1. SOL 1 - LESSON 3
FOUNDATION
ANG TUNAY NA
PAGSISISI
2. KEY TEXT: Lucas 15:17-20
•17Nang mapag-isip-isip niya ang
kanyang ginawa, nasabi niya sa
sarili, 'Ang mga alila ng aking ama
ay may sapat na pagkain---at
lumalabis pa---samantalang ako'y
namamatay ng gutom dito!
v18Babalik ako sa kanya, at
sasabihin ko, "Ama, nagkasala po
ako sa Diyos at sa inyo.
3. v19Hindi na po ako karapat-dapat na
tawagin ninyong anak; ibilang na
lamang ninyo akong isa sa inyong
mga alila." ' v20At tumindig siya at
pumaroon sa kanyang ama. "Malayo
pa'y natanawan na siya ng ama at
ito'y labis na nahabag sa kanya,
kaya't patakbo siyang sinalubong,
niyakap, at hinagkan.
4. Larawan ng tunay na pagsisisi
1. Pag-ako’ sa pagkakamali
2. Sobrang lungkot dahil sa pagkukulang
3. Naghahangad na maibalik ang panahon
para maitama na ang lahat.
4. Humihingi ng ikalawang pagkakataon.
5. I. Ano ang pagsisisi
• Hindi ito isang damdamin kundi isang
desisyon na sinusundan ng napagpasyahang
kilos.
• Ang pagsisisi sa salitang Griego ay
pagbabago ng isip. Dapat baguhin ang isip,
pag-uugali at damdamin.
• Ang pagsisisi ay labis na pagkalungkot
dahil nadulutan mo ng sama ng Loob ang
Diyos.
6. II. Ang pagsisisi sa kuwento
ng alibughang anak.
A. ang attitude ng Anak (Lucas
15:17-20a)
1. Tumigil siya at pinag-sispan ang
kasalukuyang kalagayan. (Reflect)
2. binago niya ang kanyang pag-iisip
at nagpasyang humingi ng isa pang
pagkakataon
8. B. Ang saloobin ng ama (Lucas
15:20b-22)
1. Sa Malayo’y nakita na niya ang anak (Malayo
pa’y natanawan na siya ng ama”)
2. siya’y nahabag
3. patakbo niyang sinalubong ang kanyang anak.
4. meron siyang inihandang damit ng pagiging
matuwid
5. ibinalik niyang muli ang karapatan ng anak
6. Ipinagkatiwala niya sa anak ang pinakamalaking
ministry. (panyapak)
9. conclusion
Ang bawat isang nagnanasang
magkaroon ng relasyon sa Ama at ma-
enjoy ang kanyang blessing ay dapat na
makaranas ng tunay na pagsisisi at
maunawaan niya ang labis na dalamhati
dahil nabigyan niya ng sama ng loob
ang Diyos, at magkaroon ng isang tunay
na pagnanasa ng puso ng baguhin ang
direksyon ng buhay, pag-iisip at pag-
uugali.
12. KEY VERSE: Awit 147: 3
“Yaong mga pusong wasak ay
kanya ring lulunasan, Ang natamo
nilang sugat, agad-agad
tatapalan.”
13.
14.
15. Deut. 28:15-68
v53"Sa panahon ng pagkubkob sa
inyo ng inyong mga kaaway,
kakanin ninyo ang inyong mga
anak sa tindi ng inyong gutom.”
16. Gal.3:13
“Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa
ng Kautusan nang siya'y magdusa
na parang isang sinumpa. Sapagkat
nasasaad sa Kasulatan, "Sinumpa
ang bawat ibinitin sa
punongkahoy.”
17. I. Pagtatagumpay sa mga
problemang Emotional
Panaghoy 5:7
“Nagkasala ang aming mga magulang. At
ngayong wala na sila ay kami ang
nagdurusa.”
A.Pagpapahalaga sa sarili (self-
esteem) 2 Samuel 9:6-8
18. Pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) 2
Samuel 9:6-8
6 si Mefiboset. Nang maiharap siya kay
David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-
galang. "Ikaw ba si Mefiboset?" tanong ng
hari. "Ako nga po," tugon naman nito.
7Sinabi ni David, "Ipanatag mo ang iyong
loob. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko
para sa iyo alang-alang kay Jonatan. Ibabalik
ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong
si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag
para sa iyo."
19. v8Nagpatirapang muli si Mefiboset, at
ang wika, "Sino po ako para pag-
ukulan ng pansin? Ako'y isang hamak!“
Si David ay isang anyo ni Cristo
Si Mephibosheth ay kumakatawan sa
taong nagdadalamhati.
20. Inencourage niya syang huwag
matakot. v7
7Sinabi ni David, "Ipanatag mo ang
iyong loob. Gagawin ko ang lahat ng
magagawa ko para sa iyo alang-alang
kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang
lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul,
at laging nakahanda ang aking hapag
para sa iyo." 1 sam. 15:17,24
21. •Ang takot ay higit pa sa isang
damdamin, ito ay espiritu ng
demonyo na ang tanging
layunin ay pumatay,
magnakaw at magwasak
22. Juan 10:10
10Kaya lamang pupunta rito ang
magnanakaw ay upang magnakaw,
pumatay, at magwasak. Naparito ako
upang ang mga tupa'y magkaroon ng
buhay---isang buhay na ganap at
kasiya-siya.
23. Ang sabi ng Banal na kasulatan na
parurusahan niya ang lahat ng aayaw sa
kanya hanggang sa ika-apat sa salinlahi.
Exo. 20:5
v5Huwag kayong yuyukod o
maglilingkod sa alinman sa mga
diyus-diyusang iyan sapagkat akong
si Yahweh ay mapanibughuin.
Parurusahan ko ang lahat ng aayaw
sa akin pati ang kanilang mga anak
hanggang sa ikaapat na salinlahi.
24. 1 Juan 4: 18Walang kalakip na takot
ang tunay na pag-ibig sapagkat
pinapawi ng pag-ibig ang anumang
pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-
ibig ng sinumang natatakot, sapagkat
ang takot ay kaugnay ng parusa.
Jn.8:36Kapag kayo'y pinalaya ng Anak,
tunay nga kayong malaya. v
25. •Iniaalok niya ang kanyang
biyaya.
•“…. Gagawin ang lahat ng
magagawa ko para sa iyo, …
Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng
lupain ng iyong lolong si Saul,…“
2 Sam.9:7
26. •Ang biyaya ang walang bayad na
pabor ng Diyos para sa bawat isa sa
atin. Hindi ito gantimpla sa mabuti
nating ginawa.
•Ito ang nagdadala ng dignidad at
pag-angat ng buhay ng mga tao.
•Hinahatid rin nito ang bawat
pamilya sa buhay at pagpapala ng
Diyos.
27. Roma 5:8 “Ngunit ipinadama ng
Diyos ang kanyang pag-ibig sa
atin nang mamatay si Cristo para
sa atin noong tayo'y makasalanan
pa.”
Roma 8:31 “Ano pa ang
masasabi natin tungkol dito?
Kung ang Diyos ay panig sa atin,
sino ang laban sa atin?”
28. 2 Sam. 9:7
v.7b....Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng
lupain ng iyong lolong si Saul, at
laging nakahanda ang aking hapag
para sa iyo."
29. Joel 2:25-26
25Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo
nang kayo'y pinsalain ng katakut-takot na
balang. Ako ang nagpadala ng hukbong ito
laban sa inyo.
26Magkakaroon kayo ngayon ng saganang
pagkain at kayo'y mabubusog. Pupurihin
ninyo si Yahweh na inyong Diyos na gumawa
ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo.
Hindi na muli pang kukutyain ang aking
bayan.
30. 1 Cor.2:9
“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan,
"Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig
ng tainga, Hindi pa rin sumasagi sa isip
ng tao, Ang inihanda ng Diyos sa mga
umiibig sa kanya.”
2 Sam. 9:7at laging nakahanda ang
aking hapag para sa iyo."
31. Ano ang hapag ng Diyos
Ito yung pumapasok tayo sa intimacy sa
Diyos sapamamagitan ng pananalangin.
Sa kanyang hapag naririnig natin ang tinig
ng Diyos na nangungusap, puno ng mga
pangako na kayang kaya nating maabot,
atin na ang mga ito ay matatanggap natin
sa pagsasabi ng “amen
32. 2 Cor. 2:14
“Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya
tayong isinasama sa parada ng
tagumpay ni Cristo dahil sa ating
pakikipag-isa sa kanya.”
33. B. Ang anak ay palagi ring uuwi
sa ama
Lucas 15: 17-19
17Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa,
nasabi niya sa sarili, 'Ang mga alila ng aking ama ay
may sapat na pagkain---at lumalabis pa---
samantalang ako'y namamatay ng gutom dito!
v18Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama,
nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. v19Hindi na po
ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang
na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila." '
34. Ang ginawa ng alibughang anak
•Napagtanto niya: tumigil siya sa
kanyang paglayo at kinilala ang
kanyang kasalanan na kanyang ginawa.
•Nagpasya: Meron siyang lakas ng loob
na humingi ng isa pang pagkakataon.
•Nagsisi siya: hindi man lang niya
inasam yung pribelihiyong dati’y meron
siya kundi yung tanggapin lamang siya,
kahit bilang isang katulong
35. C. Tinanggap muli ng ama ang anak
Lucas 15:20-22
20At tumindig siya at pumaroon sa kanyang
ama. "Malayo pa'y natanawan na siya ng ama at
ito'y labis na nahabag sa kanya, kaya't patakbo
siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan.
v21Sinabi ng anak, 'Ama, nagkasala po ako sa
Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat
na tawagin ninyong anak.'
v22Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga
alila, 'Madali! Dalhin ninyo rito ang
pinakamahusay na damit at isuot sa kanya.
Suutan siya ng singsing at panyapak.
36. v23Kunin ang pinatabang guya
at patayin; kumain tayo at
magsaya!
v24Sapagkat namatay na ang
anak kong ito, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit
nasumpungan.' At sila'y
nagsaya.
37. v.21 -tinanggap ng ama ang pagsisisi
ng anak
v. 22- ibininalik ng ama ang mga
karapatan at prebilihiyo ng anak.
V. 23 -nagsagawa siya ng larawan ng
pagtubos. Ang pinatabang guya ay
anyo ni Jesus.
V. 24- namatay ang anak ngunit muling
nabuhay, mula sa pagkapahamak
tungko sa pagiging mabunga.
38. D. Ang pagpapanauli muli sa babae (Israel)
Isaias 54:1-17
v1"Ikaw ay umawit, O babaing baog,
Tinig mo'y itaas, O ikaw na hindi
nakararanas ng hirap sa
panganganak. Ang magiging supling
mo'y higit na marami kaysa may
asawa."
v2Gumawa ka ng mas malaking
tolda, habaan mo ang mga tali at
dagdagan ang tulos.
39. v3Ikaw ay kakalat sa buong daigdig,
mababalik sa iyo, Israel, ang lupaing
Nasakop ng ibang bansa; ang mga lunsod
na ngayon ay wasak, ay gagawing tirahan
ng maraming tao.
v4"Huwag kang matakot Pagkat hindi ka na
hahalayin uli ni aaglahiin pa,
Malilimot mo nang ikaw'y naging taksil na
asawa, pati malungkot na alalahanin ng
pagiging balo.
40. v5Sapagkat ang iyong naging
kasintaha'y ang may likha sa iyo, Siya
ang Maka-pangyarihang si Yahweh;
Ililigtas ka ng Diyos ng Israel, Siya ang
hari ng lahat ng bansa.
v6Israel, ang katulad mo ay babaing
bagong kasal, Iniwan ng asawa, batbat
ng kalungkutan. Ngunit tinawag kang
muli ni Yahweh Sa kanyang piling at
sinabi:
41. v7"Sandaling panahong kita'y
iniwanan ngunit dahil sa tapat kong
pag-ibig, muli kitang kukupkupin.
v8Sa tindi ng galit nilisan kita sandali,
ngunit habang panahon kong
ipadarama sa iyo ang tapat kong
pagmamahal." iyan ang sabi ni
Yahweh na nagligtas sa iyo.
42. v9"Nang panahon ni Noe, Ako ay
sumumpang di na mauulit na ang
mundong ito'y gunawin sa tubig. Gayon
din sa ngayon, Iiwasan ko nang sa iyo'y
magalit at hindi na kita parurusahan uli.
v10Maguguho ang mga bundok at ang
mga burol, ngunit ang pag-ibig ko'y
hindi maglalaho, at mananatili ang
kapayapaang aking pangako." iyan ang
sinasabi ng Diyos na si Yahweh, na
nagmamahal sa iyo.
43. Ang Bagong Jerusalem
v11Sinabi ni Yahweh, "O Jerusalem,
nagdurusang lunsod Na walang umaliw
sa kapighatian, Muling itatayo ang mga
pundasyon mo, Ang gagamitin ko'y
mamahaling bato.
v12Gagamiti'y rubi sa mga tore mo,
Batong maningning ang iyong pintuan,
At sa mga pader ay mga hiyas na
makinang.
44. v13Ako ang magtuturo sa iyong
mga anak. Sila'y magiging payapa
at buhay ay uunlad.
v14Patatatagin ka ng katarungan at
katuwiran, Magiging malayo sa
mananakop at sa takot.
v15Kung may lumusob sa iyo yao'y
di ko pahintulot ngunit mabibigo
ang sinumang sa iyo ay lumaban.
45. v16Ako ang lumikha ng mga panday, na
gumagawa ng mga sandata. at ang
gumagamit sa sandata'y Ako rin at walang
iba.
v17Ngunit mula ngayon, ay wala nang
sandatang gagamitin sa iyo, at masasagot
mo ang anumang ibintang sa iyo, ang mga
lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y
bibigyan ng pagtatagumpay." Ito ang sinabi
ni Yahweh.
46. how do you see
yourself?
What matters most is how
you see yourself.