AP 7 Lesson no. 29: Dahilan ng Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Dahilan ng Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang dahilan at konsepto sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
AP 7 Lesson no. 29: Dahilan ng Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Dahilan ng Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang dahilan at konsepto sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (1).pptx
ArPan-7-Activity.docx
1. Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya (continuation sa ila nga
copy…)
3. ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan)
Constantinople - ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa.
- nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China at ibang
bahagi ng Silangan na napasa kamay ng mga Turkong Muslim.
- lubusang nasakop noong 1453 at ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol
ng Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong
Silangan
*Ang ugnayan ng mga mangangalakal sa Asyano at Europeo ay naputol at tanging mga Italyanong
mangangalakal na taga Venice, Genoa at Florence ang pinayagan ng Turkong Muslim na
makadaan sa ruta.
*Napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal ng Europeo, pinangunahan ito ng
Portugal, at sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles, at Pranses.
*Naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat, tulad ng:
a. Astrolabe – ginagamit upang malaman ang oras at latitude
b. Compass – ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan
4. ANG PAGLALAKBAY NI MARCO POLO
Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice
- nanirahan sa China sa panahon ng Dinastiyang Yuan nang higit sa
halos 11 taon
- nagsilbing tagapayo ni Emperador Kublai Khan at itinalagang
maglakbay sa iba’t-ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador.
- bumalik sa Italy noong 1295 at doon inilimbag ang aklat na
The Travels of Marco Polo (1477)
Inilarawan ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa
mga bansa ng Asya lalo na ang karangyaan at kayamanan ng
China
-maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat
na makarating at makipagsapalaran sa Asya
5. Ang Merkantilismo
*Sa Europa umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging yaman at makapangyarihan
*Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop ng mga bansang Europeo ay naging daan sa
pag-unlad ng ekonomiya ng Europa.
*Ang pamamaraan sa pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad kaya itoy nagdulot
ng malaking kita sa mga bansang Europeo
Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na makarating sa Asya ang naging daan
para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong mangangalakal at
makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyal na panustos sa
industriya.