1. Mga kasanayang Akademikong Pagbasa
• Puhunan ng tao sa pakikipagsapalaran ay ang kanyang talino.
• May mahalagang bahagi ang pagbabasa sa pagkahasa ng talino ng isang tao.
• May mga kasanayang kailangang linangin ang isang tao upang siya ay maging isang epektib na
mambabasa. Lalo na ang akademikong pagbasa.
…Mga ispesipik na kasanayan kailangang malinang
• Pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay na sa naunang liksyon.
• Pag-aralang mabuti kung paano malilinang ang bawat isa sa tulong ng bawat respektib na
gawaing pantulong.
Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye
1. Paksang pangungusap
- Sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya (Main Idea)
• -pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori.
• Batayan ng mga detalyeng ilalahang sa teksto at kadalasa’y makikita sa una at huling talata.
• Unahan – implayd/ ekspresd
• Huli – kongklusyon at nagbibigay diin sa pokus/sentro ng tema
2. Mga suportang detalye (Supporting details)
- Tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap.
• Pantulong/Suportang detalye
• Mahahalagang kaisipan o susing-salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap.Nililinaw ang
PP sa paglalahad ng iba pang mga detalye.
• Ang batay ng PP batay sa kung ano ang layunin ng teksto.
Hal.
At noon na-realize ni Lucas, tapos na siya kay Bessie. at tapos na rin siya sa kanyang mga kuwento.
Pag-uwi ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa ng mga iyon. Dahil hindi mo
puwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng
2. kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth
certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang
ibinigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara
na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa
zero, goodbye na.
-Para kay B ni Ricky Lee
At noon na-realize ni lucas, tapos na siya kay Bessie. at tapos na rin siya sa kanyang mga kuwento.
Pag-uwi ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa ng mga iyon. Dahil hindi mo
puwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng
kanyang mga paniniwala. kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth
certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang
ibinigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara
na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa
zero, goodbye na.
- Para kay B ni Ricky Lee