SlideShare a Scribd company logo
AKO ANG KRIMINAL Ni Batubalani
i
Marangal ang Hukom: Akong nasasakdal ay kusangloob pong ngayo’y
umaamin sa salang pagpatay …lamang, ang hiling ko,
bago patawan po ng kaparusahan, dinging sumandali ang huling hinaing ng
pusong sugatan; sa gagawing ito, di-tangka kong hingin ang kapatawaran,
ang tanging hangad ko, buong pangyayari – sa madla’y matanghal ...
ii
Totoo pong ako ang siyang pumugto sa buhay ng kasing buhay ng buhay
kong taong hilalagyo; dahil po sa kanya, hindi ko nilingon ang pilak at ginto ng
ama’t ina ko na tutol sa aming suyuang masamyo; ang kariwasaa’y tinalikuran
kong loob ay buo, aniko sa sinta:”Ang atang kutsilyo’y kaya kong itayo!”
iii
Linggo po ng gabi nang huling magniig
Kami ng giliw ko sa lumang kapilya ng Nayong Lawiswis; nagsumpaan kami
sa harap ng altar na marikit at nagsumping-pusong sa pagsasandugo’y
walang tatailis; mga saksi nami’y kurus at balaraw at mga bituing sa langit na
bughaw – dumilat-pumikit
iv
Kami’y nagkayaring walang ulik-loob- sa kinabukasan, akong kanyang giliw ay
pasasa-lunsod; doo’y tutuklasin ng ang palad ko ang ginhawa’t lugod na
handing ikait ng ma’t ina ko sa sintang alindog; tatlong buwan kaming sa
pangungulila’y kapwa magyuyukyok, kawikaan namin: “Sa likod ng dusa …
ligaya’y kasunod!”
v
Nang mag-umaga na’y halos alimpuyo ang abang damdaming ako’y
namaalam sa tanging irog ko; habang papalayo, hakbang na mabagal ay
naging patakbo sa masidhing nasang taluktok ng mithi ay agad maadyo; at
bilang habilin: “Pagtatatlong bilog na buwan,” aniko “muling magtatagpo sa
lumang kapilya ikaw … saka ako.”
vi
Ako, palibhasa’y may talinong angkin at nakasulit nang may dalawang taon sa
Serbisyo sibil, ilang araw lamang sa Kamaynilaan agad nagningning ang sa
aking palad ay nakaghit nang magandang bituin; gayunman, hanga kong ang
irog kong mahal ay aking sabikin, sukat pasabing – ‘May sorpresa ako sa
aking pagdating!”
vii
Dal’wang buwang sahod ang di ko ginasta at inilaan ko sa damit-pangkasal
ng hirang ko’t sinta; belo, ng singsing - inihanda ko na, sampu ng gugulin sa
kapilya, pari’t piging na masigla; nasambit ko tuloy: “Nagtakwil man kahit ang
ama ko’t ina, saringal ng aming gayak na kasalan, ngayo’y magtataka!”
viii
Pagkuwa’y sumpit ang gabing marilag na ikatlong bilog ng palabang buwang
singganda ng liyag; sa pasalubong ko’y di magkandadala kaya’t sa
paglulunsad, doon sa himpilan inilagak muna ang lahat at lahat; kapag karaka
na, sa lumang kapilya paa ko’y kumagkag …
“A walang pagsalang siya’y naroon nang puso’y pumipitig!”
x
Nang naw ko na ang kapilyang munti, ang pagnanasa kong marating na iyo’y
lalunang sumidhi; sa loob at labas, ang ilaw-dagitab waring nagbubunyi
nagulumihan ang taong pulutong; sa aking namasdan sa harap ng altar –
ako’y napauntol … puso ng sinta ko ay sa ibang puso nakikipagbuhol; dugo
ko’y sumulak, damdamin ko’y tinggang kagyat na nag-apoy at sa kanyang
dibdib, ang saksing balaraw … aking ibinaon!
xi
Sa nangyaring iyon ako’y naging imbi, silakbo ng poot sa pagkariwara’y di ko
naikubli; nagtiwala ako’t bahagya man yata’y di naguniguni na ang paglililo’y
nasa kagandahan - pangyayari’y saksi; ngunit magsisisi man sana pagsapit
ko ay wala na’t huli, libong kamataya’y matamis na bunga ng paghihiganti!
xii
Marangal na Hukom, ako na po’y handa na tumanggap ngayon ng parusang
hatol sa salang nagawa; ako ang criminal na siyang kumitil sa hirang kong
mutya ay iyon ay di ko pinagsisihan kahit na bahagya; may sampu mang
buhay ang palad kong api ay ikatutwa na aking ibuwis … mangalipol lamang
ang lilo’t kuhila!

More Related Content

More from Rosalie Orito

Aral ng langit
Aral ng langitAral ng langit
Aral ng langit
Rosalie Orito
 
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippinesComparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
Rosalie Orito
 
Natural farming system
Natural farming systemNatural farming system
Natural farming system
Rosalie Orito
 
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competenciesRpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rosalie Orito
 
88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word
Rosalie Orito
 
Demo for ed12
Demo for ed12Demo for ed12
Demo for ed12
Rosalie Orito
 
Isang punungkahoy
Isang punungkahoyIsang punungkahoy
Isang punungkahoy
Rosalie Orito
 
Orito
OritoOrito
Rose.1pdf
Rose.1pdfRose.1pdf
Rose.1pdf
Rosalie Orito
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
Rosalie Orito
 
Pamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosaliePamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosalie
Rosalie Orito
 
Pagdedebate format
Pagdedebate formatPagdedebate format
Pagdedebate format
Rosalie Orito
 
Obra.liwayway arceo
Obra.liwayway arceoObra.liwayway arceo
Obra.liwayway arceo
Rosalie Orito
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Rosalie Orito
 
A closer look
A closer lookA closer look
A closer look
Rosalie Orito
 
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
Rosalie Orito
 
Familycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson planFamilycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson plan
Rosalie Orito
 
Palaisipan
PalaisipanPalaisipan
Palaisipan
Rosalie Orito
 
Lihim sa kahapon
Lihim sa kahaponLihim sa kahapon
Lihim sa kahapon
Rosalie Orito
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
Rosalie Orito
 

More from Rosalie Orito (20)

Aral ng langit
Aral ng langitAral ng langit
Aral ng langit
 
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippinesComparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
 
Natural farming system
Natural farming systemNatural farming system
Natural farming system
 
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competenciesRpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
 
88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word
 
Demo for ed12
Demo for ed12Demo for ed12
Demo for ed12
 
Isang punungkahoy
Isang punungkahoyIsang punungkahoy
Isang punungkahoy
 
Orito
OritoOrito
Orito
 
Rose.1pdf
Rose.1pdfRose.1pdf
Rose.1pdf
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
 
Pamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosaliePamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosalie
 
Pagdedebate format
Pagdedebate formatPagdedebate format
Pagdedebate format
 
Obra.liwayway arceo
Obra.liwayway arceoObra.liwayway arceo
Obra.liwayway arceo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
A closer look
A closer lookA closer look
A closer look
 
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
 
Familycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson planFamilycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson plan
 
Palaisipan
PalaisipanPalaisipan
Palaisipan
 
Lihim sa kahapon
Lihim sa kahaponLihim sa kahapon
Lihim sa kahapon
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 

Ako ang kriminal ni batubalani

  • 1. AKO ANG KRIMINAL Ni Batubalani i Marangal ang Hukom: Akong nasasakdal ay kusangloob pong ngayo’y umaamin sa salang pagpatay …lamang, ang hiling ko, bago patawan po ng kaparusahan, dinging sumandali ang huling hinaing ng pusong sugatan; sa gagawing ito, di-tangka kong hingin ang kapatawaran, ang tanging hangad ko, buong pangyayari – sa madla’y matanghal ... ii Totoo pong ako ang siyang pumugto sa buhay ng kasing buhay ng buhay kong taong hilalagyo; dahil po sa kanya, hindi ko nilingon ang pilak at ginto ng ama’t ina ko na tutol sa aming suyuang masamyo; ang kariwasaa’y tinalikuran kong loob ay buo, aniko sa sinta:”Ang atang kutsilyo’y kaya kong itayo!” iii Linggo po ng gabi nang huling magniig Kami ng giliw ko sa lumang kapilya ng Nayong Lawiswis; nagsumpaan kami sa harap ng altar na marikit at nagsumping-pusong sa pagsasandugo’y walang tatailis; mga saksi nami’y kurus at balaraw at mga bituing sa langit na bughaw – dumilat-pumikit iv Kami’y nagkayaring walang ulik-loob- sa kinabukasan, akong kanyang giliw ay pasasa-lunsod; doo’y tutuklasin ng ang palad ko ang ginhawa’t lugod na handing ikait ng ma’t ina ko sa sintang alindog; tatlong buwan kaming sa pangungulila’y kapwa magyuyukyok, kawikaan namin: “Sa likod ng dusa … ligaya’y kasunod!” v Nang mag-umaga na’y halos alimpuyo ang abang damdaming ako’y namaalam sa tanging irog ko; habang papalayo, hakbang na mabagal ay naging patakbo sa masidhing nasang taluktok ng mithi ay agad maadyo; at bilang habilin: “Pagtatatlong bilog na buwan,” aniko “muling magtatagpo sa lumang kapilya ikaw … saka ako.” vi Ako, palibhasa’y may talinong angkin at nakasulit nang may dalawang taon sa Serbisyo sibil, ilang araw lamang sa Kamaynilaan agad nagningning ang sa aking palad ay nakaghit nang magandang bituin; gayunman, hanga kong ang
  • 2. irog kong mahal ay aking sabikin, sukat pasabing – ‘May sorpresa ako sa aking pagdating!” vii Dal’wang buwang sahod ang di ko ginasta at inilaan ko sa damit-pangkasal ng hirang ko’t sinta; belo, ng singsing - inihanda ko na, sampu ng gugulin sa kapilya, pari’t piging na masigla; nasambit ko tuloy: “Nagtakwil man kahit ang ama ko’t ina, saringal ng aming gayak na kasalan, ngayo’y magtataka!” viii Pagkuwa’y sumpit ang gabing marilag na ikatlong bilog ng palabang buwang singganda ng liyag; sa pasalubong ko’y di magkandadala kaya’t sa paglulunsad, doon sa himpilan inilagak muna ang lahat at lahat; kapag karaka na, sa lumang kapilya paa ko’y kumagkag … “A walang pagsalang siya’y naroon nang puso’y pumipitig!” x Nang naw ko na ang kapilyang munti, ang pagnanasa kong marating na iyo’y lalunang sumidhi; sa loob at labas, ang ilaw-dagitab waring nagbubunyi nagulumihan ang taong pulutong; sa aking namasdan sa harap ng altar – ako’y napauntol … puso ng sinta ko ay sa ibang puso nakikipagbuhol; dugo ko’y sumulak, damdamin ko’y tinggang kagyat na nag-apoy at sa kanyang dibdib, ang saksing balaraw … aking ibinaon! xi Sa nangyaring iyon ako’y naging imbi, silakbo ng poot sa pagkariwara’y di ko naikubli; nagtiwala ako’t bahagya man yata’y di naguniguni na ang paglililo’y nasa kagandahan - pangyayari’y saksi; ngunit magsisisi man sana pagsapit ko ay wala na’t huli, libong kamataya’y matamis na bunga ng paghihiganti! xii Marangal na Hukom, ako na po’y handa na tumanggap ngayon ng parusang hatol sa salang nagawa; ako ang criminal na siyang kumitil sa hirang kong mutya ay iyon ay di ko pinagsisihan kahit na bahagya; may sampu mang buhay ang palad kong api ay ikatutwa na aking ibuwis … mangalipol lamang ang lilo’t kuhila!