SlideShare a Scribd company logo
1 of 8
Download to read offline
Ang Mangingisda
Bartolome Del Valle
Noong unang panahon ay may isang
matandang mangingisda. Siya ay mahirap at
umaasa lamang sa kaniyang hanapbuhay sa
tubig. Lagi nang kinakapos ng pagkain ang
kaniyang asawa at tatlong anak. Araw-araw
siya ay nangingisda sa dagat. Siya ay may
isang pamahiin, at ito’y paghulog ng lambat
nang hindi hihigit sa makaapat sa loob ng isang
araw.
Isang umaga, madilim-dilim pa, ay lumakad
na siya uoang mangisda, Ang nahuli ng
kaniyang lambat sa unang paghuhulog ay
isang patay na buriko, sa ikalawa ay isang
latang puno ng buhangin at sa ikatlo ay
mabibigat na bato, kabibi, at burak. Lungkot na
Lungkot ang mangingisda. Nagdasal siya at
pagkatapos ay hinulog na muli ang lambat.
Nagalak siya sapagkat nang binabatak na niya
ito ay napansin niyang hindi karaniwan ang
bigat. Ipinalagay niya sa sarili na marami siyang
huling isda. Nang mailahon niya ang lambat ay
Nakita niya ang malaking pasong tanso na may
takip na tingga.
“Ipagbibili ko ito sa panday”, ang
natutuwang sinabi niya, “at ang salaping
mapagbibilhan ko ay ibibiii ko ng mais para sa
aking pamilya”.
Kinuha niya ang tansong paso, sinuri niya, at
inalog ngunit wala siyang narinig. Sa kaniyang
palagay ay may mahalagang laman ito.
Kinuha niya ang lanseta at binuksan ang paso.
Ilang sandal niyang minasdan ang paso ngunit
himala! Bigla siyang napaurong nang makita
niyang lumabas ang napakakapal na aso na
umabot hanggang sa ulap. Kumalat aso
hanggang sa laot at pagkatapos ay unti-unting
nabuo. Nagulumihanan ang mangingisda nang
makita niyang ang aso ay naging higante. Ang
sabi nito sa isang nakakagimbal na tinig,
“Lumuhod ka sa harap ko at magmakaawa;
kung hindi ay papatayin kita.”
Kinilabutan ang mangingisda, ngunit
naglakas -loob siyang magsalita:
“Sa anong dahilan at ako’y papatayin mo?
Hindi mo ba nalalamang ako ang
nagpakawala sa iyo, at ako ang nagbigay ng
Kalayaan mo?”
“Nalalaman ko, ngunit hindi magiging
sagabal iyon para sa sakin upang ikaw ay
patawarin ko. Bibigyan kita ng isang kahilingan
lamang.”
“Ano ang kahilingang nais mo sa akin? Ang
tanong ng mangingisda sa higante.
“ikaw ang pamimiliin ko sa paraan ng iyong
pagkamatay. Wala na akong magagawa para
sa iyo, at upang maniwala ka sa saking sinasabi
ay making ka sa aking kasaysayan.”
“Ako ay isang espiritu na naghihimagsik
laban sa diyos. Inutusan ako ng haring Solomon
anak ni David na propeta, na kilalanin ko ang
kaniyang kapangyarihan at sumunod sa mgA
utos niya. Ngunit ako ay tumanggi at hindi ko
siya sinunod. Bilang parusa ay isinilid ako sa
pasong tansong ito at tinakpan ng tingga na
may tatak ng pangalan ng diyos. Pagkatapos
ay tinapon ako sa dagat”
“sa unang dantaon ng aking pagkabilanggo
ay isinumpa kong magliligtas sa akin ay
hahandugan ko ng kayamanan. Sa ikalawang
dantaon ay bibigyan ko ng mahahalagang
hiyas. Sa ikatlong dantaon ay ipinangako kong
ang humingi sa akin ng tatlong kahilingang nais
niya. Ang tatlong dantaon ay nagdaan nang
walang nakapagligtas sa akin. Dahil diyan, Sa
malaking galit ko ay isinumpa kong sinumang
magliligtas at magpalaya sa akin sa
pagkabilango ay papatayin ko, at ang tanging
maihahando kong kabutihan sa kaniya ay
bigyan siya ng karapatang pumili ng sariling
kamatayan. Sapagkat ikaw ang nagligtas sa
akin, ngayon ay kailangang sabihin mo kung
paano kita papatayin.”
Ang mangingisda ay nahintakutan.
Kinilabutan siya sa malaking takot hindi para sa
kaniyang sarili kundi dahil sa maiiwan niyang
mga anak at asawang siya lamang inaasahan
sa buhay.
Ang kaniyang samo,”Mahabag ka sa akin,
alalahanin mong ako ang naging dahilan ng
iyong kaligtasan. Alamin mong ako ay may
apat na kaluluwang mauulila at maaring
masawi.”
“Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon.
Ang lahat ng pangangatwiran mo ay walang
halaga para sa akin. Dalian mo. Pumili ka ng
gusto mong kamatayan. Hala, isipin mo ang
lalong maligayang kamatayang hihilingin mo.”
Ang mangingisda ay nag-isip. Nababatid
niyang ang higante ay hindi mahahabag sa
kaniya dahil sa marahas at matitigas na
pangungusap nito.
“Sapagkat wala na akong kaligtasan ay
hindi na ako tututol sa aking kapalaran. Bago
ko sabihin sa iyo ang paraan ng aking
kamatayan ay hinihiling ko sa ngalan ng diyos,
na sagutin mo lamang ang isang katanungan.”
“itanong mo na kahit anong nais mo.
Ngunit sandal lamang.” Ang tugon ng higante.
“isinusumpa mo ba sa ngalan ng diyos na
ikaw ay talagang galing sa pasong ito ay maliit
at alam mong ang paa mo lamang ay hindi
maaring magkasiya rito. Paanong nagkasya
ang buo mong katawan?
“Isinumpa ko sa iyo na ako ay talagang
galing diyan sa paso. Hindi ka pa ba naniniwala
sa aking sinasabi?”
“Hindi,” Tugon ng mangingisda. “Hanggang
hindi ko nakikitang ikaw ay galling diyan, hindi
mo ako mapapaniwala.”
“Kung gayon ay tignan mo”, ang sabi ng
higante. Ang higante ay mulong nagpaaso at
unti-unting pumasok sa paso hanggang sa
tuluyang mawala.
Ang ginawa ng mangingisda ay mabilis na
tinakip ang tinga ng paso at ang sigaw:
”Higante, ngayon naman ay ikaw ang humingi
ng patawad.” Itatapon kita muli sa dagat at
ako ay magtatayo ng bahay sa baybaying ito
ng kung ang bilangguan mong paso ay
makukuha, itatapon ka muli sa dagat. Iyan ang
dapat sa iyo, walang utang na loob!”
Ang lahat ng pagsusumamo ay ginawa ng
higante. Ang mga pangako niyang
kayamanan ay hindi dininig ng mangingisda.
“Ikaw ay napakataksil upang aking
paniwalaan. Ang aking buhay ay walang
halaga kung pababayan pa kitang
makalayang muli,” Ang tugon ng mangingisda.
Pagkawika nito ng mangingisda ay muling
inihagis ang pasong tanso sa gitna ng dagat,
sabay nagwika: “Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, di makakaraing sa
patutunguhan.”

More Related Content

What's hot

Parabula ng Mayaman at Pulubi
Parabula ng Mayaman at PulubiParabula ng Mayaman at Pulubi
Parabula ng Mayaman at PulubiSCPS
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ardan Fusin
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfReychellMandigma1
 
Tono, Diin at Antala
Tono, Diin at AntalaTono, Diin at Antala
Tono, Diin at AntalaLuzy Nabucte
 
Pag sang ayon at pasalungat
Pag sang ayon at pasalungatPag sang ayon at pasalungat
Pag sang ayon at pasalungatRochelle Nato
 
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoFilipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoJuan Miguel Palero
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaJuan Miguel Palero
 
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa Parabula
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa ParabulaFilipino 9 Matalinghagang Pahayag sa Parabula
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa ParabulaJuan Miguel Palero
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAng saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAnnex
 
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagFilipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagJuan Miguel Palero
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxMean6
 
Alamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaonAlamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaonisabel guape
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananJenita Guinoo
 
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptxFILIPINO 7 Unang Markahan.pptx
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptxRoel Agustin
 
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptxAng Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptxRizlynRumbaoa
 

What's hot (20)

Parabula ng Mayaman at Pulubi
Parabula ng Mayaman at PulubiParabula ng Mayaman at Pulubi
Parabula ng Mayaman at Pulubi
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
 
Tono, Diin at Antala
Tono, Diin at AntalaTono, Diin at Antala
Tono, Diin at Antala
 
Pag sang ayon at pasalungat
Pag sang ayon at pasalungatPag sang ayon at pasalungat
Pag sang ayon at pasalungat
 
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoFilipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
 
balita
balitabalita
balita
 
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa Parabula
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa ParabulaFilipino 9 Matalinghagang Pahayag sa Parabula
Filipino 9 Matalinghagang Pahayag sa Parabula
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
 
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAng saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
 
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagFilipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
 
Rama at sita
Rama at sitaRama at sita
Rama at sita
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
 
Alamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaonAlamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaon
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
 
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptxFILIPINO 7 Unang Markahan.pptx
FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx
 
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptxAng Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
 

Ang mangingisda

  • 1. Ang Mangingisda Bartolome Del Valle Noong unang panahon ay may isang matandang mangingisda. Siya ay mahirap at umaasa lamang sa kaniyang hanapbuhay sa tubig. Lagi nang kinakapos ng pagkain ang kaniyang asawa at tatlong anak. Araw-araw siya ay nangingisda sa dagat. Siya ay may isang pamahiin, at ito’y paghulog ng lambat nang hindi hihigit sa makaapat sa loob ng isang araw.
  • 2. Isang umaga, madilim-dilim pa, ay lumakad na siya uoang mangisda, Ang nahuli ng kaniyang lambat sa unang paghuhulog ay isang patay na buriko, sa ikalawa ay isang latang puno ng buhangin at sa ikatlo ay mabibigat na bato, kabibi, at burak. Lungkot na Lungkot ang mangingisda. Nagdasal siya at pagkatapos ay hinulog na muli ang lambat. Nagalak siya sapagkat nang binabatak na niya ito ay napansin niyang hindi karaniwan ang bigat. Ipinalagay niya sa sarili na marami siyang huling isda. Nang mailahon niya ang lambat ay Nakita niya ang malaking pasong tanso na may takip na tingga. “Ipagbibili ko ito sa panday”, ang natutuwang sinabi niya, “at ang salaping mapagbibilhan ko ay ibibiii ko ng mais para sa aking pamilya”. Kinuha niya ang tansong paso, sinuri niya, at inalog ngunit wala siyang narinig. Sa kaniyang palagay ay may mahalagang laman ito.
  • 3. Kinuha niya ang lanseta at binuksan ang paso. Ilang sandal niyang minasdan ang paso ngunit himala! Bigla siyang napaurong nang makita niyang lumabas ang napakakapal na aso na umabot hanggang sa ulap. Kumalat aso hanggang sa laot at pagkatapos ay unti-unting nabuo. Nagulumihanan ang mangingisda nang makita niyang ang aso ay naging higante. Ang sabi nito sa isang nakakagimbal na tinig, “Lumuhod ka sa harap ko at magmakaawa; kung hindi ay papatayin kita.” Kinilabutan ang mangingisda, ngunit naglakas -loob siyang magsalita: “Sa anong dahilan at ako’y papatayin mo? Hindi mo ba nalalamang ako ang nagpakawala sa iyo, at ako ang nagbigay ng Kalayaan mo?” “Nalalaman ko, ngunit hindi magiging sagabal iyon para sa sakin upang ikaw ay patawarin ko. Bibigyan kita ng isang kahilingan lamang.” “Ano ang kahilingang nais mo sa akin? Ang tanong ng mangingisda sa higante.
  • 4. “ikaw ang pamimiliin ko sa paraan ng iyong pagkamatay. Wala na akong magagawa para sa iyo, at upang maniwala ka sa saking sinasabi ay making ka sa aking kasaysayan.” “Ako ay isang espiritu na naghihimagsik laban sa diyos. Inutusan ako ng haring Solomon anak ni David na propeta, na kilalanin ko ang kaniyang kapangyarihan at sumunod sa mgA utos niya. Ngunit ako ay tumanggi at hindi ko siya sinunod. Bilang parusa ay isinilid ako sa pasong tansong ito at tinakpan ng tingga na may tatak ng pangalan ng diyos. Pagkatapos ay tinapon ako sa dagat” “sa unang dantaon ng aking pagkabilanggo ay isinumpa kong magliligtas sa akin ay hahandugan ko ng kayamanan. Sa ikalawang dantaon ay bibigyan ko ng mahahalagang hiyas. Sa ikatlong dantaon ay ipinangako kong ang humingi sa akin ng tatlong kahilingang nais niya. Ang tatlong dantaon ay nagdaan nang walang nakapagligtas sa akin. Dahil diyan, Sa malaking galit ko ay isinumpa kong sinumang magliligtas at magpalaya sa akin sa
  • 5. pagkabilango ay papatayin ko, at ang tanging maihahando kong kabutihan sa kaniya ay bigyan siya ng karapatang pumili ng sariling kamatayan. Sapagkat ikaw ang nagligtas sa akin, ngayon ay kailangang sabihin mo kung paano kita papatayin.” Ang mangingisda ay nahintakutan. Kinilabutan siya sa malaking takot hindi para sa kaniyang sarili kundi dahil sa maiiwan niyang mga anak at asawang siya lamang inaasahan sa buhay. Ang kaniyang samo,”Mahabag ka sa akin, alalahanin mong ako ang naging dahilan ng iyong kaligtasan. Alamin mong ako ay may apat na kaluluwang mauulila at maaring masawi.” “Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Ang lahat ng pangangatwiran mo ay walang halaga para sa akin. Dalian mo. Pumili ka ng gusto mong kamatayan. Hala, isipin mo ang lalong maligayang kamatayang hihilingin mo.”
  • 6. Ang mangingisda ay nag-isip. Nababatid niyang ang higante ay hindi mahahabag sa kaniya dahil sa marahas at matitigas na pangungusap nito. “Sapagkat wala na akong kaligtasan ay hindi na ako tututol sa aking kapalaran. Bago ko sabihin sa iyo ang paraan ng aking kamatayan ay hinihiling ko sa ngalan ng diyos, na sagutin mo lamang ang isang katanungan.” “itanong mo na kahit anong nais mo. Ngunit sandal lamang.” Ang tugon ng higante. “isinusumpa mo ba sa ngalan ng diyos na ikaw ay talagang galing sa pasong ito ay maliit at alam mong ang paa mo lamang ay hindi maaring magkasiya rito. Paanong nagkasya ang buo mong katawan? “Isinumpa ko sa iyo na ako ay talagang galing diyan sa paso. Hindi ka pa ba naniniwala sa aking sinasabi?” “Hindi,” Tugon ng mangingisda. “Hanggang hindi ko nakikitang ikaw ay galling diyan, hindi mo ako mapapaniwala.”
  • 7. “Kung gayon ay tignan mo”, ang sabi ng higante. Ang higante ay mulong nagpaaso at unti-unting pumasok sa paso hanggang sa tuluyang mawala. Ang ginawa ng mangingisda ay mabilis na tinakip ang tinga ng paso at ang sigaw: ”Higante, ngayon naman ay ikaw ang humingi ng patawad.” Itatapon kita muli sa dagat at ako ay magtatayo ng bahay sa baybaying ito ng kung ang bilangguan mong paso ay makukuha, itatapon ka muli sa dagat. Iyan ang dapat sa iyo, walang utang na loob!” Ang lahat ng pagsusumamo ay ginawa ng higante. Ang mga pangako niyang kayamanan ay hindi dininig ng mangingisda. “Ikaw ay napakataksil upang aking paniwalaan. Ang aking buhay ay walang halaga kung pababayan pa kitang makalayang muli,” Ang tugon ng mangingisda.
  • 8. Pagkawika nito ng mangingisda ay muling inihagis ang pasong tanso sa gitna ng dagat, sabay nagwika: “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakaraing sa patutunguhan.”