakin patungo sa pag-unlad ay samu't sari rin. May malubak, may
matubig, may mabundok, may mapatag, may masikip, at may maluwag. Subalit iisa ang
katangian ng mga daang ito; mahaba, malalim at tuloy-tuloy. Mahaba ang daan sa
propesyong ito. Nagsisimula sa pag-alam kung nasaan na nga ba tayo at saan tayo
patungo? Malalim dahil ang bawat daan ay may sariling pakahulugan sa atin. Ito ay
binubo ng ating pagpapahalaga, pangarap at pangamba. Ang mga daang ito ay
tuloy-tuloy rin dahil ang pagkatuto ay hindi nagtatapos. Ito ay panghabambuhay.
Pagkatapos ng ikalawang semestreng pakikipamuhay, napagnilayan ko na ang
pagpapa-unlad ng pamayanan partikular sa konteksto ng Bustos ay patungkol sa
pagkakaroon ng mayabong na pakikipagtuwangan at pakikipagkapit-bisigan. Ito ay
ang pagtutulungan at pagkakaisa ng iba't-ibang stakeholders. Isang patunay ang bayan
ng Bustos kung saan magkatuwang ang pamahalaan at mga mamamayan sa
pagpapa-unlad hindi lamang ng pamayanan kundi ng buong bayan. Kabahagi ang mga
mamamayan sa mga pangka-unlarang inisyatibo ng pamahalaan. Ang Bayan ng Bustos
ang isang magandang modelo ng pamamahala kung saan ito ay mapanlahok at inklusibo
sa mga mamamayan higit ng mga nasa laylayan. Nabigyan ako ng kaunting pagtanaw na
may pag-asa pang makipagtrabaho sa gobyerno. Kung katulad ng Bustos ang ibang
bayan, mas magiging maayos ang proseso ng pag-unlad para sa mga marhinalisadong
grupo ng mga mamamayan tulad ng mga Informal Settler's Families (ISFs).
Ang pagbabago ng lipunan ay hindi agad makakamit. Ito ay dumadaan sa
31
makasaysayang tunggalian at pakikibaka. Pakikipagtunggali sa istrukturang bumubuo ng
sistemang nagpapapalaki sa agwat ng mayayaman at mahihirap, tumatangkilik sa
pagkakahati-hati at indibidwalismo, nagpapataas ng bulnerabilidad at bumabalakid sa
pag-unlad ng tao.
Sa paanong paraan ito bubuwagin? Kailangan ng puwersa sa parehong loob at labas
ng istruktura upang mas maging malakas ang impak ng pagbuwag nito. Kailangan ng
sama-samang kapangyarihan hindi lamang ng mga nasa labas: laylayan, marhinalisado,
maynoridad bagkus maging ng mga nasa loob: naghaharing-uri, gobyerno, mayayaman
at mga elitistang grupo. Kailangan ng mga nasa loob na maging bukas at inklusibo.
Kailangan nilang magbigay oportunidad, pagkakataon at kapangyarihan sa mga
pinagkaitan ng kapangyarihan at kaunlaran.
Bilang isang manggagawa sa pagpapa-unlad ng pamayanan, saan tayo pumapasok?
Tayo ang nagbibigay puwang sa agwat na humahati sa loob at labas. Tayo ang
nagpapadaloy na pagkakataon at proseso upang magkaroon ng interaksyon sa dalawang
panig. Sa pamamagitan ng ating mga istratehiya at pamamaraan, tayo ay
nakapagbibigay kapangyarihan sa mga nasa laylayan upang maabot ang kanilang mga
pangarap o pag-unlad na pinapangarap.
32
Laguesma, Caithline Bo A.
Akala ko magkapareho lang ang CD 181 sa CD 180. Akala ko walang ibang
mangyayari sa semestreng ito na hindi pa nangyayari noong unang semestre. Akala ko
matagal pa bago matapos ang ikalawang semestre. Sobrang daming akala, ni isa ay
nagkatotoo. Kahit na pareho lang naman ang karaniwang kaba na nararamdan sa simula
ng semestre kapag magaassign na ng field sites at teammates, kahit na pareho lang ang
paghinayang na „di na pareho ang teammates at kahit na pareho lang ang pagiging sabik
sa kung ano man ang darating, hindi parin magkapareho ang mga nangyari noon sa
ngayon.
Ngayong semestre ko lang naranasang maghost family nang mag-isa. Kakaiba ang
pakiramdam na makasama araw-araw ang mga taong „di ko naman kaano-ano. Kakaiba
ang pakiramdam na manatili sa bahay ng mga taong walang ibang rason para panatilihin
ako sa kanilang pamamahay kundi ang kanilang busilak na kalooban at pagmamahal sa
kapwa tao. Nakakamangha ang mga taong ganito, lalung-lalo na sa kanilang
kasalukuyang kalagayan. Nakakamangha dahil sila na hindi naman gaanong pinagpala
sa aspeto ng pera ang siya pang pumayag at nag-iimbita pang makitira at makikain kami
sa kanila.
Dito sa FIP ko lalong nauunawaan ang pagiging tama ng CD. Dito napapagtibay ang
pagiging tama ng ginagawa natin sa CD kung saan hindi naman agarang makikita ng
mga myembro ng organisasyon ang resulta ng mga nagagawa nila sa komunidad, pero
nakikita at nakikita nating mga FIP students ang kagandahang dulot ng ilang semestreng
paglulubog doon at ang pagkakaiba ng noon sa ngayon.
Hindi naging karaniwan ang semestreng ito. Madami ang nangyari. Madami ang
napagdaanan. Madami ang nakilala. Sa mga napagdaanan sa semestreng ito, lahat ay
nagsisilbing lugar upang matuto. Matutunan ang mga bagay na pwedeng matutunan
ngayon, at matutunan ang mga posibleng hindi na matututunan pa sa mga susunod na
pagkakakataon.
Hindi ang mga aktibidad na naisasakatuparan sa loob ng isang semestreng
paglulubog ang basehan sa pagtatagumpay ng FIP team. Kundi ang pagrespeto sa
33
prosesong pumapaloob sa komunidad: na hinding hindi dapat kinakalimutan ang
konsepto ng mga myembro ng komunidad sa kanilang oras, na hindi pinipilit ang
pagkakaroon ng aktibidad kung hindi naman kinakailangan, na hindi pinipilit ang mga tao
na gawin kung ano ang ayaw nilang gawin, na inuugat talaga ang problemang naroroon,
na tinitingnan ang prosesong pinagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaanan pa ng
komunidad. Tulad ng mga naranasan ko noong unang semestre, napapagpapatibay lang
na hindi minamadali ang proseso. Hindi ito base sa mga aktibidad. Hindi ito base sa
sinsabi ng isang tao lamang. Ito ay base sa kabuoan ng larawang pinapalooban ng
komunidad. Lagi kong tatandaan ang mga ito, dahil sa mga susunod na pagkakataon ay
nasa labas na ako ng akademikong mundo. At sa tingin ko, ito ang isa sa mga
pinakaimportanteng natutunan ko sa buong buhay ko, hindi lang bilang isang estudyante
ng Pagpapaunlad ng Pamayanan kundi sa kabuoan nito. Makakamit natin ang tunay na
pagbabago. Proseso lang. Tiwala lang.
34
Maderal, Lusha Francesca D.
Ang kahirapan ay hindi lamang masusukat sa yaman tulad ng salapi at ari-arian.
Maaari itong maranasan ng tao bilang isang indibidwal lalo na kung hindi nabibigyang
importansya ang kaniyang boses at kapasidad.
Sa usapin ng maalwan na buhay ay nararapat bigyang pansin ang kapasidad,
kakayahan at kapangyarihan ng bawat indibidwal na maaari pang i-maksimisa o maging
tulay sa pangkabuuang pag-unlad ng sarili. Ang pagbabago ay nagsisimula muna sa
sarili bago ito maka-ambag sa isang samahan patungo sa pagbabago o pag-unlad na
minimithing makamit.
Importante ang mga piling prinsipyo at perspektiba ng CD sa pagpapaunlad ng
mga tao at pamayanan. Ito ay may dinadaanan na sistematiko at planadong proseso.
Mula sa tatlong buwang na pakikipamuhay sa Bulacan Heights ay marami ang
naiambag nito sa aking pagkatuto at karanasan patungkol sa pag-oorganisa.
Kinakailangan ito ay may prosesong pinagdadaanan bitbit ang mga prinsipyo at disiplina
ng CD.
Ang samahan sa Bulacan Heights ay may matatag na suporta mula sa lokal na
pamahalaan kaya naman nakikita ko na malaki talaga ang epekto sa komunidad kung
suportado ang layunin at adhikain ng isang samahan. Hindi mararating ng AMBUH
ngayon ang kanilang pagiging organisado pagdating sa pamamahala ng komunidad kung
hindi dahil sa suportang ibinibigay sa kanila ng taga labas. Sa ngayon sila ay masasabi
ko na nakamit na ang isang organisadong samahan at kulang na lang ay ang pag-gamit
at pag-gawa ng kanilang mga natutunan upang sumabak na sa ibang lebel ng
pag-oorganisa upang maging isang ganap na barangay.
Masasabi ko rin na importante talaga ang partisipasyon ng mga tao dahil higit na sila
ang nakakakilala at nakakaalam sa sarili nilang komunidad. Kasama ang buong pusong
paglilingkod ng organisador para sa bayan at mga tao nito ay sama-samang
magtutulungan para sa kaunlaran na pang personal, pang samahan o pang komunidad.
35
Bilang isang organisador, masarap sa pakiramdam ang maglingkod sa mga tao nang
walang inaasahang ano mang kapalit, sapat na nakikita ko sila na natututo at unti-unting
bumabangon at kumikilos nang sama-sama.
Napatunayan ng karanasan na ito na hindi lamang sa loob ng silid aralan ang
pagkatuto, maaari rin itong maituro ng mga tao mula sa karanasan sa komunidad. Dahil
higit na mas pinagtibay nito ang aking mga kakayahan at nalalaman na may kinalaman
sa pagpapa-unlad ng pamayanan at mga tao.
Marami man ang isyu at hamon sa pag-oorganisa ay nais ko pa rin ipagpatuloy ang
aking landas na tinahak bilang isang manggagawa ng pagpapa-unlad ng pamayanan
dahil walang makakpantay sa aking tuwa at galak na nararamdaman kapag nakakasama
ko ang mga tao sa komunidad. Sila man ay salat sa buhay pero napaka-init at totoo ang
kanilang pagtanggap sa amin.
36
X. ANNEX/ES
Annex:
A - Interview Guide AMBUH Pamunuan
B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016
C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016
D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016
E - Documentation 1st FGD AMBUH
F - HOA Letter
G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016
H - FGD Microlending
I - Blockleaders Masterlist
J - Minutes of the Meeting FGD 16 March 2016
K - Survey Form (Pagiging Aktibo)
L - Survey Form (Block Meeting)
M - Block Leaders FGD Session Guide
N - Block Leaders FGD Documentation
O - Officers Interview 14 Feb 2016
P - Invitation for Closeness Building Activity
Q - FGD Guide for Closeness Building Activity
R - AMBUH LNCA Plan
S - Closeness Building Activity Documentation
T - CD 125 Final Paper
U - CD 161 Final Paper
V - LNCA Documentation
W - Mga Kanta
37
Annex A - Interview Guide
General Objective: Itasa ang kasalukuyang sitwasyon/kondisyon ng AMBUH
Specific Objectives:
1. Makita ang kasalukuyang istruktura ng AMBUH at maikumpara sa ideal na istruktura
2. Malaman ang mga naging aktibidad o gawain na nilahukan
3. Malaman ang lahatang pagtingin sa kung ano ang pangangaiangan ng samahan sa
ngayon
4. Malaman ang kanilang relasyon sa AM Youth
Mga Katanungan:
1. Kamusta po kayo? (Pamilya, Trabaho)
a) Bilang block leader: Kelan pa? Ano ang mga nagawa? (Mga agenda)
b) Ano ang mga tungkulin? Tuwing kelan at kelan huling nagmeeting? Kinikilala ba
sila bilang block leader? Advantages and disadvantages ng pagiging block
leader?
c) Ano ang kanilang tungkulin/function sa AMBUH? (bilang block leader)
d) Bilang lider sa AMBUH, ano po ang posisyon at tungkulin? Kamusta ang
komiteng hawak? Nagpupulong po ba kayo sa inyong komite? Kelan at ano ang
naging agenda? Ano ang mga naging proyekto at aktibidad na naipatupad? Ano
ang mga suliranin o problema na mayroon ang komite? Paano niyo po ito
sinosolusyunan?
e) Nagpupulong po ba ang pamunuan/main officers? Active pa ba lahat ng officers
ng pamunuan?
f) Ano po ang nag-uudyok sa inyo sa aktibong paglahok?
2. Anu-ano po ang mga gawain/proyekto na naipatupad ng AMBUH simula ng mabuo?
3. Ano po sa tingin niyo ang mga pangangailangan ng AMBUH sa ngayon? (mga
suliranin, mga bagay na gustong matutunan na makakatulong sa komite, AMBUH?
4. Ano po ang relasyon niyo sa AM Youth? And vice versa? Ano po ang inaasahan niyo
na gawin ng AM Youth?
38
Annex B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016
20 February 2016
7:00 - 9:30pm
Health Center, Bulacan Heights
Unang Talakayan Kasama ang Asosasyon ng Mamamayan sa Bulacan Heights
(AMBUH)
Layunin:
 Mapatunayan ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang interbyu
 Matukoy ang mga pangunahing isyu sa loob ng organisasyon
 Matukoy ang mga solusyon sa mga nabanggit na suliranin
Layunin Topic Method Output Resources Duration Persons-i
n -charge
Mapatunayan
ang mga
nakalap na
impormasyon
sa ginawang
interbyu
Resulta ng
Interbyu
Konsultasyon Documentation
Sinangayunan
g impormasyon
Metacards
Marker
Masking
Tape
30 mins C a i t h
R o s e
C h e s k a
Matukoy ang
mga
pangunahing
isyu sa loob
ng
organisasyon
Kasalukuy
ang
Suliranin
Ranking
Problem
Tree
Documentation
Prioridad na
problema
Metacards
Marker
Masking
Tape
Manila
Paper
1 hr
Matukoy ang
mga solusyon
sa mga
nabanggit na
suliranin
Solusyon
sa
Natukoy
na
Suliranin
Solution
Tree
Documentation
Initial na
solusyon
-do- 45 mins
39
Daloy ng Programa
Oras Aktibidad
7:00 - 7:10pm Introduksyon/Pagpapakilala
7:10 - 7:40pm Unang Sesyon
7:40 - 8:40pm Ikalawang Sesyon
8:40 - 9:25pm Ikatlong Sesyon
40
Annex C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016
20 February 2016
7:00 - 9:30pm
Unang Talakayan Kasama ang Asosasyon ng Mamamayan sa Bulacan Heights
(AMBUH)
Preliminaries (10min) Tagapagpadaloy: Rose, Caith
Bating Pambungad at Panalangin
Tatawagin si Pang. Juanillo upang pangunahan ang panalangin at ang bating
pambungad. Ipapakilala ni Pang. Juanillo ang mga mag-aaral ng UP na nadestino sa
Bulacan Heights sa ikalawang semestre, taong 2015-2016.
Pagpapakilanlanan
Magpapakilala naman ang mga opisyales ng AMBUH. Babanggitin nila ang kanilang
pangalan, posisyon at sasagutin ang tanong sa isang salita: ano ang AMBUH ngayon at
ano ang AMBUH sa hinaharap?
Pagbabahagi ng mga layunin
Ang nais na makamit pagkatapos ng diskusyong ito:
1) Mapatunayan ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang interbyu
2) Matukoy ang mga pangunahing isyu sa loob ng organisasyon at sa komunidad at
matukoy ang mga suliraning nais bigyang diin o tuon
3) Matukoy ang mga solusyon sa mga nabanggit na suliranin
Unang Sesyon (30min)
Ibabahagi ng tagapagpadaloy ang mga nakalap na impormasyon patungkol sa
kasalukuyang estado ng AMBUH. Ang pagbabahagi ay nahahati sa dalawa:
A. Pang-organisasyon na isyu:
 Block leader - hindi aktibo
 Opisyales ng AMBUH - hindi aktibo, may di pagkakaunawaan, walang
ganang magtrabaho dahil walang sahod
 Committee head - sila lang ang nagtatrabaho
 Hindi aktibong komite (Peace&Order at Infrastructure Committee lang ang
aktibo)
 AM Youth - inaasahan na gumampan ng tungkulin para sa kabataan (hal.
41
Prostitusyon)
B. Pang-komunidad na isyu:
 Kanal
 Maingay na kapit-bahay
 Sugal
 Prostitusyon
 Drugs
 Away
 Hindi lahat naglilinis kahit na may “Tapat ko, Linis ko”
 Menor de edad na nagkalat
Matapos makapagbahagi, tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga sumusunod na
katanungan:
1) Mayroon bang hindi malinaw sa mga nabanggit?
2) Sumasang-ayon ba sila o hindi sa mga impormasyon? Bakit?
3) May idadagdag pa ba o may gustong palalimin sa mga nabanggit?
Mga Kailangan: Metacards, marker, masking tape, manila paper
Ikalawang Sesyon (1 hr)
Unang bahagi:
Matapos mapatunayan o mabalida ang mga impormasyon, sa sesyong ito tutukuyin ng
mga kalahok kung alin sa mga suliranin ang nais bigyang tuon. Bibigyan ng tig-5 shapes
(5- heart, 4- cloud, 3-triangle, 2-square, 1- circle). Bibigyan ng 5 minuto ang bawat
kalahok na mag-isip kung alin sa mga suliranin ang kanilang prayoridad. Mas mataas ang
value, mas mahalaga.
Ikalawang bahagi:
Pagkatapos ng ranking, ang top 3 na suliranin ang ipapadaloy para sa pag-uugat ng
problema. Ipapamahagi ang problem tree template sa bawat grupo. Ang mga kalahok ay
hahatiin sa 3 grupo. Tutukuyin ng mga kalahok ang ugat at bunga ng bawat isyu.
Pagkatapos ng 15 minuto, ibabahagi ng bawat grupo ang kanilang problem tree.
Pagkatapos ng presentasyon ng bawat grupo, ipapadaloy kung mayroong gustong
idagdag o kung may hindi sinasang-ayunan.
Mga kailangan: Hearts, manila paper, marker, manila paper, masking tape
Ikatlong Sesyon (45 min)
42
Sa sesyong ito, tutukuyin ng mga kalahok ang maaaring gawin sa bawat suliraning
natukoy. Tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga sumusunod na tanong:
1) Paano nakikitang solusyunan ang mga suliranin? Ano ang kabaliktaran ng mga
nabanggit na ugat at bunga?
Ang nabatid na problema ay _____________ kung kaya‟t ang naiisip namin na solusyon
ay ___________ dahil gusto naming makamit ang __(kabaliktaran ng problema)__.
Mga kailangan: Manila paper, marker
Overall Synthesis:
Mahalaga ang pagtukoy ng problema at pagpaplano ng isang organisasyon ng mga
programa at aktibidad. Mas masaya at maganda itong gawin ng sama-sama para
mapakinggan ang opinyon ng bawat isa at makarating sa iisang solusyon na
sinasang-ayunan ng lahat.
Program of Logistics and Expenditures
Item Quantity Unit Price Total Remarks
Manila
Paper
3 pc 6 php 18 php To be
acquired
Construction
Paper
1 rim 120 php 120 php To be
acquired
(Avia)
Masking
Tape
1 pc 50 php 50 php To be
acquired
Marker 3 pc 27 php 81 php To be
acquired
(Pilot)
Snacks 13 pack 20 php 260 php To be
acquired
Scissors 1 pc - 529 php On hand
43
Annex D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016
22 February 2016
7:30 - 9:30pm
Health Center, Bulacan Heights
Unang Talakayan Kasama ang Association of Motivated Youth (AM Youth)
Preliminaries (15min) Tagapagpadaloy: Rose, Cheska, Caith
Pagpapakilanlanan
Magpapakilala ang mga myembro ng AM Youth at ang mga estudyante ng UP.
Babanggitin nila ang kanilang pangalan, at sasagutin ang tanong: ano ang iyong naging
paborito o hindi malilimutang aktibidad na isinagawa at nilahukan ng AM Youth? Bakit?
Ang nais na makamit pagkatapos ng diskusyong ito:
Matasa mga aktibidad at programa ng AM Youth simula nang ito‟y maitatag:
 Matukoy ang mga naging gawain at programa ng AM Youth at malaman
kung ano ang naging positibo at negatibong dulot ng bawat gawain.
 Malaman ang naging hamon at naging solusyon na ginawa ng mga kalahok
sa bawat gawaing nilahukan at pinadaloy.
ICE BREAKER (20mins)
Kabataan Liga Maj
Bata
Children
Child
Marami
Kayo
Tayo
Basketball
Maj
Jonna
Pen
Court
Homie
Tulok
UP
Maliit
Cute
Student
Perya Pag-ibig Droga
Baliwag
Viking
Ferris Wheel
Sugal
Color game
Karaoke
Pagmamahal
February
Puso
Forever
Bitter
Hugot
Marijuana
Juts
Weed
MJ
Shabu
Bato
Masama
Videoke Tambay Eleksyon
Kanta
Perya
300
Maura
Eros
Lyrics
Inuman
Katuga
Block
Out-of-School Youth (OSY)
Walang Magawa
Bored
Mayor
Munisipyo
Youth Coordinator
Boto
Dapat Tama
Kabataan
Rehistro
44
Unang Sesyon (1 hour)
Unang bahagi:
Ang mga kalahok ay hahatiin sa grupo na binubuo ng tatlo hanggang apat na tao.
Bibigyan ng tatlong minuto ang bawat grupo upang isulat sa metacards ang mga naalala
nilang aktibidad at programa na nilahukan at ipinadaloy nila simula ng sila ay nabuo.
Ididikit ito sa timeline na nakapaskil sa harap. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang
kinatawan upang magkwento tungkol sa nakaatas na aktibidad.
Ikalawang bahagi:
Sa ikalawang bahagi, gagamit ng template ang mga tagapagpadaloy upang tukuyin kung
alin sa mga aktibidad ang maituturing na matagumpay, sakto lang at hindi nagtagumpay.
Kategorya Aktibidad Positibong Epekto
(+)
Negatibong Epekto
(-)
Matagumpay
Sakto lang
Hindi
nagtagumpay
Tatanungin ng tagapagdaloy ang bawat grupo kung bakit sa tingin nila ang mga aktibidad
ay naging matagumpay, sakto lang o hindi nagtagumpay. Tatanungin din kung ano-ano
ang naging positibo at negatibong epekto ng bawat gawain sa kanila, sa samahan at sa
pamayanan ng Bulacan Heights.
Mga Kailangan: Metacards, marker, masking tape, manila paper
Ikalawang Sesyon (1 hr)
Bibigyan ang bawat kalahok ng manila paper kung saan tutukuyin nila ang naging
hamon at solusyon sa bawat aktibidad na naidaos simula nang sila ay mabuo. Ang bawat
grupo ay bibigyang 10 minuto upang magbahagi. Kung sakaling walang naging solusyon,
JUNE JULY AUGUST
SEPTEMBER
OCTOBER
NOVEMBER
DECEMBER
JANUARY
FEBRUARY
45
tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga kalahok kung bakit hindi nagawang solusyonan
at kung ano ang nangyari.
Mga kailangan:,marker, masking tape, manila paper
Pangkahalatang Paglikom:
Mahalaga ang pagkakaroon ng assessment sa bawat gawaing nilalahukan at
ipinatutupad sapagkat sa matutukoy kung nakamit ang layunin ng mga aktibidad na
ito.Sa pamamagitan nito mapagkukunan ng mga aral na maaaring maging gabay para sa
mga susunod pang aktibidad na nais idaos. Sa ganitong paraan, mas malalaman kung
naging kapaki-pakinabang ang bawat aktibidad at nang sa gayon mas maaari itong
mapagbuti sa hinaharap.
Program of Logistics and Expenditures
Item Quantity Unit Price Total Remarks
Manila
Paper
11 pc 6 php 66 php To be
acquired
Masking
Tape
1 pc 50 php 50 php To be
acquired
Marker 3 pc 27 php 81 php To be
acquired
(Pilot)
Snacks 20 pack 10 php 200 php To be
acquired
Scissors 1 pc - 529 php On hand
46
Annex E - Documentation 1st FGD AMBUH
Pagtukoy ng mga Suliranin ng AMBUH: Isang Diskusyon
February 20, 2016
Heath Center
8:15 PM
Pagpapakilala ng mga lider at mga estudyante
Attendance:
Me Ann-President
Rowena-V. President
Manding-Sgt. At Arms
Maura-Treasurer
Amalia-PRO
Maria-BHW
Amy-Health Committee Head
Prayer na pinangunahan ni Ate Me ann
Introduksyon at pagpapaliwanag ng gawain ng FIP
Pagtatanong sa bawat isa ng “Ano ang AMBUH ngayon at AMBUH sa hinaharap?”
Maura Tuason: Wala lang ngayon pero ito ay aangat.
Mary Ann Juaninllo: Nagsusumikap ito ngayon at sa hinaharap ay lalo pang
magsusumikap.
Armando: Ngayon ay tuon sa pngangailangang ng AMBUH at sa hinaharap ay
sosolusyunan ang isyu sa prostitusyon. Diretso dapat.
Amalia: Ngayon ay walang samahan na naging samahan; may ginagawa pero hindi pa
lahat ay naipapatupad. E.g. Eskwelahan, lambat simbat sa hinaharap naman ay nais
tuunan ng pansin ang kapayapaan.
Rowena: Ngayon ay marami nang nagawa pero mas marami pang magagawa sa
hinaharap sa kabila ng pagiging abala.
8:45 PM Pagbabahagi ng mga Layunin
47
Unang Sesyon: Pag-validate ng mga suliranin sa loob ng organisasyon at
komunidad
Pang-organisasyon:
Amalia: Walang gana magtrabaho dahil wala namang sahod ang mga lider. Pero ito ay
alam na sa umpisa pa lamang na walang sahod kaya dapat y hindi sila nagrereklamo.
Boluntaryo ito ng gawain.
Tama na ang mga committee head lamang ang nagtatrabaho, tulad na lamang
environmental committee. Inihahalintulad kasi ng mga miyembro ng komite ito sa 4ps na
programa na parang cash for work.
Sa livelihood naman ay hindi aktibo, pero ang health at environment na komite ay may
oplan kalinisan na tinulungan ng guradians dahil ang 4ps cleaners ay iniwan sila.
Bilang kabataan ay dapat nakikipag ugnayan sila sa mga kabataan na biktima ng hindi
magagandang gawain tulad na lamang ng prostitusyon at droga.
48
Pang-komunidad:
Amalia: Ang prostitusyon ay totoo pero ang lugaw girls ay hindi na na yan totoo. Dahil
ang mga babaeng miyembro niyan ay maraming gamit sa bahay. Hindi lahat ay bente
bente lamang. Pinakamababa na ang 100 pesos, may mga bumabale o umuutang. Yung
mga driver din sa toda ang kumukuha ng mga prosti. Sugal at drugs ay marami rin ang
kaso dito. May mga nahuhuli ang pulis at hindi pa nakakalaya ang mga ito.
Minsan sa mga lalaki rin ang problema, mga hayok sa laman at 13 yrs old lamang ang
mga kinukuha. Nagkakaroon ng mababang pagtingin sa amin na mga taga BH, akala nila
lahat ng babae dito ay mura lamang kahit na ang iba ay hindi naman sangkot o kasapi sa
ganitong kalakaran. Nagaglit kami sa mga tao kapag nakakrinig kami ng ganito at aming
pinagtatanggol ang aming mga sarili.
49
Me Ann: Kung ano ang mga problemang kinakaharap ng Bulacan Heights ay sigurado
naman ako na . talamak din ang ganitong problema sa ibang komunidad o barangay.
(prostitusyon, droga at mga magnanakaw. Ito na lamang ang kaniyang mga sinasabi sa
mga mababa ang tingin sakanila.
Ang mga nagiging dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganitong gawain ay walang
makain, walang pera at walang trabaho.
Taga BLK 21 LT 3 ang bugaw at promotor ng gawain na ito. Ang isyu naman kapag
binangga ang ganitong gawain o pinagkakakitaan ang kanilang isasagot lamang ay “Bakit?
Bibigyan mo ba kami ng bagong gawain?”
Mga Hadlang kung bakit ito hindi maitigil
Prostitusyon
Ang bigyan ng pang araw-araw na kakainin ay hindi naman magagawa. Kung skills
naman sa pag gawa ng bag ay matagal ang kita mas mabilis ang prostitusyon kumbaga
instant money ito para sakanila. Mabilis na nga nasarapan pa. Nawala ang pokus sa
prostitusyon noon at hindi rin napag-usapan sa mga nakaraang meeting. Nahihirapan
ding alamin kung ano ang solusyon. Noong nakaraang Jan. 31, mayroong tatlong
magulang na nagreklamo kaya nagpunta sa munisipyo noong nakaraang unang linggo
ng February.
Droga
Yung mga nahuli ay hindi pa nakakalabas at naging hamon din para sa asosasyon na
gawan ng aksyon tulad ng pagbulgar sa mga gumagamit ng bawal na gamot dahil
maaaring malagay sa panganib ang kanilang mga buhay.
Domestic Violence
Marami ring kaso sa loob ng buwan na natatanggap ni ate Me-ann.
Kalinisan
Hindi lahat ay naglilinis at ang iba ay makalat dahil humahangin ang kalat papunta sa
harapan ng kanilang mga bahay.
50
Mga Kabataang Nagkalat
Nagroronda o umiikot ang mga naka-green na volunteer at sinusuyod nila ang buong
lugar para suwayin at pauwiin ang mga bata. Kung minsan dinadala sa mga barangay
ang mga bata pero pinapauwi rin.
Tulong na Natatanggap sa Barangay
Canal wala Rumeresponde ang barangay kapag may mga
away
May nag-iikot na tanod Nagkaroon ng clean up drive para sa dengue
outbreak
Sa kaso ng sugal, nagpapatulong ang
barangay sa AMBUH
Galing sa munispyo ang mga truck na
nangongolekta ng basura
Wala aksyon sa kaso ng prostitusyon Nagpapadala ng BHW
Sa kaso ng droga, may ginagawa pero
di aktibo
Sumasama sa paglilinis ang mga konsehal
Ikalawang Sesyon: Ranking ng mga Isyung Natukoy
51
Prostitusyon
Drugs- Importante dahil kung wala ito walang prostitusyon
Sugal
Kanal
Menor de Edad
Di Aktibo
Komite
Mga Away
Amalia: Mahirap gawan ng solusyon dahil ang may-ari mismo ng katawan ay ayaw
iwanan ang trabaho. Ang isyu naman ng droga ay hindi dapat balewalahin dahil marami
ang nabibiktima.
Vice-Pres: Prostitusyon ang pinakatuon dahil nakaka-alarma ang pagtingin ng mga
taga-labas sa mga batang babae ng Bulacan Heights. Nakaka-alarma rin ang drugs dahil
maaaring madamay ang mga anak.
Ka Manding: Gobyerno ang may kasalanan, talamak ang drugs pero di masupil.
Ate Me-ann: Nakaka-alarma ang prostitusyon. Kapag napagalitan ng magulang,
malakas ang loob na may mapupuntahan. Nakikita na nakakaimpluwensya ang perang
kinikita at nakakaalarma na pabata ng pabata ang mga babae. May kakulangan sa
kamalayan at naaabuso ang karapatan.Sa kaso ng droga, walang pakialam kung bata o
matanda ang customer.
Maria: Kasalanan ng gobyerno. Siguradong mayroong nagtatago sa kanila at
nakakatakot magreport dahil hindi alam kung sino ang tuwid.
52
Napansin na mas pang-komunidad na isyu ang gustong tuunan ng pansin ng mga
opisyales dahil ang pang-organisasyon na isyu ay napag-uusapan naman sa loob ng
samahan. At ang isyu ng pagiging hindi aktibo ay nag-ugat sa iba‟t ibang dahilan; nasa
probinsya ang iba, may trabaho at may gampanin ang iba.
Ikatlong Sesyon: Problem Tree at Solution Tree
Hinati sa dalawang pangkat ang mga kalahok at binigyan ng ilang minuto upang
ugatin at tingnan ang epekto ng dalawang pangunahing isyung tinukoy: ang droga at
prostitusyon.
53
Sa Isyu ng Droga
Tinitingnan na ang isyu ng droga ay isang pang-nasyunal na problema. Sa pagsugpo nito,
nakikita na malaking alalalahanin ang seguridad. Nakikita na patuloy na makipag-ugnay
sa ahensya ng gobyerno, magsagawa ng seminara sa droga.
“Ang nabatid na problema ay droga. Kung kaya’t ang naiisp namin na solusyon ay
counseling, seminar, coordination sa ahensya dahil gusto naming makamit ang kaayusan,
matiwasay at payapang pamumuhay.”
Sa Isyu ng Prostitusyon
Putulin ang ugat, nakikita na gobyerno ang solusyon sa prostitusyon. Nakikita na bigyan
54
ng mga trabaho ang mga nasasadlak sa prostitusyon at magkaroon ng counseling.
“Ang nabatid na problema ay prostitusyon. Kung kaya’t ang naiisip naming solusyon ay
counseling dahil gusto naming makamit ang mabuksan ang isip na maghanap ng tunay
na trabaho at malaman ang magiging epekto nito sa kanilang pamilya, komunidad.”
“Ang nabatid na problema ay prostitusyon. Kung kaya’t ang naiisip namin na solusyon ay
magbigay ng trabaho dahil gusto naming makamit ang marangal na pamumuhay at
maayos na pamilya.”
Paglikom
Amelia: Mahirap gawan ng solusyon dahil ang mismong may-ari ng katawan ay ayaw
magbago. Talagang tao ang makakapagpasya.
Ka Manding: Walang perpekto sa mga Filipino
Me-ann: Counseling, Seminar at coordination sa pamahalaan. Magkaroon ng kamalayan
ang mga hindi pa nalululong sa droga at prostitusyon.
Madaling matukoy ang problema subalit hindi ang solusyon. Magandang mapag-usapan
ito kasama ang mga block leaders.
10:06 pm END
55
Annex F - HOA Letter
Ika-2 ng Marso, 2016
Igg. Arnel F. Mendoza
Punong Bayan
Bustos, Bulacan
Minamahal na Punong Bayan:
Ang Asosasyon ng Mamamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH) ay isang
organisasyon na binubuo ng mga residente sa Bulacan Heights na matatagpuan
sa Barangay Catacte, Bustos, Bulacan. Layunin ng Asosasyon na mapaunlad ang
Bulacan Heights bilang isang matatag, mapayapa, malinis, at progresibong
pamayanan at ang mga mamamayang naninirahan rito ay maging maka-Diyos,
makatao, may paninindigan, makakalikasan at may malasakit sa kapwa.
Kaugnay nito, ang Asosasyon ay kasalukuyang inaasikaso ang mga
kinakailangan sa pagrehistro sa Housing and Land Use Regulatory Board
(HLURB). Kami po ay lumalapit sa inyong tanggapan upang mabigyan kami ng
kopya ng mga sumusunod na dokumento na kinakailangan sa pagrehistro:
• Katibayan na ang AMBUH ang kinikilalang organisasyon o samahan sa
Bulacan Heights.
56
• Masterlist ng mga residente mula sa Local Housing officer
• Blueprint, whiteprint o photocopy ng subdivision plan mula sa Local
Government
Unit (LGU) with stamp
Malugod po naming inaasahan ang inyong positibong pagtugon sa liham na ito.
Maraming Salamat po at pagpalain kayo ng Diyos.
Lubos na Gumagalang,
Mary Ann Juanillo
AMBUH President
57
Annex G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016
March 3, 2016
2031H
Attendees: Ate Maura, Audi Gerry, Ate Marlyn (Sgt at Arms), Ate Meann
-di daw kasama si vice sa beneficiaries: pinili nya ang 4Ps
Microlending definition (unang naiisip pag naririnig nyo ito)
-Maliit na dagdag puhunan (Ate meann)
-Pautang (Ate meann)
-Puhunan (Audi Gerry)
Ate meann: Dati naexperience kong mautang sa 5/6 500 tas balik 600 (mga after 2
weeks): puhunan ko ay galing sa 5/6. Ayoko na mag renew. No choice ako magrenew
kasi di makapagbayad. Malaki ang interest.
Ate marlyn: Hanggang ngayon baon parin sa 5/6 (may 5/7), nakakabaon sa utang talaga.
Sa cooperatiba. Sa card. Kaso nung nabuntis ako nahinto. Maganda siya kasi kapag
naaksidente ka, may bigay din sila. Insurance.
Ate maura: Konti lang ang tubo nung akin: 5%. Nung naoperahan anak ko.
Kuya Gerry: Utangan namin ay puro sa gobyerno. Loan.GSIS.
Gano karami ang myembro ng card? Galing baliwag pa yun. Di na nagrenew kasi nga
nabuntis tas winidraw ang savings. Nung babalik na dapat ako, di na ako makabalik kasi
winidraw na ang savings. Kahit sino pwede sumali pero dapat may tindahan. 3 months or
4 months lang namatay siya, 35,000 ang nabigay sa kanya.
Bakit microlending ang programa? Kayo ang nag isip?
-sila konsi j ang nagsuggest, KPK kasi ito ang ginawa nila para makatulong sa mga
mamumuhunan dito
- ang gusto talagang mangyari nyan, 10k sa bawat beneficiary, kapag kukunin namin ang
10k para samin lang, parang di namin iniisip ang ibang mga block leader na hindi
nakapangalan dun? Pano sila makikinabang? Kelangan naming bigyan ang iba na dapat
makautang pa.
After 1 year, dapat ibabalik na sa kanila. Yung 5% na ang ipapaikot.
-kung meron silang negosyo, edi gamitin nila yung puhunan.
-pano nyo nakikitang makakatulong to sa samahan?
58
Kasi nangungutang sila sa mas malaki ang tubo, kapag 5% lang galing sa amin, mas
di sila mabibigatan tas may pondo pa kami, may savings. May pakinabangan ang
asosasyon.
2% sa asosasyon, 2% sa beneficiary, 1% balik sa kanila
2% sa 3000 or 40%
Role ng bawat isa?
Halimbawa tatlo sila mangungutang, so silang tatlo ang mangangasiwa sa
paghuhulog ng bawat isa. Bumuo muna ng tatlong grupo para makautang.
Magtatalaga parin ba ng sariling grupo ng AMBUH na tagasingil, etc?
Beneficiary din ang maniningil kung san siya nagpautang
Criteria:
Kelangan magbabayad
KElangan depende sa itsura at pagkatao.
Merong magaling mabuladas.
Kelangan may trabaho.
Kelangan ba sabihin yung purpose ng pag utang.
Ano ang priority?
First come, first serve: mahirap kasi yung pag may tinanggihan ka
Ako hindi: may mga taong magagalit sakin. Hindi dahil kachika chika ko na siya,
pauutangin ko na yun. Mas papautangin ko yung para sa livelihood, kesa sa pang
aral.
Pano yung pagbabayad?
Hulugan sa 3 months. Mahirap pag isahan lang. Mabibigatan sila.
Pano kung di nakapagbayad?
Isang grupo, di marerelease or renew yung dalawa kung di nakakapgbayad ang isa.
59
So halimbawa ako beneficiary, pwedeng 2 lang ang papautangin. Pwede manghiram ang
beneficiary. Papaikutin ang sobrang 1k. Kung sakali man, pwede naman manghiram ng
less than 3k.
Collateral? Sabi ni konsi j, pano yung salitang pagtulong sa kanila? Walang collateral.
Tatlong libo lang naman yun. Baka mapuno yung gamit samin. Depende sa mapag
uusapan. Masasagot to pag nandito ang 27 beneficiaries. Oo tama, officers kami pero di
lang dapat kami ang magdesisyon dyan. Dapat lahat ng beneficiaries.
Bubunot ba ulit ng beneficiary next time?
Diba natapos na ang isang taon, syempre nandun pa yung pera na yun. Para sakin,
yun padin pag may dumating na panibagong ganun, hindi na tayo makakasama kundi
ibang kasama nating block leader.
Para sakin, papalitan lang ang di magaling magpautang.
27 tayo. Tapos ako hindi ako ok magbayad, ibigsabihin pwede akong palitan ng ibang
block leader. E pano kung wala ng perang nabalik? Ang sabi ni konsi j dun, kahit isa lang
ang nasira, at least may 26 pa. Pero kelangan mabayaran muna yung pera bago
mapalitan.
Halimbawa tutubo ng 10000 sa isang taon, e di pipili na tayo ng bagong blockleader
(magdagdag) hindi papalitan siguro.
Hanggang kelan nyo po papayagang magrenew ang isang borrower?
Hangga‟t kaya nyang kumuha/magbayad. Hanggat good payer tuloy tuloy. Kapag nag
rerenew, pataas ng pataas yun.
Posible naman bayaran ang 3000 sa loob ng 3 months.Lalabas na 30 pesos a day.
Rose: input about micro lending Ibat ibang uri ng micro lending
Mas safe ang group lending kasi mas nakakapressure sa mga tao, dapat sabay sabay
sila magbayad upang makaulit.
Types of Colateral, etc.
Sa loob nga ng isang taon, hindi nga kami nakakakuha. Inaasahan lang natin yung galing
sa tiangge.
60
Kunyari di nakapagbayad? Kakausapin talaga namin sila. Tutal dito lang talaga sila
nakatira. Sa policy naman yun lilitaw. May membership fee bago mangutang (100)
Paano masisiguro ang transparency and accountability?
Magkakapassbook yung bawat mangungutang.
Bunot ng antoher block leader para sila ang makikinabang sa tubo sa isang taon, pero
ang officers ay permanent na beneficiary maliban nalang kung magkakaroon ng
eleksyon,
Pag-isipan natin ng mabuti kung ano ba talaga ang criteria ng manghihiram, at polisiya:
Kasi baka mababaon lang lalo sa utang
Pwedeng may regular na trabaho, pwedeng may tindahan, o gagamitin para puhunan sa
livelihood.
Naisip ng iba kong kasamahan: pag kami, siyempre di namin sisrain yan. Kami kasi yung
haharap sa munisipyo. Kami ang masisira kung sakali. Kaya namin to ginawa para
magkaroon ng source of fund ang AMBUH. Ang gusto kasi mangyari ng munisipyo ay
hindi sosolohin ang 10,000.
Kelan po ba dadating ang pera? Nasa sangguniang bayan palang.
Elmer: Option namin yung printer at photocopy na uutangin sa 10,000. Simulan sa maliit.
Printer na may scanner. Malakas kasi talaga yun.
2130H end of meeting
61
Annex H - FGD Microlending
Focus-Group Discussion sa Micro-lending
AMBUH
March 3, 2016
PRELIMINARIES
* Nakapaskil sa pisara ang freedom wall kung saan malayang magpaskil ang mga
kalahok ng kanilang pagtingin sa kung ano ang micro-lending.
PANIMULA
Sisimulan ang pagpapakilala ng mga kalahok sa pagbabahagi ng karanasan sa
micro-lending.
PAGBABAHAGI NG MGA LAYUNIN
Malaman ang kanilang pagtingin at pagkakaunawa sa micro-lending
Malaman ang kanilang inisyal na desisyon kung posible ba ang micro-lending
bilang lik kayang programang pangkabuhayan (SLP)?
UNANG SESYON
Sa sesyong ito matutukoy ang pagkakaunawa ng mga kalahok sa kung ano ang
micro-lending. Para sa unang bahagi, tatanungin ang mga kalahok kung bakit
micro-lending ang naisip na gawing proyektong pangkabuhayan at kung ang puhunan na
gagamitin ay pautang na dapat bayaran. Kung ito ay utang, kailan ito dapat bayaran?
Babalikan ng tagapagpadaloy ang kasagutan na ibinahagi ng mga kalahok (Elaborate
freedom wall). Batay sa kanilang pagpapakahulugan sa micro-lending at sa kanilang
naging karanasan na ibinahagi, tatanungin ang mga kalahok sa kung papaano nila
nakikita na makakatulong ang proyektong ito sa kanilang samahan? Anong
pangangailangan ng samahan na tutugunan ng micro-lending?
Para sa teknikal na aspeto ng micro-lending, ang mga sumusunod ang magiging
katanungan:
62
Magkano o ano ang porsyento ng halaga ng kikitain? Sa 5 % na interes, ito ba ay
40% para sa AMBUH, 40% para sa nagpautang , 20% para sa nangutang?
Ano ang mekanismong ipapatupad o sa papaanong paraan gagana o tatakbo ang
micro-lending?
- Ano ang magiging tungkulin ng bawat isa?
- Peer to peer na uri ba ng micro-lending ang ipatutupad o buong samahan ang
magpapatakbo- may itatalagang pangkahalatang tagapamahala?
Ano ang sistema o polisiyang kanilang ipapatupad upang mapatakbo ng maayos
ang micro-lending?
- Magtatalaga ba ng standards o criteria ng mga manghihiram? (e.g. kumikita,
dahilan ng pag-utang)
- Sa loob ng 3 months na pagbabayad (ito ba ay hulug-hulugan o isang buong
pagbabayad)-Repayment Scheme (Collection frequency at magkano?)
- Paano kapag hindi nakabayad? Magtatalaga ba ng collateral o guarantee?
- Papaano maniningil? At tuwing kailan? (Collection schedule)
- Papaikutin ba ang pera? Magkakaroon ba ng bagong bunutan ng benepisyaryo?
INPUT
Kahulugan sa Micro-lending
Ang Micro-lending ay tinatawag rin na micro-credit. Ito ay isang:
- Income-generating na programa. Nagpapahiram ng pera sa mga mahihirap para
magkaroon ng kabuhayan (Microcredit Summit of 1997).
- Poverty-reduction na programa. Nagbubukas ng oportunidad para sa mga mahihirap
upang maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan.
63
Istruktura ng Micro-lending
Uri ng Micro-lending
Individual lending- nakapokus sa isang kliyente at hindi inoobliga ang
mga tao na magbigay ng collateral o guarantee.
Group lending- kilala rin sa tawag na solidarity lending. Pinapayagan
ang bawat indibidwal na magkaroon ng collateral sa pamamagitan ng
group repayment pledge. Yung ibang pamamaraan sa ilalim ay
gumagamit ng joint liability scheme.
Uri ng Collateral
Real Property- land and real estate
Movable property- vehicle, machinery, equipment. Kadalasan
nagtatalaga ng movable collateral registry upang tukuyin kung ano
lamang ang maaaring tanggapin na uri ng movable property.
Kritismo sa Micro-lending
Prone na unahin muna ang pagtugon sa pangunahing
pangangailangan kaysa sa enterprise kaya maraming nababaon sa
utang.
Maaaring lalong mabaon sa utang ang mga manghihiram kung hindi
nakapagbayad. Humihikayat ang micro-lending na mangutang ang
mga mga mahihirap sa loan sharks (ODI, 2011).
Mataas ang interest rates para sa mga mahihirap (ODI, 2011).
Ang may access lang ang may kakayahan na magbayad o yung may
collateral.
Isyu ng lending costs (administrative cost, educating borrowers,
compensating defaulted loans)
64
IKALAWANG SESYON
Sa sesyong ito, ipapa-kompyut sa mga kalahok ang posibleng kitain sa proyektong
ito sa loob ng 3 buwan at isang taon. Pagkatapos, tatanungin ng mga tagapagpadaloy
ang mga sumusunod na katanungan:
Kung ito ba ang halaga na kanilang inaasahang kitain?
Paano makasisigurong hindi malulugi? Ano ang mga pamamaraang gagawin
upang hindi malugi kung sakaling hindi nakapagbayad sa itinakdang panahon ang
mga manghihiram?
Kung si benepisyaryo ang itatalagang taga-singil, paano masisigurong
transparent at accountable ang bawat transaksyon?
Pagkatapos, tatanungin ang mga kalahok kung binabalak pa ba nilang ituloy ang
micro-lending kung ibabatay sa kikitain, puhunan at kakayahan ng bawat isa?
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper
CD 181 Final Paper

More Related Content

Similar to CD 181 Final Paper

Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
MARY JEAN DACALLOS
 
Ap cg
Ap cgAp cg
Araling panlipunan curriculum guide
Araling panlipunan curriculum guideAraling panlipunan curriculum guide
Araling panlipunan curriculum guide
Badong2
 
AP Curriculum Guide
AP Curriculum GuideAP Curriculum Guide
AP Curriculum Guide
Mae Gamz
 
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdfAraling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
MingSalili
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
南 睿
 
Ap cg
Ap cgAp cg
Ap cg
Ap cgAp cg
Ap cg!
Ap cg!Ap cg!
Ap cg!
Mardy Gabot
 
ART WHOOOOO
ART WHOOOOOART WHOOOOO
ART WHOOOOO
ArtJanSayson
 
AP-CG.pdf
AP-CG.pdfAP-CG.pdf
AP-CG.pdf
Benjamin Gerez
 
Ekonomiks lm yunit 1
Ekonomiks lm   yunit 1Ekonomiks lm   yunit 1
Ekonomiks lm yunit 1
SantosTeresa
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
setnet
 
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.pptMakabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
evelynLUMANDO1
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
MarilynGarcia30
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
andrelyn diaz
 
Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2
danbanilan
 

Similar to CD 181 Final Paper (20)

Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
 
A.p
A.pA.p
A.p
 
Ap cg
Ap cgAp cg
Ap cg
 
Araling panlipunan curriculum guide
Araling panlipunan curriculum guideAraling panlipunan curriculum guide
Araling panlipunan curriculum guide
 
AP Curriculum Guide
AP Curriculum GuideAP Curriculum Guide
AP Curriculum Guide
 
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdfAraling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
Ap cg
Ap cgAp cg
Ap cg
 
Ap cg
Ap cgAp cg
Ap cg
 
Ap cg!
Ap cg!Ap cg!
Ap cg!
 
ART WHOOOOO
ART WHOOOOOART WHOOOOO
ART WHOOOOO
 
AP-CG.pdf
AP-CG.pdfAP-CG.pdf
AP-CG.pdf
 
Ekonomiks lm yunit 1
Ekonomiks lm   yunit 1Ekonomiks lm   yunit 1
Ekonomiks lm yunit 1
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
 
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.pptMakabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
Makabansa-and-AP-Presentation-Bagong-Pilipinas.ppt
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
 
Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2
 

CD 181 Final Paper

  • 1. Tanaw na AMBUHkas! : Pagkakapit-bisig Tungo sa Dahan-dahang Pag-unlad ng Pamayanan
  • 2. Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan Departamento ng Pagpapaunlad ng Pamayanan Tanaw na AMBUHkas!: Pagkakapit-bisig Tungo sa Dahan-dahang Pag-unlad ng Pamayanan Bahan, Rosemarie Christ A. Laguesma, Caithline Bo A. Maderal, Lusha Francesca D.
  • 3. ABSTRAK Sa pakikipagtuwangan ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapa-unlad ng Pamayanan sa Pamahalaang Bayan ng Bustos, ang mga mag-aaral ay nadestino sa Bulacan Heights, Bustos Bulacan bilang bahagi ng Field Instruction Program (FIP) ng Departamento ng Pagpapa-unlad ng Pamayanan. Sa pangkahalatan, nilalayon ng programa na maiugnay ang teorya at praktika sa gawain ng pagpapa-unlad ng pamayanan. Layunin naman ng programa sa Bustos na tumukoy ng mga istratehiya sa pagpapa-unlad ng pamayanan sa konteksto ng pampamayanang pamamahala. Layunin ng papel na ito na maipakita ang ginawang pagsusuri sa proseso ng pag-unlad na pinagdaanan ng Asosasyon ng mga Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH), ang katuwang na samahan sa Bulacan Heights. Naglalaman ito ng pagsusuri sa kasalukuyang estado ng AMBUH kabilang ang istruktura at praktika ng samahan batay sa kanilang Constitution at By laws at ng mga gawaing isinagawa ng FIP sa buong proseso ng gawaing fieldwork sa Bulacan Heights. Nilalayon din ng papel na ito na magbigay aral at inspirasyon sa gawaing pagpapa-unlad ng pamayanan partikular sa pag-oorganisa at pagpapalakas ng samahan.
  • 4. Talaan ng mga Nilalaman I. Introduksyon.................................................................................................................1 A. FIP Program.........................................................................................................1 a. Ang FIP Program ...........................................................................................1 b. Mga Layunin ng FIP.......................................................................................1 c. Pamahalaang Bayan ng Bustos .....................................................................2 d. Mga Layunin ng Katuwang na Ahensya .........................................................3 B. Konteksto.............................................................................................................3 a. Bustos............................................................................................................3 b. Bulacan Heights (BH) ....................................................................................4 c. Asosasyong ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH)..........................5 II. Timeline ng mga Nakaraang Integration Papers..........................................................6 III. Mga Gawain sa Pag-oorganisa ..................................................................................8 Unang Yugto ng Gawaing Fieldwork.........................................................................8 Ikalawang Yugto ng Gawaing Fieldwork ................................................................. 10 IV. Istratehiya sa Pag-oorganisa.................................................................................... 12 V. Balangkas na Konsepto ............................................................................................ 17 VI. Pagsusuri................................................................................................................. 20 VII. Mga Aral na Natutunan ........................................................................................... 21 VIII. Rekomendasyon.................................................................................................... 28 IX. Repleksyon.............................................................................................................. 30 X. Annex/es................................................................................................................... 37 Annex A - Interview Guide AMBUH Pamunuan ...................................................... 38 Annex B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016...................................................... 38 Annex C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016 ..................................................... 40 Annex D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016................................................... 43 Annex E - Documentation 1st FGD AMBUH ........................................................... 46 Annex F - HOA Letter ............................................................................................. 55 Annex G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016................................... 57 Annex H - FGD Microlending.................................................................................. 61 Annex I - Blockleaders Masterlist............................................................................ 65 Annex J - Minutes of the Meeting 16 March 2016................................................... 67 Annex K - Survey Form (Pagiging Aktibo)............................................................... 72 Annex L - Survey Form (Block Meeting) ................................................................. 75 Annex M - Block Leaders FGD Session Guide ....................................................... 77 Annex N - Block Leaders FGD Documentation....................................................... 79 Annex O - Officers Interview 14 Feb 2016 .............................................................. 89 Annex P - Invitation for Commitment Building......................................................... 91 Annex Q - FGD Guide Closeness Building Activity ................................................. 92 Annex R - AMBUH LNCA PLAN ............................................................................. 95 Annex S - Closeness Building Activity Documentation.......................................... 102 Annex T - CD 125 Final Paper.............................................................................. 108 Annex U - CD 161 Final Paper ............................................................................. 127 Annex V - LNCA Documentation........................................................................... 157 Annex W - Mga Kanta........................................................................................... 167 XI. Sanggunian............................................................................................................ 171
  • 5. 1 I. INTRODUKSYON A. FIP Program a. Ang FIP Program Ang Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapapunlad ng Pamayanan ay may Field Instruction Program o FIP na ginaganap sa ikaapat na taon ng programang pang-akademiko ng Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan. Ang FIP ay naglalayong maunawaan at magamit ang mga natutunang teorya at praktika mula sa silid-aralan sa pamamagitan ng paglubog sa mga katuwang na komunidad. Dito ay mas nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-oorganisa at pagpapaunlad ng pamayanan, at mas nakikita nila ang tunay na kalagayan, pangangailangan at hinaing ng mga naisasantabi, naaapi at mahihirap, na dapat nilang mabatid upang mapag-isipan at makamit ang tunay na pagbabago sa lipunan. Ito ay magagawa at mararanasan ng mga mag-aaral sa dalawang semestre ng pakikipamuhay sa mga nasabing komunidad. Habang nahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ganitong larangan at nakakatulong din sa pang-araw-araw na kinakaharap ng bawat mamamayan, natututunan din ng mga mamamayan na palawakin pa ang kanilang kakayahan na harapin at lutasin ang mga problemang kanilang nararanasan sa pang-araw-araw na kinakaharap nila at ng kanilang komunidad. Ito ay ang layunin ng FIP na ipabatid sa mga mamamayan ang kakayahan nilang tulungan ang kanilang mga sarili at ang isa‟t isa sa pagpapaunlad ng komunidad na kanilang kinabibilangan. b. Mga Layunin ng FIP Nilalayon ng FIP na:  Mapaglingkuran ang bansa bilang isang propesyonal ng pagpapaunlad ng pamayanan;  Maisagawa at maiugnay ang teorya at praktika sa gawain ng pagpapaunlad ng pamayanan;
  • 6. 2  Makipamuhay sa mga tao ng pamayanan at maging parte ng kanilang mga buhay;  Makipagugnayan sa mga katuwang sa pag-oorganisa tulad ng mga LGU, NGO at PO. (Garcia, et. al, 2015) Nilalayon ng FIP Team para sa Bustos na:  Makilala ang mga mga istratehiya ng pagpapaunlad ng pamayanan sa konteksto ng pamumuno at pamamahala;  Maipagpatuloy ang mga nasimulang gawain ng mga naunang grupo ng FIP kasama ang mga tao (Garcia, et. al, 2015) ;  Masuri ang kasalukuyang estado ng Asosasyon ng mga Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH);  Makita ang ideyal at aktwal na relasyon ng block leaders at pamunuan na batay sa istraktura at praktika ng samahan; at  Matasa ng Vision Mission at Goals (VMG) kung naisasaisip, naisasapuso at naisasagawa ng AMBUH sa personal at pangsamahan na lebel. c. Pamahalaang Bayan ng Bustos Ang Pamahalaang Bayan ng Bustos ay naging katuwang ng kolehiyo simula pa noong taong 2010 sa pamamahala ni Mayor Arnel Mendoza. Sa pagtutulungang ito nabuo ang kasunduan na kung saan nakasaad na makikilahok at makikipagtuwangan ang kolehiyo sa mga gawain ng lokal na pamahalaan na patungkol sa mapanlahok na pamumuno sa iba‟t ibang sektor sa bayan ng Bustos. (Garcia, et. al, 2015) Sa kasalukuyang semestre, inaasahang matulungan ng mga mag-aaral ang AMBUH sa kanilang mga gawain, lalung-lalo na sa pagpaplano at paghahanda para sa pagpapatupad ng kanilang proyektong microlending, at sa pagtulong sa mga pinakailangang gawin upang maisapormalisa ang samahan bilang isang ganap na Homeowner‟s Association (HOA) sa Bulacan Heights (BH).
  • 7. 3 d. Mga Layunin ng Katuwang na Ahensya Nilalayon ng Pamahalaang Bayan ng Bustos na matulungan ng mga mag-aaral ang AMBUH sa:  Pagpapadaloy ng pag gawa ng polisiya at mekanismo sa pagpapatupad ng microlending project;  Pagpapadaloy ng pagsasapormalisa ng samahan bilang isang ganap na HOA at/o samahan sa BH; at  Pagbabalik sigla sa mga block leaders B. Konteksto a. Bustos By Mike Gonzalez (TheCoffee) - English Wikipedia, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=476818 Isang semi-urban na lokalidad na matatagpuan sa ikatlong distrito ng Bulacan. Napapalibutan ito ng mga bayan ng Baliwag, San Rafael, Plaridel, Angat at Pandi. Tinatayang 6,999 ektarya ang lawak ng Bustos subalit ito ang tinuturing na pinakamaliit sa lahat ng bayan. Mayroon itong 14 na barangay. Walo (8) dito ang agrikultural: ang Cambaog, Talampas, Malamig, Catacte, Malawak, Liciada, Buwisan at Camachilihan at anim naman ang maituturing na komersyal: ang Poblacion, Tanawan, San Pedro, Bonga Menor, Bonga Mayor at Tibagan.
  • 8. 4 Matatagpuan dito ang Angat River na pinagkukunan ng irigasyon ng Bustos at pinagkukunan din ng kuryente ng Maynila gamit ang Bustos Rubber Dam. Dating parte ito ng Baliwag pero dahil kailangan pang tawirin ang ilog ng Angat para marating ang bayan, humiwalay ang Bustos dahil sa trahedyang naganap kung saan may isang nanay at sanggol na nasawi dahil sa lumubog na bangka. b. Bulacan Heights (BH) Isa itong in-town relocation project mula sa proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA) na matatagpuan sa Barangay Catacte na may 10 kilometrong layo sa bayan ng Bustos, Bulacan. Ito ay may sukat na 68,789m2 na kung saan ay may 2,000 na pamilya ang nakatira. Ang pabahay ay may 1,324 na yunit na inookupahan ng 6,600 katao. Ang mga residente dito ay nagmula sa mga lugar ng Bulacan na tinuturing na danger zones o delikado dahil sa ito ay may katabing ilog o patubig na pwedeng magsanhi ng sakuna. Oktubre ng taong 2013 nang matapos at ipinamahagi ang mga yunit sa BH. Ang 800 na yunit ay para sa mga Bustosenyo at ang iba pang natira ay para naman sa mga nanggaling sa ibang parte ng Bulacan tulad ng mga bayan ng Plaridel, Norzagaray at Baliuag. Ang BH ay nahahati sa 53 na bloke kung saan may isa hanggang tatlong block leaders na nakatalaga. Ang mga block leaders, na kabilang sa AMBUH, ay pinili ng mga tao sa
  • 9. 5 kani-kanilang mga bloke upang maging daluyan ng impormasyon papuntang pamunuan na siyang nagpapadaloy papunta sa Pamahalaang Bayan ng Bustos. may sariling kuryente at tubig, may covered court, paaralan at health center. c. Asosasyong ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH) Isang samahang naglalayong pamahalaan ang kabuoan ng Bulacan Heights upang maisaayos at maitatag ang isang organisado at progresibong pamayanan na maaaring maging modelo sa iba pang proyektong pabahay. Nabuo ito noong Setyembre 2014. Ito ay binubuo ng 14 na pamunuan at 93 na block leaders kung saan may nakatalagang 14 na pamunuan: Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kalihim, Ingat-yaman, dalawang Tagasuri, apat na Tagapamayapa at apat na Tagapagbalita. May 8 na komite sa AMBUH: Kalusugan, Edukasyon at Kabataan, Kalinisan ng Kapaligiran, Imprastraktura, Kapayapaan at Kaayusan, Kabuhayan, Pinansya at Kalihim. Kada komite ay may isang myembro mula sa pamunuan, anim na block leaders, at mga volunteer. Sa kasalukuyan, ay tatlong komite na lamang ang aktibo. Ito ay ang imprastraktura, kapayapaan at kaayusan, at kalinisan ng kapaligiran. Ang AMBUH ay nagsagawa na ng iilang mga aktibidad kabilang na ang buwanang paglinis, pagmomobilisa ng tanod at ronda, pagpapagawa ng humps na naisagawa sa pamamagitan ng mga aktibidad ng organisasyon na ang layunin ay makakuha ng pondo, at pagkakaroon ng feeding program. Sa kasalukuyan, 9 na lamang ang aktibong lumalahok at gumagampan sa kanilang mga tungkulin, mula sa 14 na opisyales. Mula sa 93 na block leaders, 40 - 50 na lamang ang pumupunta sa mga pulong. (Bahan, Laguesma, Maderal, 2016)
  • 10. 6 II. TIMELINE NG MGA NAKARAANG INTEGRATION PAPERS Sa bahaging ito, ipinapakita ang mga pagsasanay (pormal at impormal) na nagpataas ng kapasidad ng AMBUH simula nang ito ay mabuo. Layunin ng timeline na maipakita ang mga nakaraang pagsasanay na naging kabahagi ang AMBUH upang makalikha ng ideya sa kung ano ang kasalukuyang estado ng AMBUH batay sa antas ng kaalaman, kakayahan at kaugalian na nakamit nito. Semestre at Akademikong Taon Mga Naganap na Pagsasanay na Ipinadaloy ng mga Nakaraang FIP Teams 2nd Semester 2013-2014 (Barrun, et. al, 2014) Nabuo ang block leader system Bumuo ng Community Mobilization Team kung saan nanguna sa pagpapakilos ng mga block leader. Pagpapadaloy at pagdodokumento ng mga pulong Sama-samang pagsusuri ng kalagayan ng Bulacan Heights Skills Assessment (Pagtutukoy ng potensyal na kabuhayan) Pagbuo ng mga patakarang pangkapayapaan at pangkaayusan Pagpapakilala ng konsepto ng Participatory Project Development and Management (PPDM). 1st Semester 2014-2015 (Evangelista, et. al, 2014) Mayroong 80-100 block leaders, 2-3 kada yunit Sa ikatlong block leaders' meeting (Sept. 2014) nabuo ang AMBUH Bumisita sa Jubilee Homes, Plaridel Bulacan kung saan nagbigay inspirasyon sa AMBUH na kaya rin nilang pamahalaan ang Bulacan Heights upang ito ay maging isang maayos, maganda at mapayapang pamayanan 2nd Semester 2014-2015 (Garcia, et. al, Pagsasainstitusyon: Pagbuo ng By laws and constitution, pagbuo ng komite, at tungkulin, pagsulat at pagbuo ng alituntunin at resolusyon. Awareness-raising tungkol sa community governance at ang layunin na maging 15th barangay ng Bustos ang AMBUH. Pamumuno: teambuilding session na may sangkap ng Structured Learning Exercises (SLEs)—pagkakaisa at pagtutulungan; pamumuno- katangian ng lider, karanasan sa pagiging lider, pagpapakahulugan sa lider. Community Engaged Scholarship (CES); interseksyon ng mga karanasan ng
  • 11. 7 2015) pamayanan at mga teoryang natutunan ng mga mag-aaral. Leadership Training gamit ang SLEs na pinanguahan ng Masteral students. Facilitation at Public Speaking Community-based Resource Management (CBRM): Nagtasa ng mga rekisitos at mga pangangailangan. Nakapokus sila sa pangangalaga ng mga pasilidad na ipinagkaloob sa kanila tulad ng tiangge na nakakuha sila ng 200 pesos kada linggo na napupunta sa general fund ng asosasyon. PINANSYA: nagkaroon ng technical writing sessions tulad pagsulat ng request letter, solicitation, invitation, capacity-building patungkol sa purchase order, purchase request, cash voucher, at pagsulat ng financial report, etc. PPDM: Ipinakilala ang PPDM, nagkaroon ng workshop sa paggawa ng project proposal. Sa komite ng Kalihim, tinipon ang lahat ng kalihim sa lahat ng komite at sininop nila ang mga nagawang project proposals. KABUHAYAN: capacity-building tungkol sa market and feasibility study, business models at nagpadaloy ng mga maaaring lapitan na institusyon tulad ng PCEDO at NFA. MID YEAR 2014-2015 (Formento, et. al, 2015) Nagpokus sa pagpapalakas ng AMBUH partikular sa paggawa ng project proposal para sa BUB (bottom-up budgeting)--nagtukoy ng kabuhayan at pinadaloy ang kapakinabangan at epekto ng naiisip na kabuhayan. Ang mga naisip na kabuhayan ay una: pasilidad na uupahan pero imposible dahil hindi pa naipapasa sa lokal na pamahalaan ang BH, 2) center na wet and dry market pero naiisip na mahirap ito at baka maging mitsa ng hidwaan ng asosasyon. Sa huli, isang mini-mart ang naisip na gawan ng project proposal. Sa project proposal, natutunan nilang gumawa mula sa pagbibigay ng panimulang impormasyon ukol sa proyekto, paggawa ng layunin ng proyekto, pag-kakalkula ng perang gugugulin sa proyekto, hanggang sa pagpa-plano kung paano pamamahalaan ang proyekto. 1st Semester 2015-2016 (Ambe, et. al, 2015) Pagsasanay sa pangangasiwa ng tunggalian sa loob ng samahan.
  • 12. 8 III. MGA GAWAIN SA PAG-OORGANISA Ang Field Instruction Program at Lokal na Pamahalaan ng Bustos ay matagal nang magkatuwang sa gawain ng pag-oorganisa. Itinuturing ang komunidad sa Bustos bilang isang lugar na maaaring matuto ang mga mag-aaral mula sa mga tao sa komunidad na binibigyan suporta ang mga programa ng lokal na pamahalaan. Dahil sa nabuong magandang relasyon sa dalawang panig ay hindi na nahirapan ang mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa komunidad. Unang Yugto ng Gawaing Fieldwork Bago pa man maipadala ang mga mag-aaral sa komunidad ay nagkaroon muna ng pulong sa munisipyo kasama ang presidente ng AMBUH at kinatawan ng lokal na pamahalaan kung saan nagkaroon ng pag-uusap sa mga plano para sa organisasyon. Ayon sa Presidente ay nais niyang mapanumbalik ang sigla at partisipasyon ng bawa't miyembro ng samahan. Bukod dito ay ninanais nilang maging handa ang mga benepisyaryo ng isang Sustainable Livelihood Program (SLP) kung saan napiling programa ang microlending. Kaya naman napagdesisyunan at napagplanuhan na gawing pokus ang pagpapalakas ng kapasidad ng bawa't miyembro. Kasabay na rin ang pagpaparehistro nito sa HLURB upang maging isang ganap na HOA na maaaring makatulong sa kanila bilang isang organisasyon. Noong pumasok na ang mga mag-aaral ay naging mainit naman ang pagtanggap sa mga ito. Itinuring silang mga anak ng kanilang mga tinutuluyan ngunit naging malaking hamon para sa mga gawain ang pagtulong sa kanilang mga tinutuluyan dahil inaasahan na tutulong sa pagtitinda ang mga ito na kung minsan ay halos buong araw na ang naigugugol dito kaya naman hirap makapagtrabaho. Ito rin ang unang beses na na tumanggap ang mga tao sa komunidad bilang maging host families kaya nakikita rin na hindi pa siguro sila sanay sa ganitong kalakaran. Kung kaya't nalilimitahan kung minsan ang oras kung kailan puwedeng magtrabaho ang mga mag-aaral. Hindi rin maiwasan kung minsan ang madalas na pagkukumpara sa mga mag-aaral sa iba pang FIP teams na nagdaan sa kanilang komunidad.
  • 13. 9 Napagsang-ayunan ng agency supervisor, field adviser at mga mag-aaral na dalawang organisasyon ang hawakan kung saan ipagpapatuloy pa rin ang pag-oorganisa sa AM Youth na nasimulan noong taong 2014. Sinubukan ito ngunit hindi na itinuloy dahil magkaiba ang konteksto ng AMBUH at AM Youth dagdag pa ang kadahilanan na palaging abala at minsan lang maging libre ang mga miyembro para sa pulong at pagtitipon. Ang unang gawaing inilunsad ng mga mag-aaral ay ang pagtukoy ng mga problemang o suliranin na kinakaharap ngayon ng komunidad at samahan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang Focused Group Discussion (FGD) kung saan gumawa din ng maaaring solusyon sa mga natukoy na problema. Isa pang gawain ay ang aktibidad o pulong kung saan inalam ng mga mag-aaral ang kaalaman ng mga benepisyaryo patungkol sa microlending at kasama na rin ang pagpaplano kung paano ito papamahalaan at ano ang mekanismo nito. Unang FGD (Ranking ng mga Isyu) Sa usapin ng microlending, personal na hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral upang ipagpatuloy ito dahil mula sa obserbasyon at paunang mga interbyu ay hindi pa handa ang samahan sa ganitong proyekto. Kasalukuyang may hindi pagkakaunawaan sa loob ng samahan at hindi aktibo ang karamihan ng miyembro kaya nangangamba ang mga mag-aaral kung ito bang programa na ito ay magtatagal. Ang pagiging matagumpay ng micro-lending bilang proyekto ay nakasandig sa magandang relasyon na solido, aktibo at kolektibong ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Ang organisadong samahan ay nakabatay sa dami at kalidad ng lumalahok at kung nagagampanan ang mga tungkulin. Kaya nasabi ng mga mag-aaral na mayroong umiiral na gap sa pamunuan at mga block leaders ay dahil naging negatibo ang reaksyon ng ilan sa pamunuan dahil sa ginawang aktibidad ng mga mag-aaral kung saan ipinulong ang mga block leaders pagkatapos pulungin ang Pamunuan patungkol sa micro-lending. Ito ay sinadya ng mga mag-aaral upang hindi maimpluwensyahan ang pagdedesisyon at maging bukas ang mga block leaders sa kanilang mga mungkahi, saloobin at suhestyon.
  • 14. 10 Napansin rin ng mga mag-aaral na halos kalahati ng mga block leaders ay hindi na aktibo sa mga pulong at kanilang tungkulin. Sa halos 80-100 na bilang ng block leaders ay halos 40 na lamang ang aktibo dito. Ang samahan ay may istruktura pero wala gaanong partipasyon ang mga miyembro nito dahil ayon sa ibang mga miyembro ay sawa na sila sa kaka-aral at sa kakadalo ng mga pulong ngunit wala naman nangyayaring solusyon sa mga suliranin tulad ng isyu sa usapin ng droga, prostitusyon at kabuhayan. Nakikita rin ito kapag nagpapatawag ng pulong ay kahit personal nang imbitihain ay hindi pa rin dumadalo ang mga ito at kung nasa pulong naman ay parang palaging nagmamadaling tapusin ang pulong upang makauwi. Ikalawang Yugto ng Gawaing Fieldwork Sa pagbalik ng mga mag-aaral sa komunidad para sa ikalawang yugto ay napagdesisyunan ng mga ito na hindi na muna tumuloy sa kanilang mga host families upang magbigay daan sa mga gawain. Ibinahagi sa mga opisyales ang ginawang workplan para sa paghahanda sa darating na pondo para sa micro-lending ngunit ito ay tinanggihan nila dahil sila ay abala dahil panahon ng eleksyon at natapos na raw ang pagpasa ng mga kinakailangan na dokumento sa DSWD upang mailabas ang pera. Naging malaking hamon ito sapagkat ang lahat ng plano ay kailangan baguhin. Dahil sa walang maayos na koordinasyon sa LGU at DSWD, nagresulta ito na minadali ng mga miyembro ang paggawa ng mga kinakailangan kung saan hindi nila ito napag-isipan at napagplanuhang mabuti. Nagbigay lamang ng 3 araw ang DSWD upang ipasa ang mga kinakailangan. Halos naging malamig na rin ang trato ng ilan sa pamunuan sa mga mag-aaral dahil rin siguro sa hindi natugunan ang kanilang pangangailangan na dokumento dahil bumalik ang mga mag-aaral sa Maynila para sa kanilang midsem sharing at naging masama rin ang impresyon na block leaders lamang ang unang pinulong pagdating sa usapin ng micro-lending. Ayon sa kanila ay sila na ang bahala pagdating sa micro-lending sapagkat tinutulungan naman sila ng konsehal at mula rin sa konsehal ang ideyang ito kahit na sila
  • 15. 11 mismo ay nangangamba sa programang ito dahil mayroong malaking halaga ang nakasalalay. Sa pagpaparehistro naman sa HLURB ay mayroon nang bumisita na mula sa NHA at naka-usap ang Presidente. Ayon sa kanya ay titignan raw kung nakarehistro na ang kanilang samahan o kung hindi pa ay hinihintay na lamang ang kailangang dokumento mula sa munisipyo na nagpapatunay na sila ang kinikilalang samahan sa loob ng Bulacan Heights. Kaya naman napagsang-ayunan na tasahin na lang ang estado ng samahan at mga miyembro sa pamamgitan ng Learning Needs and Capacities Assessment (LNCA) kung saan nagpanayam ng 48 na miyembro kasama ang pamunuan. Umabot ng halos 3 linggo ang tinagal ng gawain sapagkat madalas ay hindi libre ang mga miyembro dahil sa kanilang mga trabaho at ito ay kasagsagan pa ng eleksyon. Dahil na rin sa magandang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga miyembro ay hindi nila maiwasang suklian ito sa pamamagitan ng pangangampanya para sa kandidato at pagtulong sa gawain na may kinalaman sa eleksyon. Tuwing gabi lamang nakakapagpanayam ang mga mag-aaral dahil mas libre ang mga miyembro at sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan.
  • 16. 12 IV. ISTRATEHIYA SA PAG-OORGANISA Gumamit ng iba't ibang istratehiya ang mga mag-aaral sa pag-oorganisa sa AMBUH upang lubos na maging epektibo at maging makabuluhan ang mga gawain. Nilalayon nito na mapalakas ang kapasidad ng mga miyembro, matukoy ang kasalukuyang estado, malaman ang mga problemang kinakaharap ng samahan at komunidad at magplano kasama ang mga tao. Pakikipamuhay Malaki ang naiambag ng pakikipamuhay sa parehong mag-aaral at sa mga tao sa komunidad. Bukod sa pagtira sa kanilang mga tirahan ay inaasahan rin ang mga mag-aaral na tutulong sa kanilang mga gawain at pakikihalubilo sa interes ng mga tao. Mula sa pakikipamuhay ay maaari nang magkaroon ng palagayan ng loob kung saan magiging bukas at malaya ang bawat isa magbahagi ng kanilang mga saloobin, isyu at pinagdadaanan na maaaring maging malaki ang ambag sa mga gawain sa usapin ng pagpapaunlad ng pamayanan. Sa pamamaraang ito ay magiging mas malalim ang pagkakakilala sa mga tao sa komunidad, maaaring sa pakikipagkwentuhan kung saan mas mararamdaman ng parehong panig na sila ay hindi naiiba sa isa't isa at parehong magtutulungan sa mga gawain. Mula sa pakikipagkuwentuhan sa mga taga komunidad ay maraming napulot na mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral na makatutulong sa kanilang pagsusuri at pag-oorganisa ng kalagayan ng mga tao at samahan at gayun din ng komunidad. Nakitang epektibong pamamaraan naman ito upang lubos na makapagbahagi ang bawa't isa sa impormal na pamamaraan. Sa pakikipamuhay ay naging pamilya na rin ang turing ng mga taga komunidad sa mga mag-aaral. Bilang isang organisador ay marapat lang na iparamdam sa mga tao na sila ay kaisa at handang tumulong nang buong puso na walang hinihinging kapalit. Sapat na ang kanilang partisipasyon at suporta upang mas mapabuti ang kalagayan ng komunidad.
  • 17. 13 Pagsuri ng Kalagayan Bilang organisador ay dapat lamang na maging maingat sa pagsuri ng kalagayan ng mga tao. Bago gumawa ng aksyon ay dapat muna itong pag-isipan mabuti at pagnilayan. Ang mga orginasador ay hindi habang buhay na mamamalagi sa komunidad kaya naman importante na masimulan nang maayos at tama ang pag-oorganisa dahil ang mga tao ay maiiwan sa komunidad nang matagal na panahon. Inaasahan na mula sa pagsusuri ay mas makabubuo ng maayos na gabay para sa mga pangangailangan ng komunidad upang ito ay mas maging epektibo at kapaki-pakibabang. Ang mga organisador ay tagagabay lamang at tagapagpadaloy sa mga tao upang lumabas ang kanilang mga potensyal at mapataas ang kanilang kapasidad upang mamuno dahil higit na sila ang nakakaalam ng kanilang mga problema sa komunidad at sila rin ang makapagbibigay ng solusyon para dito. Sa prosesong ito ay magkakaroon rin ng pag-angkin ang mga tao sa kanilang pinapahalagahan na komunidad at samahan at maaring magkaroon ng pang personal, pang samahan o pang komunidad na pag-unlad. Sa loob ng halos tatlong buwan na pakikipamuhay ay hindi dapat mawala sa katangian ng isang organisador ang magsuri at makisama sa mga tao. Panayam Dahil sa hindi maiiwasang pagkaabala ng mga tao ay ginamit na pamamaraan ang pakikipag-panayam sa mga miyembro. Dito ay mas nakakakuha ng malalim na impormasyon mula sa kanila. Sa pakikipanayam ay mas nakapagbahagi ang mga pamunuan ng kanilang mga saloobin mula roon ay natukoy na mayroong umiiral na gap sa loob ng samahan. Mas naging malapit din ang mga mag-aaral sa pamunuan dahil sa one on one na pag-iinterbyu sa mga miyembro dahil binibisita ang mga ito sa kanilang mga tahanan.
  • 18. 14 Sa pamamagitan ng panayam ay inalam ng mga mag-aaral kung ano ba ang pakahulugan ng pamunuan sa pamumuno at ano ang mga katangian nito. Inalam rin kung nagagampanan nga ba ang mga naka-atas na tungkulin o gampanin ng bawa't isa. FGD Pagtukoy ng isyu Ang unang gawain ay ang pagtukoy ng mga isyu na pang komunidad at pang samahan. Mula sa FGD ang kinakaharap na problema ng samahan ngayon ay ang maraming bilang ng hindi aktibong miyembro at ang hindi na pagtutuloy ng mga pulong na nakasaad sa kanilang CBL. Mayroon ding hindi pagkakaunawaan sa loob ng samahan kung saan nagresulta ng kanilang pagkawatak-watak. Kung sa pang komunidad naman ay ang pangunahing lumabas ay ang pagkalulong sa droga ng mga kabataan at pagkasangkot sa prostitusyon. Mas pinili ng samahan na pagtuunan ng pansin ang mga isyung pang komunidad upang hindi na raw maging masama ang imahe ng komunidad sa buong Bustos. Kung kaya't ito rin ang napili nina Ate Rye at Ate Arny, mga graduate students na pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan ay nakabuo na sila ng isang samahan ng mga bagong lider na kababaihan na inaasahang magpapatuloy ng pagbibigay oryentasyon sa mga taga komunidad kung paano didisiplinahin ang mga anak upang makatulong sa hindi nila pagrerebelde o paglihis ng landas. Microlending Dahil nga sa ito ang pangunahing pangangailangan ng mga miyembro ng samahan ay nagkaroon ng isang pulong kung saan dinaluhan ng mga benepisyaryo na mula sa pamunuaan at block leaders. Dito pinagplanuhan ang mga magiging patakaran nila at mekanismo sa pagpapatakbo ng programang ito bilang malaking halaga nga ang nakasalalay na salapi dito. Inalam rin ng mga mag-aaral kung gaano na nga ba kahanda ang samahan sa proyekto na ito at kung bukal nga ba sa kanilang kalooban ang gagawin nilang programa. Ang iba ay natatakot o nangangamba dahil baka hindi raw ito mabayaran at maibalik sa
  • 19. 15 DSWD at ang iba naman ay nasasabik dahil magiging malaki raw ang magiging tulong nito sa kanilang kabuhayan at pangangailangan. LNCA (Learning Needs Capacities Assessment) Isinagawa ang gawain na ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa lider upang makapagbahagi ang bawat indibidwal ng kanilang mga personal na pagtingin sa usapin. Ang layunin ng gawain na ito ay ang: Malaman ang konsepto ng aktibong paglahok para sa mga lider Malaman ang umiiral na relasyon sa mga pamunuan at block leaders Matukoy kung naisasaisip, naisasapuso at naisasagawa ba ang VMG ng AMBUH sa pang personal at pangsamahan na lebel Matukoy ang pagkakaunawa sa tungkulin at gampanin ng Pamunuan at block leaders Matukoy ang konsepto ng pagiging lider sa pagtingin ng AMBUH opisyales Malaman ang relasyon ng AMBUH sa iba pang mga salik na nakakaapekto sa takbo ng samahan Pagkatapos makalap ang mga datos ay pinagsuma at inalisa ito ng mga mag-aaral upang tukuyin ang ideyal at akwal na kaalaman at pagtingin ng AMBUH at block leaders. Mula sa mga nakalap na impormasyon ay doon gagawa o magdidisenyo ng isang aktibidad para sa samahan na maaaring makatulong sa pagsasa-ayos at pagpapaunlad ng kailang samahan. Ayon sa resulta ng sinagawang LNCA ay ang kahulugan lamang ng partisipasyon sa mga miyembro ay ang regular na pagdalo sa mga pulong at paglahok lamang sa aktibidad. Ang mga kadahilanan naman ng kanilang hindi paglahok ay ang trabaho at gawaing bahay na hindi naman nila puwedeng libanan. Marami rin ang nagsabi na ang nag-uudyok ng kanilang paglahok ay ang maraming bagay nilang natututunan sa mga aktibidad.
  • 20. 16 Ang isyu ng komunikasyon ang nakikitang balakid sa samahan. Hindi naman nagkukulang ang Pangulo sa pag-iimbita sa mga miyembro tuwing may pulong. Ang mga hindi nakakadalo ay hindi naman nasasabihan patungkol sa mga napag-usapan kaya't kung minsan ito ang pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan o tsismis. Napansin rin ng mga mag-aaral na walang personal na relasyon ang mga lider na maaaring nagdulot ng hindi pagkakaunawaan. Kapag may trabaho at gampanin ay natatapos nila ito at napag-uusapan. Siguro ay sa mukha lamang sila magkakakilala ngunit hindi sa lebel ng pagiging kaibigan o kasama kung hindi kapwa lider lamang. Closeness Building (Team Building) Ayon kay (Felizco, et al, 2004) ang team building ay maaaring maging susing interbesyon na maaaring makatugon sa iba't ibang isyu. Maaaring sa pag-aayos ng hindi pagkakaunawaan, pag-angkop sa mga pagbabago o ang pagtugon sa mahirap o pangit na relasyon sa isang samahan. Mayroon ring dalawang uri ng aktibidad patungkol sa team building, ito ay ang task oriented at relationship oriented. Ang team building ay maaaring dumirekta sa pagresolba ng mga problema, pagiging epektibo ng mga gawain at ang pagpapayabong ng mga rekurso ng samahan upang makamit ang mga layunin. Importante sa pagbuo ng isang aktibidad sa team building ay dapat nakadepende sa analisis ng sitwasyon ng samahan lung saan komunikasyon at relasyon ang lumabas. (Felizco, et. al, 2004) Mula sa naging resulta ng LNCA ay nagdisenyo ang mga mag-aaral na maaaring tumugon sa kanilang kinakaharap na isyu sa loob ng samahan. Dahil nakita ng mga mag-aaral na tanging maayos na daloy ng komunikasyon lamang ang kanilang kailangang ayusin. Naglunsad ang mga ito ng isang gawain o aktibidad na maaaring magkakilanlan ang mga lider at maaaring makapag bonding nang hindi patungkol sa trabaho ang usapan.
  • 21. 17 V. BALANGKAS NA KONSEPTO Ginamit sa balangkas na ito ang Ladder of Participation ni Sherry Arnstein kung saan masasabing magkaiba ang antas ng partisipasyon ng block leaders at AMBUH. Ang AMBUH ay nasa Delegated Power at ang block leaders ay nasa Placation. Ayon kay Arnstein, sa antas ng Placation mayroon ng kaunting antas ng impluwensya ang mga mamamayan pero nananatili pa rin ang tokenismo. Ang mga residente ng Bulacan Heights ay pumili ng block leader upang maging kinatawan ng kanilang block sa mga pagpupulong na isinasagawa ng AMBUH subalit hawak pa rin ng AMBUH ang kapangyarihan ng pinal na desisyon sa asosasyon. Tuwing buwanang pulong ng block leaders, sila ay kinokonsulta ng AMBUH patungkol sa mga ilang plano. Bagaman ito ang istruktura ng pagdedesisyon, hindi nangangahulugan na hindi maayos ang takbo ng samahan. Gamit ang Forming Storming Norming Performing Adjourning ni Tuckmann na nagpapakakita ng pag-unlad ng kapasidad ng isang samahan, masasabing nasa Performing na antas ang AMBUH. Sa antas na ito, sinasabing kaya na ng AMBUH na tumayo sa sarili nitong paa kahit na walang patnubay. Isa pang indikasyon na sila ay Performing na ay ang pagkakaroon nila ng pinagkaisang layunin at adhikain. At kahit na may hindi pagkakakunawaan, ito ay nireresolbahan agad sa pamamagitan ng bukas at maayos na daloy ng pag-uusap. Dagdag pa ang pagkakaroon nila ng kalinawan ng tungkulin at tunguhing tatakbuhin ng samahan. Sinasabi sa Performing na antas na hindi
  • 22. 18 na sila kailangang turuan o gabayan kung papaano kikilos. Naabot ang ganitong antas dahil sa kapasidad na taglay ng AMBUH bilang isang samahan. Ayon kay (Alan Fowler na nabanggit sa akda nina Felizco, et. al, 2004), nahahati sa tatlong kakayahan ang kapasidad ng isang samahan. Isa dito ay ang ang Ability to Be (AB); mga kaugalian at pagpapahalaga na nagpapanatili ng identidad at misyon ng samahan. Sa AMBUH, patunay riyan ang ilang pagpapahalaga na naisasabuhay ng samahan. Naipapatampok magpahanggang sa ngayon ang diwa ng pagtutulungan ng mga residente ng Bulacan Heights partikular ng mga lider. Ang diwa ng bolunterismo ang nagpapakilos sa mga tao upang makamit nila ang kanilang layunin. Sa AMBUH, ang pakikipagtuwangan kasama ang iba pang grupo tulad ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at Guardians sa isang gawain na isinagawa ay isang halimbawa ng pakikipagtulungan. Nakikipagkaisa ang bawat lider (AMBUH at block leaders) sa gawain ng AMBUH nang walang hinihinging kapalit. Mahirap man masiguro ang likas-kayang partisipasyon, ang bawat isa ay may pagpapahalaga sa kanilang mga tungkulin bilang isang lider. Kahit na may mga nangyaring hindi pagkakakunawaan, nagkakaisa ang lahat sa iisang layunin na mapa-unlad ang Bulacan Heights bilang isang matatag, mapayapa, malinis at progresibong pamayanan. Pagdating sa pagdedesisyon, may pagpapahalaga ang Pamunuan sa demokratiko at mapanlahok na uri ng pampamayanang pamamahala, nagbibigay ito ng malayang pagkakataon sa mga block leader at kapwa lider sa Pamunuan na ihayag ang kanilang mga suhesyon at opinyon sa anumang gawaing isinasagawa ng asosasyon. Buhay na buhay din ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng damayan. Nag-iikot ang mga block leader sa mga kabahayan para makakalap ng donasyon para sa namatayan. Isa rin sa indikasyon ng kapasidad ng isang samahan ay ang Ability to Do (AD) kung saan tinitingnan ang kakayahan ng isang samahan na makamit ang itinakdang adhikain. Kung titingnan ang mga rekursong mayroon ang AMBUH, ang komite ng imprasktrutura at komite ng kabuhayan ay may mga proyekto na naglalayon na makakalap ng pondo na napupunta sa pangkahalatang pondo ng asosasyon. Isa rin indikasyon na nagpapakita ng kakayahan ng AMBUH ay ang kasapian nito. Ang bawat miyembro ay may malinaw na pagkakahati ng tungkulin at ang lahat ay handang makilahok sa anumang gawain na napag-usapan ng samahan. May umiiral na sistema at istruktura na nagpapatakbo sa asosasyon. Ang Pamunuan o AMBUH ang pangunahing nagdedesisyon kung saan
  • 23. 19 ibinababa o ipinapadaan sa kapulungan ng block leaders. Sapat ang kakayahan ng bawat opisyal ng Pamunuan upang pamahalaan ang bawat komite. Ang hamon sa kasalukuyan ay kung papaano muling bubuhayin ang mga komite sa pagtutulungan ng AMBUH at block leaders. Noon pa man, natunghayan na ang pagsasabuhay ng AMBUH ng kanilang mga natutunan sa panahon ng pakikipagtuwangan nila sa UP FIP. Nariyan ang mga proyektong sila mismo ang nagpasinaya na nilahukan ng maraming residente tulad ng Summerfest at ilang proyketong pinangunahan ng mga komite ng AMBUH. At ang pinakahuling aspeto na nagpapakita ng kapasidad ng isang samahan ay ang Ability to Relate (AR) kung saan ipinapakita ang kakayahan ng isang samahan na lumikha ng mga panglabas na relasyon samantalang napapanatili ang awtonomiya bilang isang samahan. Sa AMBUH, ang isang patunay nito ay ang pagkakaroon nito ng multi-stakeholder na pakikipagtuwangan sa ilang mga proyektong ipinatutupad nito. Pangunahin ang pagkakaroon nito ng maayos at mayabong na relasyon sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bustos. Nariyan ang lokal na pamahalaan ng Bustos para tumulong at umagapay sa gawain ng AMBUH. Isa rin ang pakikipagtuwangan ng AMBUH sa iba't-ibang institusyon tulad ng kapulisan para sa pagmomobilsa ng tanod sa ilalim ng komite ng Peace and Order. Pati na rin ang iba pang samahan sa Bulacan Heights tulad ng grupo ng mga kabataan, ang Association of Motivated Youth (AM Youth), 4Ps, Guardians, at mother leaders ng Brgy. Catacte. Tunay ngang nagtataglay ang AMBUH ng mga kakayahang pumapailalim sa tatlong aspetong ito ng kapasidad ng isang samahan. Masasabing, performing na ang AMBUH kung saan nangangahulugang handa na ito na mas palawakin pa ang kakayahan nito tungo sa isang pangmalawakang uri ng mapanlahok na pampamayanang pamamahala. Batay sa nakikitang kakayahan ng AMBUH, masasabing may sapat na kahandaan ang AMBUH o Pamunuan upang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa paghahanda sa Bulacan Heights na maging isang barangay kung sakali mang nanaisin rin ng mga residente. Ang block leaders bilang pundasyon ng liderato kasama ng AMBUH ang mangunguna sa pagpapadaloy ng paghahanda para sa pagiging barangay ng Bulacan Heights. Kung ito man ay makapangyayari, ang inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan, ng AMBUH, at ng block leaders ay isang halimbawa ng mapanlahok na uri ng pampamayang pamamahala. Ayon kay (Ferrer, 2006), sa pampamayanang pamamahala, kinikila ang kakayahan ng mga mamamayan na pamahalaan ang kanilang mga
  • 24. 20 sarili. Gamit ang sarili nilang kakayahan at rekurso, sila ang nagtutukoy, nagsusuri at tumutugon sa kanilang mga problema. Sila rin ang tumutugon sa kung papaano pamamahalaan ang sarili nilang yaman o rekurso para sa mas pagpapa-unlad ng kanilang pamayanan. Ang mga tao ang tumutugon sa sarili nilang problema subalit hindi nangangahulugang isinasara nila ang kanilang mga sarili sa panlabas na tulong. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa. Sa pagtutulungan ng AMBUH, block leaders at lokal na pamahalaan ng Bustos, mas makapangyayari ang pampamanayang pamamahala sa tatlong aspeto: ang pampamayanang pamumuno o Community Leadership (CL), pampamayanang pagsasakapangyarihan o Community Empowerment (CE) at pampamayanang pagmamay-ari o Community Ownership (CO). Ang CL ay malayo sa tradisyunal na uri ng pamamahala kung saan ang may katungkulan ang mas nakakaalam ng pangangailangan ng pamayanan. Sa CL, ipinatatampok ang mapanlahok na uri ng pamumuno. Dito may kakayahan ang mga mamamayan na magpasya sa anumang desisyon na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng kanilang pamayaman. Sa CE mas may kapangyarihan ang mga tao na makakuha ng rekisitos ng pamahalaan, may boses ang mga residente na maiparating ang kanilang mga hinaing. Ibinabahagi ng pamahalaan ang kapangyarihan na magdesisyon sa mga mamamayan para sa sariling ikauunlad ng pamayanan. Samantalang sa CO, mas may pag-angkin ang mga mamamayan sa sariling pamayanan. Sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing pampamayan, may pag-angkin din sa prosesong pinagdadaanan. Sa tatlong aspetong ito ng pampamayanang pamamahala, malaki ang tungkulin ng lokal na pamahalaan sa pagsuporta at paggabay sa pamayanan upang makamit minimithing pag-unlad. Ang Bulacan Heights ay nagpapakita sa kasalukuyan ng mga manipestasyon ng pampamayanang pamamahala (Ambe, et. al, 2015). Isa itong indikasyon sa posibleng kahandaan ng Bulacan Heights sa pagiging isang barangay. Sa tulong na maayos na relasyon ng AMBUH, block leaders, at ng lokal na pamahalaan, hindi malabong marating ang ganitonng antas ng pag-unlad. Ang kailangan lang ay tuloy-tuloy na pag-oorganisa at pagpapataas ng kapasidad ng mga tao para sa kahandaan ng pagpapadaloy ng proseso nito. VI. PAGSUSURI Kung susuriin ang mga palihan, pagsasanay at mga pinagdaanan ng AMBUH simula noong taong 2014 ay masasabing nasa performing stage (Tuckman) na ang samahan kung babalikan ang timeline. Nagkukulang na lamang siguro sila sa implementasyon ng
  • 25. 21 mga ito dahil magpasahanggang ngayon ay nakadepende pa rin ang samahan sa mga mag-aaral. Kung saan inaasa pa rin sa mga ito ang gawain at mga pangangailangan ng samahan. Kaya ito ay nasabi na nakadepende ay dahil sa hindi sila nabibigyan ng tsansa o nahahayaan na kumilos nang sila-sila lang ngunit noong nawala ang mga mag-aaral (FIP team) ay nagawa nila ang kanilang mga kailangan para sa micro-lending nang walang tulong ng sino man. Ito ay isang indikasyon na sila ay performing na estado na. Mas mainam siguro kung sa susunod na mga panahon ay ialis muna ang pokus sa samahan upang hayaan muna sila ang dumiskarte sa kanilang mga gawain upang mas mahasa pa ang mga kakayahan at kaalaman ng mga lider. Ayon mismo sa mga lider ay kung sa usapin lamang ng mga pagsasanay ay marami na silang nadaluhan at kung minsan ay nagsasawa na nga raw sila sa kakaaral. Malinaw rin sa pamunuan at block leaders ang kanilang tungkulin at gampanin bilang lider. Ang natatanging isyu ay ang dahilan ng pagiging di aktibo ng mga miyembro at ito ay dulot ng kawalan ng regular na komunikasyon kung saan nabubuo ang hindi pagkakaunawan at ang pagkawala ng personal na relasyon ng Pamunuan at block leaders bukod sa relasyon bilang magkatrabaho. Malaki ang implikasyon nang dahil sa walang regular na pulong at komunikasyon sa mga miyembro ay nagreresulta ng hindi nila pagkakaroon ng mas malalim na pagkakakilanlan. Maaaring ito ang dahilan kung bakit hindi solido bilang isang samahan ang organisasyon. Nararapat siguro na palakasin na lang muna ang kapasidad ng mga block leaders upang sila ay makatulong sa gawain ng pamunuan at maging handa na ito sa susunod na pag-oorganisa upang maging isang ganap na barangay ang Bulacan Heights. Maaring tignan na ng LGU ang pagsasaproseso ng pagiging Barangay kung saan magbebenepisyo ang mga tao sa komunidad. Masasabi na maunlad na ang samahan base sa kanilang konteksto ng pagkakahulugan nila sa aktibong paglahok at mga gampanin. VII. MGA ARAL NA NATUTUNAN Sa mga lumipas ng linggo ng integrasyon, maraming natutunan ang FIP team mula sa kanilang naging karanasan sa komunidad. Ang mga sumusunod na konsepto ay nakapag-ambag sa praktika ng pagpapaunlad ng pamayanan:
  • 26. 22 Attachment and Detachment Mahalaga ang makiayon, makisama at makiisa sa mga mamamayan kapag lumulubog sa isang komunidad, lalo na sa mga unang linggo ng pakikipamuhay kung saan kinikilala pa ng mga mag-aaral ang komunidad at kinikilala naman ng komunidad ang mga nasabing mag-aaral. Ito ay lalong importante kapag naitakda na makikitira sa host family, sapagkat nakikita at nakakasama ng mag-aaral ang pamilya araw-araw, at nararanasan din kung paano sila nabubuhay sa bawat araw. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng ugnayan upang makita ang buhay sa komunidad sa kanilang pananaw, at maranasan ang kanilang nararanasan sa bawat araw nila sa komunidad. Sa ganitong paraan, mas naiintindihan at nakakaugnay ng mga mag-aaral ang mga mamamayan, kaya naisasaloob ng mga mag-aaral ang pang-araw-araw na kinakaharap ng bawat tao sa komunidad. At sa pagkakaroon ng ugnayan, nakakahanap din ang mga mag-aaral ng kanilang mga pangalawang magulang, na kanila ring binibigyan ng pagmamahal na tulad ng kanilang pagmamahal sa tunay nilang pamilya, na kanilang nakakasama kahit ano pa ang nagaganap sa tatlo hanggang apat na buwan ng FIP. Ang ganitong karanasang dala ng nasabing ugnayan ay nagsisilbi ring panahon upang malaman ang ugat at hindi lang ang babaw ng problema ng host family. At sa pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa mga mamamayan sa mga pagpupulong, aktibidades at pati na rin sa mga kwentuhan, ang mga nasabing mag-aaral ay hindi na mga mag-aaral kundi bahagi na rin ng komunidad. Mahalaga rin sa mga ganitong programa ang mabantayan at masubaybayan ng mga mag-aaral ang kanilang bawat galaw at gawain, dahil may mga pagkakataong sila ay masyadong lumulubog sa komunidad na nakakalimutan na nilang tingnan at suriin sa lente ng CD ang mga nangyayari sa komunidad. Kailangang matutunan ng mga mag-aaral na bumukod pansamantala sa ugnayan, upang hindi sila lumihis sa kanilang pakay dahil sa pagiging malapit sa mga mamamayan, at upang makita at mapanatili pa rin nila kung ano man ang pinagkaiba nila sa mga mamamayan. Sa kabila ng pagiging malapit sa mga tao sa komunidad, mahalagang matutunan at isaalang-alang ng mga mag-aaral ang pagiging kritikal at mapanuri, ngunit hindi pa rin nakakalimutan ang pagiging miyembro ng komunidad na maaaring lapitan ng mga mamamayan. Upang mangyaring magtiwala nang lubos ang komunidad sa mga mag-aaral, at magampanan
  • 27. 23 nila ang kanilang papel sa komunidad sa pagsisilbing panimula ng pagbabagong kailangan ng komunidad o organisasyon, kinakailangan alalahanin ang konsepto ng attachment detachment. Bolunterismo Ang paghahandog ng sarili ay ang pinakaugat ng pagpursigi ng isang tao upang lumahok sa mga gawain. Ito ay ang pagtaglay ng tao ng malinaw na pananaw sa katuturan ng pagsapi sa isang organisasyon, at pagkakaroon ng paghangad na lumahok sa pagbuo at pagsasakatuparan ng nasabing pananaw. Masasabi ng FIP team na hindi ito taglay ng mga block leaders at ilan sa mga kasapi ng pamunuan sapagkat hindi sila sumasali sa mga pagpupulong at ang nagiging dahilan nila ay may trabaho sila at kung ano man ang kanilang pinagkakaabalahan. Bagkus kulang sila sa pagkukusang-loob sa mga ganitong gawain, o sa tinatawag na bolunterismo. Ayon sa LNCA, batid naman ng mga block leaders ang katuturan ng kanilang pagsapi sa organisasyon, ngunit nahihirapan silang lumahok dahil sa kanilang obligasyon sa pamilya, partikular sa produksyon at reproduksyon na gampanin. At dahil wala silang nakukuhang materyal tulad ng pera o pagkain sa kanilang paglahok sa organisasyon, mas pipiliin pa nilang ibuhos ang kanilang sarili sa trabaho kung saan sila ay nakakatanggap ng sahod, upang mamuhay nang normal sa pang-araw-araw. Kung wala ang bolunterismo, wala ang pagpupursigi o ang paghahandog ng sarili, at kasunod na nito ang kawalan ng pakikilahok. Sa konteksto ng AMBUH, maaaring magkaroon muna sila ng mga aktibidad kung saan magkakaroon ng pagkakataong magkakilanlan silang lahat nang mas mabuti. Nang sa ganitong lagay, magkakaroon sila ng ibang dahilan para lumahok sa mga aktibidad at pulong. Gugustuhin na nilang lumahok dahil marami silang kakilala nang lubusan at hindi na nila maiisip na pagpupulong ng mga katrabaho lamang ang kanilang pupuntahan kundi pagpupulong ng mga magkakaibigan. Maaaring hindi ito gaano kagandang rason sa ngayon, pero sa kalaunan kapag nakikita na nila ang resulta ng prosesong pinagdadaanan nila, babalik at babalik na rin ang kanilang kagustuhan magkusang-loob.
  • 28. 24 Makabagong Organisasyon vs. Organisasyong Matagal na Nabuo Mahirap mapanatili ang aktibong paglahok ng mga miyembro ng mga matagal na na organisasyon. Base sa personal na karanasan, ang AMBUH, kung ihahambing sa mga bagong organisasyon tulad ng mga nakilala at nakatrabaho ng FIP sa unang semestre, ay matanda na at matagal nang tumatakbo bilang isang organisasyon. Hindi tulad ng Ang Karapatan ng Kabataan Ating Protektahan (AKKAP) ng Golden Horizon Relocation Site sa Cavite, ang Core Group ng Saint Martha Relocation Site sa Bocaue, Bulacan, at sa GMA Kapuso Village HOA (GMAKV HOA) ng Barangay 106 sa Tacloban, madami-dami ng pinagdaanan ang mga miyembro ng AMBUH na pagpupulong, pati na mga aktibidades at pagsasanay sa pagpapalakas ng kapasidad. Sa ganitong dami ng kanilang pinagdaanan, ang kasalukuyang maririnig sa kanila ay, "Ay, 'di ba nagawa na natin yan? May certificate na kami nyan,” o, “Meeting na naman?” Mas mahirap ring mapanatili ang kanilang interes at maging ang kanilang paglahok kapag ang mga gawaing kanilang lalahukan ay gugugol ng mahabang oras. Sa kaso naman ng mga bagong organisasyon, ang mga miyembro nito ay nasasabik pa kapag may itinatakdang petsa at oras para sa kanilang mga pagpupulong at aktibidades, dahil bago ang mga ganitong gawain para sa kanila. At sa kaso ng mga matagal na na organisasyon, ang mga miyembro nito, lalo na ang mga nasa dalawang taon ng pagiging miyembro, ay naghahanap at naghihintay ng mga konkretong resulta o bunga ng kanilang paglahok at pinaghirapan. At sa ganitong sitwasyon ay kanilang mababatid na panahon, pagsisikap at pagpupursigi ang kakailanganin upang mangyari at makita ang pagbabago. Pakikipamuhay at Integrasyon Sa paglubog sa komunidad, mahalagang kilalanin ang iba‟t ibang kultura na mayroon sila. Malaki ang kahalagahan ng pag-iintindi sa kabuoan ng konteksto ng komunidad at ng mga mamamayan nito, lalung-lalo na ng mga pamilya na kadalasang binibisita ng FIP team. Ito ay napakahalaga lalo na sa mga unang linggo ng integrasyon. Dito ay inoobserbahan ng komunidad at ng FIP team ang galaw at gawain ng isa't isa, at sa pagkakataong ito, ang FIP team ang siyang makikiayon sa pamumuhay ng mga mamamayan. Sa buong FIP, dapat matutunan ng team kung paano makisalamuha at
  • 29. 25 makipag-usap sa mga miyembro ng komunidad, na mararamdaman ng mga nasa komunidad na sila ay madaling lapitan, at gayunpaman ay nakukuha pa rin ng team ang respeto nila. Tungkulin din ng FIP team na mapaintindi lagi sa mga miyembro ng komunidad kung ano ang kanilang ginagawa nang sa gayon ay maiwasan ang kaguluhan at pagkalito. Importansya ng Pagpapahinga Importante ang pagpapahinga sa kahit anong organisasyon, lalung-lalo na kapag habang nagpapahinga ay nilalaan ang oras na ito upang makapagnilay-nilay sa mga bagay na napagdaanan na at pagdadaanan pa. Kung titingnan ang proseso sa pagpapaunlad ng organisasyon, mahalaga ang paglaan ng oras para sa organisasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro nito na makita at mapayabong ang kanilang kakayahan nang hindi tinutulungan o iniimpluwensyahan ng mga hindi kasapi sa kanilang organisasyon. Ang mga aktibidades at pagsasanay na isinagawa para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga miyembro ng organisasyon -- kapasidad, partikular ang kanilang kakayahan sa ilang gawain, tulad ng technical writing, planning, facilitation, public speaking and conflict management -- ay kanilang magagamit at magagawa sa kanilang mga gawain sa organisasyon kapag sila ay nasa punto na mararanasan na nila ang mga suliranin na nangangailangan ng mga nasabing kakayahan o suliraning kalakip ng mga kakayahang ito, at kapag sila ay nagiging subok na sa pagharap sa mga ganitong suliranin. Pagbibigay importansya sa oras ng komunidad Tulad ng sinabi ni Propesor Jun Manalo sa isang klase sa CD 125, iba ang konsepto ng komunidad sa oras. Para sa komunidad, ang oras ng pagpapaunlad ng organisasyon ay araw araw sa buong taon, kumpara sa FIP team na tatlo (3) hanggang apat (4) na buwan lamang ang pinagbabasehan. Kaya minsan, tila lumalabas na minamadali ng FIP team ang komunidad sa tuwing nagpapatawag ng ilang pagpupulong sa loob ng isang buwan. Maaaring kinukumpara ito sa tuwing wala ang FIP team sa komunidad, kapag walang klase, kung saan paminsan-minsan lang ang mga pulong.
  • 30. 26 Kinakailangan ding makiayon sa oras ng komunidad lalo na sa mga panahong tulad ng eleksyon kung saan may mga volunteer work na ginagawa ang mga miyembro ng komunidad upang mapagkitaan. Kapag nagsasagawa ng interbyu at pagpupulong, minsan ay kailangang gabi ginagawa ang mga ito, kung kailan nakauwi na ang lahat at tapos nang maghapunan. Tumatagal ang proseso ng pagkalap ng impormasyon sa tuwing nangyayari ito dahil delikadong umikot-ikot pa sa komunidad kapag gabi na. Kaugalian at Kilos na Dapat Taglay ng Isang Manggagawa ng Pagpapaunlad ng Pamayanan Ang manggagawa ng pagpapaunlad ng pamayanan ay may malalim na pag-unawa sa konteksto. Dapat niya laging isaalang-alang na ang iba‟t ibang komunidad ay may iba‟t ibang mga karanasan at kultura, at iba't iba ang lebel ng pag-unlad. Hindi niya dapat makakalimutan ang makisama at makibagay sa kung ano man ang nangyayari sa komunidad at sa mga miyembro nito. Dapat ay laging bukas ang isipan ng manggagawa ng pagpapaunlad ng pamayanan, na hindi niya dapat ito sinasara kahit kailan, upang tuloy-tuloy ang kanyang pagkatuto sa mga bagay-bagay, dahil walang ni isang komunidad na magkapareho. Lagi rin niyang tatandaan ang pagiging magalang sa maraming paraan sa bawat araw ng kanyang pakikipamuhay sa komunidad. Napakahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa isa‟t isa sa loob ng komunidad. At sa mga panahon nagkakaroon ng di pagkaintindihan, ang manggagawa ng pagpapalunlad ng pamayanan ang nagkukusang umintindi sa mga bagay-bagay. Utang na loob Patuloy na sinusuportahan ng mayor ng bayan ng Bustos ang mga miyembro ng komunidad sa maraming paraan. Isa na rito ay ang pagbibigay ng scholarship sa mga piling kabataan ng komunidad, na naging malaking tulong sa kani-kanilang pamilya. At dahil sa scholarship na hatid ng mayor, napapansin na ang mga nasabing pamilya ay pursigidong magbigay-serbisyo sa Pamahalaang Bayan ng Bustos sa kahit anong paraan. Ayon kay Pe-pua at Marcelino, ang konsepto ng utang na loob ay hindi maihahalintulad sa konsepto ng “debt” bilang burden, dahil sa konteksto ng kaugaliang Pilipino, maaaring suklian ang isang pabor kahit kailan. “It is a beautiful element of Filipino interpersonal relationships that binds a person to his or her home community”.
  • 31. 27 Maaaring ito ang isa sa mga pinanghahawakan ng mga nagpupursigi sa layunin ng organisasyon. Maliban sa kanilang kagustuhan na magkaroon ng pagbabago sa komunidad, nararamdaman nila na kapalit ng suportang binibigay sa kanila ng pamahalaang bayan ay ang matulungan at mapanatili ang organisasyon. Kahalagahan ng Suporta ng mga Katuwang na Organisasyon sa Labas ng Komunidad Hindi dapat mag-isang nagsisikap ang isang organisasyon sa pagkamit ng kanilang layunin. Napakahalaga ang magkaroon ng mga katuwang na institusyon sa labas ng kinasasakupan ng organisasyon, kabilang ang pamahalaang bayan ng Bustos at ang UP CSWCD, dahil sila ang nagbibigay ng suporta at gabay tungo sa pagpapaunlad ng organisasyon -- suporta at gabay sa porma ng tulong-pampinansyal sa kanilang mga pagpupulong at aktibidades, o pamamatnubay sa proseso ng pagpapaunlad, o sa kahit anong paraan na kanilang kakailanganin sa kanilang mga gawain. Kakailanganin ng isang organisasyon ang kahit anong tulong na matatanggap nito, na maging ang katiting na suporta mula sa ibang tao ay magbibigay-sigla sa mga miyembro nito upang maglunsad ng malawakang pagbabago sa kanilang komunidad.
  • 32. 28 VIII. REKOMENDASYON Para sa Pamunuan ng AMBUH: Batay sa naging karanasan ng FIP team sa komunidad at kasama ang organisasyon, isa sa mga maimumungkahi para sa pamunuan ng AMBUH ang maglaan ng oras at programa na kung saan babalikan nila ang lahat ng kanilang naranasan at natutunan sa nakalipas na dalawang taon, simula nang maitatag ang organisasyon. Sa kabilang dako, ipagpatuloy sana ng AMBUH ang kanilang mga gawain sa organisasyon tulad ng micro-lending, at sana ituloy ang mungkahing magkaroon ng swimming kasama ang block leaders bilang isang aktibidad na naglalayong patatagin pa ang kanilang relasyon sa isa‟t isa. Maaari din na gawing mas masaya at mas maikli ang mga pulong kasama ang mga block leaders upang maudyok pa ang mga block leaders na lumahok sa mga nasabing pulong. Sana rin ay maging mas malapit na ang mga block leader at pamunuan upang maudyok ang mga block leaders sa oportunidad na mas mamuno pa sa kani-kanilang mga bloke sa pamamagitan ng mga komiteng kinabibilangan nila. Sana ang pamunuan ng AMBUH ay matututo mula sa kanilang mga naging karanasan, na kakayanin na nilang patunayan ang kanilang sarili sa mga susunod na semestre pagdating sa pamumuno at pagpapaunlad ng komunidad. Para sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bustos bilang Katuwang na Ahensya: Inirerekomenda na ipagpatuloy ang pakikipagtuwangan sa AMBUH at iba pang samahan sa Bulacan heights na magkaroon ng boses lalung-lalo na sa mga minumungkahi ng mga taong kabilang dito. Sana rin ay matulungan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang BH na maging isang ganap na barangay sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga aktibidades ng AMBUH at ang mga ipaplanong aktibidades ng mga block leader para na rin sa pulong bayan.
  • 33. 29 Para sa Susunod na FIP Team: Isang rekomendasyon din ang pag-iba ng magiging pokus ng FIP sa susunod na semestre, nang hindi lumilihis sa kagustuhan ng komunidad na maging isang barangay. Samakatuwid, ang maimumungkahing pokus ng programa para sa komunidad ay sa paglinang ng kakayahan ng mga block leaders na pamunuan ang kanilang kinasasakupan, sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga pulong-barangay na kung saan ay magpupulong ang mga block leaders at kanilang gagawan ng sintesis ang mga mungkahi at pangangailangan ng kani-kanilang bloke. Ang nasabing sintesis, na titingnan bilang pangangailangan ng komunidad, ay tatrabahuin ng mga block leaders bilang isang sanggunian o pulong-komunidad, at ang ganitong paraan ng pamumuno ng komunidad ay magsisilbing hakbang sa pagsasaayos at pagkakaisa ng mga bloke sa komunidad, at sa pagtatalaga ng komunidad bilang isang ganap na barangay ng Bustos. Mungkahi rin ng FIP team na mapag-ayon ng mga susunod na FIP teams ang mga isinagawang proseso at programa bago at pagkatapos ng nasabing pag-iba ng pokus, at pangasiwaan sa mga semestre pagkatapos ng susunod na semestre ang pagsuri sa AMBUH (partikular sa kung ano ang nangyari sa organisasyon at sa kung ano ang kanilang nagawa sa panahon na inililipat ang pokus ng FIP).
  • 34. 30 IX. REPLEKSYON Bahan, Rosemarie Christ A. Ito na ang huling repleksyon na ipapasa ko at ngayon ang tanging nararamdaman ko ay takot at pangamba sa tatahaking landas sa labas ng pamantasan. Alam ko sa aking sarili na hindi pa ako sigurado sa kung anong pokus sa gawaing pagpapa-unlad ang gusto kong pasukin. Hindi sapat ang aking natutunan sa loob ng pamantasan upang sumabak sa pakikibaka ng gawaing pagpapa-unlad. Ito ang pinagmumulan ng aking takot at pangamba sapagkat ang propesyong pagpapa-unlad ng pamayanan ay hindi madali. Ang pundasyon nito ay utak at puso. Utak sa pagsusuri at puso sa paglilingkod para sa bayan. Kung wala ang isa, hindi mabubuhay ang isa. Iba't iba ang konteksto ng pag-unlad subalit ang lahat ay nag-ugat sa kahirapan. Maging ang daang tatahakin patungo sa pag-unlad ay samu't sari rin. May malubak, may matubig, may mabundok, may mapatag, may masikip, at may maluwag. Subalit iisa ang katangian ng mga daang ito; mahaba, malalim at tuloy-tuloy. Mahaba ang daan sa propesyong ito. Nagsisimula sa pag-alam kung nasaan na nga ba tayo at saan tayo patungo? Malalim dahil ang bawat daan ay may sariling pakahulugan sa atin. Ito ay binubo ng ating pagpapahalaga, pangarap at pangamba. Ang mga daang ito ay tuloy-tuloy rin dahil ang pagkatuto ay hindi nagtatapos. Ito ay panghabambuhay. Pagkatapos ng ikalawang semestreng pakikipamuhay, napagnilayan ko na ang pagpapa-unlad ng pamayanan partikular sa konteksto ng Bustos ay patungkol sa pagkakaroon ng mayabong na pakikipagtuwangan at pakikipagkapit-bisigan. Ito ay ang pagtutulungan at pagkakaisa ng iba't-ibang stakeholders. Isang patunay ang bayan ng Bustos kung saan magkatuwang ang pamahalaan at mga mamamayan sa pagpapa-unlad hindi lamang ng pamayanan kundi ng buong bayan. Kabahagi ang mga mamamayan sa mga pangka-unlarang inisyatibo ng pamahalaan. Ang Bayan ng Bustos ang isang magandang modelo ng pamamahala kung saan ito ay mapanlahok at inklusibo sa mga mamamayan higit ng mga nasa laylayan. Nabigyan ako ng kaunting pagtanaw na may pag-asa pang makipagtrabaho sa gobyerno. Kung katulad ng Bustos ang ibang bayan, mas magiging maayos ang proseso ng pag-unlad para sa mga marhinalisadong grupo ng mga mamamayan tulad ng mga Informal Settler's Families (ISFs). Ang pagbabago ng lipunan ay hindi agad makakamit. Ito ay dumadaan sa
  • 35. 31 makasaysayang tunggalian at pakikibaka. Pakikipagtunggali sa istrukturang bumubuo ng sistemang nagpapapalaki sa agwat ng mayayaman at mahihirap, tumatangkilik sa pagkakahati-hati at indibidwalismo, nagpapataas ng bulnerabilidad at bumabalakid sa pag-unlad ng tao. Sa paanong paraan ito bubuwagin? Kailangan ng puwersa sa parehong loob at labas ng istruktura upang mas maging malakas ang impak ng pagbuwag nito. Kailangan ng sama-samang kapangyarihan hindi lamang ng mga nasa labas: laylayan, marhinalisado, maynoridad bagkus maging ng mga nasa loob: naghaharing-uri, gobyerno, mayayaman at mga elitistang grupo. Kailangan ng mga nasa loob na maging bukas at inklusibo. Kailangan nilang magbigay oportunidad, pagkakataon at kapangyarihan sa mga pinagkaitan ng kapangyarihan at kaunlaran. Bilang isang manggagawa sa pagpapa-unlad ng pamayanan, saan tayo pumapasok? Tayo ang nagbibigay puwang sa agwat na humahati sa loob at labas. Tayo ang nagpapadaloy na pagkakataon at proseso upang magkaroon ng interaksyon sa dalawang panig. Sa pamamagitan ng ating mga istratehiya at pamamaraan, tayo ay nakapagbibigay kapangyarihan sa mga nasa laylayan upang maabot ang kanilang mga pangarap o pag-unlad na pinapangarap.
  • 36. 32 Laguesma, Caithline Bo A. Akala ko magkapareho lang ang CD 181 sa CD 180. Akala ko walang ibang mangyayari sa semestreng ito na hindi pa nangyayari noong unang semestre. Akala ko matagal pa bago matapos ang ikalawang semestre. Sobrang daming akala, ni isa ay nagkatotoo. Kahit na pareho lang naman ang karaniwang kaba na nararamdan sa simula ng semestre kapag magaassign na ng field sites at teammates, kahit na pareho lang ang paghinayang na „di na pareho ang teammates at kahit na pareho lang ang pagiging sabik sa kung ano man ang darating, hindi parin magkapareho ang mga nangyari noon sa ngayon. Ngayong semestre ko lang naranasang maghost family nang mag-isa. Kakaiba ang pakiramdam na makasama araw-araw ang mga taong „di ko naman kaano-ano. Kakaiba ang pakiramdam na manatili sa bahay ng mga taong walang ibang rason para panatilihin ako sa kanilang pamamahay kundi ang kanilang busilak na kalooban at pagmamahal sa kapwa tao. Nakakamangha ang mga taong ganito, lalung-lalo na sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Nakakamangha dahil sila na hindi naman gaanong pinagpala sa aspeto ng pera ang siya pang pumayag at nag-iimbita pang makitira at makikain kami sa kanila. Dito sa FIP ko lalong nauunawaan ang pagiging tama ng CD. Dito napapagtibay ang pagiging tama ng ginagawa natin sa CD kung saan hindi naman agarang makikita ng mga myembro ng organisasyon ang resulta ng mga nagagawa nila sa komunidad, pero nakikita at nakikita nating mga FIP students ang kagandahang dulot ng ilang semestreng paglulubog doon at ang pagkakaiba ng noon sa ngayon. Hindi naging karaniwan ang semestreng ito. Madami ang nangyari. Madami ang napagdaanan. Madami ang nakilala. Sa mga napagdaanan sa semestreng ito, lahat ay nagsisilbing lugar upang matuto. Matutunan ang mga bagay na pwedeng matutunan ngayon, at matutunan ang mga posibleng hindi na matututunan pa sa mga susunod na pagkakakataon. Hindi ang mga aktibidad na naisasakatuparan sa loob ng isang semestreng paglulubog ang basehan sa pagtatagumpay ng FIP team. Kundi ang pagrespeto sa
  • 37. 33 prosesong pumapaloob sa komunidad: na hinding hindi dapat kinakalimutan ang konsepto ng mga myembro ng komunidad sa kanilang oras, na hindi pinipilit ang pagkakaroon ng aktibidad kung hindi naman kinakailangan, na hindi pinipilit ang mga tao na gawin kung ano ang ayaw nilang gawin, na inuugat talaga ang problemang naroroon, na tinitingnan ang prosesong pinagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaanan pa ng komunidad. Tulad ng mga naranasan ko noong unang semestre, napapagpapatibay lang na hindi minamadali ang proseso. Hindi ito base sa mga aktibidad. Hindi ito base sa sinsabi ng isang tao lamang. Ito ay base sa kabuoan ng larawang pinapalooban ng komunidad. Lagi kong tatandaan ang mga ito, dahil sa mga susunod na pagkakataon ay nasa labas na ako ng akademikong mundo. At sa tingin ko, ito ang isa sa mga pinakaimportanteng natutunan ko sa buong buhay ko, hindi lang bilang isang estudyante ng Pagpapaunlad ng Pamayanan kundi sa kabuoan nito. Makakamit natin ang tunay na pagbabago. Proseso lang. Tiwala lang.
  • 38. 34 Maderal, Lusha Francesca D. Ang kahirapan ay hindi lamang masusukat sa yaman tulad ng salapi at ari-arian. Maaari itong maranasan ng tao bilang isang indibidwal lalo na kung hindi nabibigyang importansya ang kaniyang boses at kapasidad. Sa usapin ng maalwan na buhay ay nararapat bigyang pansin ang kapasidad, kakayahan at kapangyarihan ng bawat indibidwal na maaari pang i-maksimisa o maging tulay sa pangkabuuang pag-unlad ng sarili. Ang pagbabago ay nagsisimula muna sa sarili bago ito maka-ambag sa isang samahan patungo sa pagbabago o pag-unlad na minimithing makamit. Importante ang mga piling prinsipyo at perspektiba ng CD sa pagpapaunlad ng mga tao at pamayanan. Ito ay may dinadaanan na sistematiko at planadong proseso. Mula sa tatlong buwang na pakikipamuhay sa Bulacan Heights ay marami ang naiambag nito sa aking pagkatuto at karanasan patungkol sa pag-oorganisa. Kinakailangan ito ay may prosesong pinagdadaanan bitbit ang mga prinsipyo at disiplina ng CD. Ang samahan sa Bulacan Heights ay may matatag na suporta mula sa lokal na pamahalaan kaya naman nakikita ko na malaki talaga ang epekto sa komunidad kung suportado ang layunin at adhikain ng isang samahan. Hindi mararating ng AMBUH ngayon ang kanilang pagiging organisado pagdating sa pamamahala ng komunidad kung hindi dahil sa suportang ibinibigay sa kanila ng taga labas. Sa ngayon sila ay masasabi ko na nakamit na ang isang organisadong samahan at kulang na lang ay ang pag-gamit at pag-gawa ng kanilang mga natutunan upang sumabak na sa ibang lebel ng pag-oorganisa upang maging isang ganap na barangay. Masasabi ko rin na importante talaga ang partisipasyon ng mga tao dahil higit na sila ang nakakakilala at nakakaalam sa sarili nilang komunidad. Kasama ang buong pusong paglilingkod ng organisador para sa bayan at mga tao nito ay sama-samang magtutulungan para sa kaunlaran na pang personal, pang samahan o pang komunidad.
  • 39. 35 Bilang isang organisador, masarap sa pakiramdam ang maglingkod sa mga tao nang walang inaasahang ano mang kapalit, sapat na nakikita ko sila na natututo at unti-unting bumabangon at kumikilos nang sama-sama. Napatunayan ng karanasan na ito na hindi lamang sa loob ng silid aralan ang pagkatuto, maaari rin itong maituro ng mga tao mula sa karanasan sa komunidad. Dahil higit na mas pinagtibay nito ang aking mga kakayahan at nalalaman na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng pamayanan at mga tao. Marami man ang isyu at hamon sa pag-oorganisa ay nais ko pa rin ipagpatuloy ang aking landas na tinahak bilang isang manggagawa ng pagpapa-unlad ng pamayanan dahil walang makakpantay sa aking tuwa at galak na nararamdaman kapag nakakasama ko ang mga tao sa komunidad. Sila man ay salat sa buhay pero napaka-init at totoo ang kanilang pagtanggap sa amin.
  • 40. 36 X. ANNEX/ES Annex: A - Interview Guide AMBUH Pamunuan B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016 C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016 D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016 E - Documentation 1st FGD AMBUH F - HOA Letter G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016 H - FGD Microlending I - Blockleaders Masterlist J - Minutes of the Meeting FGD 16 March 2016 K - Survey Form (Pagiging Aktibo) L - Survey Form (Block Meeting) M - Block Leaders FGD Session Guide N - Block Leaders FGD Documentation O - Officers Interview 14 Feb 2016 P - Invitation for Closeness Building Activity Q - FGD Guide for Closeness Building Activity R - AMBUH LNCA Plan S - Closeness Building Activity Documentation T - CD 125 Final Paper U - CD 161 Final Paper V - LNCA Documentation W - Mga Kanta
  • 41. 37 Annex A - Interview Guide General Objective: Itasa ang kasalukuyang sitwasyon/kondisyon ng AMBUH Specific Objectives: 1. Makita ang kasalukuyang istruktura ng AMBUH at maikumpara sa ideal na istruktura 2. Malaman ang mga naging aktibidad o gawain na nilahukan 3. Malaman ang lahatang pagtingin sa kung ano ang pangangaiangan ng samahan sa ngayon 4. Malaman ang kanilang relasyon sa AM Youth Mga Katanungan: 1. Kamusta po kayo? (Pamilya, Trabaho) a) Bilang block leader: Kelan pa? Ano ang mga nagawa? (Mga agenda) b) Ano ang mga tungkulin? Tuwing kelan at kelan huling nagmeeting? Kinikilala ba sila bilang block leader? Advantages and disadvantages ng pagiging block leader? c) Ano ang kanilang tungkulin/function sa AMBUH? (bilang block leader) d) Bilang lider sa AMBUH, ano po ang posisyon at tungkulin? Kamusta ang komiteng hawak? Nagpupulong po ba kayo sa inyong komite? Kelan at ano ang naging agenda? Ano ang mga naging proyekto at aktibidad na naipatupad? Ano ang mga suliranin o problema na mayroon ang komite? Paano niyo po ito sinosolusyunan? e) Nagpupulong po ba ang pamunuan/main officers? Active pa ba lahat ng officers ng pamunuan? f) Ano po ang nag-uudyok sa inyo sa aktibong paglahok? 2. Anu-ano po ang mga gawain/proyekto na naipatupad ng AMBUH simula ng mabuo? 3. Ano po sa tingin niyo ang mga pangangailangan ng AMBUH sa ngayon? (mga suliranin, mga bagay na gustong matutunan na makakatulong sa komite, AMBUH? 4. Ano po ang relasyon niyo sa AM Youth? And vice versa? Ano po ang inaasahan niyo na gawin ng AM Youth?
  • 42. 38 Annex B - FGD Proposal AMBUH 17 Feb 2016 20 February 2016 7:00 - 9:30pm Health Center, Bulacan Heights Unang Talakayan Kasama ang Asosasyon ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH) Layunin:  Mapatunayan ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang interbyu  Matukoy ang mga pangunahing isyu sa loob ng organisasyon  Matukoy ang mga solusyon sa mga nabanggit na suliranin Layunin Topic Method Output Resources Duration Persons-i n -charge Mapatunayan ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang interbyu Resulta ng Interbyu Konsultasyon Documentation Sinangayunan g impormasyon Metacards Marker Masking Tape 30 mins C a i t h R o s e C h e s k a Matukoy ang mga pangunahing isyu sa loob ng organisasyon Kasalukuy ang Suliranin Ranking Problem Tree Documentation Prioridad na problema Metacards Marker Masking Tape Manila Paper 1 hr Matukoy ang mga solusyon sa mga nabanggit na suliranin Solusyon sa Natukoy na Suliranin Solution Tree Documentation Initial na solusyon -do- 45 mins
  • 43. 39 Daloy ng Programa Oras Aktibidad 7:00 - 7:10pm Introduksyon/Pagpapakilala 7:10 - 7:40pm Unang Sesyon 7:40 - 8:40pm Ikalawang Sesyon 8:40 - 9:25pm Ikatlong Sesyon
  • 44. 40 Annex C - Session Guide AMBUH 20 Feb 2016 20 February 2016 7:00 - 9:30pm Unang Talakayan Kasama ang Asosasyon ng Mamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH) Preliminaries (10min) Tagapagpadaloy: Rose, Caith Bating Pambungad at Panalangin Tatawagin si Pang. Juanillo upang pangunahan ang panalangin at ang bating pambungad. Ipapakilala ni Pang. Juanillo ang mga mag-aaral ng UP na nadestino sa Bulacan Heights sa ikalawang semestre, taong 2015-2016. Pagpapakilanlanan Magpapakilala naman ang mga opisyales ng AMBUH. Babanggitin nila ang kanilang pangalan, posisyon at sasagutin ang tanong sa isang salita: ano ang AMBUH ngayon at ano ang AMBUH sa hinaharap? Pagbabahagi ng mga layunin Ang nais na makamit pagkatapos ng diskusyong ito: 1) Mapatunayan ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang interbyu 2) Matukoy ang mga pangunahing isyu sa loob ng organisasyon at sa komunidad at matukoy ang mga suliraning nais bigyang diin o tuon 3) Matukoy ang mga solusyon sa mga nabanggit na suliranin Unang Sesyon (30min) Ibabahagi ng tagapagpadaloy ang mga nakalap na impormasyon patungkol sa kasalukuyang estado ng AMBUH. Ang pagbabahagi ay nahahati sa dalawa: A. Pang-organisasyon na isyu:  Block leader - hindi aktibo  Opisyales ng AMBUH - hindi aktibo, may di pagkakaunawaan, walang ganang magtrabaho dahil walang sahod  Committee head - sila lang ang nagtatrabaho  Hindi aktibong komite (Peace&Order at Infrastructure Committee lang ang aktibo)  AM Youth - inaasahan na gumampan ng tungkulin para sa kabataan (hal.
  • 45. 41 Prostitusyon) B. Pang-komunidad na isyu:  Kanal  Maingay na kapit-bahay  Sugal  Prostitusyon  Drugs  Away  Hindi lahat naglilinis kahit na may “Tapat ko, Linis ko”  Menor de edad na nagkalat Matapos makapagbahagi, tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga sumusunod na katanungan: 1) Mayroon bang hindi malinaw sa mga nabanggit? 2) Sumasang-ayon ba sila o hindi sa mga impormasyon? Bakit? 3) May idadagdag pa ba o may gustong palalimin sa mga nabanggit? Mga Kailangan: Metacards, marker, masking tape, manila paper Ikalawang Sesyon (1 hr) Unang bahagi: Matapos mapatunayan o mabalida ang mga impormasyon, sa sesyong ito tutukuyin ng mga kalahok kung alin sa mga suliranin ang nais bigyang tuon. Bibigyan ng tig-5 shapes (5- heart, 4- cloud, 3-triangle, 2-square, 1- circle). Bibigyan ng 5 minuto ang bawat kalahok na mag-isip kung alin sa mga suliranin ang kanilang prayoridad. Mas mataas ang value, mas mahalaga. Ikalawang bahagi: Pagkatapos ng ranking, ang top 3 na suliranin ang ipapadaloy para sa pag-uugat ng problema. Ipapamahagi ang problem tree template sa bawat grupo. Ang mga kalahok ay hahatiin sa 3 grupo. Tutukuyin ng mga kalahok ang ugat at bunga ng bawat isyu. Pagkatapos ng 15 minuto, ibabahagi ng bawat grupo ang kanilang problem tree. Pagkatapos ng presentasyon ng bawat grupo, ipapadaloy kung mayroong gustong idagdag o kung may hindi sinasang-ayunan. Mga kailangan: Hearts, manila paper, marker, manila paper, masking tape Ikatlong Sesyon (45 min)
  • 46. 42 Sa sesyong ito, tutukuyin ng mga kalahok ang maaaring gawin sa bawat suliraning natukoy. Tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga sumusunod na tanong: 1) Paano nakikitang solusyunan ang mga suliranin? Ano ang kabaliktaran ng mga nabanggit na ugat at bunga? Ang nabatid na problema ay _____________ kung kaya‟t ang naiisip namin na solusyon ay ___________ dahil gusto naming makamit ang __(kabaliktaran ng problema)__. Mga kailangan: Manila paper, marker Overall Synthesis: Mahalaga ang pagtukoy ng problema at pagpaplano ng isang organisasyon ng mga programa at aktibidad. Mas masaya at maganda itong gawin ng sama-sama para mapakinggan ang opinyon ng bawat isa at makarating sa iisang solusyon na sinasang-ayunan ng lahat. Program of Logistics and Expenditures Item Quantity Unit Price Total Remarks Manila Paper 3 pc 6 php 18 php To be acquired Construction Paper 1 rim 120 php 120 php To be acquired (Avia) Masking Tape 1 pc 50 php 50 php To be acquired Marker 3 pc 27 php 81 php To be acquired (Pilot) Snacks 13 pack 20 php 260 php To be acquired Scissors 1 pc - 529 php On hand
  • 47. 43 Annex D - Session Guide AM Youth 22 Feb 2016 22 February 2016 7:30 - 9:30pm Health Center, Bulacan Heights Unang Talakayan Kasama ang Association of Motivated Youth (AM Youth) Preliminaries (15min) Tagapagpadaloy: Rose, Cheska, Caith Pagpapakilanlanan Magpapakilala ang mga myembro ng AM Youth at ang mga estudyante ng UP. Babanggitin nila ang kanilang pangalan, at sasagutin ang tanong: ano ang iyong naging paborito o hindi malilimutang aktibidad na isinagawa at nilahukan ng AM Youth? Bakit? Ang nais na makamit pagkatapos ng diskusyong ito: Matasa mga aktibidad at programa ng AM Youth simula nang ito‟y maitatag:  Matukoy ang mga naging gawain at programa ng AM Youth at malaman kung ano ang naging positibo at negatibong dulot ng bawat gawain.  Malaman ang naging hamon at naging solusyon na ginawa ng mga kalahok sa bawat gawaing nilahukan at pinadaloy. ICE BREAKER (20mins) Kabataan Liga Maj Bata Children Child Marami Kayo Tayo Basketball Maj Jonna Pen Court Homie Tulok UP Maliit Cute Student Perya Pag-ibig Droga Baliwag Viking Ferris Wheel Sugal Color game Karaoke Pagmamahal February Puso Forever Bitter Hugot Marijuana Juts Weed MJ Shabu Bato Masama Videoke Tambay Eleksyon Kanta Perya 300 Maura Eros Lyrics Inuman Katuga Block Out-of-School Youth (OSY) Walang Magawa Bored Mayor Munisipyo Youth Coordinator Boto Dapat Tama Kabataan Rehistro
  • 48. 44 Unang Sesyon (1 hour) Unang bahagi: Ang mga kalahok ay hahatiin sa grupo na binubuo ng tatlo hanggang apat na tao. Bibigyan ng tatlong minuto ang bawat grupo upang isulat sa metacards ang mga naalala nilang aktibidad at programa na nilahukan at ipinadaloy nila simula ng sila ay nabuo. Ididikit ito sa timeline na nakapaskil sa harap. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang kinatawan upang magkwento tungkol sa nakaatas na aktibidad. Ikalawang bahagi: Sa ikalawang bahagi, gagamit ng template ang mga tagapagpadaloy upang tukuyin kung alin sa mga aktibidad ang maituturing na matagumpay, sakto lang at hindi nagtagumpay. Kategorya Aktibidad Positibong Epekto (+) Negatibong Epekto (-) Matagumpay Sakto lang Hindi nagtagumpay Tatanungin ng tagapagdaloy ang bawat grupo kung bakit sa tingin nila ang mga aktibidad ay naging matagumpay, sakto lang o hindi nagtagumpay. Tatanungin din kung ano-ano ang naging positibo at negatibong epekto ng bawat gawain sa kanila, sa samahan at sa pamayanan ng Bulacan Heights. Mga Kailangan: Metacards, marker, masking tape, manila paper Ikalawang Sesyon (1 hr) Bibigyan ang bawat kalahok ng manila paper kung saan tutukuyin nila ang naging hamon at solusyon sa bawat aktibidad na naidaos simula nang sila ay mabuo. Ang bawat grupo ay bibigyang 10 minuto upang magbahagi. Kung sakaling walang naging solusyon, JUNE JULY AUGUST SEPTEMBER OCTOBER NOVEMBER DECEMBER JANUARY FEBRUARY
  • 49. 45 tatanungin ng tagapagpadaloy ang mga kalahok kung bakit hindi nagawang solusyonan at kung ano ang nangyari. Mga kailangan:,marker, masking tape, manila paper Pangkahalatang Paglikom: Mahalaga ang pagkakaroon ng assessment sa bawat gawaing nilalahukan at ipinatutupad sapagkat sa matutukoy kung nakamit ang layunin ng mga aktibidad na ito.Sa pamamagitan nito mapagkukunan ng mga aral na maaaring maging gabay para sa mga susunod pang aktibidad na nais idaos. Sa ganitong paraan, mas malalaman kung naging kapaki-pakinabang ang bawat aktibidad at nang sa gayon mas maaari itong mapagbuti sa hinaharap. Program of Logistics and Expenditures Item Quantity Unit Price Total Remarks Manila Paper 11 pc 6 php 66 php To be acquired Masking Tape 1 pc 50 php 50 php To be acquired Marker 3 pc 27 php 81 php To be acquired (Pilot) Snacks 20 pack 10 php 200 php To be acquired Scissors 1 pc - 529 php On hand
  • 50. 46 Annex E - Documentation 1st FGD AMBUH Pagtukoy ng mga Suliranin ng AMBUH: Isang Diskusyon February 20, 2016 Heath Center 8:15 PM Pagpapakilala ng mga lider at mga estudyante Attendance: Me Ann-President Rowena-V. President Manding-Sgt. At Arms Maura-Treasurer Amalia-PRO Maria-BHW Amy-Health Committee Head Prayer na pinangunahan ni Ate Me ann Introduksyon at pagpapaliwanag ng gawain ng FIP Pagtatanong sa bawat isa ng “Ano ang AMBUH ngayon at AMBUH sa hinaharap?” Maura Tuason: Wala lang ngayon pero ito ay aangat. Mary Ann Juaninllo: Nagsusumikap ito ngayon at sa hinaharap ay lalo pang magsusumikap. Armando: Ngayon ay tuon sa pngangailangang ng AMBUH at sa hinaharap ay sosolusyunan ang isyu sa prostitusyon. Diretso dapat. Amalia: Ngayon ay walang samahan na naging samahan; may ginagawa pero hindi pa lahat ay naipapatupad. E.g. Eskwelahan, lambat simbat sa hinaharap naman ay nais tuunan ng pansin ang kapayapaan. Rowena: Ngayon ay marami nang nagawa pero mas marami pang magagawa sa hinaharap sa kabila ng pagiging abala. 8:45 PM Pagbabahagi ng mga Layunin
  • 51. 47 Unang Sesyon: Pag-validate ng mga suliranin sa loob ng organisasyon at komunidad Pang-organisasyon: Amalia: Walang gana magtrabaho dahil wala namang sahod ang mga lider. Pero ito ay alam na sa umpisa pa lamang na walang sahod kaya dapat y hindi sila nagrereklamo. Boluntaryo ito ng gawain. Tama na ang mga committee head lamang ang nagtatrabaho, tulad na lamang environmental committee. Inihahalintulad kasi ng mga miyembro ng komite ito sa 4ps na programa na parang cash for work. Sa livelihood naman ay hindi aktibo, pero ang health at environment na komite ay may oplan kalinisan na tinulungan ng guradians dahil ang 4ps cleaners ay iniwan sila. Bilang kabataan ay dapat nakikipag ugnayan sila sa mga kabataan na biktima ng hindi magagandang gawain tulad na lamang ng prostitusyon at droga.
  • 52. 48 Pang-komunidad: Amalia: Ang prostitusyon ay totoo pero ang lugaw girls ay hindi na na yan totoo. Dahil ang mga babaeng miyembro niyan ay maraming gamit sa bahay. Hindi lahat ay bente bente lamang. Pinakamababa na ang 100 pesos, may mga bumabale o umuutang. Yung mga driver din sa toda ang kumukuha ng mga prosti. Sugal at drugs ay marami rin ang kaso dito. May mga nahuhuli ang pulis at hindi pa nakakalaya ang mga ito. Minsan sa mga lalaki rin ang problema, mga hayok sa laman at 13 yrs old lamang ang mga kinukuha. Nagkakaroon ng mababang pagtingin sa amin na mga taga BH, akala nila lahat ng babae dito ay mura lamang kahit na ang iba ay hindi naman sangkot o kasapi sa ganitong kalakaran. Nagaglit kami sa mga tao kapag nakakrinig kami ng ganito at aming pinagtatanggol ang aming mga sarili.
  • 53. 49 Me Ann: Kung ano ang mga problemang kinakaharap ng Bulacan Heights ay sigurado naman ako na . talamak din ang ganitong problema sa ibang komunidad o barangay. (prostitusyon, droga at mga magnanakaw. Ito na lamang ang kaniyang mga sinasabi sa mga mababa ang tingin sakanila. Ang mga nagiging dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganitong gawain ay walang makain, walang pera at walang trabaho. Taga BLK 21 LT 3 ang bugaw at promotor ng gawain na ito. Ang isyu naman kapag binangga ang ganitong gawain o pinagkakakitaan ang kanilang isasagot lamang ay “Bakit? Bibigyan mo ba kami ng bagong gawain?” Mga Hadlang kung bakit ito hindi maitigil Prostitusyon Ang bigyan ng pang araw-araw na kakainin ay hindi naman magagawa. Kung skills naman sa pag gawa ng bag ay matagal ang kita mas mabilis ang prostitusyon kumbaga instant money ito para sakanila. Mabilis na nga nasarapan pa. Nawala ang pokus sa prostitusyon noon at hindi rin napag-usapan sa mga nakaraang meeting. Nahihirapan ding alamin kung ano ang solusyon. Noong nakaraang Jan. 31, mayroong tatlong magulang na nagreklamo kaya nagpunta sa munisipyo noong nakaraang unang linggo ng February. Droga Yung mga nahuli ay hindi pa nakakalabas at naging hamon din para sa asosasyon na gawan ng aksyon tulad ng pagbulgar sa mga gumagamit ng bawal na gamot dahil maaaring malagay sa panganib ang kanilang mga buhay. Domestic Violence Marami ring kaso sa loob ng buwan na natatanggap ni ate Me-ann. Kalinisan Hindi lahat ay naglilinis at ang iba ay makalat dahil humahangin ang kalat papunta sa harapan ng kanilang mga bahay.
  • 54. 50 Mga Kabataang Nagkalat Nagroronda o umiikot ang mga naka-green na volunteer at sinusuyod nila ang buong lugar para suwayin at pauwiin ang mga bata. Kung minsan dinadala sa mga barangay ang mga bata pero pinapauwi rin. Tulong na Natatanggap sa Barangay Canal wala Rumeresponde ang barangay kapag may mga away May nag-iikot na tanod Nagkaroon ng clean up drive para sa dengue outbreak Sa kaso ng sugal, nagpapatulong ang barangay sa AMBUH Galing sa munispyo ang mga truck na nangongolekta ng basura Wala aksyon sa kaso ng prostitusyon Nagpapadala ng BHW Sa kaso ng droga, may ginagawa pero di aktibo Sumasama sa paglilinis ang mga konsehal Ikalawang Sesyon: Ranking ng mga Isyung Natukoy
  • 55. 51 Prostitusyon Drugs- Importante dahil kung wala ito walang prostitusyon Sugal Kanal Menor de Edad Di Aktibo Komite Mga Away Amalia: Mahirap gawan ng solusyon dahil ang may-ari mismo ng katawan ay ayaw iwanan ang trabaho. Ang isyu naman ng droga ay hindi dapat balewalahin dahil marami ang nabibiktima. Vice-Pres: Prostitusyon ang pinakatuon dahil nakaka-alarma ang pagtingin ng mga taga-labas sa mga batang babae ng Bulacan Heights. Nakaka-alarma rin ang drugs dahil maaaring madamay ang mga anak. Ka Manding: Gobyerno ang may kasalanan, talamak ang drugs pero di masupil. Ate Me-ann: Nakaka-alarma ang prostitusyon. Kapag napagalitan ng magulang, malakas ang loob na may mapupuntahan. Nakikita na nakakaimpluwensya ang perang kinikita at nakakaalarma na pabata ng pabata ang mga babae. May kakulangan sa kamalayan at naaabuso ang karapatan.Sa kaso ng droga, walang pakialam kung bata o matanda ang customer. Maria: Kasalanan ng gobyerno. Siguradong mayroong nagtatago sa kanila at nakakatakot magreport dahil hindi alam kung sino ang tuwid.
  • 56. 52 Napansin na mas pang-komunidad na isyu ang gustong tuunan ng pansin ng mga opisyales dahil ang pang-organisasyon na isyu ay napag-uusapan naman sa loob ng samahan. At ang isyu ng pagiging hindi aktibo ay nag-ugat sa iba‟t ibang dahilan; nasa probinsya ang iba, may trabaho at may gampanin ang iba. Ikatlong Sesyon: Problem Tree at Solution Tree Hinati sa dalawang pangkat ang mga kalahok at binigyan ng ilang minuto upang ugatin at tingnan ang epekto ng dalawang pangunahing isyung tinukoy: ang droga at prostitusyon.
  • 57. 53 Sa Isyu ng Droga Tinitingnan na ang isyu ng droga ay isang pang-nasyunal na problema. Sa pagsugpo nito, nakikita na malaking alalalahanin ang seguridad. Nakikita na patuloy na makipag-ugnay sa ahensya ng gobyerno, magsagawa ng seminara sa droga. “Ang nabatid na problema ay droga. Kung kaya’t ang naiisp namin na solusyon ay counseling, seminar, coordination sa ahensya dahil gusto naming makamit ang kaayusan, matiwasay at payapang pamumuhay.” Sa Isyu ng Prostitusyon Putulin ang ugat, nakikita na gobyerno ang solusyon sa prostitusyon. Nakikita na bigyan
  • 58. 54 ng mga trabaho ang mga nasasadlak sa prostitusyon at magkaroon ng counseling. “Ang nabatid na problema ay prostitusyon. Kung kaya’t ang naiisip naming solusyon ay counseling dahil gusto naming makamit ang mabuksan ang isip na maghanap ng tunay na trabaho at malaman ang magiging epekto nito sa kanilang pamilya, komunidad.” “Ang nabatid na problema ay prostitusyon. Kung kaya’t ang naiisip namin na solusyon ay magbigay ng trabaho dahil gusto naming makamit ang marangal na pamumuhay at maayos na pamilya.” Paglikom Amelia: Mahirap gawan ng solusyon dahil ang mismong may-ari ng katawan ay ayaw magbago. Talagang tao ang makakapagpasya. Ka Manding: Walang perpekto sa mga Filipino Me-ann: Counseling, Seminar at coordination sa pamahalaan. Magkaroon ng kamalayan ang mga hindi pa nalululong sa droga at prostitusyon. Madaling matukoy ang problema subalit hindi ang solusyon. Magandang mapag-usapan ito kasama ang mga block leaders. 10:06 pm END
  • 59. 55 Annex F - HOA Letter Ika-2 ng Marso, 2016 Igg. Arnel F. Mendoza Punong Bayan Bustos, Bulacan Minamahal na Punong Bayan: Ang Asosasyon ng Mamamamayan sa Bulacan Heights (AMBUH) ay isang organisasyon na binubuo ng mga residente sa Bulacan Heights na matatagpuan sa Barangay Catacte, Bustos, Bulacan. Layunin ng Asosasyon na mapaunlad ang Bulacan Heights bilang isang matatag, mapayapa, malinis, at progresibong pamayanan at ang mga mamamayang naninirahan rito ay maging maka-Diyos, makatao, may paninindigan, makakalikasan at may malasakit sa kapwa. Kaugnay nito, ang Asosasyon ay kasalukuyang inaasikaso ang mga kinakailangan sa pagrehistro sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Kami po ay lumalapit sa inyong tanggapan upang mabigyan kami ng kopya ng mga sumusunod na dokumento na kinakailangan sa pagrehistro: • Katibayan na ang AMBUH ang kinikilalang organisasyon o samahan sa Bulacan Heights.
  • 60. 56 • Masterlist ng mga residente mula sa Local Housing officer • Blueprint, whiteprint o photocopy ng subdivision plan mula sa Local Government Unit (LGU) with stamp Malugod po naming inaasahan ang inyong positibong pagtugon sa liham na ito. Maraming Salamat po at pagpalain kayo ng Diyos. Lubos na Gumagalang, Mary Ann Juanillo AMBUH President
  • 61. 57 Annex G - Documentation AMBUH Meeting 03 March 2016 March 3, 2016 2031H Attendees: Ate Maura, Audi Gerry, Ate Marlyn (Sgt at Arms), Ate Meann -di daw kasama si vice sa beneficiaries: pinili nya ang 4Ps Microlending definition (unang naiisip pag naririnig nyo ito) -Maliit na dagdag puhunan (Ate meann) -Pautang (Ate meann) -Puhunan (Audi Gerry) Ate meann: Dati naexperience kong mautang sa 5/6 500 tas balik 600 (mga after 2 weeks): puhunan ko ay galing sa 5/6. Ayoko na mag renew. No choice ako magrenew kasi di makapagbayad. Malaki ang interest. Ate marlyn: Hanggang ngayon baon parin sa 5/6 (may 5/7), nakakabaon sa utang talaga. Sa cooperatiba. Sa card. Kaso nung nabuntis ako nahinto. Maganda siya kasi kapag naaksidente ka, may bigay din sila. Insurance. Ate maura: Konti lang ang tubo nung akin: 5%. Nung naoperahan anak ko. Kuya Gerry: Utangan namin ay puro sa gobyerno. Loan.GSIS. Gano karami ang myembro ng card? Galing baliwag pa yun. Di na nagrenew kasi nga nabuntis tas winidraw ang savings. Nung babalik na dapat ako, di na ako makabalik kasi winidraw na ang savings. Kahit sino pwede sumali pero dapat may tindahan. 3 months or 4 months lang namatay siya, 35,000 ang nabigay sa kanya. Bakit microlending ang programa? Kayo ang nag isip? -sila konsi j ang nagsuggest, KPK kasi ito ang ginawa nila para makatulong sa mga mamumuhunan dito - ang gusto talagang mangyari nyan, 10k sa bawat beneficiary, kapag kukunin namin ang 10k para samin lang, parang di namin iniisip ang ibang mga block leader na hindi nakapangalan dun? Pano sila makikinabang? Kelangan naming bigyan ang iba na dapat makautang pa. After 1 year, dapat ibabalik na sa kanila. Yung 5% na ang ipapaikot. -kung meron silang negosyo, edi gamitin nila yung puhunan. -pano nyo nakikitang makakatulong to sa samahan?
  • 62. 58 Kasi nangungutang sila sa mas malaki ang tubo, kapag 5% lang galing sa amin, mas di sila mabibigatan tas may pondo pa kami, may savings. May pakinabangan ang asosasyon. 2% sa asosasyon, 2% sa beneficiary, 1% balik sa kanila 2% sa 3000 or 40% Role ng bawat isa? Halimbawa tatlo sila mangungutang, so silang tatlo ang mangangasiwa sa paghuhulog ng bawat isa. Bumuo muna ng tatlong grupo para makautang. Magtatalaga parin ba ng sariling grupo ng AMBUH na tagasingil, etc? Beneficiary din ang maniningil kung san siya nagpautang Criteria: Kelangan magbabayad KElangan depende sa itsura at pagkatao. Merong magaling mabuladas. Kelangan may trabaho. Kelangan ba sabihin yung purpose ng pag utang. Ano ang priority? First come, first serve: mahirap kasi yung pag may tinanggihan ka Ako hindi: may mga taong magagalit sakin. Hindi dahil kachika chika ko na siya, pauutangin ko na yun. Mas papautangin ko yung para sa livelihood, kesa sa pang aral. Pano yung pagbabayad? Hulugan sa 3 months. Mahirap pag isahan lang. Mabibigatan sila. Pano kung di nakapagbayad? Isang grupo, di marerelease or renew yung dalawa kung di nakakapgbayad ang isa.
  • 63. 59 So halimbawa ako beneficiary, pwedeng 2 lang ang papautangin. Pwede manghiram ang beneficiary. Papaikutin ang sobrang 1k. Kung sakali man, pwede naman manghiram ng less than 3k. Collateral? Sabi ni konsi j, pano yung salitang pagtulong sa kanila? Walang collateral. Tatlong libo lang naman yun. Baka mapuno yung gamit samin. Depende sa mapag uusapan. Masasagot to pag nandito ang 27 beneficiaries. Oo tama, officers kami pero di lang dapat kami ang magdesisyon dyan. Dapat lahat ng beneficiaries. Bubunot ba ulit ng beneficiary next time? Diba natapos na ang isang taon, syempre nandun pa yung pera na yun. Para sakin, yun padin pag may dumating na panibagong ganun, hindi na tayo makakasama kundi ibang kasama nating block leader. Para sakin, papalitan lang ang di magaling magpautang. 27 tayo. Tapos ako hindi ako ok magbayad, ibigsabihin pwede akong palitan ng ibang block leader. E pano kung wala ng perang nabalik? Ang sabi ni konsi j dun, kahit isa lang ang nasira, at least may 26 pa. Pero kelangan mabayaran muna yung pera bago mapalitan. Halimbawa tutubo ng 10000 sa isang taon, e di pipili na tayo ng bagong blockleader (magdagdag) hindi papalitan siguro. Hanggang kelan nyo po papayagang magrenew ang isang borrower? Hangga‟t kaya nyang kumuha/magbayad. Hanggat good payer tuloy tuloy. Kapag nag rerenew, pataas ng pataas yun. Posible naman bayaran ang 3000 sa loob ng 3 months.Lalabas na 30 pesos a day. Rose: input about micro lending Ibat ibang uri ng micro lending Mas safe ang group lending kasi mas nakakapressure sa mga tao, dapat sabay sabay sila magbayad upang makaulit. Types of Colateral, etc. Sa loob nga ng isang taon, hindi nga kami nakakakuha. Inaasahan lang natin yung galing sa tiangge.
  • 64. 60 Kunyari di nakapagbayad? Kakausapin talaga namin sila. Tutal dito lang talaga sila nakatira. Sa policy naman yun lilitaw. May membership fee bago mangutang (100) Paano masisiguro ang transparency and accountability? Magkakapassbook yung bawat mangungutang. Bunot ng antoher block leader para sila ang makikinabang sa tubo sa isang taon, pero ang officers ay permanent na beneficiary maliban nalang kung magkakaroon ng eleksyon, Pag-isipan natin ng mabuti kung ano ba talaga ang criteria ng manghihiram, at polisiya: Kasi baka mababaon lang lalo sa utang Pwedeng may regular na trabaho, pwedeng may tindahan, o gagamitin para puhunan sa livelihood. Naisip ng iba kong kasamahan: pag kami, siyempre di namin sisrain yan. Kami kasi yung haharap sa munisipyo. Kami ang masisira kung sakali. Kaya namin to ginawa para magkaroon ng source of fund ang AMBUH. Ang gusto kasi mangyari ng munisipyo ay hindi sosolohin ang 10,000. Kelan po ba dadating ang pera? Nasa sangguniang bayan palang. Elmer: Option namin yung printer at photocopy na uutangin sa 10,000. Simulan sa maliit. Printer na may scanner. Malakas kasi talaga yun. 2130H end of meeting
  • 65. 61 Annex H - FGD Microlending Focus-Group Discussion sa Micro-lending AMBUH March 3, 2016 PRELIMINARIES * Nakapaskil sa pisara ang freedom wall kung saan malayang magpaskil ang mga kalahok ng kanilang pagtingin sa kung ano ang micro-lending. PANIMULA Sisimulan ang pagpapakilala ng mga kalahok sa pagbabahagi ng karanasan sa micro-lending. PAGBABAHAGI NG MGA LAYUNIN Malaman ang kanilang pagtingin at pagkakaunawa sa micro-lending Malaman ang kanilang inisyal na desisyon kung posible ba ang micro-lending bilang lik kayang programang pangkabuhayan (SLP)? UNANG SESYON Sa sesyong ito matutukoy ang pagkakaunawa ng mga kalahok sa kung ano ang micro-lending. Para sa unang bahagi, tatanungin ang mga kalahok kung bakit micro-lending ang naisip na gawing proyektong pangkabuhayan at kung ang puhunan na gagamitin ay pautang na dapat bayaran. Kung ito ay utang, kailan ito dapat bayaran? Babalikan ng tagapagpadaloy ang kasagutan na ibinahagi ng mga kalahok (Elaborate freedom wall). Batay sa kanilang pagpapakahulugan sa micro-lending at sa kanilang naging karanasan na ibinahagi, tatanungin ang mga kalahok sa kung papaano nila nakikita na makakatulong ang proyektong ito sa kanilang samahan? Anong pangangailangan ng samahan na tutugunan ng micro-lending? Para sa teknikal na aspeto ng micro-lending, ang mga sumusunod ang magiging katanungan:
  • 66. 62 Magkano o ano ang porsyento ng halaga ng kikitain? Sa 5 % na interes, ito ba ay 40% para sa AMBUH, 40% para sa nagpautang , 20% para sa nangutang? Ano ang mekanismong ipapatupad o sa papaanong paraan gagana o tatakbo ang micro-lending? - Ano ang magiging tungkulin ng bawat isa? - Peer to peer na uri ba ng micro-lending ang ipatutupad o buong samahan ang magpapatakbo- may itatalagang pangkahalatang tagapamahala? Ano ang sistema o polisiyang kanilang ipapatupad upang mapatakbo ng maayos ang micro-lending? - Magtatalaga ba ng standards o criteria ng mga manghihiram? (e.g. kumikita, dahilan ng pag-utang) - Sa loob ng 3 months na pagbabayad (ito ba ay hulug-hulugan o isang buong pagbabayad)-Repayment Scheme (Collection frequency at magkano?) - Paano kapag hindi nakabayad? Magtatalaga ba ng collateral o guarantee? - Papaano maniningil? At tuwing kailan? (Collection schedule) - Papaikutin ba ang pera? Magkakaroon ba ng bagong bunutan ng benepisyaryo? INPUT Kahulugan sa Micro-lending Ang Micro-lending ay tinatawag rin na micro-credit. Ito ay isang: - Income-generating na programa. Nagpapahiram ng pera sa mga mahihirap para magkaroon ng kabuhayan (Microcredit Summit of 1997). - Poverty-reduction na programa. Nagbubukas ng oportunidad para sa mga mahihirap upang maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan.
  • 67. 63 Istruktura ng Micro-lending Uri ng Micro-lending Individual lending- nakapokus sa isang kliyente at hindi inoobliga ang mga tao na magbigay ng collateral o guarantee. Group lending- kilala rin sa tawag na solidarity lending. Pinapayagan ang bawat indibidwal na magkaroon ng collateral sa pamamagitan ng group repayment pledge. Yung ibang pamamaraan sa ilalim ay gumagamit ng joint liability scheme. Uri ng Collateral Real Property- land and real estate Movable property- vehicle, machinery, equipment. Kadalasan nagtatalaga ng movable collateral registry upang tukuyin kung ano lamang ang maaaring tanggapin na uri ng movable property. Kritismo sa Micro-lending Prone na unahin muna ang pagtugon sa pangunahing pangangailangan kaysa sa enterprise kaya maraming nababaon sa utang. Maaaring lalong mabaon sa utang ang mga manghihiram kung hindi nakapagbayad. Humihikayat ang micro-lending na mangutang ang mga mga mahihirap sa loan sharks (ODI, 2011). Mataas ang interest rates para sa mga mahihirap (ODI, 2011). Ang may access lang ang may kakayahan na magbayad o yung may collateral. Isyu ng lending costs (administrative cost, educating borrowers, compensating defaulted loans)
  • 68. 64 IKALAWANG SESYON Sa sesyong ito, ipapa-kompyut sa mga kalahok ang posibleng kitain sa proyektong ito sa loob ng 3 buwan at isang taon. Pagkatapos, tatanungin ng mga tagapagpadaloy ang mga sumusunod na katanungan: Kung ito ba ang halaga na kanilang inaasahang kitain? Paano makasisigurong hindi malulugi? Ano ang mga pamamaraang gagawin upang hindi malugi kung sakaling hindi nakapagbayad sa itinakdang panahon ang mga manghihiram? Kung si benepisyaryo ang itatalagang taga-singil, paano masisigurong transparent at accountable ang bawat transaksyon? Pagkatapos, tatanungin ang mga kalahok kung binabalak pa ba nilang ituloy ang micro-lending kung ibabatay sa kikitain, puhunan at kakayahan ng bawat isa?