Ang paglago ng mga bayan ay pinabilis ng pag-unlad sa kalakalan at agrikultura gamit ang mga bagong teknolohiya. Ang sistema ng kalakalan ay umusbong kasama ang mga ‘money changer’ at pagpapautang, na nagpalakas sa ekonomiya. Ang paglitaw ng mga burgis at guilds ay nagbigay daan sa pagbuo ng isang gitnang uri na may malaking epekto sa lipunan.