Ang mga Dalagita ng Sapang Kawayan - Reflection.docx
1. Franz Paulo B. Espinosa
BSED FIL-2C
"Ang mga Dalagita ng Sapang Kawayan"
Reflection:
Aking natutunan sa dokumentaryo na ito ang kahalagahan ng pag-aaral sapagkat bilang isang
kabataan. Nakita ko sa dokumentaryo na aking napanuod na ang bawat kababaihan o maging ang
kalalakihan ay nawawalan ng pag-asa sa buhay kung kaya't nauuwi sa maagang pag-aasawa ang
kanilang buhay. Sa buhay ng mga kabataan na idinokumentaryo ni Kara David makikita na ang
mga kabataan na nakapanayam sa dokumentaryo ay ang mga matatalinong istudyante sa kanilang
silid-aralan. Habang pinapanood ko ito,hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga nalaman
ko at mga dahilan na binigay ng mga dalaga.Naiinis na naaawa ako sa kanila dahil sa murang edad
pa lamang nila ay nagkakaanak na sila .At nakakainis din dahil ang mga dahilan ng mga kabataan
ay hindi sapat na dahilan para sa maagang pagbubuntis.Higit sa lahat,naiinis ako sa mga
mentalidad ng mga tao sa lugar na ito na kung saan kapag hindi kapa nagkaanak sa edad na 18 ay
naiiwanan kana ng byahe at sa mga mgulang naman kapag 40 dapat may apo kana.Ngunit hindi
korin naman masisisi ang mga tao dito dahil kung tutuusin ang gobyerno rin ang may kakulangan
sa lugar na ito.